©2012 ALL RIGHTS RESERVED
Unless otherwise indicated, all materials on these pages are copyrighted by SUZETTE PAMPLONA- CASTALONE. All rights reserved. No part of these pages, either text or image may be used for any purpose. Therefore, reproduction, modification, storage in a retrieval system or retransmission, in any form or by any means, electronic, mechanical strictly prohibited without prior written permission.
CONTACT THE AUTHOR HERE:
http://www.wattpad.com/user/pinkheartstrings
My Sweet Nuisance Chapter 1
Nagising ako sa lamig... whoooosh.... dito na ako sa Baguio City.. malayo sa Rizal... Takte... pag madaling araw eh malamig talaga dito sa Baguio... nung unang dating ko dito eh isang linggo akong sinipon at nagkasakit... buti na lang medyo sanay na ako dito
Tiningnan ko yung alarm clock ko sa table na katabi ng kama ko...
5:30 pa lang eh...Bakit ba ang aga ko yata nagising ngayon... ay oo nga pala, may napanaginipan ako... nakakatakot eh.. nahulog daw ako sa isang bangin... narinig kong may tumawag sa pangalan ko pero di ko naman sya kilala.... pero nung naaninag ko yung mukha nya eh parang kilala ko na sya dati...
Well... ang panaginip ay panaginip...
Bumangon na ako at naligo... three months na ako dito sa Bagiuo kaya medyo sanay na rin ako sa lamig dito...
Anyway, sa Benguet State University nga pala ako pumapasok....same course... ayos naman kasi nacredit lahat ng subjects ko galing sa Pililla dahil halos pareho lang ng curriculum kaya hindi ako irregular... at nasigurado ko na din na kung babalik ako sa Pililla next Academic year eh hindi ako maging irregular..
medyo malayo ang BSU ng konti mula dito sa bahay namin... or apartment lang pala... hahahaha....
dito kasi kami nakatira malapit sa Botanical Garden, ang paborito kong tambayan... well, para sa akin lang huh? Ayun ang pinaka the best place dito... wala kasing entrance fee... hahaha... saka maganda talaga... mura pati ang key chains... maliban sa pagkain na walang kalasa-lasa at ubod ng mahal... nakow...
pagkatapos ko kumain ay nagbihis na ako ng uniform, mamaya pa namang 8am ang pasok ko pero gagala na muna ako sa Botanical garden.... saka na ako didiretso ng school
syempre, nilakad ko lang.... malapit nga eh di ba????
“ano ba yan, ang dami naman yatang turista ngayon???!!!” nakita ko kasi yung maraming bus na nagpark sa gilid ng highway...
“tsk.... masisira na naman ang katahimikan ng tambayan ko!!!”
Parang gusto ko tuloy sila paalisin... hahaha.... ang feeling ko eh noh??? Parang pagmamay-ari ko ang Botanical garden also known as Igorot Village...
Naupo ako dun sa bench malapit sa mga naglalakihang istatwa dun... inilabas ko yung flashlight sa bag ko... hehehehehe...
Papasok ako sa tunnel eh... madilim kasi sa loob ng tunnel at pag nagrent ka ng flashlight eh may bayad na tumataginting na 20 pesos!!! Hahaha... ang kuripot ko ba???
Pumasok na ako sa loob at syempre... loner nga ang lola nyo... paborito ko mag-isa
Wala namang meron sa loob bukod sa magandang tambayan ng mga loner na gaya ko.... malamig kasi doon...
Nung narating ko na yung dulo eh tinopak na ako at naisipang bumalik... hehe.. alangan mag-stay ako noh?? Eh wala namang meron dun..
“haizt... makabalik na nga” kabadtrip... ang lakas yata ng sumpong ko ngayon... parang may kakaibang mangyayari ngayong araw na to...
Palabas na ako ng tunnel ng marinig ko yung mga turista na papasok sa loob... nagmadali na ako... mag-isa lang kaya ako... baka isipin nila kung ano ang pumasok sa utak ko at nagpunta ako doon ng mag-isa...
“love, ang dilim-dilim naman.....” sabi nung isa... gusto ko tuloy matawa... parang tunnel lang eh... saka may flashlight naman kaya sila... asus... dumadamoves!!!
Nagtitilian na rin yung ibang papasok... pano ba naman, pinagtitripan ata sila nung mga kaklase din nila... gugulatin nila yung iba pag nasa loob na... hahaha... laos na yan... sa dami ba naman ng beses na pumunta ako dito eh hindi ko pa mamememorize yan???
Ang iingay aba...
“lalalala utaou sora o miagete... lalalala it’s my life aruite youko... watashi dakeno mono dakara... jishin o te iiyo ne...” nakapanta tuloy ako Japanese habang naglalakad palabas... pinatay ko na rin yung flashlight ko... merorize ko na nga to di ba?
One straight lang naman at hindi gaanong kahabaan pero sobrang dilim at may pagkamalamig sa loob, minsan ay maririnig mo din na may pumapatak na tubig at dahil nga closed area sya eh medyo nakakatakot... at dahil sanay na ako, hindi na rin ako natatakot...
“kyaaaah!” narinig ko na naman na nagtilian yung mga babae sa loob ng tunnel... abnormal lungs.. hihi...
“kyaaaah!!!!” gulay... napasigaw ako nung may biglang sumulpot sa harap ko... may nakatapat na flashlight sa mukha!!!
Napatakbo tuloy ako palabas ng tunnel....
Hingal na hingal ako ah..... kaw ba naman tumakbo pagkatapos mo magulat.. ai nako....
Madami na ngang turista kahit maaga pa... pero parang pamilyar saken ang mga taong to... parang nakita ko na sila...
Saan nga ba????
Umikot pa ako ng isang beses nung may makita ako na hindi kanais-nais.....
Si Gab....
Si Gab... kasama si Izzy....
At ang sweet nila tingnan.... grabe.. ito ba yun??? Sya ba yung taong hinihintay ko??? Yung taong nagpahintay sa akin bago ako pumunta dito sa Baguio.... pinagtitripan lang ata ako....
“Keyla!!!!”
Nakita na ako ni Izzy... tss...
Tumakbo na ako papalabas... ang taas pa naman ng hagdan papunta sa gate dito.... nakakainis lang
Mabuti na lang kasi may dumaang jeep kaya nakasakay na ako agad...
Pagdating ko sa school, umuulan na... lagi naman ehhh... lagi namang ganito dito sa Baguio... umuulan... pero madalas hapon... at nakikisama ata ang panahon sa aking nararamdaman
For sure.... mamaya lang... magkikita kami ulit
Umupo na ako sa upuan ko...
Facilitating Learning yung subject... at puro theories lang naman ang pinag-aaralan dito kaya boring...Sumunod na subject yung major... English 7, literary criticism...
Kung pwede ko lang sana icriticize yung sarili kong istorya...
May aesthetic value ba??? May intellectual value ba??? Eh puro sakit lang naman ang nararamdaman ko ehh... may aesthetic at intellectual ba pag ganun???
After ng English 7 ay lunchbreak na namin... lumabas na ako ng classroom at pumunta sa kabilang building.. sa Engineering building
Tapos nasalubong ko si Dwayne... tss... pag nga naman tinotopak ang araw ngayon...
Sabay ko pang nakita yung mga bus ng STI na dumating
Sabi ko na sa inyo ehh... makikita ko ulit yung walanghiyang si Gab...
“Keyla!!!!!!!!!”
Hindi ko na pinansin si Dwayne... patuloy lang ako sa pagtakbo... napapagod na din ako kakatakas... di ko naman matakasan
/bzzzzt/
Gab calling
Nireject ko yung call.... bwiset lang... yung isa kanina pa sumusunod sa likuran ko
“Keyla!!!! Teka lang!!!” tumigil na ako sa paglalakad... napagod na ako... bakit ba ganito ang buhay ko... lagi na lang akong tumatakbo..
Nginitian ko si Dwayne...
“kanina pa kita tinatawag ah...”
“ah.. sorry di ko napansin.... madami akong iniisip”
“ahm Keyla kasi... sabi ni Dr. Vino, may performance daw tayo mamaya... sorry daw kasi ngayon lang nasabi... si Helga kasi dapat yung magpeperform eh kaya lang biglang nagkaron ng emergency”
“ha?? Para saan???”
“kasi... para dun sa mga tourists... sorry daw talaga.. bale meron na lang tayong 30 minutes para magrehearse”
“bakit ngayon mo lang sinabi???”
Nakeeh naman oh... 30 minutes??? Tapos mag-iisip pa ko ng kakantahin??? Grabe!!!
“eh kasi ngayon lang kita nakita... dapat nga kanina ka pa excused sa mga subjects mo eh....”
“tss.. eh ano pang hinihintay mo??? Tara na!!!”
Hinila ko si Dwayne papunta sa Auditorium.... wala na akong pakialam kung sino man ang nakakita sa amin na tumatakbo... wala akong ibang dapat isipin kundi yung performance mamaya
Hayyy....ayoko mapahiya.... lalo na sa harap ni Gab.... si Izzy ba??? Si Izzy ba pinalit nya sa akin???
“Dwayne... yung A Thousand Miles na lang kaya ang kantahin natin????”
“oo sige... pareho naman nating alam yun eh....”
After some minutes ng rehearse, nagpalit na ako ng damit... may mga damit naman kasi ako dito sa dressing room eh... whew.. kinakabahan ako...
Sa gitna pa naman yung intermission number namin kaya may time pa para magpractice.. kaya lang.. kinakabahan talaga ako...
Lalo na’t alam kong nandun sya sa audience... nanonood...
“now, for an intermission number, let’s give it up for Dwayne Lance Joaquin and Keyla Sharey Ramirez!!!!!!!!!!!!!!”
-end of chapter 1
My Sweet Nuisance Chapter 2 – Tulips
Gab’s POV
“now, for an intermission number, let’s give it up for Dwayne Joaquin and Keyla Sharey Ramirez!!!!!!!!!!!!!!”
“what!!!???” napa-what lang ako nung marinig ko na si Keyla pala yung magpeperform ngayon dito... napatingin tuloy saken si Izzy at kinurot ako... tapos tumugtog na yung piano...
Making my way downtown walking fast,
Faces pass and I’m home bound….”
Pagpasok pa lang ni Keyla eh naghiyawan na agad yung mga tao… magaling talaga sya kumanta… second time ko na sya mapapanood na nagpeperform pero yung una eh videoke lang tapos ngayon, nagpeperform sya kasama ng mga tourist
Staring blankly ahead just making my way..
making my way through the crowd….
“And I need you…”
“And I miss you…”
“and now I wonder”
Kaduet ni Keyla yung isang lalaki... siya yung kasama ni Keyla na tumatakbo kanina nung nandun pa kami sa bus at papasok ng BSU... haii...
“if I could fall into the sky...
do you think time would pass me by..
coz you know I’d walk a thousand miles if I could just see you tonight....”
Yan yung kantang madalas ko kantahin simula nung magkahiwalay kami ni Keyla... alam kong ang layo-layo ng Baguio sa Rizal... kaya naman sobrang namiss ko sya at halos mabaliw na nga ako kakaisip kung ok lang sya....
“It’s always times like this
when I think of you and I wonder if you ever think of me...
coz everything’s so wrong and I don’t belong
living in your precious memory....”
“coz I need you....
and I miss you....
and now I wonder...”
“if I could fall into the sky...
do you think time would pass me by..
coz you know I’d walk a thousand miles
if I could just see you tonight....”
Naghiyawan ulit yung mga audience... si Izzy naman kanina pa kilig na kilig.. kanina pa nga ko binibigwasan ah.. kundi ko lang to kapatid eh.. hmft!!!! Aba’t dapat eh sa aming dalawa yun kinikilig... eh bakit sa kanilang dalawa yata sya ngayon kampi????
“hoy, wag ka ngang ganyan... baka magselos ako nyan eh...”
“sshhhh!!! Wag ka nga maingay dyan!!!! Magselos talo!!!”
Aba loko to ah... magselos talo.. ibig ba sabihin kanina pa ako talo??? Di ata ako papayag
“and I, I don’t wanna let you know...
I, I go in your memory...
I, I don’t wanna let this go...
