I don't want to wait........ if you're not coming....
I don't want to dream..... if it won't be real....
I don't want to fall for you... coz I'm afraid that you won't fall for me too.......
yeah.. I've been waiting... waiting for you to see me... waiting for you to reply on me... waiting for you to be online so that you'll see that I exist.....
I've been waiting for 5 consecutive years... yet, I feel tired to continue.... but I keep on waiting even I suffered too much.....
I've been dreaming for so long... and this long dream
is
MY SWEET NIGHTMARE
My Sweet Nightmare
CHARACTERS:
Keyla Sharey Ramirez - 17
Anthony Gabrielle Lozano - 20
Mikaela Dawn Fontes - 18
Irene Zyan Lozano - 20
Brionne Rodriguez - 20
Lance Kirby Lozano - 13
Jean Lyka Ramirez - 32
Dane Hyacinth Torino - - 18
Dwayne Gio Joaquin - 18
Prologue
“crush is paghanga, minsan lumalala” oo, alam ko, memorize ko nga eh di ba??? Uso yan dati!!! Oo, noong elementary pa ako... remember pag yung crush mo dumaan??? Yung mga kaklase mo babatukan ka, o kaya naman minsan sasabihin dun sa dumaan, “hoy kuya! Crush ka daw nito!!!!” pero mas malala kasi pati mga high school students gumagawa na rin yan... parang bata lang.... hihi....
Seryoso..... pero para ka na ring binabangunot pag ganun nag sitwaston, o kaya naman ay hihilingin mo na lang na bumuka ang lupa...
Hay nako... isipin mo na nga lang ito
Matatawag mo bang crush pag limang taon mo ng gusto ang isang taong hindi ka naman pinapansin???
iyak ka na lang ..
iyak na lang ako ..
iyak na lang tayo....
di naman tayo pinansin eh...
Si Keyla.... isang second year college na 5 years ng may crush kay Gab... at hanggang ngayon, hindi nya pa rin maamin...
Hindi nya lang alam, bistado na sya.. at ang torpeng si Gab, hindi rin masabi ang nararamdaman nya...
Ah ewan... basta ang arte nilang dalawa... masyadong pakipot eh gusto rin naman nila... hahaizt
SI BABAE MAARTE, SI LALAKI TORPE!!!
What if magtapat ang isa sa kanila???
Pero what if walang magtapat???
Eh di NGANGA?!!!!!!!!!!!
Hahaha... ewan.... basta magulo yang dalawang yan...
Kasi sabi nga, “hindi lahat ng unang tibok ng puso ay matatawag mong pag-ibig”
At baka naman kasi crush lang…
Nahihirapan sila alamin kung love nga o crush lang...
My Sweet Nightmare - Chapter 1 (My First Sweet Nightmare)
Keyla’s POV
Pababa na ako mula sa second floor... namiss ko din ang lugar na to.. akala ko hindi na ulit ako makakabalik after long years... naalala ko lahat ng memories.... dito sa 2nd floor kung saan lagi kami nakaupo pag naghihintay ng shifting... dito din namin nilalagay lahat ng gamit namin pag sarado pa yung classroom... at dito ko naranasan ang maging isang bata....isang batang takot sa mundo
Napangiti lang ako... ano kayang hitsura ko noon habang takot na takot sa teacher ko nung grade 5??? Si Mrs. Terror.. awwts.. ang pinaka masaklap na taon ko sa elementary... yung tipong di ka na makakakilos once na maamoy mo yung pabango nya... yung tipong maninigas ka na lang sa upuan mo pag lumakad na sya at yung tipong mahihiya kang yumuko pag nailaglag mo yung lapis sa sahig na dahil sa sobrang tahimik eh rinig na rinig sa buong classroom
pero ito ang pinaka masayang taon ko sa elementary.... second time ko sumali sa singing contest nun at nanalo ako... hihi.. tsamba lang daw sabi nila.... nung first time ko sumali??? Wag nyo na itanong... haii... di ako nakasali dahil sa CD!!! May isa kasing cute na lalaki na syang dahilan kaya biglang humagis yung CD ko... at ayun!!!! Eh di nasira....
One step.....
Two steps....
Three steps...
Napatigil ako bigla sa pagbaba sa hagdan......
Tiningnan ko syang mabuti... sya ba talaga???? O namamalikmata lang ako?
Pero ano namang ginagawa nya rito?
Sa pagkakaalam ko eh wala sya dapat dito..
hoooloooo!!!
Panu na ko neto dadaan sa hagdan!!?
Eh andun sya at nakaupo
Lagot na..
Pano ba?
Magtatago ba ako?
Naku bahala na!!!
Pero bago pa ako makapagdesisyon kung anong gagawin eh nakita nya na akong nakatingin sa kanya at ….
oh em ji!!! nginitian nya ako sabay sabing,
“keyla…”bumilis yung tibok ng puso ko, oh di ba parang ewan lang????
“ako?” lumingon pa ako sa kaliwa at kanan ko para tingnan kung may ibang tao
“oo ikaw”
“bakit?”
“may sasabihin ako”
“ha?” oo narinig ko naman ng malinaw...di pa naman ako bingi pero bakit yata feeling close ka ngayon ha???? Close tayo???? Close????
“halika dito sa tabi ko…” sabi sa inyo feeling close eh!!!!
“dyan??” ako ng unli!!!!
“oo” at eto, sumunod naman ako
“ahm .. Gab .. este kuya Gab pala.. (mas matanda nga pala ng tatlong taon saken tong mokong na to) importante ba yung sasabihin mo??”
nag-aalala na ako na baka tumunog na ang bell at maglabasan na yung mga estudyante
teka hindi ko pa rin gets kung bakit nandito kami pareho… iniisip ko pa pero bigla syang nagsalita
“depende kung importante sayo”
hooloo!! katakot naman tong mga lines ni Gab huh??
“ahm .. sige sabihin mo na”
“nag improve ka Keyla … mas maganda… mas matangkad… lagi kasi kitang tinitingnan eh…”
TOINX!!!!
---end of chapter 1
My Sweet Nightmare Chapter 2 – New Associate Editor Meets Gab Again
Mahaba pa yung panaginip ko eh.. hinatid nya pa raw ako sa classroom namin nung grade 6… tapos nagkwentuhan kami ng kung anu-ano. Anyway, andun nga daw kami sa school namin nung elementary… oo schoolmates kami pero hindi naman kami magkaklase..... kasi nga 3 years ang tanda nya saken noh...
Pero iniisip ko pa rin kung bakit andun kami eh. Loko naman kasi tong alarm clock ko eh…
tsk.. tsk.. Sa totoo lang, nonsense lang naman yung panaginip na yun eh… hindi ko nga alam kung bakit iniisip ko pa yun....
Pinagtataka ko lang ay kung bakit gabi-gabi na lang akong nananaginip ng kung anu-ano… mas weird nga nung isang gabi… Hinalikan nya daw ako… hahaha .. (ui hindi ko sya pinagpapantasyahan ha? Konti lang!!!!)
Hindi naman ako obsessed sa lalaking yun... wala nga akong balita don noh... kung obsessed ako eh di sana sa parehong school na lang kami nag-college.... eh di sana sinundan ko na lang sya dun noh!!!! Whooooh....
Iniisip ko lang talaga na imposible yung mga sinabi nya sa panaginip ko…
lalo na yung last line ..
“lagi kasi kitang tinitingnan eh”
hahaha .. natawa naman ako .. ang liit kaya ng mata nya kaya pano nya ko mapapansin… asa pa ko …
saka parang ang feeling close nya naman dun sa panaginip ko… eh deadma nga lang ako sa kanya… tsk … hindi makatotohanan yung panaginip ko… panaginip nga naman noh? nagiging possible lahat ng imposible!!!
Bumangon na ako sa higaan…. Takte, agang-aga eh kung anu-ano ang naiisip ko.. tama ba yun??? Pagpantasyahan yung lalaking wala ka naman ni isang balita???? Hahaha… timang lang….
Bakit wala na akong balita??? Aysus tinatanong pa ba yun??? Eh MOVING ON lang ang tawag dyan!!!!! Hmft... anu un, magpapakaengot ako sa isang taong di naman ako kilala... eh ano kung gwapo sya... di ko kailangan ng gwapo... minsan..... LOL!!!
Agang badtrip neto huh??? Di ko nga tuloy napansin na tapos na pala ako maligo at kumain at ngayon naman ay palabas na ako sa bahay....
Syempre alay lakad lang ako papunta ng school.... malapit lang naman ah... walking distance, siguro 10 minutes
Napadaan ako sa Pililla Elementary School Central.... haizt... dito yun, dito nangyari yung panaginip ko kagabi!!!! Napasimangot na tuloy ako... ah kayamot... ayoko na maalala!!! Kayo kasi eh.. dapt sinabi nyo na lang na sa high way ako dumaan para di ko to madadaanan!!!! Hahaha
At ilang lakad pa ay madadaanan naman ang Pililla National High School... haiiii.... dito kami nag-aral ni Gab... dito ko nadiscover na crush ko pala sya... kahit masunget sya.. kahit suplado sya... at kahit pa di nya ko pinapansin... dito yun....
At konting lakad pa eh nasa University of Rizal System Pililla na tayo.... oh di ba parang nagtour lang... hahaha... ideal talaga ang location ng bahay namin kasi malapit sa lahat ng school... mula sa promary hanggang college.. kaya nga di na ako nakaalis dito ehhh.... huhu ikakatuwa ko ba????
Badtrip na umaga.... tapos pagpasok ko, nagkakagulo pa silang lahat sa bulletin board... nakeeeh... anong balita?? May bagong dean?? Bagong action plan para sa COE??? Bagong president sa Student Republic???
“Keylaaaaaaaaaaa!!!!” napalingon ako sa sumisigaw... sakit lang sa tenga... ano ba yun!!!!!
“Yung totoo Mica, bingi ako??? Bingi??? Kelangan sigawan kasi bingi???? Ikaw kaya sigawan ko, ok lang sayo???”
“aysus.. nagtampo naman dahil sa sigaw!!! Hahaha... wag kasing mainit ang ulo mo friend!!!! Oh dapat ng matuwa ka eh...”
“at bakit naman???” may matutuwa ba pag sinigawan na halos mabasag ang eardrums????
“oh ayan kasi!!! Hoy kayo!! Alis!!! Dadaan ang magandang bida!!” hay naku... eksena tong si Mica....
Pero... pero.. pero... napanganga lang ako sa board!!!! Eto kasi yung nakalagay.....
Editorial Board
Editor in Chief : Winston L. Fontes
Associate Editor : KEYLA SHAREY H. RAMIREZ
Tapos hindi ko na nakita yung mga sumunod na pangalan kasi isa-isa na nila akong binati.... hala??? Associate agad-agad???? 2nd year pa lang ako ah??? Di ba dapat pang higher year yung position na yun????
Di na yata ako makahinga sa mga pangyayari.... buong period lang ako inaasar ng mga kaklase ko... pablow-out daw sa bagong Assoc..... mahilig sa libre... eh naku... pati ibang year di na ako tinantanan.. ako ng sikat noh???? Daig pa artista ehhh
Pagdating ng lunchbreak ay hinila na ako ni Mica palabas ng school... mabuti na lang at secured na yung laptop sa bag ko...
“san tayo pupunta???”
“tatakas sa taong bayan na kanina ka pa bnubugnot... hahaha... aysus Keyla, anu ba yan, imbes na ikaw ang gumawa ng balita eh ikaw pa ata magagawan ng balita noh??? Dapat masanay ka na sa ganitong mga scenario...”
Scenario??? Ibig sabihin tong mga takbuhan??? Haha... kailangan ba talaga tumakbo???
“eh bakit ba kasi tayo tumatakas???”
“ay ganun!!! Di gets kung bakit dapat tumakas?? Ahahaha.... eh simple lang naman, mamumulubi ka lang naman pag lagi ka nila kasama noh!!!!!”
“ay oo nga noh!!! Hahahaha.....”
“ayan... ewan ka kasi.. puro kasi Gab yang laman ng utak mo kaya hindi mo naisip yan... eh naku Keyla... memorize ko na yan!!!”
“ang alin???”
“ayan!!! Yan!!! Yang ganyang ngiti!!! Alam ko yan!!!! Hahaha....”
“hindi ah!!!!” loko to ah.....
“hindi daw.... ngiti-ngiti pa.. haha.. ay teka Keyla, si Gab yun di ba???”
Oh uto-uto nga ako kaya napalingon ako sa gawing tinuro ni Mica
Pero napasimangot ako kasi pagbalik ko ng tingin eh hawak na ni Mica yung bibig na at halatang nagpipigil ng pagtawa....
“ilabas mo na yan sa bibig kesa ilabas mo pa sa ibang parte ng katawan mo....” Lumakad ako palayo habang nasa likod ko si Mica.... pagtingin ko sa malayo....
Si Gab!!!!!!
---end of chapter 2
My Sweet Nightmare Chapter 3 – namamalikmata
Keyla’s POV
“Keyla…”
“Keyla”
“Keeeeylaaaa!”
hooloo… tinatawag pala ako ni Mica, tinaasan ko na lang sya ng kilay … may iniisip ako eh… nang iistorbo
“bakit?”
“bakit? ako pa tinanong mo ng bakit?”
loko pala tong si Mica eh .. malamang... sya tong nagtatanong eh..
“hmm?”
“ang layo naman kasi ng utak mo friend! asan ka na ba ha?? tell me nasa Kathmandu ka na ba?”
“wala pa naman”
hehe … sasakyan ko na lang tong trip ni Mica
ayoko mag open-up… may pagkamadaldal din to eh…
“wala daw”
eh ano naman kasing sasabihin ko sa kanya?? yung mga kawirduhang sinabi saken ni Gab sa panaginip ko? eh baka isipin pa nitong pinagpapantasyahan ko si Kabute… hindi pa nga ako makaget-over sa mga nangyari mula kaninang umaga tapos namalikmata pa yata ako kanina nun akala ko si Gab yung nakita ko.....
“wala nga”
“ayaw pa… let me guess… pinansin ka na ba ni Kabute?”
bruha talaga tong si Mica… sarap litsunin ng buhay… nakuu..
imposible kaya yun… pero tama naman ang hula nya na tungkol kay Gab ang iniisip ko… naisip ko lang kasi na bakit ko naman makikita si Gab dito malapit sa PNHS eh ang layo-layo ng school nya.. dun pa yun nag-aaral sa Tanay... hahaha... anu yun??? Pumunta sya dito kasi gusto nya ko makita???? Hahahaha.. feeler.... di nga ko pinapansin nun...
“eeeeenk!!!”
ngumuso ako kay Mica
“hai naku Keyla … ang daya mo talaga…”
“wag mo na kasi alamin!!!” malaman nya pang sa sobrang kaadikan ko sa lalaking yun eh akala ko nakita ko sya kanina... hayyy.. eh di inasar nya ko ng wagas.. at baka sigawan pa ulit ako....
“oo na!!!”
“ayan, tama yan, tantanan mo na kasi ako... haha.... wala ka namang mapapala saken eh...”
“eh pano Keyla pag nakita mo ulit si Gab??? Anong gagawin mo?????”
Anong gagawin ko??? Di ko pa rin talaga naiisip yun ah.... ewan ko... di na naman siguro dadating yung araw na yun pero wish ko lang sana di ko na sya makita... baka kasi mainlove pa ulit ako sa kanya.... eh magmukha pa akong tanga niyan... ilusyon ng ilusyon... haha
“hindi ko pa alam... siguro tatakbo na lang....”
“bakit ka naman tatakbo????”
“para masaya.....” hahaha
Boinx... nabatukan pa... hahaha....
“hoy babae matauhan ka???? Bakit may sakit ka ba kaya tataguan mo si Gab??? May putok ka ba??? Grabe ka ha????” At sabay kami napatawa ni Mica....
“hay naku!!!! Tara na nga!!!! Punta na tayo sa principal’s office....” tumayo na kami ni Mica...... pero pagtingin ko sa gate, nakita ko na naman.... namamalikmata ba ako???? Na naman???? Si Gab na naman????
Kinalabit ko si Mica....
“ano???”
“si Gab..... ayun???”
“saan????”
Pero paglingon namin ulit, wala namang Gab eh... hay naku... ilusyonada ka talaga Keyla....
Napangiti na lang sa akin si Mica..... “friend, wag mo ko pagtripan... haha.. kaw talaga.. bilis mo gumanti ha????”
Sige laughtrip lang Mica.. T_______________Teh sa nakita ko eh. Hmft.. oh baka naman ilusyon lang? Pero sigurado ako kanina... si Gab yun.... paglingon ko ulit sa gate ng school, nakita ko si Gab... papalabas na
Si Gab nga ba????
---end of chapter 3
My Sweet Nightmare Chapter 4 --- Getting to Know Gab
Keyla’s POV
At dahil nga parang sure na ako na si Gab yung nakita ko kanina, naalala ko na naman.... nagreminice ako ng mga alam ko tungkol sa kanya.....
At dahil 3 years nga pala ang tanda saken ni Kabute eh hindi kami naging magkaklase ever since.
nakilala ko sya nung 1st year highschool pa ako dahil parehong pang afternoon shift kami…
at natatandaan ko may P.E. class kami sa covered court…dumaan sya sa tapat ng klase namin at parang lumiwanag ang buong paligid! (hmm.. exaggerated to..)
narinig ko na lang yung bulung-bulungan ng mga kaklase ko na sya nga daw yung transferee galing sa PAF... isang private school... oh sya ng mayaman!!!! Ako nga public ever since.... hahahaha
Gabriel Lozano was a transferee during that time… he is not famous in the campus.. in fact he seldom joins extra-curricular activities…pero as long as I can remember, he joined poster making contests…
pano ko nalaman?? hehe.. member po ako ng school paper and it happened na ako ang laging assigned to cover up and have the copy of the winners sa bawat events..
balik tayo kay Gab.. well, he is not a campus heartthrob na tinitilian ng mga babae… simple lang kasi sya and tahimik … pero that simplicity is enormous enough to captivate my young heart 5 years ago…
attractive sya physically… cute naman sya having those tantalizing eyes.. hahaha .. pero ayun lang ang masaklap.. suplado eh.. huhu..
deadma
No Reaction
tahimik
and sad to say
laging speechles…
(grabe.. hindi po ako stalker ha? Pero kung tingin nyo eh stalker na ako, tawagin nyo na ako!!!! hahahaha)
family background naman nya? Syempre alam ko yan noh!!!!!!!!!!!!! Hahahahahahaha
umm.. ok naman .. he has 3 siblings and he is the 2nd I guess..
hobbies?? (pati ba to kasali??)
painting, playing basketball and so on and so forth .. basta madami pero ang pinaka paborito nya ay matulog .. hahaha… kung may nakukulong sa pagiging stalker, nakulong na ako at kung may contest naman, panalo na ko! Yehey!
when he graduated from high school, hindi ko na rin sya madalas nakikita… tapos nung nagcollege na ako, mas lalong hindi ko na sya nakita… magkaiba kaya kami ng school…
I still remember the first time na timawag nya yung pangalan ko……
[flashback]
“oh Keyla, ikaw ang assigned sa Sports… may game mamaya, eto an ang excuse letter mo… ito ang cam… wala kang mentor mamaya kasi lahat ng higher year eh may meeting kaya ikaw na ang bahala ha???” iyon lang at umalis na si Ms. Garcia na siyang moderator namin.
“ano?? Ako lang mag-isa?? Ah grabe!!!! Sus…. Takot pa naman ako sa bola… nakeeeh…. Hihihi.. pero ok lang… camera…. Camera.. lagot ka sakeng kabute ka…. May dala akong camera…. Lagot ka sa --- ”
“Keyla bawal mag-ingay dito....” tapos bigla tumalikod si Kabute... hmft masunget!!!!!
[present]
“Keyla!!!!!!” nag-iisip pa ako ng may biglang tumawag sa akin......
---end of chapter 4
My Sweet Nightmare Chapter 5 – See You Soon
Keyla’s POV
Ano ba yan.. simula ng mapanaginipan ko si Gab eh sya na lang talaga ang laman ng utak ko.. naghahalucinate na ata ako... naku.. may gamot ba sa nakasinghot ng katol?????
Kaya pati si Gab nakikita ko.... kahit san.. kahit san ako magpunta... kahit andito pa ako ngayon sa PNHS... sya talaga ang nakikita ko....
Naisip ko lang, ang tagal na nung nararamdaman ko para kay Gab... hindi ko sure kung may gusto pa rin ako sa kanya o wala na.... kasi alam mo yung pakiramdam na wala ng kabog??? Walang kilig??? At puro kirot na lang.... hindi ko naman alam kung san galing yung kirot ehhh.. basta kusa ko na lang sya nararamdaman... at sa bawat sakit na yun, dun ako mas nalilito... at dahil din don, hindi ko sya makalimutan....
“Keyla!!!”
Nagulat ako kasi boses ng lalaki yung narinig ko....
Hinanap ko kung san galing yung boses pero paglingon ko eh wala naman akong nakita
“ui Mica, narinig mo ba yun?? May tumatawag sa akin???”
“wala naman ahh... baka guni-guni mo lang yun??? Saka sino namang tatawag sayo dito??? Si Gab??? Hahaha.. in your dreams friend!!!!”
“baliw!!! Gab your face.... eh sa may narinig ako ah.... saka di ko naman iniisip yung lalaking yun...”
“weh???? naku naman Keyla.. 5 going to 6 years mo ng gusto yang si Gab.. simpleng crush pa rin ba ang tawag mo dyan??”
nagkibit-balikat na lang ako.. may point naman talaga si Mica eh.. pero para saken, crush lang naman talaga ang tawag ko dun.. dahil for sure, wala ring happy ending
“come on Keyla..”
“eh ano namang magagawa ko kung true love man ito?” , sabi ko. At natahimik si Mica..
“kahit pa siguro 10 years kong crush si Kabute eh wala pa ring magbabago… hindi naman ako pinapansin nun.. at alam kong bagsak na ako sa mga standards niya.. we’re totally opposite”
tiningnan ako ni Mica tapos ngumiti ..
at ngumisi.. baliw na tong babaeng to.. tara, dalhin natin sa mental.. eh eh...
“sabagay…masyado kang maingay friend… tapos sya bihira magsalita.. tapos…”
“tapos ano?” usisa ko.. nilakihan ako ni Mica ng mata.. haha.. mukha na syang kuwago
“cute sya… eh ikaw – “
adik tong babaeng to.. wala ako sa mood makipagmalditahan sa kanya ngayon…
“ano?”
“cute ka rin naman kaya lang…”
ihh.. nakakainis na … nabibitin ako kay Mica… kahit alam kong nonsense lang yung mga pinagsasasabi nya eh gusto ko pa rin marinig.. curious lang
^___^
ayaw pa kasi sabihin eh… hmft!!!
“cute ka rin naman kaya lang para ka pa ring bata…”
haizt.. kala ko naman kung ano.. yun lang pala..
sanay na kong nasasabihan ng isip bata.. hahaha, ang salitang isip-bata ay karugtong na ng pangalan ko.
wala saken yun..
ok lang kasi ganun naman talaga ako..
pink na ponytails..
pink na attaché case
pink na panyo
poink na headband
pink na rubber shoes
pink na cellphone housing
pink na wallet
at marami pang pink sa loob ng pink kong backpack
haizt… pink…
galit ako sa pink
“kaya pano ka mapapansin kung ganyan ka???” sabi ni Mica
“hindi naman ako nagpapapansin kay Kabute eh..”
ayos din tong si Mica eh noh? laging gustong magpapansin ako kay Gab…hindi ko naman sya masisi... ako na ngang may crush kay Gab mula nung high school at hanggang ngayong 2nd year college na ko…
kahit nga mga pinsan ko todo makapangtrip…
lalo akong inaasar kay Gab…
pero saken, sanay na ako… siguro nga hanggang tingin na lang ako kay Kabute…
huhuhu… haaay buhay, parang life
“keyla…”
“ano?”
“keyla…”
walanju si Mica… paulit-ulit? unli?
“bakit nga?
“keyla!”
“ano nga!!! nakeeh naman Mica oh… magkalapit lang tayo.. kailangang sumigaw?”
tiningnan ko si Mica.. istorbo talaga to kahit kelan… may binabasa ako eh…
pero nakapako lang yung tingin ni Mica sa isang lugar…
dun sa gate ng school… (andito pa rin po kami sa PNHS..sa may waiting area sa tapat ng principal’s office)
napatingin na rin ako sa gate…
speaking of Kabuteng lulubog-lilitaw…
gusto ko na lumubog..
“Mica tara na dali!!!!”
hooooloooo!!! Yoooohooo! Tatakot ako!! Takbo na daliiiiiii!!
“huh? eh bakit tayo aalis???”
huhu… nakangisi na naman sa Mica…
mukha na syang bruha na nakaharap sa malaking kawa ng kumukulong tubig at humahalakhak ng bonggang bongga…
kinurot ko na si Mica…
“araaay!!! Keyla naman eh.. wala naman tayong kasalanan eh!!! kaya bakit tayo magtatago!!?”
ang kulit!! slow ba tong si Mica?
