AKIN KAYA SI NIKOS!: CLICHE BUT NOT YOUR ORDINARY LOVE STORY OFFICIAL COVER
©2012 ALL RIGHTS RESERVED
Unless otherwise indicated, all materials on these pages are copyrighted by SUZETTE PAMPLONA CASTALONE. All rights reserved. No part of these pages, either text or image may be used for any purpose. Therefore, reproduction, modification, storage in a retrieval system or retransmission, in any form or by any means, electronic, mechanical strictly prohibited without prior written permission.
CONTACT THE AUTHOR HERE:
http://www.wattpad.com/user/pinkheartstrings
AKIN KAYA SI NIKOS!
Cliche But Not Your Ordinary Love Story
[author’s note: this is a FANFIC of Papa Tie’s Ambisyosang Kamoteh..... si Nikos lang naman ang kinuha kong character eh.. hehe.. anyways... dito sa story na to nireveal ko na yata ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao ko sa buong wattpad community... ^_^v dahil dito nyo malalaman ang buhay ko OFFLINE... ito ang buhay ko sa school at sa bahay.... dito nyo makikilala si pinkheartstrings bilang isang SCRIPT WRITER, STAGE PLAY DIRECTOR, ESTUDYANTE, AT HAGGARD... hehe]
Characters:
○Suzette @pinkheartstrings
○Nikos AK CHARACTER
○Zari @zariLovesYou
○Hazel @clazelinlove
○Cassie @somberDoll
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“Suzette!!!!! Lika dito daliiiii!!!!!!!”
Tinakpan ko yung tenga ko at lumapit sa kanila….
“wagas makatili hane???? Oh anong meron?? Isang minute lang ang meron ako kaya bilisan nyo…” sabay tingin sa DSLR na nakasabit sa batok ko.
“ay sige kaw na busy.. eh isasali ka lang naman namin dito sa laro namin.... eh kaya lang BUSY ka pala kaya sige na lang... wag na... haay...” may hinampong sabi ni Cassie sa akin habang itinutulak ako palayo sa kanila...
“to namang mga to.. tampo agad oh... sorry nah?? Eh alam nyo namang parating na daw kaya dapat attentive ako...”
Tinutukoy ko yung new exchange Student mula sa isang International School dito sa Pilipinas. Ewan ko ba kung bakit school pa namin ang napili na makipag-exchange eh public school kami tapos galing sya sa isang International school.. for sure baby ang mga estudyante dun... ano na lang mangyayari sa kanya dito??? Ilulublob sa irrigation??? Pagsasakahin sa palayan??? Patatalunin mula sa 3rd floor ng COB???? O paakyatin sa lahat ng puno ng akasya sa paligid???? Eh naku.. saka dagdag lang sya sa trabaho ko ah.. sabi ng moderator namin, kelangan ko daw sya sundan lagi para makahanap ng magandang scoop... hehe... baliw langs..
“eh kasi simple lang naman ang game eh.. pag may dumaang lalaki at lumingon sayo, meant to be kayo... yun lang... walang sense”
“sus!! Game yun???? Haha.. parang di naman ganun kahirap.. effortless.. wahaha...”
^boinx!!!
“aray!!!! Hala.. bakit mo ba ako binatukan ha??? Sama neto... huhu”
“eh yabang mo kasi!!!! Kami nga, isang oras ng nakatayo dito pero di pa rin nakakabingwit!!! Sige nga try mo nga!!!”- Zari
“eh ate naman.. hehe... kapagod na nga maghintay dito.. sige bigyan ka namin ng 1 minute tutal sabi mo 1 minute ka lang pede mag-stay dito...”
“hala?? Ganon?? 1 minute lang??”
sabay-sabay tumango sina Hazel, Zari at Cassie
“pano pag walang lumingon???”
“ahmm... ide-date mo yun!!!” itinuro ni Cassie si Kyle na nakaupo sa may monobloc malapit lang sa amin.
Well, gwapo din naman si Kyle kaya lang di ko sya type eh...
“eh pano kung manalo ako???”
“eh di ilalakad ka namin sa crush mo.. hahaha”
Kinurot ko si Zari sa pisngi at sinabing
“baliw... hahaha... sige 1 minute starts now....”