I, I don’t”
Namiss ko talaga si Keyla... siguro nga hindi ko talaga ipinaalam sa kanya na magtu-tour kami dito sa Baguio saka sa BSU (Benguet State University) kasi gusto ko sana sya isurprise... tourist spot din kasi tong BSU dahil sa paggawa ng strawberry products... kaya nung nalaman ko na pupunta kami dito sa BSU eh sobrang natuwa ako... kaya lang ako yata ang nasurprise kaninang umaga kasi andun sya sa Botanical garden.. nakita sya ni Izzy pero nagmamadali yata kaya hindi kami napansin
“Making my way downtown walking fast,
faces pass and I’m home bound….”
“Staring blankly ahead just making my way..
Making my way through the crowd….”
“And I still need you…”
“And I still miss you…”
“and now I wonder”
“if I could fall into the sky...
do you think time would pass us by..
coz you know I’d walk a thousand miles
if I could just see you”
“if I could fall into the sky...
do you think time would pass me by..
coz you know I’d walk a thousand miles if I could just see you,
if I could just hold you tonight....”
Malakas na palakpakan ang ibinigay ng mga tao sa kanilang dalawa....
“whoooooh!!!!! I love it Keyla!!!! Ganda ng tandem nyo ni Dwayne!!!!!! Hihihi bagay kayo... kiiiiiisssssss!!!!”
Aysus.. kapatid ko ba talaga tong si Izzy???? Batukan ko na ba to ng matauhan????
“kiss ka dyan!!! Hoi manahimik ka nga dyan!!!”
“selos ka naman kuya!!! Hahaha...”
“kiss!!!!!!!”, sigaw ng crowd... napatingin ulit saken si Izzy at nakangisi....
“kung selos ka eh di ikaw kumiss kay Ate Keyla.... haha.. bleeh!!!” sabay tayo niya mula sa upuan....
Nanahimik ang crowd at biglang napa-ayeeeh.... napalingon tuloy ako sa stage.....
Naka-hug yung Dwayne kay Keyla...... bwiset.. kelangan sa harap ko pa talaga... grr
“aish... tara na nga Izzy....” hinila ko na si Izzy palabas ng auditorium.... baliw na lalaki yun ah.... ako nga hindi ko pa naha-hug si Keyla simula nung dumating kami dito sa Baguio kagabi tapos yung eksenang yun ang dadatnan ko ngayon???? Ok lang ba ako????
Syempre hindi.... may ok ba na nagngingitngit????
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Keyla....
Nagriring naman yung phone pero walang sumasagot... tss...
Maya-maya ay nagvibrate yung phone ko...
New message from Keyla
[bakit]
Tinawagan ko ulit sya at sa wakas eh sinagot nya na yung tawag...
“hello...”
“Keyla... mag-usap tayo... kita tayo dito sa labas ng auditorium...”
“sige....”
Tapos inend nya na yung call....
Pumunta muna ako sa bus at may kinuha saglit... binili ko to kanina sa Mines View park... wala lang natuwa lang ako sa Tulips... Pagbalik ko nakita ko sya na palabas ng auditorium... Palapit na ako sa kanya ng biglang lumapit sa akin si Izzy at humawak sa braso ko.....
“hoy Izzy, umalis ka dyan... mag-uusap kami ni Keyla...”
“ok... aalis na.. wag ka na lang masunget... hahaha” tapos kinurot nya muna yung pisngi ko at umalis na...
Lumapit na ako kay Keyla kaya lang parang hindi sya masaya na makita ako... hindi nya ba ako namiss????
“Keyla para sa’yo....”
Inabot ko yung bulaklak na kanina pa nakatago sa likuran ko... pero imbes na kunin nya yun eh bigla nya akong sinampal....
/pak!/
Mukhang galit na galit si Keyla... tumakbo sya palayo sa auditorium at pumunta sa kalapit na building.. hahabulin ko sana sya pero tinawag na ako nung tour guide namin....
Pagpasok ko sa bus ay tahimik lang ang lahat ng mga kaklase ko.. nakatingin lang sila lahat saken... walang ni isang nagsasalita...
“tol, masakit ba???” tanong ni Izzy.....
Natural masakit... masakit yung pisngi ko pero mas masakit yung puso ko... ano kayang nangyari kay Keyla.... tss... ang gandang araw naman nito...
“obvious ba??? Kaw ba pag sinampal ka, hindi ba masakit…?”
“hindi yun… yung puso mo….”
“ano bang alam mo??? Di ko nga alam bakit galit saken yun eh”
“di mo pa rin kasi sinasabi sa kanya hanggang ngayon ehhh….”
Hala.. ang alin?? Ang gusto ko sya??? Nasabi ko na ah.. pero yung mahal ko sya.. di pa… yun ba ang gusto nya marinig????
“hindi yun…”
“mind reader ka ba?? Bakit mo nabasa nasa utak ko???”
“sira.. ang lakas mo kaya bumulong.... hahaha...”
Napakamot tuloy ako ng ulo... tss...
“kung hindi yun eh ano???”
“hindi mo pa rin sinasabi sa kanya na.......”
“na ano???”
“tss.. na ano kasi... hihihi...”
Ai ganon.. may pabitin.. ibitin ko kaya to noh???
“sasabihin ko sayo sa isang kondisyon....”
Patience Gab....
“sige na.. kahit na ano...”
“talaga????”
“oo na.. nakeeeh....”
“ibili mo ko ng silver earings sa Ibay... hahahaha...”
“sige na... bukas pagpunta natin dun...”
“usapan yan ha??? Oh ito na.. di mo pa kasi sinasabi sa kanya na magkapatid tayo... hahahaha”
Matatawa ba ako sa sinasabi ni Izzy???? Di ko pa ba sinasabi??? Haha... what’s the big deal kung magkapatid kami???
“nakita ko sya kaninang umaga sa Botanical Garden na ang sama ng tingin sa atin... tapos kanina din nung magkalapit sa upuan sa auditorium at pati kanina nung bago ka lumapit sa kanya...”
Ano daw??? Masama ang tingin???
“di ko gets”
“slow!!! Ibig ko lang sabihin, nagseselos na yun tuwing nakikita tayong magkasama.... yun lang di mo pa gets!!!! Slow!!!!” napalakas na yata ang pagkakasabi nya kasi nagtatawanan na yung mga kaklase ko sa loob ng bus...
“ai oo nga noh.. eh ba’t sya magseselos eh magkapatid naman tayo eh...”
“ay, bubu ka talaga????? Eh hindi nya nga alam eh.. paulit-ulit?? Gusto mo unli??? Oh sige classmates!!! Tawa na kayo ng unli para matauhan tong kuya ko!!!!”
Tapos tumawa na ng malakas yung mga kaklase ko na kanina pa nagpipigil ng pagtawa...
Tinawagan ko ulit si Keyla at buti na lang mabilis nyang sinagot yung tawag....
“dun ka na kay Izzy Gab!!!!!”
“Keyla nagkakamali ka ng iniisip... si Izzy kasi, kapatid ko!!!!!!!!”
-end of chapter 2
My Sweet Nuisance Chapter 3
Gab’s POV
“Keyla nagkakamali ka ng iniisip... si Izzy kasi, kapatid ko!!!!!!!!”
Bago ko pa masabi yun eh naibaba na ni Keyla yung kabilang linya.... sinubukan ko ulit tawagan sya... limang beses, sampung beses hanggang sa maubos na yung charge ng phone ko... tss... hindi nya man lang ako pinakinggan... nakakainis lang...
Hindi ako naiinis kasi hindi ko sya makontak.... naiinis ako kasi magseselos lang sya, dun pa sa kapatid ko... nakeeeh... eh bakit ba kasi hindi ko pa nasasabi sa kanya na kapatid ko yun????
Tsss.... 4 days na kong walang contact sa kanya.... at ngayong gabi pauwi na kami sa Pililla... oo pauwi na kami na hindi man lang nakakapag-usap ng matino.. 4 days na din ang nakalipas simula nung makita nya kami ni Izzy....
Kahit Facebook wala... hindi sya nag-oonline tapos yung last post nya eh 4 days ago pa... ang huling post nya sa timeline nya eh:
“such a hash... from now on, I care less”
Galit ba talaga sya??? Ano ba naman tong gulong pinasok ko.. hindi tuloy ako makatulog... pag gabi kasi hinihintay kong mag-online sya... pero hindi naman sya nag-oonline... tapos every hour sinusubukan kong kontakin sya pero nakapatay yung phone nya... tinawagan ko na rin si Mica pero sabi nya hindi daw sya tinetext ni Keyla
Nakita kong natatawa si Izzy dun sa harap ng phone nya.... isa pa tong problema ko... hayyy... pano ko makakatulog kung maingay tong katabi ko???
“huy ano yan ha???”
“hahaha....” hala anong sagot yun??? Hahaha??? Baliw na ata???
Kinuha nya yung phone ko at ikinokek sa internet tapos may kung anu-ano syang pinagpipindot tapos ibinalik nya sa akin....
“oh ano to????”
“makaluma ka ba??? Galing ka ba sa Ice age kaya hindi mo alam yan??? IT student ka ba talaga??? Hahaha”
Toinx... to na naman po kami sa pang-aasar nito... matutuwa ba ako eh wala naman akong ibang nakikita sa screen kundi isang dilaw na sisiw na malayo ang itsura kay tweety at malayo din ang hitsura kay Iglot??? Ayun lang... tas sabi nung sisiw “hi”
Kaya anong gagawin ko dito????
Napatingin lang ulit ako kay Izzy na kanina pa ata enjoy na enjoy... ano bang meron dito???
“aish... anu ba yan Gab... si Simsimi yan, di mo talaga kilala???”
“natural kilala ko, ayan pa nga oh, SIM-SI-MI.... ang laki ng pangalan Simsimi” pero sa totoo lang eh binasa ko lang naman yung SIMSIMI sa upper left
“ok... magaling ka eh... hahaha.... ikaw na ... you already... bahala ka na dyan kay simsimi...” kinuha nya yung phone ko tapos sinabi nya kay “simsimi”
“oi simsimi. Be good to kuya ha???? Hahaha... wag mu pipilosopohin??? Ok?” tapos binalik nya na ulit saken
“ui eh ano ngang gagawin ko dito????”
“kala ko ba kilala mo na sya???”
“oo nga, alam ko pangalan nya... natural nabasa ko.. eh pero hindi ko naman alam gagawin sa kanya noh???”
“nakikita mo yung box sa baba??? I-type mo lang lahat ng gusto mo itanong....”
Hindi ko na inistorbo si Izzy... hayyy.. ayun lang pala... hahaha.. eh teka, anong itatanong ko??? Haha... para lang timang eh noh... kanina lang andami kong tanong na nabubuo sa isip ko... tss.. eh mukha naman kasing di kapani-paniwala tong SIMSIMI na to... nakuuu.... pero sige na nga....
SIMSIMI: hi
Me: pano kung dii mo makontak yung isang tao, anong gagawin mo???
Simsimi: eh di hanapin mo sya... ayeeh
Me: (anong ayeeeh??? Hahaha.. adik pala tong manok na to ehhh) eh kaso lang malayo sya saken, kaya anong gagawin ko????
Simsimi: facebook wala???
Me: hindi sya nag-oonline eh
Simsimi: baka walang pera.. hahaha.. bleeeh!
Me: (ano pa bang aasahan sa isang cleverbot.. nakow.. eh di wlang matinong sagot.. takte... kung hindi lang ako desperado na makontak si Keyla kahit pano eh hindi ko kakausapin tong manok na to) eh hindi.. imposible yun, mayaman yun eh, eh pano ko kaya sya makakausap???? O makokontak kahit pano???
Simsimi: Facebook lang ba nag social networking site??? Hindi naman di ba???
Me: oo nga noh.. hahaha.. makakalimutin na ako eh...
Simsimi: lolo!!!
Me: hindi naman masyado... haha...
Simsimi: oo kaya!! Lolo.... may nakalimutan ka ngang sabihin sa kanya kaya mo siya pinipilit kontakin di ba???
Me: (naku.. manghuhula ata tong manok na to ah.. bilib na ako.. hahaha) panu mo nalaman???
Simsimi: syempre madami akong alam
Me: eh kung madami kang alam eh di alam mo din ba kung nasaan sya ngayon???