“basta!! tara na kasi”
binulong ko na lang yung huli kong sinabi…
too late na para tumakas kasi papalapit na yung mga yabag papalapit samen ni Mica… tumungo na lang ako… naku.. hindi pa ata ako nakakapagpulbo... ang inet pa naman kaya oily na yata ako.. huhu....
-__-
iyak na lang…
“pwede makiupo?” sarap basagin… bawal!!
sigurado ako… si Gab yun.. at siguradong sigurado ako.... kung kanina eh naghahalucinate lang yata ako, eto yata matinding katol ang nahithit ko.... cloud 9 lang..... hahaha... pero syempre ayoko sya makatabi kasi baka biglang mainlove ako sa kanya eh mabaliw pa ako... hahahaha... oh hinde.. hinde yun pwede mangyari!!!!
“sure… paalis na naman ka---”
pinutol ni Mica yung sinasabi ko… ouch.. kinurot nya ko…
“ah eh ibig nya sabihin paalis na yung mga kasama naming nakaupo dyan… kaya pwede kang umupo”
haizt … bakit kasi ayaw pa bumuka ng lupa… huhuhu
“sige salamat…”
tapos umupo na siya sa bench
ngumisi na naman si Mica… nararamdaman kong may binabalak syang masama
“ah Keyla… punta lang ako ng CR huh? dyan ka muna… bantayan mo yang mga gamit natin…”
sabi ko na eh... ay teka, iiwan nya ako??? Dito??? Kasama ni Gab??? Kami lang???? Aww.. dinig ko yung tibok ng puso ko..... dugdug.... ito na ba yung kabog????
Dugdug.. dugdgug..... wala bang kilig... hahaha... ang choosy ko naman.. kailangan kilig agad??? Eh baka nga hindi ako pansinin neto.... nako... eh di naging KAAWA-AWA pa ko... hahahaha
“Mica.. teka lang!! wait!” pero nakasibad na pala si Mica.. abnormal na babae yun.. humanda sya saken mamaya!
at naiwan kami ni Gab… dyahe naman oh
nakatungo pa rin ako… nakakabingi lang yung katahimikan… pero sa utak ko, kanina pa ako sumisigaw.. kanina pa naghahanda ng sasabihin... pero ano?? Baka di mamansin.. waaaaaah!!!
hindi ako sanay…
ehem… tumikhim muna ako bago magsalita
“ahm… ano nga palang ginagawa mo rito?” ayun lang yung naisip ko... hahahaha... baliw ka talaga Keyla.. iyo ba tong school??? Iyo??? Bat ganyan ka makatanong??? Hahaha... sige tawa
“pupunta lang sa registrar”
“ah… kami naman kukuha ng schedule ng observation”
toinx… baka sabihin nyang “walang nagtatanong” hahaha
“ikaw si Keyla Ramirez di ba?”
wow… kilala nya pala ako… hahaha… nakakaflattered naman yun.. AT SYEMPRE AAMININ KO, KINILIG AKO!!!!! HAHAHAHAHA
“oo” paigsian tayo ng lines ngayon… hahahaha.. kinikilig ako ehh.. hahahahahha....
“tahimik ka pala”
kala mo lang yun.... nyahaha
“minsan lang… pano mo nga pala ako nakilala?”
“ikaw kasi yung makulit na batang laging may hawak na Digicam dati”
hehehe… napansin nya din pala ako… bilang isang bata.. pero ok na yun.. kesa hindi
“ako nga yun”
“saka palagi kang nakangiti dati” hooolooo… nakasimangot na ba ko??? si Mica naman kasi eh… kainis…
“pwede naman magbago ang tao di ba?” eh kung tarayan ko kaya to??? baka sakaling hindi nya na makalimutan… hahaha
ako naman ang dedeadma sa kanya ngayon…
pero naiirita na talaga ako..
habang tumatagal yung pag-uusap namin eh parang nakakaasar na…
pero bago pa sumagot si Gab eh lumapit na yung principal
“Miss Keyla Ramirez” uwaaaaaaah!!! Ang galing, save by the bell!!! Hihihi.. oh ano ka ngayon!!!
“yes ma’am”
lumapit na rin si Mica… alam ko namang tsimosa to at hindi totoong nagCR.. baka nga nakinig pa ng usapan namin ni Gab…
pero buti na lang dumating na sya…
“wala si Ms. Veneracion ngayon eh… balik na lang kayo bukas ng kapon para sa schedule”
“sige po ma’am… salamat po…”
hai sa wakas… makakaalis na kami ni Mica..
“sige kuya… una na kami… babalik pa kasi kami ng school”
ngumiti lang sya… kaya ayun… nawala yung singkit nyang mata…
waaah!!!!!!! Oo kinikilig ako... weeeeeeeee!!!!!!!!!!! Pwede bang kiligin??? Kahit ngayong moment lang na to????
nakatalikod na kami nung bigla syang magsalita
“see you soon”
nagulat naman ako…
pwede namang “see you around” di ba???
Bakit soon?
eh expected ko nga na after 3 years pa kami magkikita…
ewan…
bahala na…
---end of chapter 5
My Sweet Nightmare Chapter 6 – getting to know Keyla
nandun ako sa may gate ng makita ko yung mga dati ring estudyante dito sa PNHS…
after a long time nakabalik ako dito sa dati naming school pero hindi ko naman expected na andito rin sila…
kilala ko yun isa sa kanila…
si Keyla… tinawag ko sya kanina pero hindi nya yata ako nakita...
bakit ko sya tinawag??? Wala lang.... ang kyot nya kasi.. haha...
hindi naman masyado nagbago yung hitsura nya eh.. baby face pa rin.. ganon pa din yung hitsura gaya ng dati pero mas cute sya nagyon.. tumangkad na sya kaya masasabi kong maganda na sya.. ang gulo noh??? Magandang cute????
pero bakit kaya andito rin sila??
nag log-in ako dun sa logbook sa may guard house
bago ako magsulat ay nakita kong tumingin saken yung dalawa pero biglang tumungo si Keyla
Nilapitan ko sila sa waiting area… tapos nagpaalam yung kasama nya na magpupunta ng CR…
akala ko pa naman madaldal sya pero parang ayaw nya magsalita... may binabasa sya sa phone nya... for sure nag-iinternet kasi di naman sya nagtetext eh
kakamustahin ko sana sya pero bigla syang nagsalita
“ahm… ano nga palang ginagawa mo rito?”
yun agad yung tanong nya???
“pupunta lang sa registrar”
na shock naman ako sa tanong nya… hehe…
“ah… kami naman kukuha ng schedule ng observation”
observe?? ah … Bachelor of Secondary Education nga pala ang course nila… classmate kasi nila yung kabatch ko na si Genesis… naikwento nya si Keyla nung reunion ng batch namin
anyway…
matagal ko ng kilala tong si Keyla
first year sya nung nagtransfer ako sa PNHS...
one time napadaan ako sa court habang P.E. class nila at nakita kong nahihirapan sya dun..
hindi naman kasi sya athletic... slim sya eh... at yung tingin mo pa lang sa kanya eh hindi na sya makakatira ng bola... hahaha...
pero nag try-out pa rin sya kahit pinagtawanan lang sya ng mga kaklase nya pero sa halip na magalit ay biniro nya pa ang mga kaklase nya
“kayo!!! kayong lahat.. tandaan nyo to… pag ako natuto magvolleyball, hindi ko kayo papansinin!!! hmft!!!”
napalingon tuloy ako…
nakangiti lang sya… ang cute!!!!!
yung ngiting parang bata…
“ikaw si Kyla Ramirez di ba?”
hindi naman ganon kasikat si Keyla dati… commoner lang din sya na gaya ko pero kilala sya ng mga teachers at ng mga madalas sumasali sa events… madalas kasing sya ang nagcocover-up ng mga ganun… friendly at madaldal kasi sya pero ngayon parang nag-iba na sya
“oo” ayun lang yung sinabi nya saken pero mas nagulat ako nung sinabi nyang
“pwede naman magbago ang tao di ba?” sabagay… siguro nga hindi ko na dapat hinahanap ang dating Keyla kasi ilang taon na rin naman ang nakalipas eh... ewan ko ba... batukan ko kaya sarili ko?
maya-maya ay tinawag na siya nung principal... dumating na rin yung kasama nya kaya nagpaalam na si keyla
“see you soon”, sabi ko
Nagulat din ako dun sa sinabi kong “see you soon” kasi baka hindi na ulit kami magkita pero magkikita pa naman siguro kami for sure…
--- end of chapter 6
My Sweet Nightmare Chapter 7 – Flash Drive
Gab’s POV
kakalabas pa lang nila Keyla ng gate ng may mapansin ako sa inupuan nila Keyla…
flash drive…
hooloo…
hahabulin ko sana sila nung bigla akong tinawag nung student assistant ng registrar
“Mr. Lozano, next na po kayo sa loob…”
naku lagot na…
baka kasi importante tong flash drive ni Keyla
“ah sige…”, sabi ko dun sa S.A.
pumasok na ko sa loob ng registrar’s office para kumuha ng form 137… graduating na ko pero hindi pa rin pala ayos to… kainis…
lumabas ulit ako ng office para hintayin yung request ko… hindi pa din ako mapakali kasi pinag-iisipan ko pa rin kung pano ko maibabalik yung flash drive sa kanya…
naku naman…
alangan dalhin ko pa sa University na pinapasukan nya???
eh naka school uniform din ako ngayon…
nakakahiya kaya yun…
well sabi nila mahiyain daw ako…
saka suplado…
pero hindi lang nila ako masyadong kilala
kasi kalog din talaga ako…
pero bihira lang kasi ako magsalita…
ewan… pakiramdam ko nakakatamad magsalita…
haha…
naalala ko na naman si Keyla… yung babaeng yun, paborito nya yatang gawin ay magsalita…
nakakatuwa nga eh kasi dahil dun marami syang kaibigan…
hindi lang yung mga ka-year level nya yung nakakakilala sa kanya kundi pati na yung mga senior nya at pati na yung mas bata sa kanya…
pero teka… pano tong flash drive???
aitz… bahala na nga…
Nakapag desisyon na ako na pupunta na lang ako mamaya sa school nila pagkatapos ko dito…
sabi naman nila eh babalik sya ng school nila…
kahit medyo nakakahiya… sige kaya yan!!! Gamitin mo na lang ang kagwapuhan mo Gab...
hehe…
isang beses lang naman eh… kaya matatandaan ba nila ako???
sa wakas, dumating na rin yung hinihintay ko…
uwian na!!!
ay mali… pupunta nga pala muna ako sa URSP
medyo malapit lang naman yung school nila dito eh… walking distance lang kaya ayos lang kahit dalhin ko yung flash drive…
pagpasok pa lang ng gate eh nalula na ako sa laki ng campus nila… aysus... parang 1/10 lang yata nito yung school namin....
hooolooo… san ko kaya makikita si Keyla??? Dun kaya???? Oh doon???
“Kuya san yung building ng mga educ?”, tanong ko dun sa guard sa gate
“diretsuhin mo yung pathway tapos liko ka sa kanan sa madadaanan mong intersection…”
“salamat po”
“sinong pupuntahan mo dun?”tanong nya habang nagsusulat ako sa logbook
“si Keyla Ramirez po”
“ah si Keyla… oo andyan pa sila… kakabalik lang nila ni Mica” asus… kilalang-kilala talaga si Keyla huh?
ganun ba sya kafriendly… na pati guard kilala sya… eh ang dami daming estudyante rito…
“ganun po ba… sige po kuya, punta na po ako dun”
sinunod ko yung direksyon na sinabi saken nung guard…
marami akong nasasalubong na estudyante…
kainis…
pinagtitinginan ako…
ako ba naman ang nag-iisang kakaiba ang uniform eh
“uy guys, tingnan nyo, taga-STI oh”
“oo nga… yays… ang gwapo friend…”
hooolooo…
nagbulungan pa… dinig ko naman.... oo alam ko gwapo ako... hahahaha
hindi ko na sila pinansin…
basta dumiretso na lang ako ng lakad hanggang marating ko yung intersection...
ayun yung building nila...
ang layo...
huhu...
sige tuloy lang... maganda yung pathway papunta sa building nila.... madaming tanim na halaman... para kang nasa ibang bansa.... parang Korea... napangiti ako... lagi din dumadaan si Keyla sa pathway na nilalakaran ko ngayon
narating ko na yung blue kiosk nila...
maraming tao... marami ring nakatingin.. to nga ba yung ayaw ko eh...
at as usual, nakatingin sila saken...
lumapit ako...
“Miss, san dito yung room nila Keyla Ramirez?”
nagturuan pa sila kung sino ang sasagot...haizt
“ay, umalis na po si ate Keyla kanina... nakaupo sya kanina dito eh...”
“pero hindi ko naman sya nasalubong sa pathway”
“baka po nagpunta sa office... narinig ko kasi sabi nung kaklase nila na wala yung prof nila kaya umalis na lang si ate Keyla”
“anong office?” nagtatrabaho ba si Keyla kaya may office???
“publication office po... associate editor po sya dun” associate editor? ang taas naman ng posisyon niya...
“ah... eh san ba yung office nila?”
ang gugulo nung ibang kaharap ko... may nagbubulungan pa
“boyfriend ba ni ate Keyla yan?”
para naman kasing hindi ko rinig ah...
sa wakas sumagot na rin yung isa...
“dun pa po sa kabilang building... sa tabi nung Corporate Business Affairs Office”
haizt... ang layo na naman ng pupuntahan ko...
pero in fairness, kilala si Keyla kahit saan dito kaya hindi ako mahihirapan na hanapin sya...
“sige salamat”
paalis na sana ako nung may nagtanong...
“Kuya, boyfriend ka ba ni Ate Sharey?????”
Huh??? Sharey??? Sinong Sharey????
“si Ate Keyla po.... Keyla Sharey pangalan nya di ba???” ai oo nga pala... haha.. Keyla Sharey.. how nice.. ngayon ko lang naalala.
Kala ko naman kung sinong Sharey
ayoko na marinig yung mga tsismosang yun... kaya nginitian ko na lang sila bago ako umalis..... hulaan nyo na lang kung anong sinabi ko.... hahaha
mabuti naman at nakita ko agad yung office nila...
naku... nakakahiya talaga...
huhuhu
sinilip ko yung loob, madaming taong nakaupo sa harap ng comp....
kainis...
hayy
“kuya Win, may tao po...”
biglang napatingin lahat saken...
“ui Gab, pare kamusta!!!! Oh anong ginagawa mo dito????”
Si Win pala ang lumapit sa akin... kaklase ko sya nung high school... mabuti naman, di ako OP.
“ok naman pre, andyan pa ba si Keyla?”
“si Keyla?... dumaan sya kanina pero umalis na din... uuwi na daw sya...”
Hayyy naku naman
“ah ganon ba... sige ... di ko na sya inabutan eh... uuwi na lang ako”
“ah ok.. sige Gabrielle, sasabihin na lang namin kay Keyla na dumaan ka”
“sige salamat”
aitz... sayang naman ang effort ko... uuwi na nga lang ako...
/bzzzzt/
biglang tumunog yung cellphone ko...
New Message
Kirby: kuya nagloloko yung internet natin dito sa bahay, paki reseach naman ako about “tectonic plates”
hay naku... dadaan pa tuloy ako sa computer shop
pero teka, wala akong dalang flash drive... tapos bigla kong naalala yung flash drive ni Keyla
tama ba yung iniisip ko na gamitin muna?
tsk... bahala na...
---end of chapter 7
My Sweet Nightmare Chapter 8 -
Keyla’s POV
hanggang makabalik kami ni Mica sa school eh panay kurot ang inabot ko...
“aray Mica!!”
masakit na kaya... huhu
“palusot ka pa Keyla, kinikilig ka rin naman eh...”
“hindi ah”
“ayeeh!! nakita nya at nakausap pa yung ultimate crush nya...”
loko tong si Mica... talandi eh noh? Ibisto daw ba ako agad-agad.. nakupo.. wala talagang preno eh noh...
“uy Mica, nakakahiya na, ang ingay natin...”
sinabi ko lang yun para manahimik na sya at mukha namang effective...
“oo nga noh?”
dumating na rin yung iba naming mga kaklase galing sa observation. Sa wakas, matitigil na ang kahibangan nitong bruhang to...
“Oh Mica, ang aga nyo nakabalik ah?”, si Robin yun, yung kaklase namin...
“wala yung cooperating teacher eh...”
“ah... galing nga pala kami sa registrar’s office... wala daw si Ma’am Ces...”
nakita kong medyo nainis si Mica... sus, buti nga walang prof eh... maaga ako makakauwi at makikita ko agad yung
“aits.. badtrip... eh di sana nagtagal na lang kami ni PNHS”
“bakit, anong meron dun? May program?”
“hindi...wala... hahaha... mas maganda pa don ang nangyari!!!”
bumibida na naman si Mica... tsk.. kala ko naman tatahimik na mudo ko
“may party?”
“wala.... basta...!”
“to naman, masyadong pabitin... kainis...”
“nakita lang namin si Gab...”
ako na yung sumagot para matigil na yung mga kalokohan nila...
tumili naman si Robin (take note... babae si Robin... Robin Aniela Miranda ang buo nyang pangalan)
“weh? di nga? uber Keyla!!!”
woosh... parang ayun lang, ano’t para na ring kiti-kiti si Robin... nakakahawa ba si Mica?
makaalis na nga... wala naman si Ma’am...
dun na muna ako sa office... kailangan ko ng katahimikan...
“una na ako sa inyo ha? punta muna ako ng office”
hindi na ako pinansin nung dalawa...
hindi pa ako nakakalayo eh rinig ko pa rin ang pagkukwentuhan nung dalawa...
ayos lang naman...
natutuwa naman ako na makita si Gab... pero I am a kind of person na naniniwalang hindi na dapat yun ipagsigawan pa at gawing malaking issue...
walang tao pagdating ko sa office... ayos... hihi...
kinuha ko yung susi ko na nakasabit sa I.D. holder ko...
wala namang paper works ngayon dito pero trip ko lang tumambay muna...
saka mamaya pa ako uuwi... maaga pa naman eh
pero 5 minutes pa lang ako na nakatambay eh dumating na yung ibang staffers... kung kanina eh nakatakas ako sa mga kaklase ko sa panlilibre eh sila naman tong nakacorner sa akin... haha... buhay nga naman oh.. bakit ganon??? Ako lang ang kailangan magblow-out??? Pwede namang pati si kuya Win ah??? Sya nga dapat manlibre kasi sya tong EIC... tapos sya yung pinakamataas ang posisyon....
Binigyan ko sila ng 100.. haha.. bahala na sila dun...
naku!!! makauwi na nga lang!!! badtrip!!! Naglakad na ako palabas at inilagay ko yung headset ko sa tenga.... andun na ako sa covered pathway nung naalala ko na kailangan ko nga pala magpaprint ng article... ieedit ko kasi yun... bukas
kinapa ko yung flash drive ko sa bulsa...
hooooloooo!!!
wala???
lagot???
naupo muna ako dun sa bench...
binuksan ko yung bag ko...
ilang beses ko na tiningnan yung bag pero...
wala talaga...
tumakbo ako...
babalik ako sa PNHS.
baka nalaglag lang dun...
--end of chapter 8
My Sweet Nightmare Chapter 9 – Plan A
natatawa lang ako tuwing nakikita si Keyla na masaya.... haha... hindi naman sa pinagtitripan ko sya pero masaya lang ako.... syempre kaibigan ko yun at concern ako sa lovelife nya... gusto ko sya maging masaya..
lalo kanina
nakita namin si Gab na matagal nya ng crush....
grabe ang tibay ng taong yun eh... wapaks... akalain mo ngang kaya nya maghintay ng ganon katagal kasi kung ako yun, kung ako lang talaga, hihi, eh matagal ko ng pinormahan si fafa Gab... haha.. san ka pa... gwapo na matalino pa... oh di ba parang package lang??? O kaya naman 2 in 1... ay meron pa pala!!!! Magaling sya mag basketball kaya 3 in 1... parang kape... malay ko ba dyan kay Keyla kung bubu talaga sya sa lovelife o mabagal lang talaga sya kumilos... di na kaya uso pakipot ngayon... haha...
pero syempre joke lang yun... haha... di kasi yun ang priority ni madam Keyla
hihihi...
hoy wag nyo ko tanungin tungkol dun sa flashdrive ni Keyla ha??? Wala akong alam dun promise!!!!! Wala akong alam kung nagkabukingan na... hahahahaha
oo na... aamin naman eh.... ako talaga nag-iwan nun... at syempre alam ko ang mga laman nun... ako yata si Mica the Great!!!! Wihihihihi....
nung nagpaalam na kasi si Keyla kay Gab, nakita kong naiwan nya yung flash drive nya sa may bench... at syempre....
alam ko namang kung hindi ko gagawin yun eh walang mangyayari sa love story na to kundi forever nganga lang sila... haha... di lang sila magpapansinan forever.. at dahil ako ang magiting na si Mica the Great, ang kinailangan ko lang gawin ay gawing obvious na naiwan ni Keyla yung Flash drive... oh di ba????? =)
And the rest is history… wahahaha…. Syempre secret natin yun noh… alam nyo kasi sawang-sawa na din ako sa ganyang attitude ni Keylatots….
Alam nyo bang high school pa lang eh gusto na niya na si Gab??? Oo.. alam kong alam nyo!!! Paulit-ulit ba?? Unli eh.. sensya naman... haha
So ayun nga.... ganito kasi yun...
[flashback]
minsan nga naabutan ko sya sa may bintana na nakatulala at may tinititigan
“ano yan ha?”, tanong ko
lumingon yung batang si Keyla...
“wala..wala to... haha... tara review na tayo...”
hehe... malihim talaga si Keyla... ganun na siya... feeling nya kasi bawal sya magkacrush... siguradong aasarin sya ng buong klase...
masipag sya mag-aral... running for honor sya kaya naman wala syang panahon sa kung anu-anong bagay... school-bahay nga lang eh... kaya pag niyayaya sya na maggala eh hindi sya sumasama...
pero natawa ako sa kanya dahil isang beses...
“klik!”
tumunog yung shutter sound ng digicam nya...
syempre ako naman, alam nyo na.. nakakaamoy ako ng flash!!!! Hahaha.... at this time... kitang-kita ko kung sino ang pinipicturan nya...
“ooooieeeyyy!!!”
lumingon si Keyla at nakakatawa yung hitsura nya
kasi...
nagbablush sya...
hahahaha, di maipinta yung mukha nya.. yung parang gusto matawa na maiyak.. nakakaloka sya.. sarap nya ibitin patiwarik.. hahaha
“crush lang naman eh...wala namang masama dun di ba? inspirasyon lang naman eh...”
Hindi pa nga ako nakakapang-asar eh ang dami nyang sinabi... masyadong defensive
hahaha
hindi nya naman kailangan magpaliwanag di ba...??? oo saken hinde, pero dun sa mga yun na sinusundan si Gab... syempre kailangan!!! Wahahaha
tinapik ko na lang yung balikat nya
“ayos lang yan...”
naiintindihan ko si Keyla.. tingin kasi ng lahat ng tao eh sya ang uri ng tao na hindi pa pwede magkacrush...sya kasi ang bunso ng klase at simula nung makita ko si Keyla at yung digicam nya, lagi na lang syang masigla araw-araw...
haizt...
Pero alam ko na ang pwedeng mangyari after 2 years... ayun nga, na gagraduate na rin si Gab.... at syempre aalis na sya... maiiwan si Keyla....
[present]
Ayoko ng makitang nalulungkot si keyla... kaya naman.... I had my final decision na... at syempre, hulaan nyo!!!
Kailangan kong maging fairy godmother nya... hahaha.... pero syempre hindi naman yung matandang fairy godmother... excuse me??? Sa ganda kong to???? Hahaha....
At syempre, meron din akong mga alagad... at napag-usapan na namin to kanina nung umalis na si Keyla....
“Hoy Mikay, ano ng gagawin natin???” sabi ni Genesis... tapos biglang nagsidatingan na yung mga first year at nakiupo sa amin.... kaya ayun, bumalik kami sa classroom at dun na nag-usap
Pero pagbalik namin, andun naman yung mga kaklase namin kaya no choice kami kundi ishare sa kanila ang pink este maitim naming balak....
“oh guys eto ang plano..... ang makinig sa plano ko.. hahaha”
Plan A - pakantahin si Keyla sa harap ni Gab ng isang kanta na makakapag-confess na sya ng feelings nya
Plan B - pakantahin si Keyla sa harap ni Gab ng isang kanta na makakapag-confess na sya ng feelings nya
Plan C - pakantahin si Keyla sa harap ni Gab ng isang kanta na makakapag-confess na sya ng feelings nya
Gusto nyo pa ba ng Plan D???? Hahahaha
“ano ba yan??? Sobrang dali naman nyan.... pero saan yan magaganap????” si Genesis
“oo nga naman Mikay... saan??? Saka kelan??? Pero di mas maganda kung bukas????” si Cody
“hmmm.. wait, let me think... bukas ng hapon sa inyo Genesis!!! Perfect!!! Hahaha.... di ba may lutuan tayo sa Sabado??? Bukas na lang natin gawin!!!”