Hooloo.... bakit ba ako nakipagdeal sa mga loka-lokang to eh baka naman walang lumingon saken....
15 seconds have passed pero wala pa ring lumilingon... haaay
“Zette eto ang tip.... pag may dumaan, ibulong mo lang, pag lumingon ka, akin ka....”
Di ko na pinansin ang sinabi ni Cassie dahil nakita kong paparating na yung kotse na kanina pa namin inaabangan....di na ako umalis sa puwesto ko dahil dito rin naman pupunta yan mamaya....
Pagbaba ng sasakyan... huwaw... ang gwapo ni kuya!!!!!
[shutter sound]
LUMINGON SYA SA AKIN!!!!!!
**
“Hoy patingin ng picture dali!!!!”
Iniabot ko sa kanila yung Cherry Pad ko at pinakita yung mga picture ng new student.
“yays!!! So gwapo!!! Hihi... tingnan nyo bagay kami dito oh!!! henebeyen!!! Baka di na ako makapag-aral ng maayos kung magiging kaklase natin sya!!!! Hay naku...”-Zari
“bangag mas bagay kami... tignan nyo naman yung ngiti nya sakin nung sabitan ko sya ng samapaguita!! Sayang lang kasi di natin yan magiging kaklase kasi dun yan sa CIT..... heller.. educ tayo mga pare.. haaay....”-Cassie
“mga ate, Relax!!! Sabi nga kung ayaw madaming dahilan... kung gusto, KAHIT PA MAGKASUGURAN!!”-Hazel
“sus... masyado yang gwapo para dito.. pabalikin na lang natin sa kanila yan... baka di na ako magkaron ng normal na buhay dahil sa kanya ahh...”
Lahat sila napatingin sa akin.
“yieeeeeh!!!! Grabe lumelevel up ka Zette!!! Haha.... ay oo nga pala mga pare... nanalo sya sa game.. at si NIKOS pa yung lumingon sa kanya!!!”
“wala!! Madaya yan!!! Syempre nilingon sya kasi nagulat sa flash ng camera!!!!”
“ay oo nga noh..”
“naku mga pare, ireschedule na lang natin yang deal na yan!!!! Madami pa akong gagawin oh.... resolutions, paperworks... saka mag--”
Di pa ako tapos nung may narinig kami
“CALLING FOR MISS SUZETTE CASTALONE OF BSE III-B, KINDLY PROCEED TO THE DEAN’S OFFICE IMMEDIATELY.... AGAIN, CALLING MISS SUZETTE CASTALONE”
“takbo!!! Dalian mo!!! Mayayari ka ng dean pag di ka nagmadali...”
“oh sige na.. to na nga pero akin na muna yang tablet ko!!! Mamaya nyo na ibluetooth yung picture ni NIKOS!!!”
“sus.. damot.. hayy.. to na nga oh...”
“ay Hazel, to ang susi, baka di ako agad makabalik ehh.. lock mo ha??? Yung--- ”
“yung mga saksakan icheck... yung computer ishutdown ng maayos.. yung mga bintana isara..... memorize ko na yan TEH!!! Haha.. sige na!! Alis!! Choooo!!!”
“ahehe.. sige babay!!! Kita tayo maya sa room...”
**
“haaay!!! Anu ba yan!!!! Bakit ako pa!!!! Kainis naman oh.. kung pede ba kita ibulsa eh ibinulsa na kita!! Naku.. panira ka ng schedule ko kuya....”
Aish.. ang reklamador ko lang noh???? Kayamot naman ih... dagdag trabaho pa to...
“Miss, why are you ranting???”
“CHE!! Di porke gwapo ka, ok lang na istorbohin mo ako noh!!! Di mo ba alam masyado akong busy sa buhay ko...”
Kahit yata sabihan ng masasakit na salita tong lalaking to di ako maiintindihan.. di yata marunong magtagalog???”
“GWAPO ako????”
Hala????? Nagtatagalog????
“iiiiiiihhh!!!!! Sabi ko KWAGO!!!!” sa sobrang inis ko, humagis yung hawak kong mga papeles.