Simsimi: oo naman, nasa puso mo.. hehehe
Me: (aba lokong manok...) eh give me specific website na pwede ko syang mahanap
Simsimi: wattpad
Me: (wattpad?? Ano yun??? Tss, bago ko lang narinig yun ah...) ano naman yun??
Simsimi: bakit ba ang dami mong tanong eh may google naman di ba???
Di ko na sinagot... hay grabe... nakakabaliw pala yung simsimi na yun ... haha.. the best eh.. sige sya na ngang magaling at kamangha-mangha
Sinearch ko na sa google yung Wattpad na sinasabi nya.. eh ano to??? Hindi naman ata social networking site??? Tss.. pinagtitripan ba ko nun??? Puro stories lang yun andun ah.. kaya pano ko mahahanap si Keyla dun???
Syempre ang una kong ginawa ay nagcreate ng account.. sige na nga.. ako ng uto-uto... nagpauto ako sa manok na yun para lang talaga mahanap si Keyla.. ganun ako kadesperado... haiii... kung alam nyo lang kung gano ko gusto kausapin si Keyla ngayon... gusto ko humingi ng isang libong sorry oh kung gusto nya pa eh mas madami pa dun para lang mapatawad nya ako...
At ang username ko
Yhelovesharey
Para tuloy ang cheesy masyado... haha..... Gabrielle loves Sharey...
At sa wakas nasearch ko sya dun... hmmm.... may 40 fans sya at 1 short story.... at ang title ng story nya... “100 days to his heart”... grabe lang.... in-add ko yun agad sa RL ko
Syempre, nag-fan ako sa kanya.... pang 41 fan nya ako.. hayy... yun lang... gusto ko ako lang ehh... pagdating kay Keyla ang damot-damot ko kaya nga hindi ko sya pinayagan magmahal ng iba habang nasa Baguio sya... kasi gusto ko pagbalik nya, kami na... oo, liligawan ko na sana si Keyla kung hindi lang sya pumunta sa Baguio... pero ayun, kelangan ko maghintay ehh... kasi 6 months lang.. ganun lang naman sya katagal eh
Nagpost sya sa message board ko.... wow ang bilis huh?? Simula yata nung hindi na sya mag-FB eh dito na sya naglalagi sa wattpad ehh.. ayos.. mahahalikan ko talaga si Simsimi.. hehehe
“Thanks po sa pag-add ng 100 days sa RL mo saka na din po sa pag-fan!!!! Thanks so much po ulit.. enjoy reading!!! Salamat po sa pagtitiwala na binigay mo po saken... :)”
Tapos nakita ko na online sya... haha.. chance na to...
Yhelovesharey: you’re welcome po!!!! Sana po maganda yung story... kasi maganda din yung author..
KeylaShareyRamirez: ay.. ganon po... hehehe.. kaw naman po kung mambola... naks... nagpabola naman ako... haha
Yhelovesharey: ahm... pede magtanong??
KeylaShareyRamirez: sure... nagtatanong ka na nga di ba??? Haha
Yhelovesharey: bakit 100 days to his heart ang title???
KeylaShareyRamirez: eh kasi... wala lang.. haha.. uso yan ngayon.. 100 days lang ang lovelife tas wala na.. haha.. joke... uhmm... siguro lang kasi ang mga babae, mabilis mainlove.. pwede syang mainlove sa loob lang ng 100 days...
Yhelovesharey: ay ganon... eh ikaw miss keyla, nainlove ka na ba sa loob lang ng 100 days???
KeylaShareyRamirez: di pa eh... isang lalaki pa lang naman ang minamahal ko...
Yhelovesharey: talaga??? So may BF ka ngayon???
KeylaShareyRamirez: naku wala wala!!!! Hehe... magkalayo kami ngayon eh :(
Yhelovesharey: oh eh bakit ka malungkot???
KeylaShareyRamirez: wala lang.. kasi.. basta... hihi... ayos lang ako... ganun talaga ang buhay... isang malaking MOVING-ON... sabi nga sa kowts: “life is like riding a bicycle, you have to move on in order to keep balance”
Yhelovesharey: NAKU!!!!! Wag kang ganyan!!! Wag ka magmumove-on bigla-bigla lalo na kung hindi mo pa alam ang feelings nya!!!!
KeylashareyRamirez: alam ko noh... haha... pinag-iisipan ko pa... kasi naman eh... tss... ewan ko... hayyy buhay...
Yhelovesharey: mahal mo ba???
KeylaShareyRamirez: oo naman.. sobra... kaya lang pinagpalit na ata ako.. ay teka, HINDI nga pala KAMI!!!! Kaya ayun
Yhelovesharey: bakit tingin mo ba hindi ka nya mahal???
KeylaShareyRamirez: oo eh.. may pabigay-bigay pa ng tulips eh ibang babae naman kasama.. aysus... ewan lang...
Yhelovesharey: ganon... eh baka naman hindi nya gf yung babae??? Malay mo...
KeylaShareyRamirez: sana nga.. hmft.. humanda sya pagbabalik ko sa Pililla, magtutuos kami... ui sige ha?? Salamat ulit sa pag-fan... fan back na lang kita pag may story ka na... hihi... geh, mag-eencode lang ako ng pang update gudmornyt sayo!!!!
Tapos bigla nya na pinalitan ng “busy” yung status nya
Hay sa wakas.. nakahinga na ng maluwag... kahit papano
Ang kailangan ko na lang gawin ay maghintay pag online sya sa wattpad at pati na rin hintayin ang pagbabalik nya...
Magpapaliwanag ako Keyla.... promise...
I’ll make you listen.....
-end of chapter 3
My Sweet Nuisance Chapter 4 - Not a goodbye
Keyla’s POV
Nag-iimpake na ako pauwi sa Pililla, natapos ang one sem... natapos na rin ang work ni Mama dito... natapos din ang maliligayang araw ko.... kailangan ko na harapin si Gab... ang ikinakatakot ko lang ay ang makita syang masaya sa piling iba samantalang ako, nagdurusa habang nasa Baguio...
Dumaan muna kami ni Mama sa Botanical Garden... mamimiss ko ng sobra ang lugar na to... yung tunnel, sina ate Miki na naging kaibigan ko na sa maikling panahon... mamimiss ko yung itinanim kong halaman na hindi ko pa rin alam ang pangalan.. mamimiss ko si Pinky, yung kabayong Kikay dahil pink ang kulay ng buhok nya.. haha.. mamimiss ko ang strawberry, ang taho, ang lengua de gato, ang scarf...
Oo, minahal ko ang Baguio.. pero mas mahal ko pa rin ang Pililla dahil dun ako nagkaisip, dun ako lumaki at nagdalaga, dun ako nagkaron ng first love... nakakatuwang isipin na makikita ko na ulit ang Pililla... pero ang totoo, mas excited akong makita si Gab...
“Keyla babalik ka ha??? Pag babalik ka, text mo lang ako, welcome ka dito samin...” nakangiting sabi ni ate Miki sa akin... napakabait nya talaga...
“opo naman ate... wag ka po mag-alala, pag babalik ako, kaw una kong itetext...”
“aysus, andaya naman, pano naman kami?” napalingon ako sa likod ko... andito pala ang mga kaklase ko sa BSU..
“uy!! Bakit kayo nandito?” tanong ko kay Dwayne
“tss.. madaya ka Keyla, aalis ka na pala ngayon di ka man lang nagpaalam.. hmft.. kung di pa nagtext si ate Miki na aalis ka na ngayon eh hindi pa namin malalaman...”
Napakamot ako sa batok ko... “kasi naman po, biglaan lang din.. kahapon ko nga lang nalaman na uuwi na pala kami eh...”
“Keyla....” nakatingin lang si Dwayne na parang may gustong sabihin...
“ano yun?”
sa halip na magsalita ay niyakap nya ako... maya-maya ay nagsiyakap na rin ang iba ko pang mga kaklase...
“mag-iingat ka ha?”
“oo naman noh... haha, kayo baga, di pa naman ako mamamatay noh!! Saka itetext ko pa naman kayo.. di ko kayo malilimutan... lalo ka na Dwayne!! Naku!! Dami mo kayang atraso saken...”
“ANAK!!halika na, andyan na yung maghahatid sa atin sa terminal...” andyan na pala si mama...
“oh pano, alis na ko ha? Pakabait kayo hane?”
“Mamimiss ka namin hane gurl!! Haha... wala ng pauso ng hane!!”
“saglit lang keyla, ito oh, dalhin mo, pasalubong mo sa mga kaibigan mo dun...” pahabol ni ate Miki...
Nung buksan ko yung plastic nakita ko yung maraming keychain..
“a-ate naman!! Andami nito oh, malulugi ka!!”
“ayos lang yan, malaki naman ang naitulong mo sa amin nung dumating ka eh.. sige na tanggapin mo na yan...”
Niyakap ko si Ate Miki... “salamat po ate... mamimiss kita ng sobra...”
“sige na Keyla.. aalis na kayo.. text ka na lang pag andun ka na ha?”
“sige po ate...”
Isa-isa ko silang niyakap... huli si Dwayne...
“sana isang araw, makakanta ulit tayo ha? Pag nagpunta kayo ng Manila, text nyo ako para magkita ulit tayo...”
Tumalikod na ako.. bago ako nakasakay ng kotse ay narinig kong tinawag nya yung pangalan ko.. pero di ko na narinig yung sunod nyang sinabi...
Pagkahatid sa amin sa terminal ay agad din kaming nakasakay... marami akong naiisip habang nasa byahe... halos hindi nga ako nakatulog mula Baguio hanggang Maynila eh... iniisip ko kung ano kayang magiging reaksyon ni Gab pag nakita nya ako... si Mika kaya, kamusta na sila ni Brionne? Si Genesis kaya pasaway pa rin? Si Robin ba napagkakamalan pa ring lalaki? Namiss ko silang lahat...
Pagkasakay namin ng byahe diretso sa Tanay eh nakatulog na ako... nagising na lang ako nung naramdaman kong nagkakagulo silang lahat, may humahampas sa mukha ko.. si Mama yun.. tapos maraming taong nagkakagulo... maraming duguan... tapos biglang nagdilim ang paligid ko...
Lolipop... naglalakad ako sa lolipop... [a.n: pangalan po yun ng isang park]
Tandang-tanda ko pa nung bago ako umalis papuntang Baguio... may kasama akong pumunta rito...
Tiningnan ko yung Laguna de Bay tapos bigla akong napaisip, sino nga ba yung kasama ko rito?
“Keyla, basta hihintayin kita ha? Kahit anong mangyari maghihintay ako sayo...”
“pero pano pag di nako makabalik?”
“eh di hahanapin kita.. kahit nasang sulok ka pa ng Pilipinas.. basta hahanapin kita...”
“pano pag di mo ko nakita?”
“basta mahahanap kita... promise, hahanapin kita.. di ako titigil hanggang di kita nakikita...”
Tiningnan nya ako ng diretso sa mga mata...
Yung pakiramdam na yun, nakakatunaw ng puso... ang tagal ko hinintay mangyari tong araw na to.. sino nga ba ako sa buhay nya bago kami nagkita ulit? Wala di ba? Pero sa isang iglap, natupad yung pangarap ko....
“babalik ka naman di ba?”
“oo, babalik ako... pangako yan... babalik ako para sayo...”
Sino nga ba yung babalikan ko? Bakit di ko sya maalala? Sino ba sya? Bakit sumasakit yung puso ko tuwing iniisip ko sya? Hinawakan nya yung mga kamay ko...
“hihintayin kita... kasi mahal kita” at tuluyang nalaglag ang luha sa aking mga mata..
Nagdilat ako ng mata.... panaginip? Oo, nananaginip lang ako... pagdilat ko, tumambad sa akin ang isang di pamilyar na silid... hindi to ang bahay namin ah... puro puti?
Asan kaya si mama?
Sinubukan kong bumangon... ay may tao pala sa Sofa... hahay, si Mikay oh, tulo laway... nakakatuwa.. bakit kaya ako nandito?
“MIKAAAA!” sigaw ko...