Nagpalakpakan naman yung mga baliw.. hahaha.... oh di ba.. perfect!!!! Sabi sa inyo bagay tong role ko saken ehhh... baliw ako ehhh...
At ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay maghintay ng pwedeng mangyari sa buong magdamag.... hihihihi
Uubra kaya ang Plan A ko??? O baka naman ang Plan B??? Dapat umubra ang Plan C... hahaha
Plan A for sure......
---end of chapter 9
My Sweet Nightmare Chapter 10 – Sign
Keyla’s POV
tinakbo ko yung mahabang pathway palabas ng school...
yung flash drive ko... tsk...
hindi pwede ng mawala yun... guguho ang mundo pag may ibang nakakuha nun.. lalo na pag kilala ako ng nakapulot... ay grabe
nagmamadali ako.. hindi ko na nabati si Kuya Guard.....
nakuu...
Sa totoo lang konti lang naman ang files ko dun... bago pa kasi yun at lahat naman eh may backup ako sa laptop ko pero...
pero...
pero...
may top secret dun...
haizt...
ung isang folder kasi dun ay puno ng pictures ni Gab na collection ko mula high school...
^sigh
At sa wakas nakarating na din ng school...
inikot ko na ung waiting area pero wala dun... dito lang naman kami tumambay ni Mikay eh....
hala... wala talaga eh...
Bigla kong naalala si Gab...
lagot na... lagot na talaga.... nakow
baka nakuha nya yung flashdrive ko ah...
naku!!!! aitz...
bakit naman kasi ang engerz ko... arggggh!!!! Sa lahat ng tao bakit sya pa!!!!!! Talagang I’m so dead na.... tsk
wag naman sana tingnan ni Gab yung laman ng flash drive... kung hindi... baka mabuko ako...hindi lang basta buko kundi buko pie at buko juice... huhuhu...
naglakad na ako palabas ng school...
naku naman kasi Keyla... ang engerz mo talaga!!!!!!
uuwi na lang ako... hai... wala na akong magagawa kung si Gab man yung nakapulot nun....
-__- I could just wish for a miracle to happen
napadaan ako dun sa isang tindahan... may naalala ako 4 years ago..
[flashback]
“ate!! ate!!”
napalingon ako... yung kapitbahay namin yung tumatawag saken..
“pasabay naman ate Key”
“sige”
Akala ko sya lang kaya lang marami pala siyang kasabay na iba pang mga bata...
At dahil nga naghaharutan sila sa daan nabangga nila ako at nalaglag yung mga gamit ko...
pupulutin ko na sana nung biglang...
“ouch!”
tsk.. naapakan yung kamay ko... ang sakit... sino ba yun? hindi man lang nagsorry.. nakakainis... pero tinulungan nya naman ako na pulutin yung gamit ko... nang makita ko kung sino sya eh tumahimik na lang ako... si Mr. N.R. pala... as in No Reaction... kaya naman pala hindi nagsorry eh...
“thanks”
iyon lang at tumayo na ako... hindi ko alam kung kikiligin ba ako... hahaha.. first time ko sya nakasabay sa pag-uwi... hahaha
hinabol ko na lang yung mga batang kasabay ko na parang walang nangyari saken... tas tumakbo ako ng tumakbo hanggang mapagod.. di nyo naitatanong eh adik lang ako sa pagtakbo... haha... wala lang... gusto ko lang tumakbo pag masaya ako.. tama masaya ako... kahit na halos dumugo na yata ang kamay ko sa pagkakaapak niya.. pero ayos lang.... masaya pa rin...
[present]
teka... bakit ko ba naisip yun??? eh 4 years na naman ang nakaraan nung nangyari yun???
nasa bahay na pala ako... hindi ko man lang namalayan dahil sa malalim na pag-iisip...
mabuti na lang walang tao... at least makakapagpahinga ako...
dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga.... masyadong maraming nangyari ngayon ah....
Naging Associate editor ako.... at nakita ko si Gab... di ba sobrang blessed ko ngayong araw????
Kaya lang, kahit blessed ako, eh alam nyo na.... yung pesteng flash drive ko kasi eh.. ipapahamak ako... hahaha
This time..... alam kong 5 years na din akong naghintay sa kanya.....
Isang sign lang po ang hihingin ko....
Isa lang po....
Binuksan ko yung laptop ko at nag-online...... dito ko malalaman kung dapat pa ba ako maghintay
Kung online man po sya ngayong oras na to, sign na po ito para patuloy na maghintay sa kanya....
Syempre kinakabahan ako bago ko i-click yung login button.... kinakabahan ako sa pwede kong malaman....
Sign... sign ang hinihingi ko ngayon....
Eto na.... kinlick ko na yung login button.... aysus, nikakabahan ako.. disappear kang kaba ka dali!!!!! Naman eh!
7 online friends... kasama kaya sya?????
--end of chapter 10
My Sweet Nightmare Chapter 11 – FB Chat
Mica’s POV
O ayan.... kumpleto na yung lahat ng gagamitin bukas.... hihi... syempre ako ng excited.. kung alam lang sana ni keyla.... kay naku... yung kaibigan kong yun, di ko na nakita kanina... naku... hahaha.. pero mas ok na to.. para surprise bukas... wahaha...
Maghintay ka lang keyla... andito naman kami para sumuporta sayo eh.... alam naman namin na nalilito ka na kung anong dapat mong maramdaman ehhh.....
Pagkauwi ko eh nag-online na ako.. weeee!!!! Ayun talaga ang paborito kong gawin sa aking life.. FB at wattpad... hahahaha.... gusto mo i-fan kita??? Hahaha
Kawawa na nga ang FB ko eh.. ang posts ay galing lang sa wattpad.. pero lalong mas kawawa ang mga friends ko, kasi pag nagwawattpad ako, puno agad ang newsfeed... hahahaha.. magsawa sila sa fes ko!!! Hahahaha
Anyways......
Online si keyla ha??? Nakauwi na pala yun.. di man lang nag-gm.... haizt... baka masama ang pagkabadtrip... hahaha
Ichachat ko na lang sya...
Pero bago pa man ako makapagsend ng message eh nakapagsend na agad sya....
Keyla: ui Mikay!!!
Mikaela: oh??? Kamusta pretty gurl???? Nawala ka ata bigla??? Di ka na nagpakita kanina.... :)
Keyla: oo eh... haha... nabadtrip na ko... nawawala kasi flashdrive ko...
Mikaela: (painosente effect) oh talaga??? San mo kaya naiwan???
Keyla: parang sa PNHS kasi alam ko, hawak ko pa yun nung pumasok tayo eh
Mikaela: ayan.. ayan kasi... haha.. nakita lang si Gab eh hindi na naalala ang ginawa... ayan.... lagot ka
Keyla: lagot talaga.. lalo na kung si Gab nakakuha... katapusan na ng lahat ng pantasya ko.. hahahaha
Mikaela: aysus.. to naman, NEGASTAR???? Haha.... maghintay ka lang kasi friend....
Keyla: maghintay ng???
Mikaela: maghintay ng awa ni Gab!! Baka sakali... alam mu na... haha
Keyla: baliw!!! Awa ka dyan.. no way!!!
Mikaela: ^___^v haha.. joke lang yun noh.... syempwe labs kita eh.. kaya nga maghintay ka ng sign.... malay mo bukas may sign na
Keyla: ngayon nga may sign na eh....
Mikaela: (aysus.. anong sign ang pinagsasasabi neto??? Hahaha) oh anong sign???
Keyla: wala.. basta... geh out na ko friend... jan na si Mame... babayoo!!!!! Kitakits bukas...
Wapaks yun ah.. di man lang sinagot yung tanong ko tungkol sa sign tas bigla ng nag-offline... anu kaya yun??? Nakakaintriga lungs.. hahaha
Parang kagaya lang din nung naintriga ako dati kung bakit sya umiiyak...
[flashback]
February 2007... isang buwan na lang at magsasara na ang school year...
at gagraduate na si Gab.... alam ko namang darating din sa ganito...
“nakakalungkot” sabi ni keyla saken one time habang naglalakad kami papunta sa Computer Lab
“pero you have to let go of him”
“i know... minsan lang talaga masakit isipin na wala ka ng inspirasyon.. wala ng silay.. wala ng lahat...”
madalas ko na makita si Keyla na nakatulala... minsan maiiyak...
pero pag kaharap mo sya at maraming tao eh hindi nya pinapahalata...
parang sya pa rin si Keyla na bunso ng klase...
pero sya pa rin si Keyla na tao lang... at nasasaktan... nahihirapan
nung nagstart na ang practice ng graduation day, nanonood kami... at nakita ko si Keyla na tumulo ang luha...
gano nga ba kahirap magpaalam?
gano nga ba kasakit magpaalam?
Nagkayayaan ang lahat na pumunta sa Grad day para daw makapaggala kaming magkakaklase....
“Mikay... Keyla.... sa grad ha??? Nood muna tayo ng grad tapos gala tayo sa Lolipop”
Tiningnan ko lang si Keyla.... umiwas sya ng tingin
“sorry Jian ha???? May lakad kasi kami ni Keyla sa grad day... pupunta kami sa Lucban...”
“ah ganon ba.... sige next time na lang”
Pero ang totoo, wala naman talaga kaming pupuntahan... kailangan lang siguro talaga ni Keyla ng kasama sa araw na yun....
Syempre hindi na sya pumunta nung grad day
at hindi nya naman kailangan ipaliwanag kung bakit...
ramdam ko yung bigat...
bata pa si Keyla...
alam kong lilipas din yung nararamdaman nya para kay Gab...
[present]
Biglang tumunog yung phone ko....
“oh ate??? Why why wes???”
“why why wes ka dyan...wala ka namang pasok bukas di ba??? Punta ka dito sa Tanay bukas.... urgent yun... bye”
Aba aba!!!! Ano yun... may gagawin kaya ako bukas!!!! Oo meron di ba??? Magpapakafairygodmother pa ako kay Keyla ah.. tas biglang babanat si ate ng ganun... naku... for sure papatayin ako nun bukas pag hindi ako pumunta... alam kasi nila na wala akong pasok bukas ng hapon... hai... pano na....
Ok na naman ang lahat.. naayos na namin bago kami umuwi kanina
Tumingin na lang ako ulit sa monitor ng PC ko...
Ui online din pala si Gab ah... hihi....
Chance na to.... baaaam!
Mikaela: ui penge naman ng number mo!!!!! Salamat!!!!
Rielle: para saan???
Mikaela: may gathering bukas yung klase namin eh.... tapos tinawagan ako ng ate ko... pinapauwi ako bukas
Rielle: so???
Mikaela: eh wala po kasi kasama si Keyla pagpunta at pauwi...
Rielle: oh anong gagawin ko???
Mikaela: sasamahan mo sya... kasi sige ka... cargo de konsensya mo yun pag yun napahamak!!! Ibig ko lang sabihin eh hinahabilin ko sayo yung bestfriend ko....
Rielle: oh eh bakit ka pa nanghihingi ng number???
Mikaela: para sure na pupunta ka.. kasi pag di ka pumunta, itetext ko si Brionne na classmate namin na samahan si Keyla... alam mo naman yung babaeng yun may pagka shunga.. haha.. baka alak na pinapainom sa kanya eh hindi pa alam.... kaya nga kailangan ng kasama eh
Rielle: ganun??? Sige.. eto number ko.. wag mo pagkakalat ha??? 09264363***
Mikaela: ok sure.. tenks!!! Geh out na me!!! Byiee... bukas ha!!!!!
Di naman talaga ako nag-offline... sa kanya lang mukhang offline pero online pa din.. wahahaha
Ano nga bang gagawin ko sa number ni Gab??? Secret.....
--end of chapter 11
Sweet Nightmare Chapter 12 – My Second Sweet Nightmare
Keyla’s POV
Nasa byahe ako pabalik ng Pililla at sakay kami ng van pero hindi ko kilala yung mga kasabay ko rito..
kanina lang ay nasa loob kami ng Southern Luzon State University... nag-inquire ako at nagpaschedule ng entrance exam...
in fairness, maganda ang uniform nila dito huh??
saka na rin yung facilities... mamahalin yata dito eh?
pero bakit ako nandito???
“miss pakifollow na lang po yung enrollment procedures”
binasa ko yung papel... tss... babalik pala ulit ako next month dito
teka bakit ako nandito???
saka sino tong mga kasama ko???
bakit wala si Mica???
naputol yung pag-iisip ko nung makita ko yung mga estudyante na papalabas ng building...
hmft!!! wala man lang akong kakilala dito...
eh pati nga yung mga kasama ko hindi ko kilala...
nakakainis na... saka bakit nga ba ako magtatransfer ng school???
“Keyla!!”
huh?? may nakakakilala ba saken dito??
pero parang pamilyar yung boses nya... narinig ko na yun eh... tiningnan ko sya pero hindi ko maaninag yung mukha nya...
“nakapag-inquire ka na?”
“huh?? ah oo.. pauwi na nga kami eh”
“sige ingat”
“sandali lang!”
pero hindi sya lumingon... hinabol ko sya pero natapilok ako... malas naman oh... malay natin, soulmate ko na pala yung taong yun!!!! Hahaha....
pero hindi ko talaga sya maalala eh...
tapos nagbyahe na kami pauwi...
nakapikit ako pero naramdaman kong umiiyak ako...
at ayaw tumigil ng luha...
hanggang sa nagmulat ako at may nag-abot ng panyo saken...
tiningnan ko sya...
bigla akong nagising tapos narealize ko, panaginip lang pala...
pero bakit totoo yung mga luha ko...
Bumangon ako at tiningnan kung anong oras na.... 7:53..... tss.... panaginip na naman.... parang kagabi lang si Gab yung napanaginipan ko.... tapos, sya na naman ngayon???? Anu ba yan... di ba talaga ako tatantanan ni Gab???? Pati ba ngayong araw???? Hayyy.. abnormal lungs...
Bumangon na ako.... nagbukas muna ako ng laptop ko para tingnan kung may new notification... well, wala naman... nagbukas naman ako kahapon di ba???
Tiningnan ko na lang yung Facebook art page...
Scroll down lang... iniscan ko yung page kung may magandang quotes.... hanggang sa nakita ko yung isang trivia...
“do you know that when a you often dream of a person, it simply means that the person you are dreaming of is always thinking of you....”
Weh??? Talaga lang ha?????? Ok lang ba tong trivia na to??? Ako??? Lagi iniisip ni Gab??? Hahaha na lang.....
Pero shinare ko na din sa timeline ko para di makita ni Mikay... haha
Ilang minutes pa lang ang nakalipas eh ang haba na ng threading sa trivia na yun... dami pa naglike....
Hindi ako natutuwa... nakow.... tapos naalala ko pa yung sign kahapon....
[flashback]
Sign... sign ang hinihingi ko ngayon....
Eto na.... kinlick ko na yung login button....
7 online friends... kasama kaya sya?????
· Amber Gatchalian
· Bernadette Unalivia
· Bing Go
· Doreen Tibay
· Lanie Fortez
· Mikaela Fortez
· Rielle Lozano
Syempre obvious na obvious na kasali sya.... hahaha... di ko talaga alam kung matutuwa ba o maloloka na ako...
Tapos napanaginipan ko na naman sya dun sa SLSU... nakakahilong panaginip yun talaga.. grabe
Hindi pa nga ako makaget-over dun sa nagkatotoong sign tapos ganun pa????
/bzzzt/
New Message from Mikay
[friend wag ka aabsent ha??? Sabi ni Madam ang absent daw walang plus... hihi]
Naligo na ako at kumain.... pagkalabas ko sa bahay eh nag-iisip pa din ako...
Ano kaya kung humiling pa ako ng isang sign???? Ang adik ko lang sa sign noh????
Isa pang sign.... tama...
Maghihintay pa ako... kung makikita ko si Gab ngayong araw na to.... sa school
--end of
My Sweet Nightmare Chapter 13
Mica’s POV
Kahit napurnada ang aking plano na makita si Keyla na magtapat kay Gab via song eh ibinilin ko na naman kay Genesis at sa iba ko pang mga kaklase ang lahat... hahaha.. syempre, ako nga si Mikay the great di ba????
Ang kailangan ko na lang gawin ay mahiga at magpahinga at maghintay ng mangyayari bukas... nyahahaha....
Ay teka..parang may nakalimutan ata ako ah... hihi
Kinuha ko ang mabait kong phone at tinawagan si Keyla
“hello”, si Keyla sa kabilang linya
“uy keyla....”
“ano??? May kalokohan ka na namang sasabihin noh??? Itatanong mo sa akin kung kaanu-ano ni Simsimi si Iglot??? Di ko alam!! Wag mu itanong saken!!!!”
“aysus... malala ka na oi... wagas imagination neto... kala mo tunay... hahaha”
“oh eh bakit ka napatawag... parang magka-chat na naman tayo kanina eh....”
“oo nga eh kasi ano... hindi ako makatulog dahil dun sa sign na pinagsasasabi mo kanina noh... nababaliw na kaya ako!!!!”
“ah ayun ba.. wala lang kasi yun...”
“wala ka dyan... siguradong meron noh!!!! Sige ka pag di ka umamin ibubuko na kita kay Gab!!!”
“ui wag!! To naman masyadong brutal ahh... haha... eh wala lang kasi yun.. sabi ko kasi kanina, pag nakita ko syang online, sign na yun para maghintay pa ako....”
“oh talaga??? Nakita ko nga online sya kanina eh.. ayeeeeeh!!!!!”
“aysus.. ang babaw lang nun Mikay...”
“ai ganon.. eh di ganito na lang... ahmmmm... teka mag-iisip ako saglit”
“sige... 5 4 3 2 1 eeeenk!!!! Time’s up Mica!!!!”
“ai ganyanan??? Sige sige mabuti na lang ako si Mica the Great kaya may naisip ako agad... hahaha”
“oh ano dali?????”
“uhm.... kasi ano... wag na nga lang...”
“aish.. anu kaya yun... sasabihin meron na tapos biglang wala pala??? Wala ka yata namang naisip ehh...”
“ui meron ah.. eh kasi baka di magkatotoo.... eh di kawawa ka friend...”
“di yan... sige na.. pag-iisipan ko pa naman kung susundin ko o hindi eh....”
“sige.. basta walang sisihan ha???”
“promise....”
“talaga???”
“oo nga.. kulit neto ah...” hihi...
"ano kaya kung ang hilingin mong sign ay yung makita mo si Gab bukas sa school??????"
"what???" halatang shocked si Keyla... hahaha.. sabi ko na ehhh...
"sabi ko naman sayo eh... haha.. kaw kasi pinilit mo pa ko ahhh..."
napangiti ako.. sa ngayon alam ko na ang tumatakbo sa utak ni Keyla... hihi....
at ang kailangan ko na lang gawin ay hayaan syang mahilo.... hanggang hilong-hilo....
ganyan ako kabait....
binaba na ni Keyla yung phone pero di pa din mawala sa isip ko yung mga pinaplano ko.... siguro nga oras na para pagbigyan naman ang puso ni Keyla... kahit ngayon lang....
sawa na nga kasi ako... sawang sawa na....
kung akala ni Keyla eh nagkataon lang lahat ng mangyayari bukas, pwes, haha.... nagkakamali sya....
-end of chapter 13
My Sweet Nightmare Chapter 14 – Gab’s Sweet Nightmare and the Diary
Gab’s POV
nakauwi na rin sa wakas...
nakapagresearch na din ako ng assignment ko.. isinabay ko na lang dun sa pinaresearch ni Kirby
sinalubong ako ni Kirby sa gate...
“nasearch mo?”
“oo naman...”
“asan na?”
“mamaya na lang”
umakyat muna ako sa kwarto para magbihis pero habang nagbibihis eh naalala ko si Keyla at yung flash drive nya. Keyla yung pangalan ng flash drive nya. Mukhang bago pa naman kasi konti lang yung laman. May isang folder na “my collection” ang file name. Wala naman talaga akong balak buksan yun eh. Alam nyo na.. nakakahiya kasi.... pero aksidenteng nadouble-click ko at...
nakita ko yung laman...
Nagulat ako kasi puro pictures ko nung high school yung nakita ko pero nagtataka ako kung bakit meron nun si Keyla??? At parang alam ko na kung san nya yun nakuha. Sigurado akong dun sa camera ng publication...
May mga pictures nga pala ako dun dahil sumali ako sa mga events. Hindi ko maintindihan kung bakit meron sya nun... personal copy ba??? Eh hindi na naman siguro hihingin sa kanya yun ngayon kasi hindi naman ganon kaimportante yun...
kanya ba yung file o may nagpa save lang???
haizt...
napapikit ako...
nakakapagod mag-isip...
**
sshh...
si Keyla!!!
hayun si Keyla!!! Nakita ko si Keyla na naglalakad sa may tapat ng bahay namin kaya lumabas ako ng bahay... tapos hinabol ko si Keyla...
“Keyla!!! yung flash drive mo!!!”
pero hindi nya yata ako narinig... dire-diretso lang sya sa pagtakbo... may hinahabol yata sya... tapos may lumapit na mga bata sa kanya...
parang nangyari na to eh...
oo nangyari na to 4 years ago nung pauwi ako galing school...
sa pagkakatanda ko eh nabangga si Keyla nung mga batang kasabay nya... tapos nalaglag lahat nung dala nya... hindi ko napansin na yumuko sya, napaliligiran kasi sya nung mga bata...
dahil tumatakbo ako eh hindi ko napansin na sya yung nakayuko kaya naapakan ko yung kamay nya...
Hindi na ako nakapagsalita kasi nahihiya ako..... magsosorry sana ako pero wala syang reaksyon... masakit yun di ba???? Masakit??? Hindi ba sya nasaktan????
Tapos natatandaan kong nagsalita sya nun eh...
nagsalita nga sya, sabi nya “ouch” tapos nung tumayo sya sabi nya “thanks”
pero bakit hindi sya nagsalita ngayon???
saka hindi nya ko pinapansin... yung parang hindi nya ako nakikita.... nung tingnan ko sya ulit, hindi na sya yung Keyla 4 years ago...
naka uniform na sya ng pang college... sky blue na blouse at dark blue na skirt... naka high heels na din sya... malayong malayo dun sa white blouse at red skirt na uniform namin ng mga babae nung high school
ung pang ngayon... yun ang suot nya
tapos tiningnan ko yung suot ko... uniform pa rin ng high school... ano ba to???? Napagtitripan ba ako????
nung paalis na ko eh may nakita ako...
Isang pink na notebook na may nakalagay.... “CONFIDENTIAL”
kung confidential eh baka naman diary to????
sumigaw ako... pero sa pagkakatanda ko hindi ko naman yun ginawa dati eh...
ang natatandaan tumakbo kasi agad sya papunta dun sa mga batang kasama nya... tapos sumigaw ulit ako...
pero hindi nya ko naririnig eh...
“keylaaa!!”
**
nagising ako haaaaaaaaaaaaaaaay...... nakaidlip pala ako...
yung diary ni Keyla?
oo... yung diary... nasaken pa yun... hindi ko na kasi yun naibalik sa kanya... lagi ko kasi nakakalimutan dalhin sa school
saka hindi ko rin alam kung pano ko ibabalik nahihiya ako kasi baka isipin niyang binasa ko eh....
pero binasa ko naman talaga... naamaze nga ako kung pano nya dinescribe yung crush nya eh...
haha... kaya ayun...
hanggang nakagraduate na ko at nawalan na ng chance na ibalik yun...
pero gusto ko yun ibalik yun ngayon...
posible bang...
ako, at yung lalaking tinutukoy nya sa diary nya ay iisa?
yun ba yung dahilan kung kaya may pictures ako sa kanya???
ako kaya yun???
asan ka na ba kasi Keyla???
--
My Sweet Nightmare Chapter 15 – nahihilo... nalilito
papasok na ko ng gate ng school...
“good morning kuya Guard” matamlay kong sabi...
“hindi yata good ang morning mo Keyla” si kuya Guard yun...nilingon ko sya... akalain mo yun, napansin nya pala...
“maganda naman po eh” sabay ngiti... hehe
“weh??? malalim ang iniisip mo eh... siguro yung boyfriend mo noh???”
hooolooo... wala nga kong boyfriend eh... tsk.. niloloko na naman ako ni kuya... sus.. tong si Kuya, nanonood to ng PBB teens, promise!
“asus.. Kuya... wala ngang boyfriend eh”
“anong wala... hinahanap ka kahapon nung jowa mo...”
nagulat ako... kelan pa ko nagkaboyfriend???
“huh???”
“naku... deny pa... Keyla naman... pumunta sya dito kahapon... hinahanap ka”
nakakapagtaka naman... joke time ba ito??? Ang adik ni Kuya Guard.. haha..