“yaaaah!!! Nakakaloka na ha!!! Di ako naniniwala sa malas pero bakit ba ako minamalas????” pero sya na ang pumulot ng mga papel na nalaglag este iwinaras..... gentleman si kuya ha??? Kakatouch tuloy... owmaygash... kinikilig ako..
“Suzette right???”
“tama.. saka magtagalog ka nga.. baka maging anemic ako sa kakaenglish mo...”
“but you’re an english major student di ba????”
“kahit english major ako eh di naman ako KANO!!! ay kainis to... haay.. ewan ko sayo!! Sa dinami-dami ng estudyante dito sa URS bakit ako pa??? Di ba nila nakikita na busy ako???? May thesis ako tapos madaming paperworks.... haaay....”
Bigla na lang ako nagulat sa ginawa nya... NIYAKAP nya ako...
“b-bitaw.... h-huy N-Nikos....”
“eh kasi di ka tumitigil ehh.... sorry na.. I didn’t mean to disturb your life..... 1 month lang naman to ehh... I promise di ka mahihirapan saken...”
**
Chapter 2 na ng thesis ko... grabe lungs sa pagod at puyat ang inaabot ko araw-araw tapos may NIKOS GWAPO pa na dapat bantayan.. bakit ko nga ba siya lagi sinasamahan??? Para daw di sya maligaw sa campus.. pasosyal eh kaliit lang laman ng campus... napaliligiran lang ng mga palayan kaya malaki noh... alangan magsaka nga sya dun kaya maliligaw??? Saka daw baka pag-initan ng mga ibang estudyante.. eh bakit ako pa??? Kung kelangan nya ng bodyguard eh dapat kumuha sila nung expert.. eh sa liit kong to baka ako pa ang unang mamatay pag may nakaaway sya...
Ang masaklap pa, sabay kami pumasok at umuwi kaya naman kahit alas-diyes pa ang pasok ko eh napipilitan ako gumising ng mas maaga para masabayan sya.. at kung maaga naman ang uwian ko, napipilitan akong maghintay sa kanya... hay buhay... di ko na tuloy makasabay pag-uwi sina Zari, Cassie at Hazel...
At dagdag pa yung tatlong yun!!!! Todo support pag wala si NIKOS pero pag kaharap si NIKOS eh todo ang paninira sa akin.. kesyo mainitin daw ang ulo ko saka makulit... tapos sila naman ang nagpapacharming kay NIKOS....
“Zette, samahan mo naman ako mamaya oh... may bibilhin lang ako sa Savemore...”
“eh??? Thursday kaya ngayon.. bawal kami pumunta dun”
“h-ha?? Bakit naman???”
Kumakain kami ngayon sa canteen ng lunch... OO pati pagkain sabay kami!!! Buti na lang di kami pareho ng meal...
Muntik na ako masamid dahil sa tanong nya.... kumuha naman sya agad ng tubig at iniabot sa akin.
“gusto mo talaga malaman???”
“yup... eh kasi nakapagtataka lang.. bakit bawal kayo dun pag huwebes?? Do you have enemies there??”
“patawa ka rin pala noh?? Haha.. syempre wala... gawa lang nito...” Itinuro ko yung T-shirt ko na COLLEGE SHIRT namin.. every Thursday kasi ay washday kaya naka-College Shirt lang kami...
“anong meron sa t-shirt???”
“hehe.. malalaman mo rin... sige samahan kita mamaya pero daan muna tayo sa bahay para makapagpalit ako ng damit...”
“ok...”
“eh ano bang bibilhin mo dun?? Baka meron naman sa palengke... dun na lang natin bilhin...”
“secret.. basta di pwede sa palengke.. mabaho dun saka marumi.. saka na rin maraming masasamang tao..”
“sus.. arte nito... oo na po mahal na hari.. may magagawa pa ba ako??”
**
“kita mo yun???”
Itinuro ko kay Nikos yung mga maintenance ng savemore...
“oo naman.. pero di ba-”
“oo, kakulay kasi yun ng College Shirt namin.... minsan nga nung nagpunta dito si Kuya Edison eh hinanapan sya ng MOP!!!”
“haha.. so funny.. but why just don’t you change your shirt color??”