“ay palakang dilat!!!!” hahaha.. nakakatuwa si Mika, di pa rin sya nagbabago, magugulatin pa rin at todo makasigaw.. parang nakalunok ng megaphone eh.... pupungas pungas pa... “Keyla, gising ka na? Uy!!!!” napatakbo siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit... “kala ko di ka na gigising eh.. nag-alala ako sayo.... tatlong araw ka ng tulog!” sabi nya na parang naiiyak
“sows, andrama lang teh? Haha... eh kung batukan kaya kita... oo nga pala asan si Mama? Saka bakit ako nandito? Anong nangyari saken?”
“ eh sino namang di maiiyak.. *sniff.. yung mama mo, lumabas lang, bumibili ng pagkain... loka-loka ka... naaksidente yung sinasakyan nyong bus pauwi dito.. hay, ayun natama yang ulo mo kaya naconfine ka dito sa ospital... hindi naman grabe ang pinsala pero tatlong araw kang tulog.. oo nga pala, may isang taong gusto ka makita... araw-araw din syang nandito eh.. di ka nya iniwan... siya pa nga ang naunang tumakbo dito nung ilipat ka dito.. mula kasi sa St. Therese Hospital eh inilipat ka dito sa Tanay general.. teka lang, puntahan ko lang sya sa labas ha?”
“oo sige, basta bilisan mo ha!” nagtataka naman ako.. sino naman kayang nagpunta dito?
Di naman talaga lumabas si Mika, may sinenyasan lang sya sa may pintuan...
May pumasok na lalaki.. matangkad, singkit, maputi... gwapo si kuya huh?
“keyla....” at napatakbo din sya sa akin... teka hindi ko maintindihan si kuya, andaming sinasabi.. di ko gets? Bat sya naiiyak?
“hoy kuya, sino ka ba ha? Alis ka nga dyan? Di naman kita kilala eh... sino ka ba?”
“k-key-la.. ako to, ako to si Gab...”
huh? Sinong Gab???????
-end of chapter 4
My Sweet Nuisance Chapter 5-Forgotten memories…
“minsan, may mga bagay lang talaga na nakakalimutan ng isip subalit hindi nawawala sa puso”
Mika’s POV
Tatlong araw nang tulog si Keyla... hindi naman daw malala yung nangyari sa kanya pero bakit hindi pa siya gumigising? Nag-aalala na ako sa kanya kahit sabi ng doktor eh stable na sya... tumama daw kasi yung ulo ni Keyla kaya siya nawalan ng malay.
Mapalad pa rin si Keyla, anim ang patay dun sa nangyaring aksidente. Nung nalaman ko mula sa balita na may nangyaring aksidente sa zigzag sa Antipolo, agad akong kinabahan.. di ko alam kung bakit, maya-maya ay nakareceive ako ng tawag kay tita na kasama si Keyla sa mga naaksidente. Isinugod siya sa St. Therese hospital sa may Teresa. Minor injuries lang daw, konting galos lang ang natamo nya kaya pinayagan siyang madischarge at mailipat sa mas malapit na ospital. Hindi pa rin daw advisable na hindi sya sa ospital magpahinga kasi tumama yung ulo nya sa kalsada.
Pagkarinig ko ng balita, agad kong tinawagan si Gab... hindi ko pa naibababa ang tawag ay agad na syang umalis at nagpunta sa ospital. 3 days na rin sya dito... hindi sya umaalis sa labas ng kwarto ni Keyla...
Kaya laking tuwa ko nung nagkamalay na si Keyla... agad ko siyang tinawag sa labas... napatakbo siya kay Keyla... dahil dun, natunaw ang puso ko... ganyan nya kamahal si Keyla... pero nagimbal ang mundo ko sa narinig...
“hoy kuya, sino ka ba ha? Alis ka nga dyan? Di naman kita kilala eh... sino ka ba?”
“k-key-la.. ako to, ako to si Gab...”
Kumunot ang noo ni Keyla...
“sino nga ulit?”
“Keyla... wag ka namang ganyan oh... alam ko namang galit ka saken pero... pero... nag-alala talaga ako nung nalaman ko to... promise paglabas mo dito magpapaliwanag ako... pangako...” sabi ni Gab kay Keyla... teary-eyed
Napakamot si Keyla... “eh? Kasi kuya di kita kilala eh... promise... ngayon lang kita nakita... kilala ba kita?”
“Keyla... ako to si Gab... wag ka namang ganyan”
“di ba sabi ko hindi? Ay paulit-ulit? Unli-unli-unli? Kuya naman eh... di talaga kita kilala.. ngayon lang kita nakita...”
Napaluhod si Gab... kahit ako ay nagtataka kung anong nangyari... kilala ako ni keyla, kilala nya mama nya... bakit si Gab hindi?
“Keyla, nakikiusap ako... please, kung galit ka sa akin saktan mo ako, sampalin mo hanggang gusto mo... pero wag ka namang ganyan oh.. Keyla ako to! Si Gab!”
“Gab tama na.... baka.... baka pagod lang si Keyla... baka...”
“Mika palabasin mo na si kuya.. hala... nakakatakot...”
“Keyla... hindi mo naman kelangan gawin to eh... mahal naman kita eh, magpapaliwanag ako oh...”
“Gab... labas ka na muna... sige na... ako ng bahalang kumausap sa kanya... uwi ka na muna sa inyo ok?”
Tumango lang si Gab... hindi ko man naiintindihan ang lahat... alam kong may mali...
Pagkalabas ni Gab kinausap ko si Keyla...
“Keyla... gusto ko magsabi ka ng totoo ha? Hindi mo ba talaga sya kilala? Kung pakulo lang to willing naman akong magjoin, pero sana alam ko para mas masaya ha?”
“aysus Mika, feeling mo ba pinagtitripan ko si Kuya? Di ko talaga siya kilala eh... promise...”
“totoo?”
“promise nga...”
Kinuha ko yung cellphone ko...
“eh sila kilala mo?”
“oo naman, mga kaklase natin sila.... sina Robin, Genesis, Cody, Kyle...”
“eh ito....” pinakita ko sa kanya yung picture na sinend nya sa akin via MMS bago sya umuwi
“ahm...” medyo natagalan siya bago sumagot... tiningnan nya ako tapos nagsalita... “Ate Miki, Dwayne, Rina, Selina, Waki at Yumi.... kilala ko silang lahat... mga kaklase ko sila sa BSU...”
Bigla namang dumating si tita....
“Anak!!! Mabuti naman at gising ka na! May masakit ba sayo? May gusto ka ba kainin? Sabihin mo lang...”
“hahaha.. si Mama talaga... kaw po ba mama di ka nasaktan?”
“naku hindi... mabuti na lang at gising ako noong nagkaron ng aksidente... himbing ka kasi noon...”
“ganon po...”
“sige po tita, una na po ako ha... ibabalita ko lang sa mga kaklase namin na gising na siya...”
“sige Mika.. salamat ha? Si Gab ba umalis na...”
Tumingin muna ako kay Keyla bago nagsalita...
“opo tita... si Keyla na lang po ang magsasabi sa inyo... sige po”
Si Gab lang ang hindi nya nakikilala... posible kayang.... posible bang...
SELECTIVE MEMORY LOSS?
-end of chapter 5
My Sweet Nuisance chap 6
“and all I can do is hope and pray… coz heaven knows”
“Keyla, nakikiusap ako... please, kung galit ka sa akin saktan mo ako, sampalin mo hanggang gusto mo... pero wag ka namang ganyan oh.. Keyla ako to! Si Gab!”
“Kuya naman eh... di talaga kita kilala.. ngayon lang kita nakita...”
I still remember the last time I walked with her… masaya naman kami noon... sobrang saya... tapos ngayon, wala na... di na ba talaga ako naaalala?
Bakit nagkaganon? Ginawa ko naman ang lahat di ba? Kahit nagkaron ng misunderstanding eh ginawa ko pa rin ang lahat. Hinintay ko pa rin sya kasi sabi nya, babalik sya... bumalik naman siya... pero yung feeling na sa isang iglap, wala na ang lahat, di ko kayang isipin. Nakakapanghinayang.
Ano bang dapat kong gawin? Dapat isipin?
*toktoktok
“pasok.. bukas yan...”
“Gab... ok ka lang? Kumain ka muna oh..”
Pinagdala ako ni Izzy ng tuna sandwich sa kwarto ko.
“salamat...”
“totoo bang gising na si Keyla?”
“yup.... galing ako dun kanina...”
“oh eh bakit parang di ka masaya?”
“Hindi ko talaga alam kung pano ipapaliwanag.. kung anong sasabihin ko... kasi.. kasi... hindi ko alam kung anong nangyari, kung galit lang ba siya saken o... pero kilala nya naman si Mika... bakit ganon...?”
“kahit ako di kita naiintindihan, linawin mo kaya...”
“hindi nya ako kilala...”
“oh shocks...” gimbal si Izzy sa narinig... “di ka niya kilala..? as in ikaw lang ang di nya kilala?”
“yata.. h-hindi ko pa alam.. basta, kilala nya naman si Mika... pero bakit ako hindi?”
“baka naman pinagtitripan ka lang ni Keyla?”
“tingin mo ba kaya nya gawin yun?”
“hmmmm... h-hinde...”
“kita mo na? Kaya siguradong hindi sya nagbibiro.”
Pati si Izzy ay naguguluhan na rin sa takbo ng mga pangyayari. At heto na naman ako sa pagluha ko. Sa kabilang parte ng utak ko eh hindi ko mapigilang isipin na san na nagpunta ang lahat ng ala-ala. At dahil dun ay muling tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigil.
Nahiya ako kay Izzy. First time nya ako nakitang umiiyak ng ganito. Bakit naman kasi sa lahat pa ng malilimutan nya, ako pa? Kung kelang handa na akong dalhin sa may seryosong sitwasyon ang nararamdaman namin para sa isa’t-isa.
“Gab... suko ka na ba?”
“what do you mean?” sabi ko.
“I still remember nung araw na tinanong kita kung anong gagawin mo kung malaman mong hindi pala ikaw yung taong gusto ni Keyla...”
Then everything came back so fast...
“what if malaman mong hindi pala ikaw yung lalaking yun?”
“then I’ll make her fall in love with me...”
“what if nakalimutan nya na pala yung pagmamahal nya sayo if ever maconfirm kong ikaw yun?”
“then I’ll make her fall in love with me again...”
“if susuko ka na agad dahil nalimutan ka ni Keyla, ibig sabihin di mo kaya tuparin lahat ng sinabi mo.”
I was left dumbfounded. Bakit nga ba ako umiiyak? Di porke nalimutan na ako ni Keyla eh tapos na ang lahat di ba? Isip lang ang nakakalimot pero hindi ang puso. Tama. May paraan pa, di ako dapat sumusuko. Mahal ko si Keyla hindi dahil alam kong mahal nya ako.
I then fixed myself. Of course, I thanked Izzy. Kapatid ko nga sya, very supportive. Sana lang pareho kami ng dami ng fighting spirit. Sana lang di ako maubusan non, dahil pag nagkataon, anytime, pwede ako sumuko.
Pero hindi ako susuko.
Later that afternoon, bumalik ako sa ospital para muling bisitahin si Keyla. I won’t care kung di nya ako natatandaan o kung di nya ako kilala. Ang mahalaga, maiparamdam ko sa kanya na mahal ko sya.
Sabay kami pumasok ni Mika. Nagpasundo kasi ako sa kanya sa lobby. Baka kasi di ako papasukin ni Keyla. At least pag andyan si Mika, pwede nya ako tulungan kay Keyla.
Nauna ako pumasok. Akala ko makakapag-usap kami pero may tao sa loob. Then I saw a man who looks familiar. He’s bringing flowers for Keyla. Nahiya naman ako, kasi ako, walang dala kundi sarili ko.
She didn’t notice that I’m inside. They were both singing a song. Nakakaselos, after all kala ko magagawa kong tatagan ang loob ko. Pero makita lang sya na masaya kasama ng ibang lalaki makes me feel weak. Ang malala pa, they look good together.
At last I remember him. Sya yung kaduet ni Keyla nung nagperform sila sa BSU. Dwayne yata ang pangalan nya.
Bigla pumasok si Mika kaya naman nakita rin ako ni Keyla.
“oy Kuya!! Andito ka rin pala? Sorry ah, di kita napansin kasi maraming tao eh. Gab ba pangalan mo? Siyanga pala, sila yung mga kaklase ko sa BSU, sina Dwayne, Rica, Tyron saka marami pang iba. Ay classmates si Gab nga pala. Sabi ni Mika super close daw kami nyan eh, kaya lang di ko na sya maalala. Ok lang ba sa inyo na kasama natin sya?”