“naku Kuya... sige na nga.. boyfriend ko na... kung sino man sya... sige po... malelate na ko eh” tumalikod na ako at naglakad sa pathway...
haizt...
still bothered sa sign na hinihingi ko... kinakabahan ako noh.. syempre... malay natin... wala namang dahilan para magkita kami ni Gab ngayon kaya imposible yun tapos ginawa ko pang komplikado kasi sa school dapat.. baliw lang noh...
tas ni hindi ko alam kung niloloko ako ni Kuya Guard o may nagpanggap na boyfriend ko kahapon...
at pagkatapos ng mahabang lakarin, sa wakas narating ko yung building namin...
At as usual... maingay dun... ganon talaga ang mga educ students.. kahit saan maingay... kahit saang lupalop ng school.. kahit sa canteen at library... kahit saan maingay.. nakow... lalo na sa kiosk dahil dun ata ang pugad ng mga chismis...
hoooolooooo!!!! yung mga first year... ang sama ng tingin saken... para akong kakainin ah... hindi ba sila nag-agahan???? Naku... magpapalibre din ba sila??? nakuuu....
o__O
Pero parang hindi naman freebies ang habol nila saken eh.... eh ano kaya? tapos nakita ko yung isang girl na bumulong pa sa isang girl....tsk...
may world war III ata... haist.... bata pa po ako, ayoko madamay sa world war III... huhu
nakakaiyak...
“sya yun!!! yung girlfriend nung lalaki kahapon!!!” narinig kong sabi nung isang nakaupo.. kung hindi ako nagkakamali, si Jackie yun... napatingin ako sa kanila.. medyo malakas din kasi yung pagkakasabi nung Jackie eh... at dahil dun napatingin din silang lahat saken...
“ako?” sabay turo ko sa sarili ko
“oo, sya nga!!! si Miss Keyla ng publication...” sabi ni Jackie
“sya talaga??? ayeeh... bagay sila noh???”sabi pa nung isa...
“pero bakit kaya hindi nya lagi kasama yung boyfriend nya?” hoooloooo!!!! what is happening on Earth??? Binatukan nung isa yung isa pang girl sabay sabing, “malamang, di dito nag-aaral si Kuya Gwapo.. hehe...”
mukhang hindi ata nagbibiro si Kuya Guard kanina... parang may mystery guy nga na nagpunta dito kahapon at hinahanap ako... tapos boyfriend ko pang pakilala ha??? Ok lang sya??? Feeler naman nun
“ate Keyla, ipakilala mo naman kami sa boyfriend mo!!!”
“huh? boyfriend?”
Syempre ako si maang-maangan eh wala naman talaga akong alam ah... isa yung malaking puzzle sa akin... ilang oras lang akong nawala sa school tapos ang dami ng nangyari agad??? Uber???
“oo, si Kuya Gwapo kahapon... yung naghahanap sayo...” kumunot na yung noo ko... hindi talaga ako makarelate sa pinagsasasabi nila...
“yung taga-STI!!!”
“wow ate sosyal ang boyfriend mo ha??? mayaman!!!”
“sabihin mo naman sa kanya magsama minsan ng mga taga-STI..”
nahihilo na ako... sabay-sabay na sila nagsasalita eh... mabuti na lang may humila saken... pero nakatulala pa rin ako... anyare???
hindi ko na alam ang nangyayari... can’t process.. owmaygash.. pede na ba ako ipasunog kasama ng mga pentium 2???
“Keyla... ano bang nangyari??? nagkita ba kayo ni Kabute kahapon nung umuwi ka na?”
isa pa to... tanungin daw ba kung kasama ko si Gab kahapon... eh hindi ko na nga sya inabutan sa PNHS
nakakahilo na ah... hindi naman first day of April para maging ganito ang araw ko... hehe...
“Keyla...”
“huh?”
“ano ba kasing nangyari??? magkwento ka naman...” grabe yung itsura ni Mica, parang sabik na sabik sa chika...
hindi pa nga ako makaget-over sa mga narinig ko ngayong umaga lang eh... si Kuya Guard at yung mga first year... lahat sila... hindi ko sila naiintindihan...
Systems Technology Institute o mas kilala bilang STI.. hanep lang mga nakakapag-aral dun... pang mayayaman eh... ako nga dito 100 pesos per unit eh... tapos 200+ ata per unit doon...
STI.............isang tao lang ang alam kong nag-aaral sa STI...
Si Gab...
“Mica..”
“ano na??? Wala kang balak sabihin??? Hahaha... kaya mo yan Keylalush!!!!”
“kanina pa ba nagtsitsismisan yung mga first year sa kiosk???”
“yup... kanina pa... kaya alam na ng lahat ng educ ang nangyari kahapon...”
“ano bang alam nila???”
haha... naiinis na ako... ano bang gulo ang napasukan ko... wala man lang akong kaalam-alam kaya hindi ko alam kung pano lulusutan... haha
“alam lang naman ng lahat na pinuntahan ka ng ultimate crush mo dito sa school”
naibagsak ko yung mga aklat ko... buti na lang hindi yung laptop kundi lagot ako...
“at ang akala nila boyfriend ko yun?”
“sakto!!! Ayun daw pakilala eh... hahahaha... akalain mo nga naman Keyla... instant boyfriend noh?? Di ka pa nililigawan tapos kayo na agad.. kaw naman friend.. di mo man lang sinabi na sinagot mo na pala”
ramdam kong namumutla na ako... tumakbo ako paakyat sa second floor.. dun kasi yung room namin... dun na muna ako sa room...saglit akong napatigil sa pagtakbo... dadaan kasi ako sa mga classroom eh baka may ongoing class dun...
^room 202...
madami na palang tao sa loob.. at syempre umpukan sila.. tradisyon na ata yun ehhh.. hahaha... tradisyon sa educ ang mag-umpukan... minsan review.. minsan chismis.. minsan open forum.... anything under the sun...
at nung pumasok ako sa loob, saglit na katahimikan... may dumaang anghel... at ako yun.. hehehe
“ayeeeeeeeeeeeh!!!!”
Hanep nakakabingi... tatakbo na lang ako palabas dito.. gusto ko ng peace of mind kahit konti lang... kasi gulung-gulo na ako... BRR!!! Gusto ko na mag-appear disappear ½ ¼.... ¼ ½ disappear... appear....! boom
yung mga wirdong panaginip ko, yung mga sinasabi ni Kuya Guard, yung mga pagtsitsimisan ng mga first year... litong-lito na ako... san na ba ako susuot???
pero...
pero...
pagtingin ko sa pinto...
andun si Gab...
nakatayo sa pinto...
waaaaaah!!!
BAKIT KA NANDYAN??? NANANAGINIP BA AKO?
Kinurot ko ang sarili ko.. nakupo, masakit! Totoo na ito!!!!!!
teka...
bakit andito tong kumag na to...???
at talagang sa classroom pa namin...
dahil dyan ay mas lalo pa kong nalito..... dahil naalala ko yung... yung sign.....
Yung sign.... hindi pa ba ako maniniwala sa sign???
Nung una sa FB.... yung huli sa school... hindi pa ba ako maniniwala
bahala na... tatakbo na lang ako kahit andun pa sya sa pintuan...
nagbilang ako... hinga ng malalim Keyla... KAYA MO YAN!
“i-chi-nisan go!!!!”
tumakbo ako at babanggain ko si Gab...
makaganti man lang sa pagpunta nya rito na dahilan kung bakit ako nahihilo ng ganito ngayon
bahala na!!!
pero ...
sablay...
sablay talaga...
dahil imbes na makalusot ako, natumba kaming dalawa...
LAGOT.....
Keyla naman kasi eh...
susme... eskandalo ito...
bakit ka pa kasi nagpunta dito Gab...???
- End of chapter 15
My Sweet Nightmare Chapter 16 – Sprain
Gab’s POV
hindi ako masyadong nakatulog kakaisip nung flashdrive ni Keyla... baka kasi importante yung mga laman... pero mas iniisip ko yung mga pictures ko ... kailangang maibalik ko kay Keyla yung flashdrive... tutal wala naman akong pasok pag Friday kaya pwede kong dalhin sa kanya...
pagdating ko sa school nila ay tinanong ko yung Guard kung may pasok sila Keyla...
“Kuya, andito ulit ako... may pasok ba ngayon sila Keyla???”
Ambobo ko lang noh... kasi alam ko namang andito sina Keyla... di ba nga sinabi sa akin ni Mica???? Haha.. palusot lang tong mga tanong ko kay kuya Guard eh
“wala silang academic subject pero maglilinis ata sila ng classroom nila ngayon...”
“andyan na po ba si Keyla???”
“oo, nandyan na... mukhang may topak... haha... lagi namang andito yun kahit Friday at wala silang pasok.. may duty kasi sya..”
“ganon po ba??? eh pwede po ba ako pumunta sa room nila?”
mukha namang mabait si kuya eh... haha.... di nya na nga tinitingnan yung gamit ko...
“oo naman... ikaw pa... eh malakas saken si keyla kaya malakas na rin saken ang boyfriend nya...”
anu daw??? boyfriend???
“naku kuya, nagkakamali po kayo...hindi po – “
“hindi ka pa boyfriend?? haha.. wag kang mag-alala, darating din yun dun...sige, pumunta ka na dun at baka abutan ka pa ng adviser nila...” haizt...
napagkamalan pa.. eh magsasauli lang naman ako nitong flashdrive...
[flashback]
“Kuya, boyfriend ka ba ni Ate Sharey?????”
Huh??? Sharey??? Sinong Sharey????
“si Ate Keyla po.... Keyla Share pangalan nya di ba???” ai oo nga pala... haha
Kala ko naman kung sinong Sharey
“oo, boyfriend nya ako.. soon....”
[present]
Parang baliw lang yung sagot ko eh noh... para din kasing baliw yung mga kausap ko eh... grabe makapagkwentuhan.. parang wala ng bukas kaya naman binigyan ko sila ng topic na kababaliwan nila
pagdaan ko sa kiosk, andun na naman yung mga chismosang babae kahapon...
wow, aga ng meeting ha??? hanep talaga...
“kuya, andun na si ate Keyla sa taas, tumakbo sya dun...”
at talagang alam nila na si Keyla ang hanap ko huh??? nasalubong ko si Mica... pero hindi nya yata ako napansin... mas mabuti na rin na hindi nya ko napansin, palabas na kasi sya ng school...
umakyat na lang ako sa taas... ayos.. mukhang konti lang yung tao saka nakacivilian sila kaya hindi masyadong nakakahiya...
teka, san nga ba yung classroom nila???
yung unang room na nadaanan ko ay BSE-I... kaya for sure, BSE-II na yung next classroom...
Kainis lang kasi maraming tao...
nung sumilip ako, andun si Keyla... nakatayo sa harapan at tinatakpan yung mga tenga nya... kinakantyawan ata sya ng mga kaklase nya...
“ayeeh.. si Keyla dalaga na... may boyfriend na...” tumingin sya sa pinto at nagkatinginan kami...
nakita kong nanlaki yung mga mata nya...
pero nararamdaman kong wala na syang choice kundi lumabas at tatakbo sya... iiwas sana ako pero hindi ako nakaiwas...
clash...
nagbanggaan kami at natumba... sa harap ng mga kaklase nya...
tsk...
pambihira naman Keyla... hindi ka man lang nagsenyas na dadaan ka na eh di sana binilisan ko yung pag-iwas....
silence........
maya-maya nagbulung-bulungan na.... allergic pa naman ako sa ganun...
teka... si Keyla..
natumba kaming dalawa di ba??? at nakatitig sya saken ngayon... nanlalaki pa mandin yung mga mata nya... hahaha...
nauna syang tumayo... alangan namang ako, eh sya yung nasa ibabaw...
“sorry...”
tumayo na sya at tatakbo sana ulit pero nagkasprain ata sya... hindi na sya nakalakad ng maayos eh...
“ok ka lang?”
“yup...”
haist... kakaiba talaga tong babaeng to... at nakuha nya pang ngumiti sa ganung sitwasyon...
“do you need help?”
“no thanks, I can manage...”
pero kitang-kita ko namang hindi na sya makalakad eh
may kinukuha sya sa bulsa nya pero parang hindi nya makita...
“patext na lang plz?”
“sure...”inabot ko yung cp ko...
tumalikod sya... at humarap lang ulit nung binalik nya yung cp ...maya-maya, dumating na si Mica...
“keyla!! what happened?
ah..si Mica pala yung tinext nya... nasa baba nga pala kanina yung kaibigan nyang yun...
“wala to.. sprain lang.. pakisamahan naman ako sa clinic”
biglang napatingin saken si Mica at halatang nagulat sya... ang usapan kasi namin eh hapon ko sasamahan si Keyla... at hindi nya alam na pupunta ako ng umaga...
“tara na...kaw, hindi ka ba nasaktan?” tanong ni Keyla saken... nakatalikod ba talaga sya makipag-usap???
“hindi naman”
“good for you..”
Tapos inalalayan ni Mica si Keyla habang naglalakad. Lumingon saken si Mica tapos sumenyas na aalis na sila pero medyo malala yata ang injury ni Keyla... hindi kasi sya makapaglakad ng maayos...
napaupo na lang sya sa sahig.... hindi talaga sya ok...at masyado lang mataas ang pride netong babaeng to kaya ayaw magpatulong... pero no choice ka ngayon Keyla.. binuhat ko sya ng walang anumang sinasabi...
“ibaba mo nga ako!!!” tumaas yung boses ni Keyla for the first time... nagpumiglas pa sya habang buhat ko sya pababa ng hagdan...
“ano ba? sabi ng ibaba mo ako eh... don’t you hear me??!”
pero mas hinigpitan ko pa yung pagkakapit ko sa kanya... hindi kita bibitawan Keyla... marami pa akong gustong itanong sa’yo... yung flash drive at yung diary... yung lalaking gusto mo na nakasulat sa diary mo...
yung dahilan kung bakit may mga pictures ako sa’yo
kung bakit ka laging tumatakas sa mga kaklase mo pag inaasar ka nila tungkol sa crush mo...
at kung ako yung matagal mo ng crush na laging dumedeadma sayo...
kung ako man yun Keyla, hindi ko yun sinasadya... hindi lang talaga ako sanay makipag-usap sa ibang tao...
“ai... sarado nga pala ang clinic pag Friday...” sabi ni Mica... tiningnan ko si Mica... nag-aalala na sya ng sobra kay Keyla na tumahimik na rin sa wakas... kawawa naman sya... alam kong masakit yung sprain nya... pagkasabi nun ni Mica ay ibinaba ko si Keyla sa bench tapos inililis ko yung dulo ng pantalon nya...
“hey!!! don’t do that!!!” nag-ingay na naman tong babaeng to tapos ang likot pa...
“Mica, I’ll bring her in the park... go and get your things in your classroom... sunod ka na lang samen...” tumango na lang si Mica at umalis na.
“Mica, don’t leave me alone please...”
“you’re not alone Key, because you are with me” ako na yung sumagot... harmless naman ako at walang gagawing masama sa kanya... binuhat ko ulit si Keyla...
wala akong pakialam kung tinitingnan na kami nung mga estudyante...
Keyla and I need to talk alone...
nakalabas kami ng school at dinala ko sya sa park.... iniupo ko sya dun sa isang bench na malayo sa maraming tao... muli kong inililis yung laylayan ng pantalon nya at hinilot yung paa nya...
nakita kong nangingilid na yung luha sa mga mata nya...
“saglit lang to...” Tapos nginitian ko sya...
sino bang magsasabi na ang palaban na si Keyla ay iniyakan ang sprain...?
“ok, try to walk...” binitawan ko yung paa nya at inalalayan ko sya pagtayo...
“masakit pa rin ba?”
“hindi na masyado.. thanks...” naupo ulit sya dun sa bangko...
“Keyla, i just wanna ask you something...” hoooloooo... pano ko ba itatanong kay Keyla...
haizt... hindi ko pa pala napaghahandaan to ah...
pano ko kaya sasabihin...
pero kaya ko to....
nakatingin saken si Keyla at naghihintay...
“ahmm... bakit ka ba tumakbo palabas ng classroom nyo???” kunwari hindi ko alam ang dahilan...
“wala naman... masyado lang akong pikon...” pagkatapos nun, silence.... nahihiya ako magtanong... naisip ko kasi kung bakit ba gusto kong malaman kung may gusto saken si Keyla...
eh ano nga naman kasi kung totoo???
wala namang masama dun...
“kasi Keyla...ano eh.. ahm may gusto....---“
/bzzzt/ Tss... tumunog yung cellphone ko este nagvibrate pala.. hehe
“excuse me... saglit lang to Keyla” tumango lang si Keyla
nakakainis... nabitin ako dun ah...
pero kailangan ko muna sagutin yung tawag... baka kasi urgent...
tas biglang.....frank call lang pala... BRRRRRRR!
bumalik ako dun sa bench...
wala na si Keyla... hoolooo...
san naman sya nagpunta??? Grabe saglit lang naman ako nawala ah????
Asan na yun??? Iniwan nya na ba ko???
--end of chapter 16
My Sweet Nightmare Chapter 17 - Kiss
Keyla’s POV
ewan ko ba kung bakit ako umalis...
hmft...
wala ako sa mood makipag-usap eh...
pakiramdam ko kasi, kapag mas malapit saken si Gab eh mas mahihirapan akong kalimutan sya... susme naman kasi.. nagpakita pa sya ulit.. tapos lagi ko pa naaalala yung mga sign na hiningi ko... hayyy
ayos na naman ang lahat nung wala sya eh.. tanggap ko naman na imposible talaga ang imposible...
Si Mica nga pala... pupunta sya dun sa park... pero ayoko na naman bumalik dun... ipokrita naman ako kung sasabihin kong ayaw ko makita si Gab... syempre, gusto ko din naman sumilay noh... pero ayoko na talaga bumalik
napapagod na ako kakalakad eh... saka sumakit ulit yung paa ko eh...
“waaaaahhh!!!!” sumigaw ako... nakakahiya.. para akong ewan mabuti na lang walang ibang tao.. hehe
naalala ko kasi yung flash drive ko... paano kung yun yung dahilan kung bakit nagpunta si Gab sa school??? alam nya na kaya??? pero kung alam nya, bakit pumunta pa sya...? gusto nya bang itanong ng personal???
holooo... nakakahiya naman kung ganun.
nakakahiya.. huhuhu... ano na lang sasabihin ko??? Aamin na ba ako???? Pano kung basted ako??? Huhuhu.... huhuhu na lang....
“pssst!!!”
hmft...
nag-eemote ako dito eh... tapos biglang may sisitsit??? Panira ng mood???
“psst!!”
ako kaya ang tinatawag nitong mokong na to?
deadma na lang ... hindi po ako si “pssst..” ako si Keyla... may pangalan po ako... saka istorbo to ah... hindi nya ba nakikita na badtrip ako...
bahala ka dyan sa buhay mo...
“pssst!!!!”
hindi na talaga ako makapagpigil...
“ano bang prob---“
“halika na dito... ikaw ang problema ko... iniwan mo ako mag-isa dun eh... hinanap kaya kita”
ansabe naman ng paghahanap nya saken? saka saglit pa lang naman simula nung umalis ako... andito pa rin naman ako sa park...
at ako pa daw ang problema nya? oh com’on ...
“san tayo pupunta?”
“ikaw? san mo gusto?”
aysows.. dugdug dugdug dugdug
gusto tumalon ng puso ko... napacool kasi nung pagkakasabi nya eh...
“pero... si Mica, saka yung gamit ko... iniwan ko yun dun sa classroom...”
excuses ko lang yan... haha.. gusto ko naman talaga sumama eh..
“wala ka ng dapat problemahin... tinawagan ko na si Mica para ibilin yung mga gamit mo...”
“huh? pano ka nagkaron ng number ni Mica?”
“simple lang... sya yung itinext mo kanina di ba?”
ah oo nga pala... naalala nya yun??? haizt... loko to ah...
aysows.. san ba kami pupunta?
“ah eh, may klase pa kami eh..”
kinurot nya yung ilong ko...
“ano ba?”
“sabi ni Mica wala na daw kayong klase... saka sabi ni kuya Guard wala naman talaga kayong klase pag Friday eh... hmft!!!”
tuluyan na pala akong ibinenta ng best friend ko... pati ni kuya Guard.. akala ko ba tropa kami???? haayyy...
hindi ko alam kung anong isasagot ko... nagmukha pa tuloy akong sinungaling...
“ayaw mo ba ako samahan?”
“huh???” katakot naman ang tanong na yun...
“ay oo nga pala....” sabi nya... inakay nya ako patayo... nakow... wish ko lang bumuka ang lupa at lamunin na ako.. bakit ba kasi nagpakita saken tong panget na to at ginulo ang tahimik kong mundo??!! Inabot tuloy ako ng kuta-kutakot na kamalasan sa buhay ko.. hayyy..
Pakiramdam ko tuloy ang laki-laki ng utang ko sa panget na to dahil sa pagsisinungaling ko... huhu
“sige na nga sasama ako sa’yo pero hanggang 4pm lang huh?”
“sure... iyon lang pala eh... may kahilingan ka pa ba mahal na prinsesa?”
At ako pa talaga ang mahal na prinsesa ngayon?? Para namang maarte ang dating ko neto...
“hmmm.... teka, mag-iisip pa ko...”
“five... four... three... two---”
“teka teka teka!!!! Eto na nga.. eto naman!!! Wagas makabilang!!! Hmft...”
“oh ano na?” kumunot lang yung noo nya
“isama natin si Mica please?”
“hindi pwede”
“at bakit hin---”
“basta...”
Ang labo nitong lalaking to... samantalang sya naman ang nagtanong kung may gusto akong hilingin...
“waaaahhhh!!!!” sigaw ko...
Tiningnan nya lang ako...
“wag ka ngang maingay...”
Pero patuloy pa rin ako... hindi ako titigil hanggang hindi nya sinasabi kung saan kami pupunta... at hanggang hidi sya pumapayag na isama namin si Mica...
“waaaaaaammmmpp”
Tinakpan nya yung bibig ko gamit yung isa nyang kamay at nakita kong pinara nya yung isang tricycle...
“sakay...” utos ni panget
Umiling lang ako...
“sakay sabi eh...”
Pero hindi na sya naghintay sa sasabihin ko... binuhat nya ako at isinakay sa loob... nakow..
Saka nya palang binitiwan yung pagkakahawak nya sa bibig ko nung nakasakay na kami... tumahimik na lang ako... bahala na... hindi naman siguro ako totorturin nitong poging to... mukha namang harmless eh.. haha..
“bad Kaye!!” sabi ko na lang sa utak ko... kung anu-anong naiisip ko hahaha...
“kuya sa Hulo po...” nagsalita na rin sa wakas si panget... hmft... sa Mabini pala kami pupunta.. at least alam ko kung saan... saka may kaklase naman akong nakatira doon...
“anong gagawin natin doon?”
“basta...”
Nakakainis yang basta na yan!!!! Naku!!!! Ang sarap isumpa ng salitang “basta”!!!!
Ilang saglit pa ay nasa Hulo na kami...
“dyan lang po sa kanto kuya”
Bumaba na kami nung nabayaran nya na yung driver...
Susunod na lang muna ako... tapos tatakasan kitang panget ka mamaya...
Papunta kami dun sa gawi ng may nagvivideoke... pamilyar saken yung boses ng kumakanta...
Pero diretso lang kami sa paglakad... papalapit ng papalapit dun sa may nagvivideoke
Hanggang sa marating namin yung bahay ng kaklase kong si Genesis...
“andito na tayo...”
“what!?”
“san mo ba ineexpect?”
Napatunganga ako... dun lang pala kami pupunta, masyado kasi akong kinabahan sa mga pinaggagagawa nitong si Gab sa akin...
“wala naman....”
Sumilip ako sa loob... aysows.. andito pala lahat ng mga kaklase ko... ano kayang meron?
“tara na?”
“tara na... gusto ko makita si Mica”
Humarap saken si Gab...
“wala si Mica... ibinilin ka niya sa akin... tinawagan sya kanina ng ate nya at pinapupunta sya sa Tanay”
Nanlaki yung mga mata ko...
“iniwan ako ni Mica sayo?”
“you have no choice”
Tinalikuran ko na lang si panget... wala na rin naman nga akong magagawa kung tuluyan na akong ibinenta ng magaling kong best friend...
Dire-diretso lang ako papasok... hindi ko na pinansin yung sprain ko... gusto ko ngang lumayo sa panget na yun eh... sinubukan kong tumakbo... ayos... naitatakbo ko ng konti... pero... na-out-of-balance na naman ako... huhu
Mabilis na nakatakbo si Gab papunta saken...
At ayun... Wagas na entrance scene na naman ang nagawa ko... Haaaiii....
Malas ka Keyla... malas talaga... lalo na pag kasama mo yang asungot na yan...
“ayeeeeeehhhhhh” Mabilis din akong tumayo...
“wag ka kasi tumakbo...” binulungan nya ako...
“pakialam mo ba?”
“bakit ba ang sungit mo?”
“eh gusto ko eh”
“you can’t do that to me”
“yes I can!!!” Pabulong lang naman ang nangyayaring away sa pagitan namin kaya walang nakakahalata.
“how sure are you?”