“di yun ganun kadali noh.. URS has 10 campuses at pag nagpalit ang isang campus ng uniform, magpapalit din ang lahat... hay.. kaya ayun, sakripisyo na lang muna kami...”
Umorder kami ng Ice Cream sa Ice Cream house at pagkatapos ay naglaro kami sa FUNHOUSE... iniwan nya ako dun saglit para bilhin yung bibilhin nya... pumayag naman ako kasi ayoko pumasok sa PANDAYAN BOOKSHOP
“Zette???” napalingon ako dun sa tumawag ng pangalan ko
“oy Xian!!!! Hehe... bhezt!! Musta na!! Long time no see ah!!!”
“ok lang naman.. sinong kasama mo rito??”
“hay nako bhezt.. kasama ko yung exchange student ng school.. ako ang P.A nya... as in personal alalay...”
“di bale bhezt.. kaw naman ang Pinakamagandang Alalay!!! Hahaha”
“baliw!!!! Eh ikaw anong ginagawa mo rito???”
“wala lang.. naglilibot lang... sayang may kasama ka pala eh.. aayain sana kita na kumain sa Jabee.. hehe.. pero next time na lang...”
Sayang naman oh.. hay namiss ko pa naman si Xian ng bongga kasi matagal na kaming di nagkita tapos di naman ako pwede umalis kasama nya kasi kasama ko si Nikos.
Naramdaman kong may humawak sa braso ko...
“Uy Nikos, dyan ka na pala.. ahm Nikos, si Xian, bestfriend ko... Xian si Nikos...”
Nagkamay yung dalawa pero napansin kong nakasimangot si Nikos... anyare dun?? Di yata nabili ang gusto niya
“uwi na tayo zette...”
“h-ha?? Ah eh.... teka”
Di pa ako tapos pero hinatak na ako ni Nikos palabas...
“bhezt!!! Una na kami ha??? Text na lang tayo mamaya!!!”
Pagkasakay namin ng kotse nya [oh di ba ang sosyal ko na simula nung maging Pinakamagandang Alalay ako?? Hehe] bigla nagring ang phone ko... Cassie Calling
“Oy Cassie!!! Anong meron???”
“hey girl.. need daw natin ng script.. urgent daw ito... bale next week na ang play...”
“h-ha?? Anong play???”
“ewan ko.. gawa ka daw ng script... mga 40 scenes lang....” maygash!! Nila-LANG ang 40 scenes???!!!
“e-eh??? Kelan kelangan?? Saka anong genre ng story?”
“bukas yan kelangan... romance daw!! Eh bahala ka na sis!! Kaya mo yan!!! Hehe.. sorry girl ha??? Utos lang ehh... sige bye!!!”
[end call]
Time check: 3:48pm na ..... hindi na yata ako matutulog nito sa pagsusulat ng script.. ewan bahala na lang
“haaay!!!! Buhaaaay parang life!!!!! Ayaku na!!!!”
“problem??? Baka makatulong ako???”
“sus.. ano namang alam mo sa pagsusulat ng script??? Eh di ka pa nga magaling magtagalog noh.. baka taglish play ang magawa pag tumulong ka... haha...”
“YABANG neto!!! Of course I can contribute naman!!! Kahit plot at storyboard lang.... oh kaya kahit encoding lang... di ba????”
Umiling ako...
“tatawagan ko na lang si Xian... writer din yun ehh.. malaki maitutulong nun saken...”
Nung kukuhanin ko na yung phone ko eh bigla sya nagpreno ng malakas at dahil dun nalaglag yung phone ko sa carpet ng car.... maygash!! Malakas yung pagkakabagsak!! Nakalas sa tatlo yung phone ko... huhu....
“hey!! Ano ba!! Bakit ka ba nagpreno!! Nakakainis ka naman ehh!! Ayan tuloy nalaglag oh!! Pano na!!!”
Itinakip ko na nalang yung palad ko sa mukha ko at umiyak... wala eh.. sira na talaga kasi ayaw na magbukas ng phone...
“s-sorry...”
“bakit may magagawa pa ba ang sorry mo ha???”