Tumango ang lahat. Lumapit naman saken yung asungot at kinamayan ako.
“Nice to meet you pare, Dwayne Joaquin nga pala. Kaklase ni Keyla sa BSU”
“yeah i know, I’m Gabrielle Anthony Lozano....” di ko maituloy yung sasabihin ko. Di ko alam kung pano ako magpapakilala. Sasabihin ko ba na MU kami ni Keyla dati?
Saka ko narealize, ang engot ko talaga. Sana man lang niligawan ko si Key bago sya nagpunta ng BSU. Sana man lang naging kami. Kasi kahit ako, di ko alam kung pano ko ipapakilala ang sarili ko kay Keyla. Di ko naman pwedeng sabihin na “keyla ako ang first love mo”. oh di ba parang ang feeling ko naman pag ganun?
“.....kaibigan ni Keyla.”
Masakit. Oo, masakit. Hanggang kaibigan lang pala. Hindi dahil hindi kami pwede mag-exceed dun, kundi magkaibigan lang kami nung bago sya umalis. Kaya hanggang kaibigan lang ang pwede ko ipakilala.
“salamat pare sa pagiging kaibigan ni Keyla. Nga pala, baka lagi na tayo magkikita. Dito na rin kasi ako mag-aaral eh. Schoolmates ba kayo?”
Ouch. Ito yata yung kinakatakot ko. While back to zero ako eh saka naman may didikit na iba sa kanya. Pano na ko?
“ah hindi kami schoolmates ngayong college pero schoolmates kami nung elementary at high school. So what’s the cause of sudden transfer?”
“ahm... kasi...” he clapped his hands at dahil dun, naagaw nya ang atensyon ng lahat ng tao sa loob ng kwarto.
“from this day, I formally announce na manliligaw ako kay Miss Keyla Sharey Ramirez.”
Talo ka na Gab. Di mo ba kita na close sila? Wala kang laban dyan oh, samantalang hamak na KAIBIGAN ka lang.
Pero bago pa tuluyang maubos ang fighting spirit ko, bigla nagsalita si Mika.
“Di pwede yan.... k-kasi... may promise sina Keyla at Gab sa isa’t isa bago sya umalis. Di ba Gab?”
Di ko na alam kung ano ang sasabihin. I should be thankful to Mika for saving me.
“Y-yes.... we promised... and I am always here for Keyla.”
Dama ang tensyon sa loob ng kwarto.
The world war III begins here. I won’t step back.
-end of chapter 6
My Sweet Nuisance Chap7 ~
“and maybe that was the biggest mistake of my life and maybe I have been moved on since that night…”
COE bldg, Room 202. ED6 subject. 10: 30am
Sigurado na ako dito. Pinag-isipan ko to ng sampung beses. Alangan malamangan ako ng kutong lupa na yun na pumoporma kay Keyla. Eh ako naman talaga ang nauna at oroginal. Madamot na kung madamot. Eh ako kaya nauna.
Kahit pano, nawawala ang inis ko sa sarili ko. Alam ko kasing kahit pano, mababantayan ko sya at di ko sya basta-basta isusuko. May pangako kami sa isa’t isa. Take note, DALAWA kaming nangako. At kung di nya man matupad, ako, narito pa rin naman ako para tumupad nun.
Siguro nga, baliw na ako. Baliw na kasi nagmamahal ako ng isang taong di ko maalala. Nagmamahal ako ng isang taong di ko alam kung matatandaan pa ako. Pero wala akong pakialam. Alam kong makakaya ko. Naniniwala ako sa happy ever after kahit parang ang bading-bading pakinggan. Haha. So what? If happy ever after with Keyla naman di ba, why not?
As long as natatandaan ko ang pangako nya, di ako susuko. Dahil alam kong one day, maaalala nya ako.
Naglalakad na ako sa may hagdan. Wagas lang talaga ang kaba ko. Sigro nga first time ko to gagawin at hindi ko naman field ang pagtuturo pero ok na to. At least.
Here I am. Dugdug dugdug.. aish.. hey you crazy heart of mine... wag kang pasaway.. only this time, hear me.
“Good Morning Class...”
Tahimik lang ang lahat. Nakita kong nakatingin saken si Keyla at halatang gulat. Si Mica naman, nakangiti lang na parang sinasabi, “GO GAB!”. Si Dwayne naman, nakasimangot. Basta halo-halo ang reaksyon nilang lahat.
“Good Morning Sir.” Bati nilang lahat na nakatingin sa akin. Ang saya ng feeling. For the first time, dati ako ang bumabati nun sa loob ng classroom at pag may nasasalubong ako na prof.
“you may now take your seats...”
“thank you...”
“okay.. I am Anthony Gabrielle Lozano, and I will be your instructor in ICT2. I am a graduate of BSIT in STI Colleges, Tanay Branch. Any question?”
May nagtaas ng kamay.
“Okay.. yes miss...”
“Sir, why is it that you choose to teach instead of getting a job in line with your course?”
“that may be a personal question... I choose not to answer it... I’m sorry.. any other questions please?”
May isa pang nagtaas ng kamay dun sa likod ni Keyla. Hindi tuloy maiwasan na mapatingin ako sa kanya. Napakatahimik nya. Ano kayang iniisip nya?
“sir, if you won’t mind, do you have a girlfriend?”
Nagtilian naman yung mga estudyante. Grabe lang. Naalala ko yung unang beses kong umapak dito. Wagas lang makapagbulungan ang mga tao, kala mo di ko naririnig.
“I do not have a girlfriend....” I said shortly. “coz I am still waiting for somebody to come back...”
Tumahimik yung buong klase. Si Keyla naman, napatingin lang saken. Halatang nagulat sya sa sinabi ko. Si Mika naman, nakangiti lang habang si Dwayne, napasimangot bigla. Ano ka ngayong kutong lupa ka ha? Di ako aatras sa laban natin noh. May the best man WIN. Isipin nya na lang na nasa THE HUNGER GAMES kaming dalawa at isang tao lang ang pwedeng matirang buhay at winner.
Okay... lumilipad ang utak ko.. so much for daydreaming.
“Ok.. if there is no more question, kindly introduce yourself one by one. Please start there.”
Tinuro ko yung isang estudyante sa may kaliwang banda.
......
Ang totoo nyan. Ang bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko lang... marinig si Keyla na magsalita. Gusto ko lang ngitian nya ako... gusto ko lang... na maalala nya na ako... hindi ko na nga napapansin yung mga estudyanteng nagpapakilala eh... hanggang dumating na sa kanya.
“Good Morning everyone... I am Keyla Sharey Ramirez, 17. Thank you.” Ngintian ko sya. Pero di sya ngumiti pabalik. Yun yung masakit na parte. Ang hirap ba ngumiti? Bakit pag sa iba, ang dali lang niya ngumiti?
“Dwayne Gio Joaquin... 18, I am a transferee from BSU. Thank you.” SARCASTIC. I could feel it. Halatang nakikipagplastikan saken tng lalaking to ah.
“Mikaela Dawn Fontes, 18. Nice to meet you.”
At natapos silang lahat.
“OK class. Now that we know each other already, I wanna know why you chose this course?”
Nagtaas ng kamay si Dwayne. Tss. Abnormal tong kutong lupang to.
“Yes Mr. Joaquin.”
“Sir, I chose this course simply because I was inspired by Keyla.” Kumag to. Inspired by Keyla daw oh. Pasikat ka talaga Dwayne. Sarap mo ihulog sa balong malalim na pinagtataguan ni SADAKO, tapos ipapaFLOOD kita kay SIMSIMI.
“May you please tell us the whole story?”
“sure sir.. actually, I really did not start as an educ student. At first, I was an Engineering student at BSU, just then before the enrollment, I saw Keyla, trying to teach kids in the roadside how to read. I was inspired by her because I saw the kids really do love her. That day, we knew each other and during the enrollment, I shifted my course.”
Nagpalakpakan yung mga estudyante. Manghang-mangha sa sinabi ni kutong lupa. Sus. Parang yun lang.
“SIR!!!!!!” nagulat naman ako sa pagkakasigaw ni Mika. Spell LOUDSPEAKER.
“yes, Ms. Fontanilla, do you wanna share too?”
“No sir, I was asking for your permission to allow me to go to the comfort room! You’re not listening sir, I was repeating it all over again...” adik talaga si Mika... panira ng moment
“okay...”
“now class........”
** Natapos ang buong period at lumipat naman ako sa kabilang section para dun naman magturo. Kahit pano, relieved na rin sa mga pinoproblema ko.
I was walking along the COE pathway. Kakalabas ko lang ng faculty room at di sinasadyang may nabangga ako.
“Naku Sorry Miss...” sabi ko habang pinupulot yung mga nalaglag nyang gamit sa sahig. Then I realized na may class record sa mga gamit nya which means di sya estudyante.
“ok lang... ako naman yung di tumitingin sa dinadaanan ko eh...”
That moment, I look at her face and I saw her...
“I’m Dane Hyacinth Torino... bago lang din ako dito... I’m teaching Computer subjects sa freshmen... nice meeting you Mr. Lozano.”
”you know me?” Nagtataka kong tanong..
“oh yes.. narinig kitang nagpapakilala sa klase mo kanina... I was just passing in front of room 202 that time.. and you know, pinag-uusapan ka ng mga estudyante dito..”
“oh talaga? Anyway, nice meeting you Ms. Torino..”
“Hyacinth na lang...” and we shake hands
“same here.. so pano, late ka na yata sa next subject mo?”
“ay oo nga pala.. sige, I gotta go.. see you later...”
I turned back.. too good may kakilala na ako sa faculty.. nakakailang kasi pag di mo ka-age ang kasama mo..
“ay wait! Gab, sabay na tayo mag-lunch.. pwede?”
“oh sure...”
While walking again, I saw Mika... at inisnaban ako..
Hala anong nangyari dun?”
My Sweet Nuisance 2 Chap 8
“Hoy Keyla di ka pa ba tapos dyan ha?” sabi ko kay Keyla habang naggagawa sya ng resolution... medyo late na kasi at kelangan na namin umuwi.
“ay teka lang Mika, matatapos na naman to.. saglit na lang... hereby finally resolved this blah blah blah.. hayan tapos na! Hihi.. tara uwi na tayo...”
“haha.. adik mong babae ka.. di ka ba napapagod? Thesis, publication, at pag-aaral..”
“di noh... dati pa naman eh, sabi ko nga, pag gusto mo ang ginagawa mo, di ka mapapagod dun...”
“parang pagmamahal, pag mahal mo yung isang tao, di ka pa rin mapapagod mahalin sya kahit na di ka nya maalala...”
“huh?”
“wala naman... nalulungkot lang kasi ako, sa lahat ng di mo maalala, si Gab pa..”
Napatigil sya sa pagsasara ng office dahil sa sinabi ko. Minsan talaga may mga pagkakataong napapatigil sya. Para kasing gusto nya maalala lahat ng nangyari pero minsan nagiging dahilan lang yun ng pagsakit ng ulo nya. Sabi naman ng doktor eh normal lang daw yun. Pero pag tinatanong ko si Keyla kung may naaalala sya eh wala naman daw.
“di ko alam pero parang ayaw ko na maalala lahat...” napabuntung-hininga pa sya sa sinabi nya.
“bakit naman?”
“di ko alam, pakiramdam ko kasi nasaktan ako dati sa kanya.. tapos ayaw ko na
masaktan ulit..”
“naniniwala ka bang mapanlinlang ang pakiramdam?”
“hmm... oo, minsan.. pero mas madalas, mas mapanlinlang yung nakikita natin...”
“oh eh anong nakita mo na tingin mo eh nalilinlang ka?”
Parang ako yung tinamaan dun sa tanong ni Keyla. Nung unang araw ng pasukan, nakita ko sina Gab at Hyacinth na magkasama. Malanding babae yun. Alam nya namang si Keyla ang gusto ni Gab pero wagas lang makalinta. Si Gab naman di marunong makaramdam. BRR! Magsama sila. Pero dahil sa tanong ni Keyla, napaisip ako na baka naman magkaibigan lang talaga sila. Pero hindi eh. Kaw ba naman makitang sweet-sweetan yung dalawa eh, papaloko ka pa ba sa nakita mo?”