“coz I’ll kiss you if you did....”
Pakiramdam ko namutla ako... umakyat lahat ng dugo ko sa ulo...
“what?!”
“you heard it clearly Keyla...”
Nginitian ko si Gab ng may halong sarcasm
“I know you can’t”
“oh come’on... don’t try me...”
Nagngingitngit na ako... gusto ko ng tumakbo... gusto ko sumigaw... bakit ba ganito???
Pinipilit ko lang maging matatag... nakipagtitigan na ako sa kanya...
Hindi ako papayag na inaagrabyado nitong panget na to... kahit na lalaki pa sya... kahit pa si Gab sya...
Pinigil ko yung hininga ko...
Nang biglang may pumalakpak...
“Gab, tama na yang pakikipagtitigan dyan... may pagkain dito oh... saka kakanta pa yang singer namin... nakaline-up yan dito...”
Whew!!!!! Save by the bell ako dun ah.... galing ng timing ni Genesis!!!! Uwaaah! Mahahalikan kita Gen talaga!! hihi
“oh hi Gen!!!” binawi ko yung tingin ko kay Gab...
“kayo talaga... mamaya na ang titigan... kumain na muna kayo”
“ok sige... san ba yung food?” hmft... sumingit naman tong panget na to sa usapan...
“ayun lang... sige.. enjoy eating na lang... Keyla, next song ka na dyan huh??? Intindihin ko na muna yung classmates natin”
“ok....”
“so let’s eat?”
Inirapan ko si Gab... ang feeling feeling ng panget na yun... hindi naman kami close ah... EAT NYA MUKHA NYA!!! NYENYENYE!!!
Binilisan ko ng konti ang paglakad...
“wait...”
Napatigil ako sa paglakad nung hinawakan nya yung kanang kamay ko...
OMG!!! Pigilan nyo ko!!!! Sasampalin ko talaga tong lalaking to... haha.. baka mainlove ako... tss
“just go with the flow honey....”
“Ako ba si Honey huh??? Keyla ang pangalan ko!!! KEYLA!!!”
“wag ka na masyadong maangal dyan... kung hindi... hahalikan kita...”
Ipiniglas ko yung kamay ko...
“I am not kidding with you Mr. Lozano...”
“I am also not... hey let’s not quarrel... kumain ka na lang... marami pa kong itatanong sayo mamaya...”
Haii...
Ayokong mapagtripan.... not now... not with him...
“ok... next song!!! Keyla Sharey Ramirez....”
Uminom muna ako ng tubig.... muntik na akong mabulunan... chance ko na to para makatakas sa panget na to...
“oh... wag kang masyadong magmadali..”
Naiwan si gab dun sa table... bahala na kakanta na ako... talk to your face!!!!
Wala ako sa sarili habang kumakanta... hindi ko nga namalayan na nasa chorus na pala ako...
Now playing:
nais kong malaman mong nandito lang ako...
naghihintay sa’yo...
at kung sakaling di magtagpo maiintindihan nitong puso
Noon ko lang naramdaman yung meaning ng kanta... napatingin tuloy ako sa gawi ni Gab... pati tuloy yung mga kaklase ko ay napatingin kay Gab...
Nakow...
Pinagtulakan sya ng mga loko papunta saken...
At sakto naman na nakarating sya nung second chorus....
Haii...
Umarte na lang ako... artista nga ako di ba???
Tinitigan ko sya with sincerity habang kumakanta....
at kung sakaling di magtagpo...
maiintindihan nitong puso
Basta naramdaman ko na lang yung gilid ng mata ko na basa...
Nararamdaman ko yung kanta...
Para talaga sa kanya yun eh...
Wala akong pakialam kung naghihiyawan na sila sa palibot....
Heto na... papatak na talaga sya...
Ang mga mata ko lang talaga ang kayang magsabi ng bagay na hindi kaya sabihin ng aking mga labi...
Pero ganoon talaga...
Ano bang aasahan ko sa isang Gabrielle Lozano...
Hindi nga sya akin eh...At hinihintay ko pa rin sya hanggang ngayon...
Bakit ba kasi... sa dinami-dami ng lalaki...Eto pang lalaking to sa harapan ko ang hinihintay ko... samantalang imposible.... imposible nya akong magustuhan... kilala ko kasi yung type nya... yung maganda... sobrang ganda... yung pwedeng pang model.. pwedeng pang-rampa... pwedeng beauty queen...
Samantalang ako.... Walang gandang maipagmamalaki...
Kahit sabi nila matalino ako... kahit artistic ako... kahit talented ako...
Satisfied naman ako sa sarili ko... kaya lang... hindi lang talaga maiwasan magkumpara kapag naaalala ko yung mga type ni Gab... at itong taong nasa harapan ko ngayon... yung kinakantahan ko ngayon... hinihintay ko pa rin sya... kahit sobrang tagal na... kahit pagod na ang puso ko...
Sa wakas natapos yung tugtog...
Malaya na naman ako mula sa lahat ng pinag-iiisip ko... mula sa lahat ng problema ko sa lovelife...
Iniabot ko yung microphone dun sa susunod na kakanta...
Tutulo na talaga yung mga luha ko eh... at ayokong makita nya yun.... kasi hindi ako mahina
Kahit masakit yung paa ko eh tumakbo pa rin ako... ng malayo... malayong malayo... hanggang sa napagod ako at napahiga sa lawn nila Genesis... pagod na ako... pagod na pagod...
Limang taon... nakakapagod ang limang taon...
Naalala ko tuloy si Nam.. yung sa Crazy Little Thing Called Love...
Buti pa si Nam, nagawa nyang magtapat kay Shone after 3 years... samantalang ako... ako... ako... hindi ko kaya... tanong ko pa rin sa sarili ko kung kelan ko yun gagawin...
Nararamdaman ko ang pagod na sumuot na sa buo kong katawan... gusto kong magpahinga...
Pumikit ako hanggang sa naramdaman kong may panyong pumahid sa mga luha ko...
---End of chapter 17
My Sweet Nightmare Chapter 18- CD
Hindi ko alam kung ano ang topak ko at naisipan kong asarin si keyla.Bihira lang naman ako mang-asar ng babae... Ayoko kasi napapalapit sa mga babae...
Pero iba si Keyla... natutuwa ako sa kanya kapag naaasar sya at kumukunot nag noo... Ang cute nya tingnan pag napipikon na sya... Hindi ko naman talaga type ang gaya ni Keyla... mahilig ako sa mukhang artistahin... pero ewan kung bakit attracted ako sa cute na to...,
oo... attracted ako... hindi dahil sa pinaghihinalaan kong may crush saken tong si Keyla kundi natutuwa akong makita na nag-evolved na sya mula sa makulit na bata papunta sa isang masungit na dalaga...
natatawa na rin ako sa sarili ko pag naiisip ko sya...
alam kong napa inosente tingnan nitong cute na to... kaya nung lokohin ko sya at sabihing hahalikan ko sya eh biro lang yun... masyado kasi syang maingay eh... wala na akong choice... kinabahan ako nung nakipagtitigan sya sa akin... pakiramdam ko kasi, napakalakas ng tibok ng puso ko at gudto na nitong tumalon palabas. Tsk.. nakakahiya
alam kong galit na sya.. pero syempre, hindi ako dapat magpatalo... kahit deep inside kinakabahan na ako kung hindi sya matitinag... napakatigas naman kasi ng ulo nitong si Keyla...
she grew up to be a different lady... crush sya nung kaklase ko dati... pero dahil bata pa nga si Keyla noon, sabi nya saken hihintayin nya na lang na magdalaga si Keyla bago nya ligawan...
pero ngayon... ako na yata ang nagkatama sa cute na to at natauhan lang ako nung tawagin na sya para kumanta...
“kakanta nga pala sya...” bulong ko sa sarili ko....
Nanghihinayang ako... gusto ko sya makatabi... gusto ko dito lang sya sa tabi ko... gusto ko sya makakwentuhan... gusto ko sya maasar...
Saka ko lang naalala ang totoong pakay ko kay Keyla... yung flash drive at diary....
Naghiyawan yung mga kaklase ni Keyla nung kinakanta nya na yung chorus...
nais kong malaman mong nandito lang ako...
naghihintay sa’yo...
at kung sakaling di magtagpo maiintindihan nitong puso
Hinila ako nung mga kaklase ni Keyla papalapit sa kanya...
“teka... saglit lang...”
“dali na.. sige na.. samahan mo naman si keyla dun oh!!!”
“sige na please...”
“oo nga naman”
Haiii.... Mabuti naman at wala akong naramdamang uneasiness kay Keyla nung nakalapit na ako... Tinitigan nya pa ako habang kinakanta nya yung second chorus...
At naramdaman ko yung sincerity sa bawat linya na kinakanta nya...
“Keyla... bakit ka naiiyak...?”
Ibinulong ko sa kanya yun...
Nagagalit ako sa sarili ko...
Bakit ba sya umiiyak???
Hindi pa naman talaga nalalaglag yung mga luha pero ramdam ko yung bigat ng nararamdaman nya...
Bakit Keyla?
Masakit ba yung sprain mo?
Dahil ba wala si Mica ngayon kaya ka naiiyak?
Tanging sa isip ko na lamang ang lahat ng iyon...
Galit ako... galit ako sa sarili ko dahil hinahayaan ko syang ganon habang kumakanta sya...
Kung may magagawa lang sana ako...
Nang matapos ang kanta ay tumakbo si Keyla palayo...
Papalayo ng papalayo.... Hinabol ko sya...
Hanggang nakita ko sya na nakahiga sa malawak na lawn...
Nakahiga sya na parang bata... Parang kakatapos lang maglaro
Nang lumapit ako ay nakita kong nakapikit sya...
At umiiyak...
Malaya lang dumadaloy ang mga luha sa pisngi nya...
At tuluyan na akong nainis sa sarili ko... Kinuha ko yung panyo ko at ipinahid sa mga luha nya...
“may mga tao na kahit wala kang sabihin, naririnig nila ang gusto mong sabihin...”
Pero hindi naman umimik si keyla.. Nakapikit pa rin sya na parang walang ibang tao sa paligid... Saka pa lang sya nagsalita pagkatapos ng mahabang katahimikan
“alam mo?”
“oo...”
“mali ka... hindi mo alam...”
“kahit ano pa yan alam ko...”
“pagod na ako”
“eh di magpahinga ka...”
“ginawa ko na... kaya lang...”
“kaya lang???”
“Kapag nagpahinga ka marerealize mong walang mangyayari...”
“Kaya dapat mong ipagpatuloy pagkatapos mong magpahinga”
“ipinagpatuloy ko ulit... at nagpahinga ulit ako nung mapagod... kaya lang... hanggang kailan ako magpapatuloy at magpapahinga??? Kailan kaya ako aabot?”
Sa totoo lang, hindi ko matumbok ang gusto sabihin ni Keyla...
Ang alam ko lang, pagod na sya... pero hindi nya maabot yung isang bagay...
Ano kaya yun???
“kaya mo ba akong dalhin sa mga bituin?”
“hindi...”
“ganoon yun kahirap...”
“pero kaya kong magdala ng bituin....”
“talaga?”
“oo... sabi nila, ‘if you can’t bring me to the stars just get a star and bring the star to me...”
“pagod na ako kakaabot sa bituin... pagod na ako kakahintay eh... hindi ko na nga alam yung gagawin ko”
“eh di ikaw ang gumawa ng paraan... para hindi ka na naghihintay...”
“masasaktan lang ako...”
“hindi...”
“ayoko masaktan...”
“hindi ka naman masasaktan...”
“masasaktan pa rin ako....”
Lumapit ako sa kinahihigaan nya... naupo na ako sa lawn...
“bakit ganoon ang puso???”
“anong mayroon sa puso?”
“napakadaya ng puso... ayaw mo na pero kinukulit ka pa...”
“ayaw mo na ba magmahal?”
Napangiti ako... parang nakukuha ko na ang mga sinasabi ni keyla
“ayoko na...” Napasimangot ako... nag-uumpisa pa lang akong magtanong eh...
“bakit?”
“kasi pagod na ako...”
“alam nya ba?”
“hindi... ayokong malaman nya”
“eh di maghintay ka na lang”
“hindi sya dadating...”
“alam mo naman pala eh...”
Kahit na nasabi ko yun eh parang may tinik na nakabara sa lalamunan ko...
“ayoko na maghintay...”
Natulala ako... Suko na si Keyla?
“hindi mo pa naman natatry di ba?”
“hindi pa... kasi... kasi...
“kasi takot ka???”
Napabalikwas siya....
“hindi ah!!!”
“oo... takot ka...”
“hindi sabi eh...”
“takot ka nga...”
“hindi nga.. bakit ba ang kulit mo ha?”
“bakit ba kasi pinipigilan mo ang nararamdaman mo?”
“dahil... dahil... hindi nya naman yun maibabalik...”
Napatingin ako sa kanya... nagsisimula na namang mangilid ang luha nya...
Hindi ko alam kung ano ang naisip ko at niyakap ko sya... wala naman sigurong masama doon... magkaibigan naman kami...
I just wanna comfort her for the mean time... wala akong idea kung ano man ang sakit na nararamdaman nya pero alam kong napakabigat na non dahil matagal nya ng kinimkim sa puso nya...
Naramdaman ko na lang na humagulhol sya habang nasa balikat ko... akala ko nung una ay itutulak nya ako...
pero nagkamali ako...
“sssh... tahan na... everything will be ok...” Iniangat nya yung mukha nya...
“ayos lang naman ako eh...”
“bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo???... hindi mo na kaya, pinipilit mo pa... nasasaktan ka na pero itinatanggi mo pa...”
“dahil yun na lang ang pwede kong gawin... hanggang dun na lang...”
“sigurado kang hanggang dun na lang ang pwede mong gawin?”
“oo...”
Saglit na katahimikan... hindi ko maitanong yung lahat ng gusto kong itanong...
Hindi ko alam ...
Naawa ako kay Keyla...
Siguro nga napakasakit pag limang taon ka ng naghihintay...
Bigla yata syang naconscious sa hitsura namin... nakayakap pa rin kasi ako sa kanya...
“ahm.. sorry...” Binitiwan ko sya...
“no.. i’m sorry, masyado akong iyakin...”
“hindi naman eh...”
“oo kaya... nung high school, lagi akong umiiyak kaya ayun si Mica laging nakikipag-away...”
“talaga?”
Natutuwa ako sa paraan ng pagkukwento ni Keyla... para syang batang nagsusumbong... siguro hindi pa rin talaga naaalis sa kanya ang pagiging isip-bata paminsan minsan...
“mm..mm.. tapos pag si Mica naman ang inaway, ako naman ang nakikipag-away...”
“magkwento ka pa nung mga pangyayari nung high school ka...gusto ko yung tungkol sa crush mo...” Napatigil sya... rumehistro sa mukha nya ang pagiging seryoso...
“o bakit? Ayaw mo ba pag-usapan ang crush mo? Sige wag na nga la-”
“sige na nga...” Bigla syang ngumuso...
“ayaw mo yata eh..”
“choosy ka pa.. sasabihin na nga eh.. ikaw yata tong ayaw makinig.. wag na nga lang..”
“eto naman masyadong sensitive...”
Nakakatuwa talaga si Keyla... napakadali nya mapikon...
“hindi na nga... magkukwento na po.. wait san ba ko mag-uumpisa?”
“nung first time mo sya makilala...”
Talagang kakarereen ko na tong pag-iinterview kay Keyla ngayon... at least magkakaron ako ng clue kung ako nga yung crush nya...
“matagal na kami magkakilala... siguro grade 5 pa lang ako nun...”
“talaga? San mo sya unang nakilala?”
“may program sa school...”
“tapos?”
“kasali ako sa singing contest... sya yung nag-ooperate ng sound system...”
“I see, so what’s interesting about him...”
“nung inabot ko yung cd ko, hindi nya ko pinansin... tapos... nasiko nya yung cd at tumalsik kaya ayun... nasira... umiyak ako noon kaya hindi na ako nakasali sa contest..”
“ang sama nya naman...”
Wala naman akong natatandaan na batang babae na nasiko ko noon at biglang tumalsik ang cd...
Nag-ooperate ako noon... pero wala talaga akong matandaan...
“eh anong ginawa mo dun sa crush mo?
“wala...”
“wala?”
“sabi ko sa sarili ko, hindi ko na sya papansinin...”
“pagkatapos nun nagkita pa kayo?”
“hindi na.. grade 6 kasi sya nun.. kaya ayun grumaduate na...”
“ah..”
“pero nagkita din naman kami after 2 years...”
“saan?”
“sa PNHS...”
“dun din sya nag-aaral?”
“yup... and nagbago na lahat sa kanya...”
“why...”
“binata na sya nun.. samantalang neneng pa rin ako... kaya ayun, maraming nagkakacrush sa kanya..”
“so inisip mo na hindi ka nya mapapansin?”
“oo... ganon na nga”
“bakit hindi mo sya tinanong..?” Nagulat sya... pumulot sya ng isang bato at ibinato yun sa di kalayuan...
“babae kasi ako...”
“ayos lang naman magtanong minsan..”
“hindi rin siguro... pano kung mapahiya ka lang...”
“eh di keep moving...”
“nasasabi mo lang yan kasi hindi ka babae...hindi ganon kadali umamin na may crush ka sa isang tao... lalo na pag babae ka”
“kahit nahihirapan ka na?”
“titiisin ko na lang...”
“bakit?”
“alam kong darating yung araw na magkakagirlfriend sya, ikakasal sila... at ako, maiiwang naghihintay... hindi rin talaga sya mapapasakin”
“so ibig sabihin titigil ka lang pag ikinasal na sya?”
“oo... “
“bakit hindi ka nalang magmahal ng iba?”
“sinubukan ko na... pero ayaw talaga... kaya sabi ko... hindi ko nalang sasabihin... ”
“paano kung may gusto din pala sya sa’yo...”
Ang bigat sa pakiramdam sa tuwing tinatanong ko si Keyla... hopeless romantic na sya... mahirap yata talaga maghintay ng limang taon...
“imposible nga iyon...”
“then why?”
“hep! Hep! Tama na ang tanong... alas kwatro na po... usapan natin hanggang 4pm lang tayo...”
Gulay!! Ano ba naman yan... bitin ako sa usapan namin...
Ayoko naman sirain yung promise ko kay Keyla...
“o sige... sige na nga...”
Nauna syang tumayo. Inilahad nya yung isa nyang kamay sa akin... ang saya tingnan ni Keyla... yung parang ang gaan sa kalooban habang inaalalayan ka nya pagtayo...
“taraletzzz?”
“pero ok ka na ba?”
“ok lang naman ako...”
“sige hindi na kita pipilitin kung ok ka o hindi...”
Tatakbo sana si Keyla pero kumirot na naman yata ang sprain nya...
“oh.. ayos ka lang ba?”
“ok lang...”
Hindi ko na inantay na umiral na naman ang katigasan ng ulo ni Keyla... binuhat ko sya...
“kyaaaaah!!!” Napatili pa sya...
“wag kang maingay.. baka akalain nila kung anong ginagawa ko sayo huh...”
Namula sya... napahiya yata talaga ang makulit na si keyla...
“sorry...”
“wait for a while...”
Ibinaba ko sya sa bench na naroon...
“hello manong Arnold...—ahm opo... dito po sa Hulo... sige po.. pakisundo nalang po kami”
“nagpasundo ka?”
“oo, hindi kasi maganda kung magbibyahe tayo...”
“ah..”
Hindi na ako ulit nagsalita... medyo nagtagal bago nakarating si Manong Arnold kaya kung anu-anong ginawa ni keyla para lang hindi mabored... nandyang maglaro ng bato... maglaro ng mga pambatang laro... at makipaglaro dun sa aso... hindi na sya natigil kahit injured pa sya... ilang sandali pa ay nahiga sya dun sa bench at nakatulog...
Lumapit ako para tingnan kung ayos lang sya...
Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na titigan si keyla....
Maamo yung mukha nya.. mukha talaga syang inosente sa lahat ng bagay...
Hinawakan ko yung kamay nya...
Medyo nakakuyom kasi yun...
May nakaipit dung papel.. kaya kinuha ko...
Dahan-dahan kong inalis para hindi sya magising...
“picture?”
Tama... picture nga... picture nung kabatchmate kong si Brionne...
Napilas ko yung picture... hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito...
Nagseselos ba ako???
My Sweet Nightmare Chapter 19 - Keyla's third sweet nightmare
Keyla's POV
Nakakahiya talaga yung nangyari kanina. Nailang ako dahil nakayakap sa akin si Gab. Mabuti na lang at nailihis ko yung usapan... pero maya-maya naman ay nagtanong sya tungkol dun sa crush ko...
Yung tungkol dun, siguro hindi nya na matandaan yun... nakatalikod kasi sya nung masiko nya yung CD ko.. marami kasing naggigitgitan na tao... saka sa liit kong yun, hindi nya talaga ako mapapansin...
After 2 years, ayun, nakita ko nga sya sa covered court ng PNHS.. yun nga yung nagva-volleyball kami...
Nakakainis yung pagiging mausisa ni Gab...
Hindi naman sa ayokong sagutin yung mga tanong nya pero nakaka-awkward naman di ba kung yung crush mo eh nagtatanong tungkol sa crush mo... at ang masaklap pa, sya rin yung crush mo... mamaya mabisto pa ako eh....
Pero masaya naman ako sa nangyari... at least nakapag-open ako kay Gab kaya hindi na masyadong mabigat dalhin...
Masyado kasi akong affected pag lovelife na ang usapan... bukod sa wala ako noon eh imposible pa yatang magkaroon ako noon sa taong hinihintay ko... haha
Sabi ni Mica hopeless romantic na raw ako... naghihintay sa isang taong walang balak dumating...
At habang kaharap ko na ngayon yung taong hinihintay ko, saka ko naman nararamdaman na parang ang hirap-hirap nya abutin...
Napansin ko sa wrist watch kong suot na malapit na mag 4pm...
Ayoko na rin makipag-usap kay Gab dahil naiilang na ako kaya pinatigil ko na sya sa pagtatanong nya...
Mabuti na lamang at hindi na sya nagpumilit pa...
Agad nyang tinawagan yung family driver nila (wow sosyal!) at nagpasundo...
Hindi ko na sya kinausap pagkatapos nya tumawag kay Manong Arnold... naglaro na lang ako ng kung anu-ano at naramdaman kong parang bumibigat na yung pakiramdam ko... naghikab ako ng ilang beses... haiii... inaantok na naman ako...
Kinapa ko yung bulsa ko... ilalatag ko sana yung panyo dun sa bench para mabawasan yung lamig ng hihigaan ko...
Pero kasabay ng paghugot ko sa panyo ay nalaglag din yung isang picture...
Picture ng kaaway kong si Brionne... tsk... mukhang napagtripan na naman ako ng mga kaklase ko ah...
“hooohmm..” isa pa ulit hikab...
Nakakaantok talaga aba... bahala ka dyang Brionne ka dyan...
**
At heto na naman ako sa pananaginip ko... oo nananaginip na naman ako...
Kumakain kami ni Gab ng lunch... pareho daw kami sa URSP nag-aaral
(sabi ko nga nananaginip na naman ako...)
Medyo maraming tao sa canteen... nahihiya tuloy ako kasi pinagtitinginan kami ng mga tao...
Siguro iniisip nila kung bakit kasama ng panget na to ang isang Keyla na gaya ko...
Nakakagalit... lalo na sabi nung isa
“oy tingnan mo oh... hindi sila bagay... nakakainis.. kami kaya ni Gab ang bagay!!”
Aits.. talandi ang bruha... nakakaloka... sarap sabunutan eh...
“oo nga girl noh??? Hindi naman maganda yang si Keyla, ginayuma ba nya si Gab?”
“siguro...”
Kala mo tong mga tsismosang to... Hmft... ang feeling... eh mukha naman silang hipon!!!
Biglang tumayo si Gab... nagulat ako... akala ko aawayin nya yung mga babae para saken... (haha.. ambisyosa)
Syempre, nakuha nya yung atensyon ng lahat ng kumakain...
Hinawakan nya yung kamay ko...
Kinakabahan ako kahit alam kong panaginip lang to...
“Ms. Keyla Sharey Ramirez, will you marry me???”
Alam kong sapat na yung boses nya para marinig sa apat na sulok ng canteen yung sinabi nya pero patuloy na umaalingawngaw sa utak ko ang mga sinabi nya...
Nagbulungan yung mga tao...
Anak ng tinapa... susmeyong galapong na nagkapatong-patong naman oh...
“waaaaaaaaaaaaaaahhh!!!! 17 pa lang kaya ako!!!”
**
Nagising ako dahil sa napanaginipan ko...
Andito na ako sa loob ng van nila Gab... aitz.. nakakahiya... napasigaw pa yata ako...
Napatingin lang si Gab pero hindi nya ako kinausap... may sumpong ata... hai... sadyang nakakainis ang mga lalaki... ang labo nila...
“dun ako nakatira sa Paranghari nakatira...” Tumango lang sya at pumikit...