“sorry na kasi... look at me Zette....” tapos inalis nya yung mga kamay ko sa mukha ko... pagkaalis ng mga kamay ko, napatingin ako sa kalsada... OWMAYGASH!!!! May aksidente sa harapan namin!!!!
“i-ikaw ba???”
“of course not... nakapagpreno pa naman ako ehh.. kaya di tayo nadamay... yung nasa unahang sasakyan ang nakabunggo... kung di ako nakapagpreno b-baka.... baka tayo din naaksidente”
**
Time Check 12:51 am....... nasa scene 23 pa lang ako.... dito nga pala ako matutulog kina NIKOS kasi kanina tinulungan nya ako sa paggawa ng storyboard... well... magaling pala sya mag-isip ng kwento ha??? Haha.. nadaig nya pa ako kasi namental block na talaga ko dahil sa nangyari kanina.... bakit ba kasi ang ingay ingay ko??? Di ko mapigil ang pagsasalita.. minsan tuloy nakakahiya na kay Nikos kasi kahit di nya na ako naiintindihan eh diretso pa rin ako sa pagsasalita..
Pero sa patuloy na paglalim ng gabi eh hinihila ako ng antok dahil na rin sa maghapong pagod sa school...
**
You say goodmorning when it’s midnight
Going out of my head alone in this bed
I wake up to your sunset
And it’s drivin me mad
I miss you so bad
And my heart heart heart is so jetlagged
Heart heart heart is so jetlagged
Heart heart heart is so jetlagged
So jetlagged
Nagising ako sa ingay ng alarm sa phone..... pero teka... di ko yun phone ah.. di ba nga nasira na kahapon??
Pero pagtingin ko sa gilid ng kama eh may nakita akong bagong phone... at yun ang tumutunog.... may kasama pang note...
“sorry di ko na maibabalik yung isa ehh... kaya pinalitan ko na lang ng bago...”
Laking ngiti naman ako.. hehe.. di dahil sa bagong cellphone... kundi dahil parang kinikilig ako... sa totoo lang eh tuwing kasama ko sya, nakakaramdam ako ng kakaibang saya kasi siya lang ang lalaking nagtiyaga sa kasungitan ko at kayang sabayan ang busy schedule ko.... speaking of BUSY SCHEDULE!!!! Hala!! Yung script!!!!!!!!!!
Pagtingin ko sa laptop, nakapatay na.... nung buksan ko, di na narecover yung document!!! Sigurado akong di ko pa yun nai-sesave.... LAGOT!!!
Dali-dali akong naligo... (may dala po akong damit dito.. hehe...)
Pagbaba ko sa dining, andun si Nikos at nakangiti ng maluwag samantalang ako eh nakasimangot ng wagas...
“hey, why are you pouting???”
“ah... nevermind.... it’s not your problem anymore...”
“oh.... ok.. by the way, eat your breakfast na.... we’ll be late pag di ka nagmadali...”
“para ngang ayoko pumasok ehh...”
“but why??? May tinatakasan ka ba???”
“wala naman.. pero kasi... ah basta”
“zettai daijobu da yo.....”
“ehh???? Hapon ka na Nikos???? Kelan ka pa natuto???”
“haha... loko... nabasa ko lang yan... yan ang favorite quaotation mo di ba???”
“oo naman... yan kasi ang invisible spell ni Cardcaptor Sakura...”
“and it means, everything will surely be alright”
**
Nasa hotseat ako ngayon... lahat ng kaklase ko eh nakatingin sa akin pagpasok ko... nung maupo naman ako eh nakatingin pa rin silang lahat....
“zette, SCRIPT???”
Namumutla na yata ako... hay
“a-ahm.. kasi Dianne...” si Dianne ang Class President namin
“asan na???? Kelangan na namin ireview... labas mo na laptop mo” sus.. parang holdaper lang kung makapag-utos... ^__^
“ahmm... ang totoo kasi nyan yung s---”
“ZETTE HERE’S THE SCRIPT!!! NAIWAN MO SA BAHAY.....”