“ahm, siguro naman may dahilan lang...”
“anong ibig mong sabihin?”
“ah wala naman.. ibig ko lang sabihin, lahat ng bagay ay may dahilan.. baka naman yung nakikita at nararamdaman natin ay di madalas tama... may kanya-kanyang dahilan kung bakit nangyayari ang isang bagay...”
At may dahilan ako kung bakit gagawin ko ang isang bagay.
**
Sabado. May usapan kami ni Keyla na pupunta sa Lolipop para makapagpractice sya ng painting. Aysus. Wala akong talent sa painting noh. Kaya naman may PINK na plano na nabuo sa isipan ko.
“Keyla! Papunta na ko ha? San ka na?”
“nah! Malapit na po... hintayin kita ron...”
“sige... sige... basta wag mo kakalimutan bumili ng meryenda ha?”
“oo na.. takaw neto.. haha... sige babye Mikay!”
End call.
Teka, kung tatanungin nyo ako kung nasan ako ngayon, di naman talaga ako papunta ng Lolipop eh. Paluwas ako ngayon para asikasuhin yung ilang papers sa Student Republic. Ako na kasi ang President dun. Ewan ko ba. Wala akong alam sa pamamalakad ng isang organization pero gorabels pa rin ang drama ng lola nyo.
[meron di pong story si Mika and Brionne.. 100 DAYS TO HIS HEART ANG TITLE. COMPLETE NA PO SYA]
So ano nga bang plano ko?
Share ko sa inyo pero secret muna natin to ha? Papaluin ang salbaheng magkakalat. Ihuhulog ko sya sa balong malalim na pinagtataguan ni SADAKO.
**
Pumasok ako sa faculty room para ilagay yung mga pinasang FS books namin dun sa table ni Mam Jaja. At sakto nakita ko si Gab na nakikipagngitian dun sa malanding si Hyacinth. Bwisit ka Gab. Pag ako napikon, ilalayo ko sayo si Keyla at tutulungan ko pa si Dwayne.
Sila lang naman ang tao sa faculty room so it means na tatlo lang kami. Ay mali, dalawa lang kami kasi halimaw yung isa dito sa loob.
>__________________<
Lumapit ako kay Gab at iniabot yung isang letter. Nah, ang baduy ko. Eh so what, andun yung malanding bruha eh.
So hayun. Yon ang plano. Ang magkita silang dalawa sa Lolipop. At pag di sumipot si Gab, patay sya saken.
**
6pm na. Wala pa ring text si Keyla ah. Baka nga nagkaintindihan na yung dalawa.
Habang hawak ko yung cellphone ko, di ko naiwasang mapangiti. I love Keyla. She is more than a bestfriend. Para ko na din syang tunay na kapatid.
Pero few minutes later...
Keyla calling.
“Mika... san ka? Di ka ba pupunta?”
Mahina nyang sabi. Hala. Para syang maysakit ah.
“Key, ok ka lang? Di ba pumunta si Gab?”
“huh? Bakit naman pupunta yun dito?”
Hindi pumunta si Gab.
Sorry Gab. It’s over.
-end of chapter 8
My Sweet Nuisance Chap 9
Saturday.
I was preparing for my things. May plano na naman si Mika and I’m sure of it. She asked me to go to Lolipop today. 3pm ang usapan. At sabi nya, bring the flashdrive, a netbook or laptop, the diary. Or whatsoever na magpapaalala kay Keyla na ako ang first love nya. At syempre pumayag ako dun sa plano ni Mika. If this is the only way then why not try di ba?
Masaya ako. Syempre for the first time, magkakausap na kami ni Keyla na kami lang dalawa. At magkakaron na rin ako ng chance na ipaliwanag yung mga nangyari. At syempre, may proof ako. Dahil dala ako ang diary at flashdrive. Yup, nasaken pa rin tong mga to.
I was getting out of the house already when Hyacinth call.
“Hello Gab... ahm... I’m really sick. Can you please visit me here?”
“ha? Ah eh... sure, pwede bang mamaya na lang.. may gagawin kasi ako eh.” Syempre si Keyla na muna ang pupuntahan ko. Alam ko kasing naghihintay sya ron. At baka magalit saken si Mika.
“no....... aaaaaah! It’s aching! My head is aching”
Napatakbo agad ako sa labas ng marinig ko yung sinabi ni Hyacinth.
Brr... nakakairita naman tong babaeng to. Wrong timing magkasakit. Di ba pwedeng bukas na lang? At least wala akong gagawin bukas at pwede ko sya samahan. Pero dahil dakilang palpak sya eh ngayon sya nagkasakit kasabay ng pagkikita namin ni Keyla.
Okay. Kill me then.
For sure patay ako kay Mika. But what can I do? She is sick kaya dinala ko sya sa ospital. Inintay ko pa sya makatulog para makaalis ako. Syempre pupuntahan ko pa rin si Keyla noh.
Medyo malayo pa rin naman ang Lolipop dito sa Medicare. At nagtrike ako papunta. Nung bumaba na ako, I saw her. I saw her with Dwayne.
At ito ba yung gusto ni Mika? Kala ko ba gusto nyang magkausap kami ni Keyla? Eh bakit parang setup to at andito rin si Dwayne.
Tong kutong lupang to.
Pero di ako susuko.
**
Lunes. Pumasok ako ng maaga para makausap si Mika. Alam kong lagi yun maaga pumasok dahil SR officer sya. At malamang eh may flag ceremony ngayon kaya dapat andun na sya by 7am.
“Mika, sorry talaga. Di ko naman intensyon na di pumunta eh. Nagka-emergency lang kasi talaga...” paliwanag ko kay Mika habang naglalakad kaming dalawa papasok ng University. Pero di nya ako pinapansin dahil busy sya sa pagbabasa ng papeles na hawak nya.
“Mika naman oh, pansinin mo naman ako, di ko naman sadya eh.. kasi naman eh.. sige na Mika, one more chance lang naman ang hinihingi ko eh...” sabay agaw ko sa mga papel na hawak nya.
“ano ba! Di mo ba nakikita na busy ako! At wala akong pakelam kung may emergency.. bakit sino bang sinugod mo sa ospital? Si Hyacinth lang naman di ba? Kung gusto mo magsama kayo.. CHE! At akina nga yang mga papel ko! Pakelaman mo buhay mo Gab...”
“Look Mika. Hindi naman point kung si Hyacinth yun eh..”
Tumigil sya sa paglalakad.
“hindi point? Eh sino ba sya? Close ba kayo? Mas close kayo kesa kay Keyla? Mas mahalaga sya kesa kay Keyla? Ang galing mo Gab! Palakpakan! Sali ka sa talentadong Pinoy...”
Muli nyang inagaw saken yung papel nya.
Kung may mga bagay na mahirap intindihin sa mga babae, yun na siguro yung napaka-close minded nila pag tingin nila ay naloko sila. Pero di ba nga readers? Di ko naman talaga intensyon yun eh... nakakainis lang. Kung di ko lang sana nadatnan si Keyla na kasama si kutong lupa eh di nakapag-usap kami. Eh alangan namang sumingit pa ako sa moment nilang dalawa. Saka marami pa namang chance para makapag-usap kami ni Keyla.
**
Thursday.
Si Mika, galit pa rin saken dahil sa nangyari. Araw-araw ko na nga syang kinakausap para lang patawarin nya ako eh. Ang masaklap lang kasi eh lagi nyang pinapaiwas saken si Keyla. Di ko na rin siguro nakakausap si Keyla ilang araw na yung nakakalipas. Nagkikita lang kami pag may klase ako sa kanila. Pero sabi ko nga, kahit na anong mangyari, di ako susuko. Alam ko.. at naniniwala ako, na isang araw ay maaalala din ako ni Keyla.
Today ang paga-assign ng mga classroom advisers. Bale bunutan ang proseso. Nakakatuwa noh? Kahit part-time lang ako eh binigyan nila ako ng chance na maging adviser.
Ang dahilan kung bakit pipili ng classroom advisers ay dahil sa magcecelebrate ng foundation day ang school. Each class ay may gagawing presentation. Wala talaga akong alam sa mga ganito kasi wala namang ganito kabonggang celebration sa pinanggalingan kong school. Isa pa, ang adviser ang bahala mag-asikaso sa kung ano mang presentation ng klase.
Kinakabahan ako syempre. Gusto ko sanang maging advisee sina Keyla. At least pwede ko sya makausap ng sarilinan. Ayoko rin namang hindi na kami magkausap habambuhay. Si Mika kasi, inilalayo sya tuwing magkikita kami. Para syang 24/7 nakabantay kay Keyla mula umaga hanggang uwian.
Katabi ko sa loob ng conference room si Hyacinth at nakakairita talaga ang pagiging FC nya. Nasosobrahan na talaga ako sa kanya. Madalas tuloy kaming naimamatch. Ako yung nahihiya kasi syempre, pag nalaman yun ni Keyla, baka tuluyan na akong mawalan ng pag-asa.
“Psst. Lalim ng iniisip mo ah? Ako yan noh?”
“Tch. Asa...”
“Hah?” aysus bingi lang. Sana narinig nya yun ng malinaw eh. Haaay. Tumayo ako at lumipat ng upuan. Sakto namang dumating na yung ibang mga prof.
“Uy! May LQ sila!!! Hahaha...” sabi nung isang prof na galing sa kabilang college pero madalas sa building namen. May mga load kasi sya dun eh.
Di ko na lang pinansin kasi nagdatingan na rin yung ibang mga prof. Nag-umpisa na yung bunutan. Di ako makahingan nung tawagin na yung pangalan ko. Di pa rin kasi nabubunot yung klase nila Keyla.
Unti-unti kong binuklat yung papel. Grabe. Aatakihin ata ako nito sa puso. Tinakpan ko yung mata ko nung kanan kong kamay kaya nagtawanan sila.
“Buksan mo na dali!”
1...
2...
3...
BSE III-B!!!!!!!
“Thank you Lord!!! Hahaha....” napasigaw ako nung nabasa ko kung anong klase yung advisee ko! Waaaaaaaaah! Nakakatuwa naman! Kulang na lang mag Gangnam Style ako. Pero syempre joke lang yun.
Pagbalik ko sa upuan ko, si Hyacinth naman ang bumunot at napasimangot na lang sya nung nabunot nya yung BSE-IV. Ibig sabihin kasi nun, parang wala rin syang advisee. Nakadeploy na kasi yung mga 4th year kaya di na sila kasali sa mga event.
“Mr. Chairman, pwede po bang samahan ko na lang si Mr. Lozano sa paghandle ng BSE III-B? Temporary lang naman po eh. Ayaw ko lang kasi na wala akong gawin sa Foundation Day.”
“T-te---”
Di pa ako tapos magsalita pero nagsalita na yung Chairman!
“Since, pareho naman kayong bago pa, papayagan ko kayong dalawa na ihandle ang BSE III sa FD.”
Nakagiting sabi ni Mr. Chair. Hamabalusin ko kaya sya ng Chair!
Ito yung tinatawag na WASEY... wala na ma-say.
Agad ring natapos yung meeting at bumalik na kami sa kabilang building. Kanina pa ako tinatawag ni Hyacinth pero di ko sya nililingon.
Dumiretso ako sa classroom ng BSE III-B sa 203. Nasa hagdan pa lang ako nung narinig ko na yung kantahan sa room na yun.
minsan di ko maiwasang isipin ka...
lalo na kung nag-iisa
ano na kayang balita sa’yo
naiisip mo rin kaya ako?
Napatigil ako sa paglalakad. Kung hindi ako nagkakamali eh boses ni Keyla yun eh.
Simula nang ikaw ay mawala
Wala ng dahilan para lumuha
Damdaming pilit ko ng tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso.
Parang kulang na kapag ikay wala
Pero sino yung naggigitara? Sya kaya? Pero sa pagkakaalam ko eh di naman sya marunong maggitara.
At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana akoy iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin patungo
Mabilis akong naglakad palapit sa classroom. Tahimik ang lahat na nanonood kina Keyla at Dwayne. Si keyla ang kumakanta habang si Dwayne ang naggigitara.