Nakakapanibago... parang kanina lang eh tanong sya ng tanong... ngayon naman napipi na yata...
Pumasok na kami sa street namin... malapit na sa bahay...
Nakakainis..
Ano bang problema nya?
Galit ba sya saken?
Naiinis ba sya kasi nakatulog ako?
Ai bahala ka sa buhay mo Gab....
“dyan na lang po sa may puting gate manong...
Ipinarada ni Manong arnold yung sasakyan sa tabi...
“pasok muna kayo Gab...”
“no thanks...” Mabilis nyang sagot... ni hindi nya ako tinitingnan...
“ok sige... thanks na lang sa paghatid...” Sa halip na magsalita ay bumaba sya ng sasakyan at binuhat ako...
“I can walk na naman eh...”
“for sure you’re not...”
Nakalock yung bahay... kinuha ko yung susi... ako na sana yung magbubukas pero inagaw saken ni Gab yung susi at sya na ang nagbukas...
“so you’re alone...”
“yup... mamya pa ang dating ni Mama...”
Sa wakas ay nakapasok na kami sa loob...
Ibababa nya sana ako sa sofa....
“dito na lang ba o sa kwarto?”
Hooloo..... kinabahan naman ako sa sinasabi ni Gab...
Pero naisip ko rin na kailangan ko magpalit ng damit...
“sa kwarto na lang if pwede...”
Binuhat nya ulit ako at iniakyat sa taas...
Ibinaba nya ako nung andun na ako sa tapat ng pinto...
“I should not enter... ingat ka na lang dito... if may kailangan ka, just text me ok?”
Hmft... sino ba sya??? Tatay ko... kala mo to kung makapag utos...
Nakakainis yung tono ng pananalita nya...
Para syang nag-uutos na ewan...
Saka kakaiba talaga...
Galit kaya siya saken??? Huhu
“ay Gab, salamat ulit sa paghatid... naabala kita today... sorry ah...”
Tumango na lang ulit sya gaya kanina... haist... napipi na yata ng tuluyan si Mr. N.R.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa reaksyon nya.. nakakainis yata talaga... parang kanina lang ang kulit nya tapos ngayon ang sama-sama nya na... waaaah!!! Bakit ba ang hirap ispelengin nga mga lalaki sa mundo...
Binuksan ko yung pinto ng kwarto nung makababa na sya...
Magpapahinga na muna ako... tutal hinatid na pala ni Mica yung mga gamit kong naiwan sa school dito sa bahay...
Nakita ko yun dun sa living room nung dumaan kami ni Gab...
Siguro after 30 minutes ay dumating na si Mama...
Pumasok sya sa kwarto ko at nakita nya yung benda sa injured kong paa...
“oh Keyla, what happened?”
“wala po Ma, no choice lang este nadulas po ako sa school...”
“ah... buti naman nandito ka na... may dala kasi akong flyers.... baka gusto mong tingan...”
\*-*/
Yehey... ang dami-daming flyers... malapit na kasi magsembreak kaya may ganito... mga camping, team-building... haha... dati ayoko sumali sa mga ganito kahit pilitin pa ako ni Mama pero parang gusto kong sumama para makapag-unwind kahit konti....
“ano, may nagustuhan ka ba?”
“hmm... ang dami naman kasi Mama... nakakalito”
Nakita ko yung pinakasimpleng lugar... hmm.. madadali lang siguro yung mga activiteis dito..
“ito na lang Mama...”
Tiningnan ni Mama yung flyers... saka kumunot ang noo nya...
“sigurado ka?”
“sure...”
“ok... I’ll call later para makapagparegister ka na... may sakit ka ba anak bukod dyan sa injury mo?”
“huh?” Kagulat si mama...
“wala naman po ah...”
“eh bakit yata sumali ka ngayon kahit hindi kita pinipilit?”
“wala lang po...”
“talaga?”
“opo Mama... pwede ko ba isama si Mica...”
“Pwede if available sya”
“ah... sige po Mama.. tatawagan ko nalang si Mica...”
“ah ok sige... tatawag na rin ako dyan sa event organizerpara makapagpa register ka na huh... kung nagugutom ka na, bumaba ka na lang... may pagkain na sa ref...”
“sige po Ma, salamat...”
Lumabas na si Mama...
Hai...
Kinuha ko yung cellphone ko...
“hello Mica...”
“oh ano Keyla... kamusta?”
“ok naman... injured pa rin...”
“ok lang mainjured basta si Gab naman ang kasama mo... hahaha”
Ayun ang bruha, humahagalpak ng tawa sa kabilang line...
“hoy, awat na... wagas ka makatawa ah... eh hindi naman tungkol kay Gab ang itinawag ko sayo..”
“huh? Eh ano?”
“gusto mo ba sumama sa camping...?”
“kelan naman yun?”
“sa sembreak..”
“sa sembreak... next week?”
“yup...”
“ahm... wait, tingnan ko... ay hindi pala pwede... uuwi ako sa amin sa sembreak...”
“ay sayang naman..”
“teka nga Key, at ano namang naisipan mo at sasama ka camping? Eh di ba ayaw mo ng mga ganyan dahil lampa ka? Huh?”
“kaw naman kung makapang-olai ah...”
“eh totoo naman ah... anong meron?”
“wala lang... gusto ko lang magrelax...”
“talaga lang huh? Sabagay tama ka dyan friend... kaw na ngang laging busy sa buhay mo... you really deserve a vacation paminsan-minsan...”
“pero mas masaya kung kasama kita...”
“ano ka ba naman Keyla, of course not... marami ka namang makikilala doon na mas kwela pa sa akin...”
“haha... pero ikaw pa rin ang best friend ko...”
“bruha... tama na nga yan... baka mahal na ang babayaran mo sa bill mo... for all I know, Keyla Sharey Ramirez uses regular load...”
“haha.. tama ka friend.. you really know me a lot... ok bye... thanks sa time..”
“bye...”
Sembreak na next week at may isa na lang na pending exam... sabagay role playing na lang naman yun... mag-eempake na ako ng mga gamit ko...
--end of chapter 19
My Sweet Nightmare Chpater 20- PAINTING
“Bye Ma...”
“ok anak, ingat ka dyan huh?”
“opo...”
“yung mga bilin ko wag mo kakalimutan...”
“ok po...”
“ok bye...”
Isinara ni Mama yung bintana ng kotse.. hinila ko na yung maleta ko papunta sa registration booth... Naipagbayad na daw ako ni Mama online kaya hindi ako pipila dun sa mahabang pila... doon na ako sa booth kung saan kukunin yung kit para sa buong 3 day camping kasama na dun sa kit yung meal stub...
ayos... parang kagaya lang din ng mga naattendan kong presscon ang sistema dito kaya hindi ako mahihirapan...
nagsalita yung organizer...
“ok... all participants, please compress..” Holooooo... ang daming tao...
Marami pa palang seremonyas bago magsimula ang mga laban...
Nakakainis...
Sana mag start na...
Iginrupo nila kami sa apat na team...
Napunta ako dun sa “oak team”
Haha... ang kyut ng name... OAK....
Pagkatapos ay pinapunta na kami sa mga tent para mailagay na yung mga gamit namin...
Mababait naman yung mga ka-team ko na kasama ko sa tent... sina Chloe, Izzy, at Nicole... kaya lang parang maaarte silang lahat...
Pagkatapos nun ay nag-start na ang mga laban... first stop...
Obstacle course... patay....
Nanlula yung mga mata ko sa mga obstacle... parang hindi ko yata kaya..
Haizt...
Team Pine ang kalaban namin...
Pinapili ng team leader ang bawat isang group at susmeyong galapong... ako ang napili...
Mukhang tapos na rin yung kabilang team sa napili nilang leader... hmm... sino nga kaya...
“ok, all leaders come here in front...”
Kumabog yung dibdib ko...
Hindi dahil kinakabahan ako...
Kundi dahil...
Sigurado ako...
Siya yun... hindi ako pwede magkamali
Gulay naman oh...
SI GAB!!!!!
Gusto ko mapaupo sa malawak na lawn...
Bakit ba andito sya???
Nakakainis huh...
“ok, ang leader ng team Oak, Keyla!!!”
Naghiyawan yung mga ka-team ko.....
“sa team Pine naman, si Gab!!!!”
Hindi lang naghiyawan ang mga teammates nya... pati na yung mga ka-team ko eh nagtiliian...
Ah kainis...
“ok, team leaders, kayo ang mauuna sa obstacle course...”
Nung pabalik na kami sa mga ka-team namin ay bumulong sya
“ok na ba yung injury mo... baka naman maging pabigat ka pa sa team mo?” Napatigil ako...
Pero narealize ko na hindi ngayon ang tamang panahon para makipag-away kay Gab...
“I’ll make sure I’m not...” Malapit na magstart ang game...
Kaya mo yan Keyla...
“ready get-set-go!!!!”
Dali Keyla....
Lalaki yang kalaban mo....
Hindi ka dapat magpatalo...
Halos sabay lang kami ni Gab sa lahat ng obstacles.... kaya mo yan...
Nung magkalapit na kami sa isang obstacle eh nagsalita sya...
“wag mong pilitin kung hindi mo kaya..”
eh mayabang naman pala talaga tong panget na to eh...
eh halos sabay nga lang kami...
nginitian ko na lang sya... hindi ako magsasalita.. nakakaubos ng lakas ang pagsasalita...
“oh, bakit wala kang masabi dyan... masakit na ba ang injury mo?”
Hindi ko nalang sya papansinin... bahala ka dyan... kunwari hindi tayo magkakilala ngayon...
Hai... malapit ng matapos ang race...
Ayun na yung dulo...
Sabay talaga kaming nakarating....
Nakakapagod... napahiga tuloy ako sa lawn...
“wag ka nga mahiga dyan!”
“bakit, iyo ba tong lawn na to?! Huh? Huh?”
“eh kung sabihin kong oo, may magagawa ka?”
“so what kung iyo nga to... nagbayad ako para makapasok dito ano...?”
“then i’ll return your money para makaalis ka na...
Napabalikwas ako...
Nagpupuyos ang damdamin ko...
Tumalikod na si Gab...
“and pretend na hindi tayo magkakilala...”
“sure, is that all you want?”
“that’s enough for me...”
Nalaglag yung isang butil ng luha ko nung naglakad na sya palayo...
Ano ba kasing problema nya....
Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah...
Naupo sya sa lawn ilang metro lang ang layo sa akin...
Nakabalik yung isa kong ka-team...
Si Brionne...
Aish.. ka-team ko nga pala tong kumag nato...
“oh Keyla, ok ka lang ba ha?”
“yeah..”
“then why are you crying?”
“hindi naman luha yan... pawis yan...dun ka nga Brionne... kitang pinapawisan ah...”
“no, i want to sit here...”
“why?”
“coz you’re here..”
“then?”
“bakit ba kasi hindi mo pa ako sagutin Keyla...”
“I said, hindi ako nagpapaligaw...”
“kasi may mahal kang iba?”
“oo, may mahal akong iba kahit masungit pa sya... kaya leave me alone!!!”
Pinalakas ko ng konti yung boses ko para marinig ni Gab...
May naisip akong plano
“ang sakit naman nun Keyla...”
“no I’m just kidding Brionne.. yes you can sit by my side whenever you want to..”
“talaga?”
Kumislap yung mga mata ni Brionne.. parang yung sa cartoons, parang biglang may nagspark sa mata... haha
Sa totoo lang, gwapo naman tong si Brionne kaya lang masyado syang babaero...
Saka si Gab talaga ang gusto ko noon pa man...
Nung makabalik na ang iba naming members ay sila naman ang binola ni Brionne..
Babaero nga talaga...
Tumungo ako at at nung tumunghay ako ay nakita kong nakatingin sa akin si Gab...
Hmft...
Tumungo na lang ulit ako...
Bigla nya rin kasi binawi yung tingin nya...
Nakakainis na...
Mabuti na lamang at wala ng event nung hapon... nagpe-prepare kasi ang lahat para sa camping activities ng gabi...
Umupo ako dun sa tabi ng pool... nanonood ako ng sunset...
Nakita ko si Gab sa di kalayuan.. nakatingin sya sa akin...
At mukhang papalapit sya...
Pero biglang lumapit si Brionne...
“hi Key...”
“oh Brionne.. andyan ka pala..”
“nakakabored kasi dun sa kabila...”
“ah...”
“eh ikaw, bakit ka mag-isa dito?”
“gusto ko lang manood ng sunset...”
“oh talaga? Mahilig ka sa nature...”
“yup... i’m a painter kasi and I wanna draw it from here... masyadong perfect ang kulay ng sunset ngayon...”
Naramdaman kong umupo rin si Gab sa isang bench sa tabi ng pool malapit sa amin ni Brionne
“oh really?”
“yes.. can’t you see that blue sky na unti-unting nagiging orange? Ang galing noh...”
“you’re very good at details Keyla... you deserve the title artist of the year..”
“thanks”
Tumunog na yung bell... hudyat na yun para sa dinner.. maaga talaga ang dinner sa mga ganito...
Hindi na naman nakakapanibago...
Ganito rin sa ibnag lugar.. ang kaibahan nga lang, kasama ko si Gabrielle Anthony Lozano na sya raw may-ari nitong lugar...
After ng pagkain ay dumiretso na ako sa mga tent para bisitahin yung mga gamit namin, trabaho kasi ng team-leader yun...
Nagulat ako ng biglang may humila sa akin...
“wait lang... ano ba?”
“sshhh...”
Oh em ji... si Gab
“oh ano na naman Gab. Paaalisin mo ba ako...?”
“no...”
“then what?”
“Please paint a sunset for me...”
Nanlaki yung mata ko...
“akala ko ba kunwari hindi tayo magkakilala?”
“pag maraming tao lang...”
“ok...”
Kinuha ko yung materials at inilapag ko iyon... maliwanag naman eh...
Poster paint lang ang pinagamit nya saken kaya madali kong natapos ang painting...
“thanks...”
“san mo ba gagamitin yan?”
“may pagbibigyan ako...”
“sino?”Aysows... masyado kong pinabongga yung painting tapos ibibigay nya lang pala..
“dun sa ka-team mong si Izzy!”
--end of chapter 20
My Sweet Nightmare Chapter 21
Five days ago....
Haist... nakakainis... bakit ba ako naiinis??? Hindi naman ako naiinis kay Keyla kanina pero nung nakita ko yung picture ni Brionne kanina eh hindi naiwasan yung pagkainis ko... nakuuu!!!
Crush ko na nga yata tong kacute-an ni Keyla...
-____-
“Manong tara na po...”
“san tayo Gab? Sa Bahay o sa resort?”
Aysus... oo nga pala pinapaasikaso pa sa akin yung resort.. nakakainis... haizt... ano ba yan.. gusto ko na sana umuwi eh...
“sige po manong sa resort na muna... saglit lang naman po ako dun eh... ichecheck ko lang po kung ayos na para sa team-building...”
“sige...”
Habang nasa sasakyan, ang dami-dami kong iniisip...
Yung cute na mukha ni Keyla pag nakasimangot sya...
Pag ngumingiti sya...
Pag nagsusungit sya...
Pag tumatawa sya
At nung umiiyak sya...
Bakit ba lahat ng ekspresyon na eh cute pa rin sya???
At ang sarap nyang yakapin...
Haha...
Para akong baliw... nahalata kasi ni manong Arnold na ngumingiti ako ng mag-isa...
Nakakahiya tuloy....
Pagbaba ko ng sasakyan eh sinalubong agad ako nung assistant organizer...
“hello po sir Ariel...” Hmft... Ariel ang tawag sa akin ng mga staffs dito.. short for Anthony Gabrielle .. nakakainis..
“Gab na lang...”
“but sir... your dad told us to call you A---“
“never mind that... pag andito lang si daddy saka nyo ako tatawaging Ariel... ok?” Ambaho kaya ng “Ariel”... haizt...
“sir sure na po bang hindi kayo sasali sa team building?”
“ayoko nga... nakakasawa na rin... taun-taon na rin akong sumasali sa mga ganon...”
“pero sir, sasali po ang kapatid nyo...”
“hayaan mo sya... first time nya pa naman eh... kaya hindi pa sya nagsasawa pero for sure magsasawa rin yun...”
Sinabayan ako nung assistant organizer papunta kay Paul.. yung event organizer dito...
May kausap ata...
“ahm... yes po ma’am... iregister ko na po now? Ah kunin ko nalang po ang name nya... pakiulit po ma’am---... Keyla what po???----Keyla Sharey Ramirez?—ok po... sige po.. pakideposit nalang po yung bayad sa bank account namin.. sige po... thanks...”
“Paul....”
“yes sir...”
Nagulat pa si Paul.. hindi nya napansin na nakalapit na ako sa kanya...
“sasali ako...”
**
Kitang-kita ko nung bumaba si Keyla mula sa kotse ng mama nya...
Ang sarap siguro ng pakiramdam na mag-isa kang anak na gaya ni Keyla...
Tsk... ano bang naiisip ko... mamaya baka mapansin ako ni Keyla mula dito sa balcony ng rest house...
Hindi na muna ako magpapakita sa kanya... sinigurado ko na planado ang lahat...
Na mapupunta sya sa oak team... at sya ang magiging team leader... at ang group ko ang una nilang makakalaban...
Gusto kong protektahan si Keyla habang nandito sya... para na rin nakikita ko ang bawat galaw nya...
Pero napaka uncertain pa rin ng nararamdaman ko sa kanya... basta masaya ako pag pinagtitripan ko sya minsan... gaya na lang nung isinakay ko sya sa van namin habang natutulog sya... kinuhaan ko ng picture ang tulog na tulog na si Keyla...
(~__~)
Haha...
Gusto ko lang ba talaga sya pagtripan???? O may gusto talaga ako sa kanya????
Hayun... at dumating na rin si Brionne... oo, ang karibal kong si Brionne... ang karibal ko sa lahat ng bagay...
Nakakainis...
Gusto ko syang paalisin...
Karibal ko na sya simula elementary sa lahat ng bagay...
Sa honor... sa mga competition... sa lahat... pati ba naman kay Keyla???
Ayokong nandito sya malapit kay Keyla...
Bumaba na ako ng balcony...
Mamaya na ako magpapakita kay Keyla... pati na rin kay Brionne...
Moment of truth... dumating na rin yung time para malaman ni Keyla na nandito ako...
Sila kasi ang first na kalaban namin...
Alam kong nagulat sya nung makita nya ako dito...
Bakit ko sya sinabihan ng mga nakakainsultong salita???
Para mas lalo syang mamotivate... alam ko na ang ugali ni Keyla... alam kong hindi sya kagalingan sa mga ganito pero pag hinamon sya eh hindi nya inaatrasan... at mas lumalakas ang fighting spirit nya...
Alam kong masakit yun para kay Keyla...
Yung sabihan ka na “baka maging pabigat ka lang sa grupo mo...”
Pero ginawa ko lang yun para hindi mas galingan nya pa...
At nakita ko naman yung resulta agad dahil hindi nagpatalo si Keyla..
“wag ka nga mahiga dyan!”
Nag-alala ako nung makita ko syang nahiga sa lawn nung makabalik sya... masama kasi pag pagod ka tapos bigla kang nahiga... haist.. kung pwede ko lang sana itayo at buhatin si Keyla mula sa pagkakahiga nya
Alam kong nagpanting yung tenga nya nung narinig nya yun... pero concerned lang naman talaga ako eh...
“bakit, iyo ba tong lawn na to?! Huh? Huh?”
Pag-aari ko naman talaga to ah... haizt.. ang ibig ko lang naman sanang sabihin eh nag-aalala ako sa kanya dahil sa ginawa nya
Pero dahil nakita kong parang sasabog na si keyla eh naisip kong galitin pa sya
“eh kung sabihin kong oo, may magagawa ka?”
“so what kung iyo nga to... nagbayad ako para makapasok dito ano...?”
“then i’ll return your money para makaalis ka na...”
Galit na nga si keyla... nasobrahan ata nag panggagalit ko... baka isnabin na ako nito forever.. ohnoes
Pikon ka Keyla...
“and pretend na hindi tayo magkakilala”
Wala na akong masabi... parating na kasi si brionne.. gusto ko pa sana sya paiyakin eh...
Pag kasi nalaman ng mga tao dito na magkakilala kami ni Keyla eh baka kainisan lang sya... lalo na nung malalanding babae na laging nagsusulputan kung saan...
**
Nung hapon... nakita ko sya na nag-iisa sa may tabi ng pool
Nakatulala lang sya habang papalubog yung araw...
Maya-maya ay iniangat nya sa hangin yung kanang kamay nya...
Nagdodrawing yata sya sa hangin...
Lalapitan ko sana sya... kaya lang naunahan ako ng asungot na si Brionne... lagi na lang
Naupo na lang ako dun sa bench malapit sa kanila... at least naririnig ko yung usapan nila...
Aha... magaling pala si Keyla sa pagpinta huh?
**
“Manong arnold pakidala nga po dito yung coloring materials ko... andyan yun sa study table ko...”
“huh? Eh anong gagawin mo sa mga yon?”
“ah.. eh... ano po... naboboring po kasi ako...”
“o sige..”
Ayos...
Nang hilahin ko sya para ipagpaint ako eh alam kong nagulat talaga sya...
Lalo na nung sabihin kong
“may pagbibigyan ako...”
Well.... akin na lang muna yun...
At heto na naman ang makulit na si keyla... nag-iisa habang nag-iihaw ng barbeque...
Habang ayun si Brionne, nakikipaglandian sa iba...
*sniff
“haizt... kainis na usok naman to oh...”
Ai... naiiyak pala sya dahil sa usok
Medyo makapal nga kasi yung usok ng grill
“ok ka lang?”
“ok lang...”
Pero patuloy pa rin sya sa pag-iihaw...
“sigurado ka?”
“oo naman... sige dun ka na sa kanila...”
T____T
“ayoko”
“eh di bahala ka mausukan dyan.... mag-aamoy tinapa ka...”
“ayos lang... pareho naman tayong amoy tinapa pag nagkataon..”
Sabay kaming napatawa ni keyla...
Bakit ba napakasimple lang ng taong to...
Hindi sya kagaya ng ibang babae na todo mag-make up... wala nga yata syang make-up eh...
At walang masyadong accessories sa katawan...
Pero kahit simple sya tingnan eh ayun... cute pa rin
“o hayan... tulungan mo na lang kaya ako kaysa pinapanood mo ako...” sabi nya habang iniaabot sa akin yung isang stick ng barbeque
“oo na po...”
Magkatabi kami ngayon ni Keyla habang nag-iihaw... naluluha na talaga sya sa usok...
*sniff
Pero masyado naman yatang madami yung luha nya ah... umaagos na kasi sa pisngi nya...
(T____T)
Hindi na ako nakatiis at kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ng pantalon ko...
“ok ka lang ba talaga?”
“oo naman... bakit naman ako hindi magiging ok?”
“ewan... baka napapagod ka na o kaya nahihirapan ka na?”
“hindi rin... sanay ako gumawa ng mga ganito...”
“ikaw ba ang nagluluto sa inyo?”
“yup... wala naman kaming katulong eh...”
“talaga? Eh di ikaw ang naglilinis ng bahay nyo pati na rin ang naglalaba ng mga damit?”
“oo”
“eh bakit hindi kayo kumuha ng katulong?”
“wala naman kasing masyadong linisin sa bahay... tapos dalawa lang kami ni Mama... kaya ayun... wala rin masyadong labahin....”
“eh masarap ka ba magluto?”
“siguro...”
“hindi ka sure?”
“para lang yan pagbabasa ng literary pieces, ang pagiging maganda ng isang sulatin ay depende sa bumabasa gayundin ang pagiging masarap ng pagkain, depende sa tumitikim...”
“ah... I see... so shall you cook for me one time para naman matikman ko ang luto mo?”
“ayoko..”
“bakit?”
“bakit kailangang tikman mo ang luto ko?”
“wala lang...”
“wala lang pala eh...”
“but I am hoping na one day matikman ko rin yun...”
“asa ka pa... haha”
Bakit ba parang may lungkot sa kanya? Hindi ko maipaliwanag pero parang may iniiwasan sya...
“oh last na yan huh... tapos dadalhin na natin sa mga kagroup natin...”
“ok sige... sabay natin dalhin”
“Gab!!! Can we talk for a whille?”
Napalingon ako sa gawi ng nagsalita... si Izzy pala...
“oh sure... wait lang...”
“sige na Gab, you may go...”
“no, i’ll finish it... sige na... go ahead...” Itinulak ako ni Keyla palayo...
Haist...
“so anong pag-uusapan natin Izzy...”
“tungkol kay Keyla....”
--end of chapter 21
My Sweet Nightmare Chapter 22 – Getting to Know Izzy
Izzy.... short for Irene Zyan Lozano
Yup... kambal po ako ni Anthony Gabrielle Lozano
**three days ago
Hayun si Gab, paikot-ikot sa sala...
“Keyla.... Brionne... Keyla... Brionne... yung picture... si Keyla... hindi... hindi pwedeng si Brionne...”
Haizt para syang baliw...
Hindi nya nga namalayan na nakalapit na ko eh...