Bumungad si Nikos sa pintuan ng room namin kaya NGANGA lahat ng kaklase ko.... nevermind.. may gwapo ehh
Ha??? Anong script??? Eh di ko naman naiwan yung laptop ko?? Saka di pa naman tapos yun ehh.. PAKTAY ako niyan Nikos.... hahay
“ahm, miss naiwan nya kasi sa bahay.. here is the script.. printed na po yan ng 2 copies.... naproofread na din so wala na pong aayusin pa dyan....”
Napatango na lang si Dianne habang nakatulala pa rin kay Nikos...
“sige zette, I gotta go... see you later...”
**
“ok Scene 7 tayo.. characters stand by sa backstage.... we’ll be starting na.... Scene 7 action!!!!”
“Khay...... wag mo naman ako iwan oh... please??? Ikaw na lang ang kaibigan ko... pano na ako???”
“pero Sena... di kita pwede isama... babalik ako Sena.. pangako yan basta hintayin mo lang ako dito sa lugar na to.. after 10 years magkikita pa naman tayo ehh.... pagbalik natin, bubuksan natin pareho tong box... HINTAYIN mo lang ako Sena....”
“ok CUT!!!! Pack-up na tayo guys!!!! Bukas ulit ang practice... GOOD JOB everyone!!! Babay!!”
Nanonood si Nikos ng practice namin everyday kaya mas lalong inspired ang mga kababaihan na magperform ng maayos.. kung itatanong nyo kung ano ang nangyari talaga sa script, ipinaliwanag nya naman yun...
Nakita nya daw na nakatulugan ko na ang pag-eencode kaya tinawagan nya si Astrudo na classmate nya dati para hilingin na tapusin yung script.. bago pa ako magising eh pinadala nya na yun sa printing shop at pagkatapos nya ako ihatid sa school eh binalikan nya na lang.... ayun daw talaga ang nangyari.... at tuwing naaalala ko yun eh di ko maiwasan makaramdam ng kakaibang feeling....
I KNOW I’M FALLING
“Nikos, pwede bang daan muna tayo sa office??? Ahmm.. may gagawin lang ako sandali..”
“but you look so tired na... paos ka na rin.. kaya mo pa ba??”
“of course!! Ako pa!!! Ikaw?? Baka may gagawin ka pa??? Ok lang kahit wag mo na ako hintayin.... gagawa kasi ako ng resolution ehh...”
“ahmmm.. ok lang.... sasamahan na kita...”
Medyo natagalan ako sa paggawa ng resolution.. di ako magaling sa math kaya hirap ako magkwenta.. naku, bwisit na math yan, isinusumpa ko nakaimbento ng math.. huhulog ko sya sa balon na pinagtataguan ni SADAKO!!! Umalis muna sya para bumili ng snack sa labas ng school.
Pero 1 hour na ang nakalipas di pa rin sya nakakabalik ehh....
Tinawagan ko sya sa phone nya pero walang sumasagot..... hanggang sa naramdaman ko na lang na sobrang inaantok ako...
Nagising na lang ako pero wala pa rin si Nikos sa office....
Paglabas ko, nakita ko syang nakasandal sa kotse nya.... kasama ang isang babae....
And they..... kiss
**
Araw na ng play....
Ang totoo nyan, minsan napapagod lang tayo maghintay...
At minsan, hindi lang tayo nagtitiwala na makakabalik pa ito kaya tumitigil na tayo sa paghihintay...
Pero kahit gaano man katagal bago ito makabalik
Kung ang isang bagay ay talagang para sayo, mawala o umalis man ito, makakabalik pa rin ito sayo....
[huling pagbukas ng mga kurtina]
ang mga nagsiganap!!!
Vicky as Sena
Dylan as Khay
Lian as Megumi
Gwen as Natalia
Jiggy as Yuri
At sa panulat at direksyon ni Binibining Suzette Castalone
[clapping of hands]
Isang tao lang ang hinahanap ng puso ko sa ngayon... si Nikos... simula nung iwan nya ako sa office eh di ko siya kinakausap.... dalawang araw na ang nakakalipas simula noon... hinahanap na din sya ng mga kaklase ko saken.... kesyo wala daw sila inspirasyon.. aysus.. kung nakita lang nila yung nakita ko... haaaay
Pero kahit paano ay pasalamat pa din ako sa kanya
Tong stage play ay naging posible dahil sa kanya.... at ang tagumpay nito, ay para sa kanya....