Alaala mong tinagay na ng hangin
Sa langit ko na lamang ba yayakapin
Nasan ka na kaya?
Aasa ba sa wala?
Bakit ganon? Bakit may masakit na namang parte sa loob ng katawan ko at gusto na nitong mabiyak? Ganito ba yung tinatawag na broken hearted? Pero bakit hindi lang yung puso ko yung nabibiyak kundi parang buong pagkatao ko?
At hihiling sa mga bituin na minsan pa sana ako’y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo...
Patungo sa iyo...
Ipipikit ko ang aking mata
Nais ka lamang mahagkan
Nais ka lamang masilayan
Dahil alam ko na tapos na
Dahil alam ko na wala ka na
Wala ka na ba talaga saken Keyla? Wala na rin ba ako sayo? Bakit mas masaya ka pag kasama mo sya? Bakit ako, bakit di mo na ako maalala?
At hihiling sa mga bituin na minsan pa sana ako’y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo...
Patungo sa iyo...
Hihiling na lang din ba ako na sana mahalin mo ako ulit gaya ng dati?
Nagpalakpakan lahat ng kaklase nila kaya naman napatingin ulit ako sa kanila. Bagay na bagay sila. Tumakbo ako papasok ng classroom at hinatak si Keyla palabas. Wala ng nagawa si Mika dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Nasalubong namin si Hyacinth na pupunta rin sa 203 pero di ko sya pinansin at dire-diretso kaming bumaba ng hagdan.
“Sir...”
Tumigil ako sa paglalakad at sa paghila sa kanya. Nandito na kami ngayon sa tapat ng MAPEH room. Malayo sa COE building.
“Look Keyla... I am not forcing you to remember everything. Ayaw ko namang pilitin ka eh. Pero sabihin mo lang kung gusto mo pa ako maalala o hindi na. K-kasi... nahihirapan na ako sa sitwasyon natin...”
“Sir...” umiiyak na sya. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko at bingay yun sa kanya.
“Pasensya ka na Keyla... ano lang kasi... masyado lang akong nadala ng emosyon ko.”
Tahimik lang kaming dalawa habang nakatingin sa palayanan.
Hanggang sinabi nya, “Sir pag po ba sinabi kong hintayin mo ako, maghihintay ka para saken???”
-end of chapter 9
My Sweet Nuisance Chapter 10
“Sir pag po ba sinabi kong hintayin mo ako, maghihintay ka para saken???”
Hindi ko rin alam kung bakit nasabi ko yun pero habang kumakanta kasi kami ni Dwayne kanina sa room eh parang may naalala akong isang bagay. Hindi ako sigurado kung ano yun pero ang naaalala ko lang ay naglalakad ako pauwi sa amin. Tapos napapansin kong may sumusunod sa akin kaya naman tinaas ko yung digital watch ko para makita kung sino yun. Yung relo ko kasi eh parang salamin yung hitsura. Nakita ko yung isang lalaki na sumusunod sa akin. Tumigil ako pero tumigil din sya hanggang sa binilisan ko na yung paglalakad ko hanggang sa napagod ako at hinarap ko na sya. Nakakapikon na kasi.
“bakit mo ba ako sinusundan huh?” baliw to... hmft!!!!!! Hindi ko naman kelangan ng bodyguard eh!!!!!!!!!!!!!
“bakit masama ba?”
“oo.. sobra!!! Bakit stalker ba kita?? Di naman di ba??? Hindeeeeee!!! Bakit mo ba kasi ako sinusundan???”
“bakit mo naman tinatanong??”
“kasi gusto ko...”
“bakit gusto mo”
“gusto mo talaga malaman kung bakit ko binibilisan?”
“oo naman...” *sigh
“binibilisan ko kasi gusto ko na makalayo sa’yo at makapag-move on na!!!”
“bagalan mo lang...”
“huh?”
“sabi ko bagalan mo lang...” Tuloy-tuloy sya sa paghakbang... napapaatras tuloy ako sa tabi...
“bagalan ang ano???? Saka bakit?”
“bagalan mo ang pagmu-move on mo kasi...” haist konti na lang lalaglag na ako sa kanal pag hindi sya tumigil sa paghakbang papalapit
“ano?” kinakabahan kong tanong
“para maabutan kita....”
Yun lang yung naalala ko. Hindi ko alam kung nangyari na ba talaga saken yun at kung sino yung kasama ko sa naalala ko. Hindi ko kasi maaninag yung mukha nya eh. Pero kung sakali mang si Gab yun eh di mas maganda di ba? At least kahit pano naaalala ko na sya.
“Keyla... kung sasabihin ko bang maghihintay ako, darating ka?”
“Huh? Ano po Sir?” hindi ko talaga naintindihan. *kamot*. Wala sa sarili eh pasensya na. Pati yung author wala sa sarili.
“Ah wala. Sabi ko balik na tayo sa classroom.”
Bumalik na kami sa classrom. Pagdating namin, inabutan namin si Hyacinth na nagdidiscuss tungkol sa mga gagawin sa FD. Halata namang nag-aalala si Mika sa mga nangyari at gusto na ako bugbugin. Sinenyasan ko si Hyacinth na ako na yung magdidiscuss ng mga gagawin namin.
“bale may Musical tayong gagawin sa FD ayon na rin sa napagmeetingan namin kanina. Since di pa naman namin kilala rito yung may mga talent sa singing eh magpapa-audition kami ngayon.”
“Ngayon na Sir?” tanong ni Cody.
“Yup. As all of you know, next week na ang FD at Thursday na ngayon. So mahalaga na makapagpractice na tayo agad. Syempre mas mahalaga na may maacomplish tayo ngayong araw. May tanong pa po ba?”
“Sir ano pong story nating gagawin?” tanong naman ni Genesis. [si Genesis yung dating classmate ni Gab during high school]
“ang title ng story ay I Love You Goodbye. Nakuha na rin namin yung script kaya pwede na tayo magpractice bukas.”
[yung ILYG po ay isang stage play na isinulat ni author nung 2nd year HS sya. Wala na po syang kopya nung play. Hindi rin po sya published anywhere]
“okay kung wala ng tanong, pakiayos na yung mga bangko class.”
**
Una ang mga lalaki sa nag-audition para sa role ni Khalil simply Khay, ang bidang lalaki sa play. Gaya ng inaasahan ko, kasama rin sa mga mag-o-audition si Dwayne. Bago sya pumunta sa gitna ay may sinabi sya sa akin.
“sisiguraduhin kong makukuha ko yung lead role Keyla.”
“Okay Dwayne, page 34, pakikanta yung Stars by Callalily but this time acoustic ang genre. Kaya mo ba?” sabi ni Sir Gab habang binabasa ni Dwayne yung nasa script.
“Yes po Sir. Madali lang po yung pinapagawa nyo saken.”
Inumpisahan nya na ang pagkanta.
If only you could me shout your name
If only you could feel my love again
The stars from the sky will never be the same
If only you were here
“Senaaaa!!!! Babalik ako pangako yan! Basta hintayin mo lang ako!”
“okay Cut!” sigaw ni Sir kay Dwayne. Nagpalakpakan naman yung mga nanonood sa paigid. Kahit kasi yung ibang mga estudyante ay nanonood sa amin.
“okay, dahil tapos na ang sa mga lalaki, sa mga babae naman tayo.” Sabi naman ni Mam Hyacinth.
“Gab pwede bang ako na lang yung pumili ng gagawin nilang part?” tanong nya kay Sir Gab.
Ewan ko lang ha? Pero kasi paminsan-minsan eh naiinis ako sa babaeng yun. Pakiramdam ko kasi may mali sa mga ginagawa nya though wala naman akong nakikitang mali. Alam mo yun? Pakiramdam lang yung meron ka? Pero naiisip ko rin naman, baka naman selos lang?
Psh. Selos? Ako nagseselos? Nakikita ko kasi silang laging magkasama lately. Tapos pag nakikita ko silang magkasama, lagi naman akong inilalayo ni Mika. Haaay. Ang hirap rin pala ng walang maalala kay Gab no?
“Keyla Ramirez!”
“psst Key! Ikaw na!” bulong sakin ni Mika.
“huh?”
Binatukan nya ako.
“Araaay!! Bakit mo ako binatukan ha?”
“eh kasi wala ka sa sarili mo... gusto mo bang batukan pa kita ng isa?” akmang babatukan nya pa ulit ako pero nakaiwas ako.
“Haha. BLEEEEH! Sige dyan ka na muna Mikay, kakanta lang ako.”
“Okay Keyla. Page 67.”
“sisimulan ko po ba sa umpisa?”
“ay hindi! Sa gitna!”
Nagtawanan lahat ng mga tao sa paligid, topak tong taong to ah. Tinatanong ng maayos eh!
“Tama na nag tawanan. Start now Keyla.” Sabi ni Sir Gab.
Umaasang magmamahal muli
Ang buong akala ko’y sya na
Kabiguan ang napala
Paghilom ng puso’y hindi madali
Ang malamang ang mahal mo’y walang pag-ibig sayo
Ang umasang magmahal muli’y syang magagawa
Wag hanapin ang pag-ibig
Ito’y darating..
Ito’y darating
Ito’y darating sayo...
Umiiyak na ako. Yun kasi yung sabi sa script. Umiiyak si Sena habang kumakanta dahil dun sa part na yun eh hindi na sya maalala ni Khay.
Hanggang sa tayo’y matuto
Sa kabiguang natamo kaya ako’y maghihintay
Sa tunay kong mahal
Isipin ang bukas at kalimutan ang nakalipas
Ang umasang magmahal muli’y syang magagawa
Wag hanapin ang pag-ibig
Ito’y darating
Aking naranasan
Ang pagluha tulad ng sa ulaaaan...
“Khay... di ba nangako ka sakin?”
Tumayo na ako at nagbow sa kanilang lahat. Lahat naman sila ay nakatulala sa akin. Hala. Mali ba yung ginawa ko?
“Okay, I think we now have the lead artist!” narinig kong may nagsalita mula sa pinto. Si Dean yun. Nakinood din sya?
“Galing ako sa office sa baba nung narinig ko yung ginagawa nyo rito. And I’ll tell you Keyla, you’re very good. I wanna see you and that boy present in the stage next week.” Tinuro nya si Dwayne na noo’y nakatingin rin sa kanya.
“so hayun lang, goodluck sa presentation nyo Educ. Galingan nyo coz manonood ang Univeristy President”
Tapos lumabas na si Dean. Pero kaming lahat ay ganito ang hitsura.
(__ ___)
“Since, we now have the lead role, let’s have the minor roles.”
**
“Mika kinakabahan talaga ako...” sabi ko kay Mika habang nilalagyan nya ako ng blush-on.
Ngayong araw na yung presentation. Grabe kinakabahan talaga ako. Hindi naman sa hindi ko memorize yung lines pero makit may iba akong nararamdaman?
“kaya mo yan Keyla. Di ba nagpractice ka naman? Nakainom ka naman ng salabat? Hahaha. Oh eh bakit ka kinakabahan? Saka sanay ka na naman sa maraming tao di ba? Yakang-yaka yan friend! Tandaan mo, mataas ang expectations ni Dean. Yun ba ang kinakatakot mo?”
“hindi eh. Para kasing... parang may mangyayaring di maganda?”
“Psh. Kinakabahan ka lang Keyla. Kung ako sayo, mag-iisip na lang ako ng positibong mga bagay.”
“Gaya ng?”
“gaya ng malay mo... pagkatapos nito, mas lalong dumami ang manliligaw mo!!! Hahahaha”
“hmft! Adik ka talaga Mikay.”
*toktok
“Keyla, start na yung play within 1 minute. Stand by ka muna dyan.” Sabi ni Cody.
“Okay.”
Scene 2 pa naman kasi ako lalabas sa stage. Kasi yung batang Khay at Sena muna ang lalabas. Sumilip ako ron sa stage para makita yung play.
Tapos na pansin kong parang nagkakagulo sila dun sa kabilang stage. Dun kasi yung daan papunta sa backstage ng mga lalaki.
Anong nangyari?
My Sweet Nuisance Chapter 11 –LAGOT: ILYG’s First Part
10 minutes before the play.