“hoy!!!!”
O__O Nagulat sya... haha
“ano ba?” Aits... sya pang galit?
“eh bakit ka ba kanina pa paikot-ikot dyan huh?”
“wala to...”
Tapos napabuntong-hininga sya...
“ok... sabi mo eh” Aalis na sana ako eh
“Izzy, will you really join the team building?”
“oo naman.. first time ko eh...”
“can you do a favor for me?”
“sure... if you tell me kung anong iniisip mo...”
Napasimangot si Gab...
“pwede bang iba na lang?”
“no... i know na masyadong importante yang iniisip mo kaya kailangan mo pa ng tulong ko.... at yun ang gusto kong malaman...”
“mautak ka talaga...”
“well, mana lang sayo...” Sabay kaming napatawa...
Masyado kasing malihim sa buhay tong si Gab... hindi ko nga alam kung may girlfriend to o wala eh...
Tahimik lang kasi sya... pero once na nagdaldal sya eh alam ko ng may problema to...
“but please promise first na wala kang pagsasabihan at tutulungan mo talaga ako...”
“you know me Gab, I do everything I promise...”
“basta magpromise ka muna...”
“haist ang kulet? O cya... promise!!!” Itinaas ko pa yung kanang kamay ko para maniwala sya
“hintayin mo ako dito...”
“ok”
Umakyat sya papunta ng kwarto nya... may kukunin ata... ano kaya yun?
Baka naman inlove tong kapatid ko... kahapon ko pa kasi sya napapansin na ngiti ng ngiti ah... para na ngang baliw...
Bumalik sya na dala ang isang notebook at flashdrive...
“o ano yan?”
“eh kasi...”
“babae ba?”
Tumango lang sya... haiii... sabi na nga ba...
“o anong meron?”
Ipinakita nya sa akin yung notebook... diary pala yon....
Dear diary,
16 days before graduation... hayun si NR... papaakyat ng stage... hai... bakit ba kailangan nyang umalis? Ang engot ko noh? Syempre kailangan nya grumaduate para makapag college... at ako... maiiwan ako dito... pero hihintayin pa rin kita... kahit hindi mo ako pansinin...
Love lots,
Keyla
“oh anong meron dito? Simpleng diary lang naman to ah...”
“hindi mo kasi naiintindihan... kilala ko yung may-ari nyan eh...”
“ayun naman pala eh... eh di ibalik mo...”
“hindi lang yan... ito pa...”
Ikinonnect ni Gab yung flash drive sa laptop nya...
At ang pangalan ng flash drive ay “Keyla” katulad nung pangalan ng may-ari ng diary... at nung buksan nya yun isnag folder, bumulaga yung maraming pictures ni Gab...
“oh em ji Gab... ano yan?”
“eh di pictures ko!!!”
“oo nga... alam ko... what I mean is bakit may ganyan dyan?”
“ewan ko...”
“so what do you want me to do?”
“Keyla joined the team-building... I want to know if ako yung crush nya na five years nya ng hinihintay...”
“five years?”
“yup... since high school...”
“I see... so you want me to get Keyla’s insight?”
“exactly... without her knowing that we are siblings...”
“can I ask you a question?”
“ano yun?”
Tinitigan ko muna si gab... ayoko sana itanong pero itatanong ko na rin...
“bakit gusto mo malaman?”
“because I like her...”
“what if malaman mong hindi pala ikaw yung lalaking yun?”
“then i’ll make her fall in love with me...”
“what if nakalimutan nya na pala yung pagmamahal nya sayo if ever maconfirm kong ikaw yun?”
“then I’ll make her fall in love with me again...”
**
At heto ako ngayon... kasama si Keyla sa iisang team... kasama sa tent...
Maganda naman pala sya eh.. saka mabait... matalino... caring... at higit sa lahat maasikaso...
Perfect for Gab... si Gab na makakalimutin... si Gab na maikli ang pasensya...
Nakahiga sya sa loob ng tent.... kakatapos nya lang kasi mag-ayos ng gamit nya
“Keyla...”
“yes?”
“can I ask you something?”
“sure...”
Umupo siya mula sa pagkakahiga...
Binuksan nya yung dala nyang tent light...
“what do you think of Gab?”
“huh?”
“I mean... how do you find Gab?”
“ok naman sya eh...”
“ok as in?”
“ok as in gwapo sya, matalino, mayaman... what more can a girl ask for?”
“talaga?”
Pakiramdam ko nahihirapan sya magsalita...
“oo naman...”
“do you think, he’s a perfect boyfriend?”
Natahimik sya ng konti...
“ahm... maybe... sino bang aayaw kay Gab?”
“eh ikaw, gusto mo ba si Gab?”
Hindi sya sumagot...
“it will be better if I’ll not like Gab...”
“why?”
“coz it is tear-jerking”
“oh.. I’m so sorry for asking...”
“it’s ok...”
“can you please tell me your love life?”
“why?”
“wala lang... coz I found you a very strong lady who fights till your las breath... maybe it is because of your love one...”
“walang interesting sa lovelife ko aside from hinihintay ko na sya for five years...”
“wow!!! Five years?” kunwari hindi ko alam
“yup... since high school...”
“pero what happened?”
“nothing happened... kasi naman, hindi nya ako napapansin...”
“may mahal syang iba?”
“yata....”
“aww.... how did you know na may mahal syang iba?”
“he asked me to do a favor tapos for another girl naman pala...”
“talaga?”
“yup... pero ok lang... matagal ko na namang tanggap yun eh”
“pero paano pag one day nalaman mong may gusto din pala sya sa’yo?”
“ewan ko lang pero hindi na naman siguro mangyayari yun?”
“wag ka mag-isip ng ganyan...”
“ui Izzy thanks sa pakikinig sa lovelife kong walang patutunguhan ha?”
“wala yun... ako nga tong makulit eh... hanga nga ako sayo kasi kaya mong maghintay ng ganon katagal...”
Napangiti lang si Keyla...
“sige izzy, labas na muna ako... ichecheck ko lang yung iba nating members...”
“ok sige”
Nang makaalis na si Keyla eh narealize kong hindi naman talaga biro kung si Gab ang crush ni Keyla... napakahirap maghintay... limang taon.. limang taon yun.............
Kung ako lang hindi ko yun kaya...
Pero pakiramdam ko, si Gab nga iyon...
Imposibleng si Brionne...
Pero malalaman ko rin mamaya... sa huling activity...
**
“ok ang game na ito ay test kung gaano nyo pinagkakatiwalaan ang mga kagrupo nyo... kailangan bumunot ng team leader ng isang tanong mula sa box... ang tanging sasabihan nya ng tanong ay ang pangalan ng member na mabubunot nya... tapos ay ipapasa ng member na yun ang sagot sa ibang kagrupo hanggang sa makarating sa dulong member... masusukat ang katapatan ng member na makakaalam ng tanong at sagot kung hindi mabubunyag ang naging tanong.”
Lumapit si keyla... bumunot sya sa box at kagaya ng plano, pangalan ko ang nabunot nya...
“miss Keyla, pakibasa ang pangalan...”
“Izzy”
“ngayon naman ay kumuha ka ng tanong...”
Huminga muna ng malalim si Keyla... lumapit sya sa akin
Binuklat nya ulit yung papel at binasa ang tanong
“sino ang first love mo?”
Madali namang magsinungaling pero sa challenge na to masusukat kung gano kayo nagtitiwala sa ibang tao...
Bumulong sya sa akin pero ramdam ko ang panginginig ng mga kamay nya...
“ang first love ko.... ay si... ay si GAB!!!”
--end of chapter 22
My Sweet Nightmare Chapter 23-
Conditioned reflexes...
“Conditioned reflexes, yun bang parang pag dala mong bike mo at masasagasaan mong mga roses ni Lola Asyang, bigla mong ipipihit paganyan ang manibela. Hindi mo na pag-iisipan, basta ipipihit mo na lang. Pure reflex action.”
Naalala ko yung script na isinulat ko sa Dekada ‘70
Akala ko lang kasi matagal ko na naikondisyon ang isip at puso ko sa mga ganito
Gusto ko umiyak... matapos isigaw nung huling group member yung pangalan ni Gab ay ilang beses ako humiling na sana ay wag ipagkalat ni Izzy kung ano man yung nalaman nya...
Alam ko namang nagtataka silang lahat kung bakit “Gab” yung sagot sa tanong... wala ako ng nagawa eh
Hindi ko kayang magsinungaling...
Natapos na rin yung ibang group sa challenge na yun kaya rest time na...
at hayun... nakita ko si Izzy na papalapit kay Gab...
at inakbayan pa sya ni Gab...
ang sakit.. yung matapos malaman ni Izzy ang lahat lahat... tapos makikita mong kasama sya ng taong mahal mo...
mahal ko???
Napatigil ako sa paglalakad... kelan ko pa ba inamin sa sarili ko na mahal ko yung panget na yun?
Ewan...
Napasulyap ako dun sa gawi nung dalawa... parang ang saya-saya nya...
Ano bang pakialam ko???
Haizt...
Basta may parte sa puso ko na umiiyak... tama na siguro yun...
Sabi nga ni Mica, wag kong iyakan ang mga bagay na wala naman akong magagawa
Ilang beses ko na din ba sinabi sa sarili ko na hindi ako masasaktan???
Pero bakit ganun???
Masakit pa rin...
Kinuha ko yung cellphone ko...
[video player-> crazy little thing called love]
Kahit yata habambuhay ko to panoorin eh habambuhay pa rin ako makakarelate
“Nam bakit ganun??? Pareho tayo ng kalagayan??? Ganyan din ako dati... ugly duckling... pero nag-ayos din naman ako ng sarili ko ah... nag-aral din ako ng mabuti... pero ikaw... minahal ka ni Shone... ako, ayun... wala pa rin...”
Tahimik lang ako na naupo dun sa paanan ng isang puno...
[9 recipes of love]
“eh nagawa ko na lahat yan eh.. gabi-gabi na nga akong nagsusulat ng A.G.L. sa stars pero bakit wala pa ring effect huh?” huh?
Buti pa sila masaya... gusto ko na tuloy umuwi.... habang nadito ako, mas nasasaktan ko lang ang sarili ko...
Finorward ko na yung video dun sa paborito kong scene....
Yung magtatapat na si Nam
Alam ko yung pakiramdam na ganito...
Yung ang tagal mo naghintay... tapos nung ready mo na sanihin, saka naman may iba na syang gusto...
Kung kasing tapang lang ako ni Nam, eh di sana matagal na natapos ang kahibangang ito
Umiiyak na naman ako... ano ba naman kasi tong mga luhang to... sabi na’t bawal ang pag-iyak eh
Alam ko rin yung pakiramdam na magpretend na ok ka lang kahit hindi... lalo na ngayon...
Pero si Nam, hinintay sya ni Shone... hinintay ni Shone na bumalik sya mula sa States... hinintay nya si Nam for 9 years... pero saken, walang gab na naghihintay... wala...
Sabi ni Mica, “negastar” daw ako.... kasi naman kung anu-anong naiisip ko...
Iniisip ko kung anong magiging reaksyon ko pag nalaman kong may girlfriend na sya at ikakasal na... pag invited ako, dadalo ba ako???
Ewan
Ang sakit-sakit na kasi
When would be the right time for me to heal this wounded heart?
Kailangan ko na mag-move on...
Palalayain ko na ang sarili ko mula sa lahat ng to...
Nahiga ako sa lawn at pumikit...
2 days na lang Keyla...
2 days...
Saglit lang ang 2 days
Saglit na lang ang paghihintay mo...
Naramdaman ko yung mga yabag na papalapit sa pwesto ko...
Baka yung ibang mga participants na napadaan lang
(~_~)
Gusto ko muna umiyak...
Kaya ayun si luha... walang tigil
Sa wakas, wala na rin yung mga yabag... siguro napadaan nga lang...
Umupo na ako... makabalik na rin sa tent... maginaw na eh... baka sipunin ako dito sa labas... wala pa naman akong jacket
Pero nung umupo ako ay naramdaman ko yung isang tela na lumapat sa balikat ko... napalingon ako...
Si Gab...
“oh bakit ka umiiyak...?”
“ah ano... eh... ano kasi...” lagot ano bang idadahilan ko?
“huh ano? May umaway ba sayo? Tell me?”
Pinulot ko yung cellphone ko...
“ah ito!!! Oo ito nga... hehe... nanonood kasi ako nung nakakaiyak na movie... ayun nga.. kaya naiyak ako...”
Tiningnan nya muna ako ng mabuti... parang hindi ata naniniwala ang lokong to ah... maniwala ka na!
“are you sure?”
“yes I am... sige, I gotta go... baka may makakita sa atin na magkasama....”
“wait Keyla... I have to ask you something...”
Lagot na... mukhang sinabi yata ni Izzy yung nalaman nya kanina ah
“huh??? Eh kailangan ko na kasi umalis eh... sige bye...”
Tumakbo na ako...
“saglit lang Keyla...” Naramdaman ko yung kamay na nya kumapit sa kamay ko...
“sige na please... let me go...”
Nakikiusap ako Gab.... layuan mo na ako... pano kita kakalimutan kung andyan ka lang sa tabi ko
“no until we have talked...”
“ano pa bang kailangan mo sa akin Gab??? Wala naman di ba? So better let me go...”
“tell me, bakit ayaw mo ako makausap?”
“bakit ba kailangan pa?”
“dahil gusto ko...”
“bakit gusto mo?”
Hindi ko na kaya to... anytime ay magcocolapse na ata ako...
“bigyan mo muna ako ng dahilan kung bakit ayaw mo ako makausap... then i’ll tell my reasons”
“ayoko na Gab... hindi ko na kaya...”
Tumungo ako... umiiyak na naman ako... tumutulo na naman ang mga luha ko
Sa wakas ay binitiwan nya ako... alam kong hindi nya naman naintindihan yung huli kong sinabi... pero yun naman talaga yung dahilan ko eh
Tumalikod na ako... babalik na ako sa tent
One step away
Two steps
Three steps
Four steps
“I haven’t tell my reason yet...”
“say it now...”
“DAHIL GUSTO KITA KEYLA...”
--end of chapter 23
My Sweet Nightmare Chapter 24 -
Kanina ko pa inaantay matapos yung game nila Keyla...
Dun ko na malalaman kung ano ba talagang totoo...
Bakit ba naman kasi hindi nagkasabay yung team namin sa paglalaro
Sandali lang naman yun eh...
Pero parang nababagot ako dito...
Hayun ang cute na si Keyla... nabasa nya na yung tanong...
**
“Kuyang Facilitator!!!!!”
“huh? Bakit po sir Gab?”
“mamaya na po ba yung game na “say it again”?”
“oo bakit?”
“ah ito po kasi yung mga tanong dun...”
“pero naibigay na yun kanina ah?”
Lagot na... mabibisto pa yata ako...
“ah hindi po... pinabago na po kasi yun... ito daw po yung bago...”
“ah ok.. sige...”
**
Yan yung totoong nangyari kanina... pati yung laman ng box na may mga pangalan, pinalitan namin yun ni Izzy. Sinigurado namin na pangalan nya ang mabubunot ni Keyla...
Pano ba naman, lahat ng papel dun eh pangalan ni izzy ang nakalagay...
Haizt.. bakit ba ako kinakabahan...
Ano ba kasing nararamdaman ko???
Bakit ba gusto kong alamin???
Ano ba naman kasi saken???
Sino ba si Keyla para saken???
[flashback]
“kuya papicture naman for the publication....”
“hindi pwede... mamaya na lang...”
“oo nga naman... saka idinadahilan mo lang yata ang publication... may crush ka lang yata sa amin eh...”
“hindi noh!!!”
Si Keyla... nagagalit na yata sya... napakapasaway naman ng mga basketball player na to...
“Daryl mauna ka na... may naiwan lang ako dun sa kabilang building...”
“huh?”
“sige na mauna ka na lang... susunod ako dun”
Sumunod naman si Daryl... grabe... bakit ba si Keyla pa ang napagtripan ng mga mokong nato...
Bumalik ako dun sa court... hayun pa rin yung mga players... ang sarap nila batukan lahat...
“kung ayaw nyo magpapicture, di wag!!!! Ang O.A. nyo... ganyan ba talaga kayo??? O gusto nyo pa madyaryo yang mga pag-uugali nyo at matanggal kayo sa pagiging player na tatlo??? Dahil for all I know, reserved players lang naman kayo at scholarship lang ang habol nyo kaya kayo sumali sa team!!! Ok fine...”
Tumalikod na si Keyla... noon ko sya unang nakita na nagtaray ng sobra... dahil ang alam ko ay napakasweet ng batang to...
Hindi na pala ako dapat mag-alala dahil kaya nya naman pala ipagtanggol ang sarili nya sa mga ganon...
Mukha namang natakot yung tatlong kumag dahil ayun... takot yata talaga mawalan ng scholarship...
[present]
Naghiyawan yung team ni Keyla... mukang tapos na yung challenge... nakita kong napatingin sa gawi namin si keyla... nag-aalala yung mukha nya...
Nakita kong papalapit na si Izzy... nakangiti sya sa akin... inakbayan ko sya at binulungan
“ano na?”
“confirmed tol...”
“talaga?”
“gusto mo bang bawiin ko?”
“ah hindi... haha...”
“natuwa ka naman?”
“syempre...”
“Gab... umamin ka... ano ba talagang nararamdaman mo para kay Keyla...”
“gusto ko sya...”
“ayeeeh!!! Hoy grabe ka Gab!!! For the first time narinig ko na rin sayo yan huh??? Akala ko hindi ka na magkakagusto sa isang babae eh...”
“wag ka ngang maingay dyan... marinig ka nila dyan oh...”
“asus.. eh wala na ngang ibang tao... maliban dun oh...”
Ngumuso si Izzy...
“wala namang tao ah...”
“ayun oh!!!! Sa likod ng puno...”
Tumayo ako para silipin yung sinasabi ni Izzy... hayun nga si Keyla... nakasandal sa puno ng narra
“go ahead brother...”
“ayoko nga...”
“huh??? Anong ayaw mo??? Alam mo bang sobrang hirap ng pinagawa mo saken kanina huh??? Ako kaya tong kinakabahan...”
“eh ano namang sasabihin ko?” Sumeryoso yung mukha nya
“baliw ka ba??? Eh bakit pa natin to inalam kung hindi ka naman pala magtatapat ng nararamdaman mo?”
“ano kasi...”
“wala ng pero pero...!” Itinulak nya ako papunta sa gawi ni Keyla...
Dugdug... dugdug
“dyan ka na lang... ako na lang ang pupunta sa kanya...” Kinakabahan talaga ako...
Bakit ba kasi nauso pa tong ganito eh...
Saka ano namang sasabihin ko?
Ah bahala na...
Akala ko umiiyak sya... nanonood lang pala sya ng paborito nyang movie...
Buti naman...
Aitz... umiiral na naman ang katigasan ng ulo nitong si Keyla...
Nakakainis na...
Bakit ba lagi na lang syang ganon sakin???
Pero pag kay Brionne napakabait nya...
Kung nagagalit man sya dahil sa ginawa ko sa kanya kanina sa obstacle course eh sorry na talaga
Hindi ko naman talaga gusto gawin yun eh
Pero heto... at talagang nagmamatigas si kulet...
Hanggang sa hindi ko na namalayan na pinipigilan ko syang umalis... alam kong may iniiwasan ka Keyla....
Pero ayoko ng itago to...
Kahit pa iwasan mo ako dahil sa sasabihin ko...
I’ll just make you fall in love with me... or i’ll just make you fall in love with me again...
“dahil gusto kita”
**
Two days had past after that scene... natapos ang team-building...
Galit ako sa sarili ko...
Dahil sa lahat ng sulok, iniiwasan nya ako....
Mali ba yung ginawa ko???
Pero kahit mali man o hindi, wala na akong pakialam...
I’ll fight for Keyla!!!!
My Sweet Nightmare Chapter 25 - Tulala
Mica’s POV
Tulala...
Tulala
Tulala
Yan yung isang word na makakapagdescribe kay Keyla...
Simula kahapon nung dumating sya mula sa team building eh hindi mo sya makakausap ng matino...
Mas madalas pa syang nakatulala...
At matagal na rin nung huli syang nagkaganyan... 4 years ago...
Well... ayaw nya pa magshare...
Kanina lang ay kausap ko sya (or may kausap ba ko?)
At hayun...
Mas pinili nya na lang mag-isa kaysa magsalita...
Ang mga inlove talaga... may sumpong...
Huh??? Inlove????
Nakahanap na kaya si Keyla ng lalaking papalit kay papa Gab???
Oh no!!!! Este oh Yes!!!!
Finally.... si lola Keyla nyo na matagal ng naghihintay ng makalimutan si panget ay naka get-over na rin...
Well...
\^_^/
Haha....
Nagbubunyi ako para sa kaibigan kong to...
Baka nga naman kasi maraming gwapings dun sa team-building at nakabingwit na tong si Keyla ng isa...
At nahihiya lang sya magsabi sa akin....
Alam ko na!!!!
Ching!!! Tanggal ng sim-> palit ng bago.... create message
[musta na Keyla?”]
[unregistered po ikaw sa pbook ko... sino po ikaw?]
[si Gab]
[Gab who?]
At talagang maingat ka Keyla huh??? Pero tingnan lang natin kung hindi ka pa rin maniniwala... haha
[Gab Lozano]
[weh?]
[oo nga... ako nga ito si Gab... yung bumuhat sa’yo nung nagkabanggaan tayo sa school mo at napilay ka...]
[kahit siguro mga kaklase ko alam yan eh...]
Nakow... ang hirap naman lokohin nitong si Keyla oh... talagang magaling
[ako nga kasi to.... kinukumusta lang naman kita kung ok ka na... alam mo namang hindi maganda yung nangyari nung huli nating pagkikita di ba? Ok ka na ba?”
Nag-imbento lang ako ng dahilan... alam ko kasi eh pilay pa si Keyla nung huli silang magkita ni Gab... kaya ayun... hindi ok si Keyla...
[ah... tungkol dun sa sinabi mo... kasi... ano eh]
Huh??? Ano namang pinagsasasabi nito???? Tsk... mukhang may hindi yata ako nalalaman ah...
[huh? Alin sa mga sinabi ko?]
[yung huli... yung andun tayo sa team building... yung nung sabi mo eh gusto mo ako... ano kasi]
O_O
Oh em ji!!!!!! Gulay!!!!!! Owmaygollygulalay!!!
Maling hinala ako kanina... kala ko naman....
Tsk...
At andun pala yung Gabriola na yun!!!!!! At sinabihan nya pa si Keyla na gusto nya sya!!!!
“kyyyyyyyaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!!”
I am so happy for my friend...!!!!!!
This time, si Gab naman ang itetext ko...
[Gab... Mica to.... new number ko... we have to talk about Keyla... i’ll just give you 5 mins after you receive this message para makareply]
5 mins
4 mins
3 mins
2 mins
“i’m counting down Gab... come on... pag di ka nagreply, di kita tutulungan sa problema nyo ni Keyla..”
30 seconds...
10
9
8
7
6
5
[call alert]
Gotcha Gab!!!
Madali kong kinuha yung cp ko at sinagot yung tawag
“kala ko hindi ka na tatawag eh...”
“i’m so sorry, nakasilent kasi tong cp ko and kakabasa ko lang nung message...”
“well, good for you na nabasa mo before the deadline...”
“so what’s about Keyla??? Ok lang ba sya??? Kumakain ba sya ng maayos??? What?”
“ooopz!!! Teka lang Gab... i’ll tell you everything in one condition?”
“what? Condition na naman? Bakit ba ganyan kayong mga babae?”
“well... konting katanungan lang naman eh...”
“ok sige.. wala naman akong magagawa di ba?”
“alam mo naman pala eh...”
“game...”
“nasayo ba yung flashdrive ni Keyla?”
“to be honest, oo...”
“nabrowse mo yung laman?”
“yes...”
“anong nakita mo?”
“my pictures...”
“what is your conclusion?”
“kailangan pa ba tanungin yan?”
“oo naman...”
“well... feeling ko may gusto saken si keyla... matagal na”
Whooosh... sabi ko na eh
“ayoko naman sana kasi na ako yung magsabi sayo pero dahil alam mo na naman pala, eh tama ang hinala mo... now, what I want to know is that, bakit mo nagustuhan si keyla... dahil ba may gusto sya sayo?”
“of course not... keyla is such an amazing lady.... she has a lot of talents, good attitudes... she’s simply incredible with her humble heart...”
“everybody knows that... but you you know what? She’s really a fragile person... she could easily broke into pieces once she fell...”
“did that happen to her already?”
“yes, with the man that I am talking with right now...”
“how come?”
“because she has waited for five consecutive years yet she thinks that she is waiting for nothing....”
“she has told me that once...”
“then, what are you waiting for?”
“I am afraid to let her fall”
“alam kong hindi mo gagawin yan...”
“then what should I do now?”
“Keyla is waiting...”
“then I’ll promise to come...”
“gawin mo yan... dahil pag umiyak tong bestfriend ko, bubugbugin kita!!!!”