**
“ayaw mo nun?? Wala ka ng binabantayan???”
“che!!!.. pero ang pinagtataka ko lang eh bat di siya hinahanap sa akin?? Dati-rati pag di ko sya kasabay eh hinahanap sya agad.. pero ngayon di na sya hinahanap”
“sira!!! Wag ka nga mag-isip ng ganyan!! Mabuti pa, maglaro na lang ulit tayo...”-Zari
“pero nakakalungkot noh???? Wala si Nikos, nananamlay tuloy tayo.... haaaay”-Cassie
“hay nako mga ate, magmove on tayo? Hihi.. laro na nga lang ulit tayo.... di ba sabi natin nung nakaraan uulitin natin yung kay ate Suzette???”~Hazel
“oh sige Kaw una Suzette!!!”~Cassie
Hay nako.. eto na naman po sila sa mga kalokohan nila... pero wag kayo mag-alala kasi di lang naman kami ang gumagawa nito ehh... halos lahat ng taong baliw sa school na to ay ginagawa tong larong to....
“oh sige na nga!!!!! Eh kasi naman, di nyo lang matanggap na si Nikos ang lumingon.. kayo talaga, di nyo matanggap ang pagkatalo nyo!!! Bleeeeh!!!!”
“CHE!!!! Magstart na nga tayo!!! Game!!!”
Lahat kami ay sa iisang direksyon nakatingin... dun sa pintuan ng classroom namin...
FOOTSTEPS
“hayan nah!!! Ssshhhh!!!”
“zette....”
**
Meant to be daw talaga kami... tsss
**
Days went so fast.... we’re now here sa Pililla Park eating Chicken Mami.. part pa din kasi ng pagsama ko sa kanya ang pagiging tour guide around Pililla....
“masarap ba???”
“ahm... oo sobra!! FIRST time ko kumain nito... hehe.. siguradong mamimiss ko to!!!!”
Mamimiss??? Ay oo nga pala, malapit na sya umalis.... 1 week na lang ang natitira sa 1 month nyang pagstay dito sa school namin... eh ako kaya???? Mamimiss nya???
“huy bakit yata natahimik ka ha???”
“ah... wala to.. iniisip ko lang na---”
“iniisip mo ko noh??? Haha...”
“adik mo.. haha.. nahahawa ka na saken.. nung unang dumating ka dito napakaseryoso mo sa buhay...”
“syempre, kailangan yun di ba?? As part of SCDU, I should have the authoritarian image”
“pwes sa pagbalik mo, baliw ka na ring gaya ko!!!! Hahaha”
Kinurot nya yung ilong ko...
“mamimiss mo ba ako???”
^lubdub... lubdub.... my heart beats so fast that I can’t even utter any single word...
“huy zette!!!”
“adik!!! Syempre naman.... di kita mamimiss kasi sa wakas wala na akong sasamahan araw-araw noh!!! Bleeh!!!”
He pouted.. HANGKYUT!!!!
“tss... di mo ko mamimiss??? Talaga???”
“di nga.. pero mamimiss kita pag pakiramdam ko haggard na ko noh... kasi wala ng manggugulo at magchi-cheer saken... wala ng iistorbo sa official meeting namin sa office.... wala ng---”
Tapos niyakap nya lang ako.... and my tears want to fall.... sana di ka na lang aalis.. sana dito ka na lang lagi... kahit pa istorbohin mo ako lagi.. kahit pa olayin mo ang grammar ng thesis ko... at kahit pa turuan kita araw-araw ng tagalog words.... gagawin ko yun araw-araw basta wag ka lang umalis...
“shh... mamimiss kaya kita... kasi wala ng makulit... wala ng isip bata... wala ng pipilit saken kumain ng isaw... wala na kong hahabulin at hahanapin... WALA NA...”
**
NIKOS’ 30th and last DAY
We’ve decided to meet sa Overlooking ng Bugarin mamayang 5pm.... maganda kasi ang view ng sunset dun at kita ang buong laguna de bay....
Pasakay na ko ng tricycle when our moderator called me
“Suzette, where are you????”
“sa bahay po Ma’am.. pasakay na ng tricycle...”
“good... bilisan mo.. you gotta go sa URS Morong para umattend ng Emergency Meeting....”
“ha—ah eh”
[end call]
“san ka Miss?”
“kuya, sa TANAY po.....”
1 message received
FR: Mam Juliet
[daanan mo muna yung DSLR sa bahay namin..]
Buong byahe ay magkatext lang kami ni Mam dahil binigay nya saken ang mga instructions.... pagdating ko ng URSM ay hinanap ko agad yung building....
^meeting meeting meeting
Pagkalabas ko eh agad kong tiningnan kung anong oras na
7pm....
MAYGASH!!!!!!!!!!! Si NIKOS!!!!!!
I hurriedly ride a jeep pabalik ng Pililla... actually Morong is far from Pililla... From Morong, dadaan ka pa ng Baras at Tanay bago Pililla at medyo malayo pa ang Bugarin... siguro aabutin din ng less than 1 hour ang byahe....
Tapos LOWBAT pa ang cellphone ko!!!!!!
Gusto ko na lang maiyak habang nasa byahe... hinihintay nya ba ako???
Di ko na maramdaman ang pagkulo ng tiyan ko na kanina ko pa nararamdaman.... ang tanging nasa isip ko na lang ay mapuntahan si Nikos sa Bugarin....
HAAAAY!!! Bakit ko ba nakalimutan itext sya kanina!!!
**
I was catching my breath dahil tinakbo ko pa yung mula Manggahan paakyat sa overlooking dahil nasiraan pa yung jeep kanina...
Close na lahat ng establishments...
Wala ng tao...
Of course, nanlulumo ako... wala ng chance pa na magkita kami coz today is his last day dito sa Pililla... then hindi ko pa sya nakita... di pa ako nakapagpaalam...
“Huk-Nikos, bat di mo ako hinintay??? Dadating naman ako ehh-huk.... saka sasabihin ko naman sayo na gusto kita eh.... bakit umalis ka agad???”
Somebody hugged me from the back.... O___O sisikuhin ko na sana kung hindi sya nagsalita
“kaya mo bang magmahal ng taaong mawawala rin sayo??”
“ha???...” tapos kumarap ako sa kanya “BAKIT DI KA PA UMAALIS???”
“kasi, yung babaeng MAHAL ko na kanina ko pa hinihintay, NGAYON LANG DUMATING”
~~~~~
Don’t let yourself be SAD when you know you can be HAPPY
Don’t CRY when you know how to SMILE
It’s not easy to accept the things that hurt you the most but always remember
Don’t make your heart BITTER when you know you can make things BETTER
~~~
For now, Nikos and I were engaged....
Kung tatanungin nyo kung anong nangyari after that day, bumalik pa din naman sya sa School nila pero he visits me pag di sya busy....
After ng graduation namin, he proposed sa overlooking.. hehe.. ang sweet lang ehh..... lahat ng nakiusyoso may free BUKO juice na naging favorite nya nung naging estudyante sya sa school namin...
Waiting??? Andrama ko lang ehh.. pero ayun, sabi nga, waiting is so boring.... minsan parang ayaw mo na maghintay.... pero dahil mahal mo yung tao, naghihintay ka pa rin.... at sa bandang huli, sulit ang paghihintay mo kasi may magandang resulta naman yun...
[author’s note]
Ilang araw bago ko to natapos.. hehe....
Sa aking WATTPAD family... maraming maraming salamat po sa pakikipagbaliwan saken....
Sa aking mga kapatid na sina Zari at Cassie na nakikipag-agawan kay Nikos... wehehe.. peace tayo mga sis ^___^
Baby Hazel!!!! Sinali din kita dito para kumpleto ang mga ungga
Mama!!! Hihi komosta po ikaw????
At
Papa Tie na syang author ng AK... hihi.... mamats po sa pagpayag na gawan ko ng FANFIC na sobrang layo ng story sa AK... ayoko kasi po magtransfer ng school.. wahaha.... but that was my first plan para dito...
So this ends here but I know, NIKOS stays here forever...
~~~
©June 2012 by pinkheartstrings