“promise!!!!”
“ok bye...”
Haizt.... ayoko sana talaga makialam pero kung ganito lang naman ang mangyayari, kung walang balak humakbang yung dalawa eh kailangan nila ng aalalay sa paghakbang nila...
Lumapit ako sa kwarto ni Keyla....
Toktok...
“Keyla, ako to...”
“pasok...”
“Keyla....”
Niyakap ko sya....
Alam kong hindi nya naiintindihan....
“ayos na ang lahat.... ok? Kaya wag ka na malungkot...”
“huh?”
“wag mo na alamin kung ano... basta ang mahalaga, ginawan ko na ng paraan...”
T____T
Naiiyak ako...
Tears of joy para kay Keyla...
I am so happy for my friend dahil sa wakas....
The man of her dreams has become a reality...
Nagpaparty yung utak ko ng bigla sya magsalita...
“Mica...”
“hmm?”
“gusto ko na lumipat ng school...”
--end of chapter 25
My Sweet Nightmare Chapter 26 – Keyla’s 4th Sweet Nightmare
Keyla’s POV
Bahala na.... ewan ko ba at masyadong maarte ang buhay ko... hindi na yata normal yung ganito... haizt
Hinihintay ko ngayon si Mama... may sasabihin ako sa kanya... at tungkol nga iyon sa pagtransfer ko ng school...
Naalala ko tuloy yung panaginip ko ilang weeks na ang nakakaraan... nung managinip ako na nakapila daw ako sa admission office ng SLSU
Medyo malayo yun sa Pililla... kaya naman makakapag isip-isip ako tungkol sa buhay ko...
“ang tagal naman ni Mama...” sabi ko habang kumakain ng popcorn sa harapan ng tv... hindi naman ako mahilig manood ng t.v. pero dahil nga bagot na bagot na ako kakahintay eh binuksan ko yun...
Nilipat ko dun sa channel na may piano lessons... Pangarap ko kasi makatugtog ng piano...
“haizt, ang sarap pakinggan...” ang itinuturo kasi ay yung modern song na “a thousand miles”
“hoooomh”... susme.. inaantok na naman ako... humiga ako sa sofa at itinaklob sa mukha ko yung throw pillow...
**
Naglalakad ako pauwi ng bahay namin...
Ang init naman... nakalimutan ko pa naman magdala ng payong... bakit naman kasi masyado na ako nagiging makakalimutin lately...
Tapos ang lakas pa ng hangin sa labas... yung tipong makikitaan ka talaga pag wala kang suot na shorts.
Ayan na nga si hangin... waaah... sumabog yung buhok ko sa buong mukha ko... nakow...
Kinuha ko yung pink na suklay sa bulsa ng palda ko...
Mabuti na lang at nandito yun.. haha... kung sa bag ko kasi nailagay eh walang pag-asa na makuha ko yun... ang hirap kasi buksan ng bag ko... bukod sa ang laki-laki nya eh sobrang siksikan pa ang laman sa loob
“ok na kaya ang hitsura ko?”
Kinapa ko yung salamin sa bulsa... haizt wala... nasa bag ko yata yun... wag na nga lang
Pero naalala ko yung wrist watch ko...
Digital to at mukhang salamin... pag pinindot mo lang yung button sa gilid eh saka mo lang mapapansin na relo pala sya...
Wahahahaha.... instant salamin...
Tiningnan ko yung repleksyon ko sa suot kong wrist watch... Hahaizt... ang taas talaga ng sikat ng araw... kaya naman kinulong ko yung relo sa palad ko para makita ko ng maayos yung repleksyon...
Tsk...
Parang kilala ko yung nasa likod ko...
Lagot na.... Bakit andito yung panget na yun?? Sinusundan nya ba ko...?
Binilisan ko ng konti yung paglalakad ko at napansin kong binilisan nya...
->_>
Aba loko to ah...
Hmph!!! Binagalan ko naman... At binagalan nya rin...
Nang-aasar yata tong si Gab eh... oo si Gab nga... ano ba tong taong to???? Sinusundan ako??? Pwede ring hindi kasi iisa lang naman yung street namin.. pero mas una yung likuan papunta sa amin kesa sa kanila.. nung liliko na ako papunta sa
Hindi na ako makatiis kaya hinarap ko sya
“bakit mo ba ako sinusundan huh?” baliw to... hmft!!!!!! Hindi ko naman kelangan ng bodyguard eh!!!!!!!!!!!!!
“bakit masama ba?”
“oo.. sobra!!! Bakit stalker ba kita?? Di naman di ba??? Hindeeeeee!!! Bakit mo ba kasi ako sinusundan???”
“bakit mo naman tinatanong??” sabi nya habang unti-unti syang lumalapit
“kasi gusto ko...”
T____T bakit ba lagi na lang ako napagtitripan ng lalaking to?? At sa tuwing ginagawa nya yun eh sumasakit yung puso ko.... kelangan ba talaga sumakit na lang to???
“bakit gusto mo” Nakakapikon na ah
“gusto mo talaga malaman kung bakit ko binibilisan?”
Ooopz Keyla... no!!!! Wag mo sasabihin ang dahilan... may bukas pa...
“oo naman...” Hinga ng malalim
*sigh
“binibilisan ko kasi gusto ko na makalayo sa’yo at makapag-move on na!!!” Napasigaw ako... tanghaling tapat eh sumisigaw ako sa tabing kalsada... buti na lang walang tao
“bagalan mo lang...”Hala??? Anong pinagsasabi nong bagalan ko lang?? Bagalan ko pagsasalita o paglalakad???
“huh?” hindi ko magets??? Bakit ganon ang sinabi nya???
Lumapit pa sya ng konti....
“sabi ko bagalan mo lang...”
Tuloy-tuloy sya sa paghakbang... napapaatras tuloy ako sa tabi...
“bagalan ang ano???? Saka bakit?”
“bagalan mo ang pagmu-move on mo kasi...” haist konti na lang lalaglag na ako sa kanal pag hindi sya tumigil sa paghakbang papalapit
“ano?” kinakabahan kong tanong
“para maabutan kita....”
“aawww!!!” At nahulog na nga ako sa kanal ng sabihin nya yung last words
**
Napabalikwas ako... aysus... panaginip na naman...
Napakamot ako ng ulo... tumayo ako at naglakad papunta sa kusina...
Iniisip ko pa rin kung ano yung nangyari sa panaginip ko
“ano daw? Bagalan ko lang para abutan nya ako? Huh? Di ko getzing!!!”
Uminom ako ng tubig at muntik ko na yung maibuga ng may biglang magsalita
“anong hindi mo gets?”
“Ma!”
“oh bakit parang namalikmata ka dyan?”
Gulat na gulat naman kasi talaga ang hitsura ko...
“ah wala po... kakagising ko lang po kasi...”
“alam ko... kanina pa kaya ako dumating... inabutan kita dyan sa sofa na himbing na himbing ah”
“hahaha.... wala po kasi akong magawa eh...”
“ay anak, may sasabihin nga pala ako sa’yo...”
“ako din po Ma, may sasabihin...”
Kumuha ako ng juice sa ref at naglagay sa dalawang baso...
“ako na muna anak....”
“sige po Ma...”
Mukhang seryoso si Mama ah...
“anak kasi, madedestino ako sa Lucban, Quezon... eh alam mo namang medyo malayo yun di ba?”
“opo mama...”
“iniisip ko ngayon kung iiwan kita dito mag-isa o isasama kita doon.. ikaw lang naman ang iniisip ko eh. Baka kasi ayaw mo doon”
Lucban??? Dun yung SLSU ah???? Yung school na gusto ko pasukan...
“ah ma, ano po ba ang pinakamalapit na school dun sa pagtatrabahahuhan mo?”
“yung SLSU”
“talaga po?” Nangislap yung mga mata ko... no need na pala magsabi na magtatransfer ako eh...
“oo, for 6 months lang naman eh... kung sasama ka sa akin eh pwede ka ring bumalik dito sa next year...”
“ok na ok po ma...”
“sigurado ka Keyla? Pano na yung publication???? Saka baka maging irregular ka”
“ok lang po saken yun Ma... sure na sure na po ako na gusto ko sumama”
Niyakap ko si Mama at pinaghahalikan ko sya sa pisngi
“oh eh ano naman yung sasabihin mo?”
Nginitian ko si Mama...
“wala po iyon... hindi naman importante eh”
Tumayo na ako at patakbo-takbong pumunta sa kwarto ko... Tatawagan ko si Mica... hahahahahahahaha.....
Pinindot ko ng matagal yung number 2.. naka speed dial ako ehhh..
Nagring yung phone at nung tumigil na yung pagring, hudyat na may sumagot na sa kabilang linya, bigla akong nagsalita
“Mica!!!! Lilipat na ako sa SLSU this semester!!!”
“what!!!??”
Teka, hindi si Mica yung sumagot sa kabilang line... pero pamilyar yung boses..
Nilayo ko sa akin yung cellphone para tingnan kung kaninong number yung natawagan ko... pero Mica naman ang nakalagay eh.. binalik ko ulit malapit sa tenga ko yung cellphone
“hey, keyla, it’s me Gab...”
-end of chapter 26
My Sweet Nightmare Chapter 27 – wrong dial
Gab’s POV
“ay sorry wrong dial!” tapos biglang ibinaba ni Keyla yung kabilang line
“huh?” napaisip tuloy ako...
“bakit sya lilipat? At saan daw? Hindi ko narinig masyado eh”
Masyado kasing mabilis yung pagkakasabi ni Keyla sa sinabi nya...
Naisuklay ko tuloy yung kamay ko sa buhok ko.. Kainis naman
Bakit ba sya ganon???
Kinuha ko ulit yung cellphone ko at tinawagan si Mica...
“hello Mica...”
“oh bakit Gab?”
“ah... kasi, na-wrong dial si Keyla kanina... tumawag sya tapos sabi nya lilipat na daw sya ng school...”
Narinig ko lang yung paghagikhik nung nasa kabilang linya
“may ginawa kang milagro ano?”
“oo... hahahaha... nilagay ko yung number mo sa cp ni Keyla tapos pangalan ko ang nakalagay...”
“tsk... baliw... oh eh ano naman yung sinasabi ni Keyla na lilipat sya...”
“huh? Ah eh alam mo yung babaeng yun eh magulo ang isip... ang dami-dami kasing iniiwasan sa mundo... hindi nya lahat hinaharap lahat ng problema nya... naku...hayaan mo yun... hayaan mong umalis ng makapag-isip-isip sa buhay nya...”
Nagulat naman ako sa mga sinabi ni Mica... hindi ko ba pipigilan si Keyla????
“eh alam mo ba kung saan sya lilipat?”
Kailangan ko malaman kung saan... gusto ko sya mabantayan
“hindi pa eh... sabi nya kasi nung huli nya akong makausap eh gusto nya lumipat... sabi nya magsasabi pa sya...”
“pero sabi nya kanina pumayag na daw ang mama nya...”
Nalungkot ako... hindi ko alam kung anong nararamdaman ko...
“ah baka nga... naku... pero wag ka mag-alala... aalamin ko para sa’yo...”
“talaga?”
“oo naman...”
“Mica, can I ask a question?”
“nagtatanong ka na nga di ba?”
Ay pilosopo.. haha...
“ok sige.... gusto mo ba ako for Keyla?”
Narinig ko yung malakas na pagtawa ni Mica...
“hahahaha.... tinatanong pa ba yan?”
“please answer me...”
Nagmamakaawa na ako... hahaizt... para akong ewan... nagkakaganito ako dahil aalis si Keyla
“high school ka pa eh kasama na ako sa pagbuntot sa’yo ni Keyla... isiniksik nya ang sarili nya sa photojournalism para lang mabuntutan ka... hindi sya photojourn Gab, pero nag-aral sya ng mahirap na trabahong yun kahit madalas na lalaki ang photojourn... tinatanggap nya nag rejections sa mga kuha nya para lang sa’yo... sino ba ang ayaw na maging masaya si Keyla??? Kahit na isip bata yung babaeng yun eh wagas naman ang pagmamahal nun... nag-iinarte lang yun ngayon... ”
Naluha naman ako sa sinabi ni Mica... talaga palang sadyang marami ng nagawa si Keyla para saken...
“at hindi lang yun... natatandaan mo ba yung biglaan kang isinali ng mga kaklase mo sa poster making contest?”
Naalala ko nga yun... yung araw na biglang umabsent yung representative ng klase namin kaya ako yung hinila nila
“oo natatandaan ko”
“wala kang dalang materials noon... at pasikretong ipinaabot ni Keyla sa’yo yung materials na para sana sa kanya”
“what!?”
Narinig ko naman ng malinaw... pero what I mean is ginawa nya talaga yun? Aitz.. grabe... ang laki na pala ng atraso ko sa kanya...
“oo Gab... she could sacrifice para lang makasali ka noon, dahil alam nyang mapapagalitan ka pag hindi ka sumali... at ang idinahilan nya kaya hindi sya nakasali eh nasugatan yung mga kamay nya...”
Napanganga ako.... why did Keyla do that?
“what should I do now Mica?”
Wala na talaga akong maisip... everything is ambiguous
“wla kang dapat gawin Gab.... kailangan mo lang maghintay... hintayin mong mahanap nya ang sarili nya... dahil for sure, babalik sya...”
“what if hindi sya bumalik?”
“ano ba namang klaseng tanong yan Gab... eh di sundan mo!!! Hanapin mo!!!”
Medyo inilayo ko yung earpiece sa tenga ko... sinigawan ba naman ako ni Mica eh...
“ok sige sige.... pero promise huh??? Sasabihin mo sa akin kung saan lilipat si Keyla...”
“sure... why not? Chocnut... haha”
“ok sige, sorry sa istorbo...”
“ok bye...”
Pagkababa ni Mica sa kabilang linya eh napaupo ako bigla sa kama ko... tsk... ano ba naman Keyla??? Bakit ba kailangang pahirapan mo ang sarili mo??? Di ba sinabi ko na naman sa’yo na gusto kita??? Oo gusto kita!!! Bakit ba aalis ka pa??? Hindi ba pwedeng happy ending na agad???
“grrrr!!!! Nakakaineeeez!!!!!!!”
*toktoktok
Napalingon ako bigla sa pinto.....
“hoy Gab, wag ka ngang maingay dyan...” si Izzy yun...
“oo nga kuya Gab... nakakahiya naman sa bisita natin noh... ang ingay-ingay mo kaya...” sabi naman ni Kirby
“huh? Sinong bisita?” lumapit ako sa pinto at binuksan ko yun... pagbukas ko...
*blag!
“ouch!!! Tumayo ka nga dyan kirby!!! Nadaganan yung paa ko!!!” mga lokong bata to ah... nag-spy sa kwarto ko habang kausap ko si Mica...
“hoy kayong dalawa dyan, at sino ang may sabi na pwede kayo makinig sa usapan ng may usapan...?”
Naka loudspeaker kasi yung cp ko pag may tawag... sa bahay lang naman.... LOLS
“eh kasi kuya, si ate Izzy kasi!!!” sabay turo ni Kirby sa ate nya
“hoy hindi ah.. napadaan lang ako nung makita kita dyan sa pinto Kirby!!!”
“hindi noh!!! Ikaw dyan may sabi na may girlfriend na si Kuya ah!!! Tapos narinig ko may tumawag kaya lumapit ako sa pinto....”
“hey, stop!!! Sa susunod, bawal makinig ok... go now into your rooms...”
“eh kuya kasi ano eh... may ano...” nagkakandabulol-bulol si kirby sa pagsasalita...
“ano?”
“hayun oh....” ngumuso si Izzy papunta ang direksyon sa baba ng hagdan... dun sa sala...
“may bisita ka po...”
“ah... ok sige... get into your rooms now... at walang susunod!!”
“haizt... KJ!!” at nag-apir pa nag dalawa kong kapatid... buti na lang wala dito yung isa ko pang ate kundi... naku...
Bumaba ako ng hagdan para malaman kung sino ang bisita ko...
Baka naman yung manager ng resort... pwede naman tumawag eh
Nakatalikod sya...
O_____O
“Keyla!!!!”
--end of chapter 27
Sweet Nightmare Chapter 28 – Three Promises
THIS IS THE LAST CHAPTER FOR SEASON 1.....
Keyla’s POV
Napalingon ako sa pagtawag ni Gab sa pangalan ko... oo, nandito ako sa bahay nila ngayon...
Ang inabutan ko sa kanila ay yung kapatid nyang si Kirby. Pinatuloy nya naman ako pero may kausap daw sa phone ang kuya nya...
Well, mayaman pala sila talaga... hindi na nakapagtataka kung bakit sa STI siya nag-aaral... eh pang mayayaman lang yung school nayun... ako nga, wagas na scholar ng bayan ang daram.. pero hindi naman kami mahirap ah, ako lang talaga ang nagpumilit na magpascholar kasi sayang din yung matitipid noh.. be practical ika nga.. hehe
Maya-maya pa ay narinig ko ang ilang footsteps na nagmumula sa hagdan...
Kung iniisip nyo rin kung ano nga ba kasing naisipan ko at nagpunta ako dito... hindi ko rin alam...
Nung mawrong dial ako kanina sa phone eh saka ko lang naisip na ayusin na nag lahat-lahat sa buhay namin ni Gab... masyado na kasi ako nag-iinarte... wala naman talagang problema di ba???? Ako lang masyadong nagbibigay problema sa buhay ko....
Kaya naman nagmamadali akong tumakbo palabas ng bahay... malapit lang naman kasi yung bahay nila sa bahay namin...
Ni hindi nga yata ako nakapagsuklay bago umalis ng bahay...Hindi rin ako nakapagpaalam kay mama...
Hai ewan... hindi kasi ako mapakali... lalo na ngayong alam na ni Gab na magtatransfer na ako ng school...
“oh shocks...” nadulas ako dun sa grassy part ng daan... mabuti na lamang at walang ibang tao at hindi rin nadumihan yung pink kong damit...
**
Nginitian ko si Gab upon hearing him utter my name...
“Keyla...” ulit nya pa...
At
At
At
Bigla nya akong niyakap... oo niyakap nya ako sa mismong bahay nila... nagulat ako kasi di ko naman inaasahan na gagawin nya yun noh....
“Gab...”
“I thought hindi mo na ako papansinin... kala ko forever mo na akong dedeadmahin...”
Hindi pa rin sya bumibitaw sa pagkakayakap sa akin...
“Gab... baka may makakita sa atin...” hinawakan ko sya sa balikat at inilayo ng konti sa akin...
“I am here to say goodbye...”
Nakita ko yung pagbabago ng mukha nya... naging mas seryoso
“tell me Keyla, bakit ka aalis?”
“I want to think...”
“think of what?? Saka for how long...?”
“for 1 semester only.. saka kelangan ko talaga magtransfer kasi madedestino si mama... ayoko magpaiwan dito ehh”
“yun lang ba ang dahilan kung bakit ka aalis?”
“hindi...”
Sumulyap si Gab sa taas ng hagdan...
Hinawakan nya yung kamay ko at hinila nya ako palabas ng bahay...
“san tayo pupunta?”
“mag-uusap tayo...”
“saan nga?”
“basta wag ka na lang magtanong...”
Naglakad kami... holding hands... ayeeeeh!!!! Kaloka... hahahahaha.. kinikilig ako much!!!! hihihi
Sino ba naman kasi ang nagbigay sa kanya ng pahintulot na hawakan ang kamay ko ah!!!Aysows... kinikilig ang lola nyo
Then saka ko lang napansin na papunta pala kami sa park... kung saan niya ako dinala nung banggain ko sya...
“this place is so memorable...”
“why?”
Haizt nakakahiya... maraming talagang tao pag hapon dito sa park at karamihan mga nagdedate... kaya nga hindi ako pumupunta dito eh
“kasi dito ko dinala yung isang makulit na batang nagkasprain”
Napangiti ako...
“baliw!!! Haha”
Kinurot nya yung ilong ko...
“I want you to make 3 promises...”
Napatingin ako kay Gab...
Napakaromantic ng lugar... nagsimula na kasing buksan yung ilaw sa park...
“ano yun?”
“promise me na 1 semester ka lang dun...”
“then?”
“second is that promise me that you would still contact me pag andun ka na”
“ano pa?”
Ang demanding naman nitong lalaking to... kainis... pero aminin, kinikilig aketch....
“lastly, promise to stay single for me...”
Naidilat ko ng bonggang laki yung mga mata ko!!!!
“what!!!!”
“you heard it right Keyla...”
“bakit kailangan kong magpromise?”
Hala????
Naiirita na ako... papalubog na kasi yung araw at hindi pa ako nakakabalik ng bahay... wala naman talaga akong balak magtagal dito eh!!!!
“hindi kita papaalisin hanggang hindi ka nagpapromise!!!!!!!!!!!”
Oh my gosh... ano ba tong pinapagawa nya sa akin.... saka parang simpleng promise lang hindi ko masabi...
“ano ba kasing problema mo kuya Gab!!!!”
“hindi pa ba malinaw Keyla!!! Nasabi ko na naman di ba nung nasa team building pa tayo!!! Gusto kita!!! Gusto... hindi mo ba yun maintidihan!!! Takot akong mawala ka!!! Ayokong umalis ka... gusto ko palagi kitang nakikita!!”
Napatigil ako...
Naramdaman ko yung luha na tumutulo na sa mga mata ko...
“could I request for one thing too before I say promise?”
Hinigpitan nya yung hawak sa kamay ko... mas lalo ko tuloy naramdaman na pareho lang kaming nahihirapan sa sitwasyon...
“ok say it...”
“would you please wait for my comeback?”
“of course...”
Pinunasan nya yung luha sa pisngi ko... nginitian ko sya.... a very sweet smile...
“then I promise...”
“wag mo ako ngitian ng ganyan... mamimiss ko yan...”
“haha.. adik...”
Akmang hahampasin ko sya ng isa kong kamay pero napigilan nya yun...
“ihahatid na kita...”
Saka ko lang naalala na gabi na pala... nakow... lagot ka Keyla....
“no need, ok lang ako... kaya ko na umuwi mag-isa...”
“wag na kasi matigas ang ulo... sige ka, dadagdagan ko yung mga kailangan mong gawin...”
Aitz.... lokong panget to ah
“ok fine!!! This time I surrender!!!”
Naglakad kami pabalik at nagkwentuhan pa ng kung anu-ano...
“oh dito na ako... gusto mo pumasok?”
“hindi na... basta remember your promises... lalo na yung huli...”
Napangiti ako sa kanya... bakit ba parang napakamemorable ng araw na to... hehehehe... parang ayaw ko na tuloy umalis...
“hihintayin mo ba talaga ako?”
“promise...” at itinaas nya pa ang kanang kamay nya... natawa tuloy ako... para kasi syang bibigkas ng panatang makabayan sa harapan ko
“aysus!!! Umuwi ka na nga!!! Haha... adik to...” itinulak ko sya palayo...
“sige na po!!” tumalikod na sya at pinanood ko sya na lumakad palayo...
Nang mawala na sya sa paningin ko eh bigla naman tumunog yung phone ko...
From Gab”
[keyla... Hihintayin ko ang pagbabalik mo]
Aysus... kinilig naman ako...
Haha... naalala ko kasi sina Sakura at Syaoran.. Nang makasakay na kasi si Syaoran sa plane at naiwan sa waiting area si Sakura eh sinabi din Sakura yung mga words na yun...
Hihintayin ko ang pagbabalik mo.... Syaoran
Teka... eh ano bang meron sa amin ni Gab??? Kami ba??? Nanliligaw ba sya??? Bakit may hintayan na nagaganap!!!!! Waaaaaaaah!!!!!!!!! Tsk...
Eh bahala na... wapakels... masaya ako ngayon...
Hahahahaha....
Pagpasok ko sa bahay eh dinatnan ko si Mama na nagpeprepare ng pagkain...
“ma, andito na ako...”
Napalingon si mama sa gawi ko...
“oh anak, buti andyan ka na...”
“lumabas lang po ako sandali...”
“kala ko nga natutulog ka sa kwarto mo eh...”
“hindi po ako nakapagpaalam... nagmamadali po kasi ako”
“Bakit nga po pala mama ang aga natin kakain ngayon?”
“may bisita kasi tayo anak...”
Nagulat ako... sino naman kaya ang bibisita sa amin sa ganitong oras??
“nasaan po Ma?”
“nag-cr lang sya sandali”
“ah ok po...”
Umakyat na muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit... whew... kapagod yung ginawa ko kanina huh
Pagbaba ko eh nakita ko na yung bisita namin... kaibigan pala ni Mama...
Aysus... pero pagkaalis nung bisita namin eh may biglang sinabi si Mama
“anak, sa Baguio na tayo lilipat... naiba kasi ang project ko...”
“what?”
Kanina lang... masaya ako... di kasi ganun kalayo ang LUCBAN... pero pag BAGUIO... ibang usapan na yun.....
>My Sweet Nostalgia-My Sweet Nightmare Season 2... still ongoing pa po.. I’ll provide soft copies once I’ve finished it.. talamats!