Ang tagal naman ng kutong lupang yun ah! San ba yun sumuot??? Malalagot sya saken pag di sya sumipot!
“Hyacinth!”
“Dane na lang Gab...”
“Whatever... pakitawagan naman si Dwayne ngayon oh. Wala pa rin kasi sya hanggang ngayon.”
“okay...”
“Hello? Sino po sila? Ano po??? Ganun po ba?”
Inagaw ko yung cellphone ni Hyacinth sa kanya at ang tanging narinig ko na lang mula sa kabilang linya ay ito.
“Pasensya na po talaga. Kinailangan nya po umuwi sa kanila sa Benguet kasi naaksidente yung Mama niya.”
The only word that i know now is LAGOT.
Lagot ako.
Lagot kami.
Lagot ang buong campus pag di kami nakapagperform kaya lagot.
“eh san naman tayo kukuha ng bagong papalit sa kanya?” tanong ko. nagpaikot-ikot ako na parang baliw. Grabe kinakabahan ako na parang ako may papel ako mamaya ah. Walanju yang si Dwayne. Ngayon pa sya nawala eh ngayon na mismo yung araw ng play! Makikita nya talaga pagbalik nya. BRR!
“wala bang may ibang memorize ng script?” tanong ni Hyacinth na natutuliro na rin dahil di alam ang gagawin. Napahinto naman ako sa pagikot-ikot ko.
“Class! Meron ba sa inyong may memorize ng script ni Dwayne?” tanong ko dun sa lahat ng propsmen na nag-aayos ng gagamiting props para sa scene 1.
Nagtinginan silang lahat at napatingin silang lahat sa akin. “kayo po sir... memorize nyo po yun di ba?” sabi ni Tristan.
[meet Tristan maylabs in I Fall IN and OUT of Love... isa syang short story... ipapublish ko sya dito pag narelease na po ang Literary Folio ng University. Gusto ko kasing dun na muna yun maipublish bago dito... bale may First part na po yun. Yung When Two Hearts Break na nakapost na dito sa Wattpad a long time ago pero okay lang kung di nyo sya mababasa kasi independent naman yung IFIAOOL. Maybe naencounter nyo narin si Tristan sa Love Story nina Mikay at Brionne sa 100 Days to His Heart... sorry guys, marami talaga akong one shot at short story. Gumagawa ako every month ng mga ganun pero no time to post kasi eh... pero don’t worry, ipopost ko sya pag may time ako... o kung gusto nyo po mabasa na yun, pwede kayo magsend sa FB account ko ng request para sa Soft Copy.. Add nyo lang po ako, search for Skyrelle Kinomoto o type nyo kung keribels tong [email protected]... Yun lang exit na si author..]
Hayan, tama ba naman author na sumingit ka sa kalagitnaan ng story at maglagay ng mahabang author’s note? Gusto mo ba palita na kita? Gulo mo ah... HMP!!! Anyways, balik tayo sa story ko.
HANUDAW????? Rewind tayo....
“kayo po sir... memorize nyo po yun di ba?”
“kayo po sir... memorize nyo po yun di ba?”
“kayo po sir... memorize nyo po yun di ba?”
“kayo po sir... memorize nyo po yun di ba?”
“kayo po sir... memorize nyo po yun di ba?”
“kayo po sir... memorize nyo po yun di ba?”
Ay unli.. isa pa nga?
“kayo po sir... memorize nyo po yun di ba?”
“kayo po sir... memorize nyo po yun di ba?”
Ay unli nga.. sabi ko isa lang eh... Psh..
“a-ako????” hindi Gab.. yung anino mo!!
“oo nga Gab, memorize mo yun.” Inaantay ko na may magsabing JOKE lang ang lahat pero ang sumunod na nangyari ay nakita ko na lang ang sarili ko sa salamin na nakasuot ng costume.
LAGOT
Rinig ko na yung hiyawan ng audience mula sa backstage. Ilang sandali na lang at mag-uumpisa na ang Play na inaabangan ng lahat, pati na si Dean. Ano kayang magiging reaksyon nya pag nalaman nyang ako ang kapalit ni Dwayne?
Tumutugtog na ang mga pambungad na musika.
Scene 1
Narrator: Maghihintay ka ba sa isang taong hindi mo alam kung magbabalik pa? Maghihintay ka ba para sa pagmamahal nya habang nagdurusa ka na? Itinatampok ng BSE III-B sa taong ito, ang dulang pinamagatang “I LOVE YOU GOODBYE”.
Pumasok ang batang Sena sa stage habang sinusundan ang isang paru-paro. Makikita niya si Khay na nakaupo sa damuhan at lalapitan niya ito.
Minsan madarama mo kaybigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing di ko na kaya
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
O di kaya ako’y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
Hawak kamay (hahawakan niya ang kamay ni Khay at yayayain tumayo)
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
Narrator: Simula nung araw na yun ay naging magkaibigan sina Sena at Khay. Hanggang sa isang araw ay nalaman ni Khay na aalis na sila papuntang ibang bansa. Nagkita sila ni Sena sa tabing ilog kung saan sila unang nagkita para magpaalam.
Sena: Khay.. bakit malungkot ka?
Khay: kasi aalis na kami.. punta na kaming States. Sabi ni Mama dun na raw kami titira.
Sena: oh eh bakit malungkot ka?
Khay: bakit ikaw, masaya ka ba?
Sena: oo! Masaya ako para sayo kasi matutupad mo na yung pangarap mo.
Khay: hindi ka ba malulungkot?
Sena: malulungkot syempre. Pero kung alam ko namang masaya ka, eh bakit ako malulungkot? Saka alam ko namang di mo ako kakalimutan di ba?
Khay: syemre hindi..
Sena: promise yan?
Khay:
I always thought you were the best
I guess I always will
I always thought that we were blessed
And I feel that way still
Sena:
Sometimes we took the hard road
But we always saw it through
If I had only one friend left
I'd want it to be you
Khay:
Sometimes the world was on our side
Sometimes it wasn't fair
Sometimes it gave a helping hand
Sometimes we didn't care
Sena:
'Cause when we were together
It made the dream come true
If I had only one friend left
I'd want it to be you
Khay:
Someone who understands me
And knows me inside out
Helps keep me together
And believes without a doubt,
That I could move a mountain
Someone to tell it to
If I had only one friend left
I'd want it to be you
Khay and Sena:
Someone
And knows me inside out
Helps keep me together
And believes without a doubt,
That I could move a mountain
Someone to tell it to
If I had only one friend left
I'd want it to be you
VOICE OVER: ganito Sena. Mag-iwan tayo ng mahahalagang bagay natin dito. Pagkatapos ng 10 years, babalik tayo rito. Same date, same hour, same place.... promise yan ha???? Promise...
Susunod na yung eksena ni Keyla. Sana wag syang kabahan. Nakita ko na syang lumabas mula sa stage. Bakit ganun? Ang ganda nya pa rin kahit kawawa yung role nya dun?
Scene 2
Elizabeth: Senaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
Sena: bakit po Tita?
Elizabeth: san ka na naman ba nagpuntang bata ka? Hindi ka pa tapos dito sa mga ginagawa mo! Gusto mo bang palayasin na kita ha?
Sena: pasensya na po kayo Tita. Bumili lang po ako nung pinabibili ni Megumi.
Elizabeth: aba’t nangangatwiran ka pa ha?
Megumi: Senaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Asan na yung pinabibili ko! Ang tagal mong babae ka! Naglakwatsa ka na naman noh?
Sena: naku hindi ako naglakwatsa Megumi. Wala kasi akong mabili nyan sa malapit na tindahan kaya dun pa ako nakabili sa kabilang kanto.
Megumi: ganun ba? Kawawa ka naman pala noh? Gusto mo kawawain pa kita? Sige na pumunta ka na sa trabaho mo! Umuwi ka agad ha? Pag nalaman kong naglakwatsa ka o lumandi ka! Papalayasin kita!
Lumabas si Keyla sa stage habang nagsasalita pa si Megumi.
Ng sumara ang kurtina, naghanda na ako dahil ang susunod na eksena ay eksena na namin ni Keyla. Ng makita ko syang lumabas na mas maayos ang hitsura ay natuwa ako. Nakangiti sya habang naghihintay ng masasakyan pauwi. Pwede ba Keyla na ako na lang yung ngitian mo ng ganyan? Nakakainggit kasi eh.
Ang scene ay biglang uulan ng malakas kaya naman maghahanap sya ng masisilungan.
Sena:
Hay naku
Hay naku
Alas kwatro
Punit na dyaryo ang hawak para hindi mabasa ng bagyo
Galing trabaho
Wala pang sweldo
Hay naku
Traffic sa kanto
Papano na ko
May appointment pero late nasnatch pang relo
Ubos ng baon akoy gutom na o hay naku
Pumasok ako sa eksena at pinayungan sya. Nginitian ko rin sya. Halatang nagulat sya sa mga pangyayari pero nagawa nya pa rin naman ng maayos yung kanta nya. Kaya naman lalo pa akong napangiti. Naghiyawan lahat ng mga estudyante.
Ng makita kay tumila ang ulan
Milagro ba o ako lang
At sayong ngiti biglang okay na
Pwede ba pwede bang magtanong
San ba ang langit
Pwede bang pakisabi
Sa pusong ito na naliligaw
Nag-iisa sa lungkot o pakisabi nga
Khay:
Time
I’ve been passing time watching trains go by
All of my life
Lying on the sand
Watching see birds fly
Wishing there could be someone waiting home for me
Something’s telling me it might be you..
All of my life
Sena: hala Kuya! Anong It might be you ang sinasabi mo dyan ha? Okay ka lang ba?
Khay: Ay naku sorry miss! Akala ko kasi ikaw si--- kamukha mo kasi sya eh...
Sena: sino?
Khay: ah.. wala... for sure di mo naman sya kilala eh.. sige ha? Andyan na kasi yung taxi... ingat ka na lang pauwi sa inyo. Sayo na lang tong payong ko.
Ibinigay ko yung payong sa kanya. Nagpause kaming dalawa habang nakatitig sa isa’t isa. Tapos sumara yung kurtina. Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Unang scene pa lang pero parang gusto ko na sakalin si Dwayne. Lagot sya saken pag nagkita kami!!!!!
“Sir. Magready ka na po para sa next scene nyo...” sabi ni Keyla habang papaalis na sya ng stage. Naiwan naman akong nakatulala ron na parang ewan. Kinakabahan kasi ako eh.
*kamot*
“ay oo nga pala noh? Sige...”
Nakakainis. Nahuli nyang nakatitig ako sa kanya.
Scene 3
Khay: Magkikita na kami bukas ni Sena. Gio, sa tingin mo, anong pinakagustong matanggap ng isang babae?
Gio: uhm... singsing pare..
Khay: weh? Singsing? Bakit naman
Gio: kasi naman, it means that you are willing to share the word FOREVER with her.
Khay: eh san ba nakakabili ng singsing dito?
Gio: marami nun sa hardware at bakery pare. Gusto mo samahan pa kita?
Khay: no thanks!!!!
Narrator: mag-isang pumunta si Khay sa pinakamalapit na Jewelry shop. Pumili sya ng dalawa pero di sya makapili ng mas maganda.
Khay: Miss, ano bang mas maganda dyan?
Miss: pareho po sila sir. Ay sir, baka po gusto nyo i-try yung couple ring namin. Sale po kasi ngayon eh.
Khay: magaganda rin ba yung designs?
Miss: opo sir. Infinity nga po ang design namin ngayon eh.
Khay: oh sige. Kunin ko na lang tong isa.
Pero sa di inaasahang pangyayari, nabangga ang minamaneho nyang kotse.
At sa unang pagkakataon ay nabura ang lahat ng ala-ala ni Khay tungkol kay Sena.
Scene 4
Narrator: Samantala, maghapong naghintay si Sena sa kanilang tagpuan ni Khay. Umaasang darating ang kaibigan para tuparin ang pangako nila sa isa’t-isa. Hanggang sa umulan na at nandun pa rin si Keyla na nakatayo.
Ang ganda ni Keyla habang umiiyak. Bakit ba sa lahat ng anggulo na nakikita ko, sya pa rin yung Keyla na kilala ko??? sya pa rin naman yun di ba? Wala lang syang maalala.
minsan di ko maiwasang isipin ka...
lalo na sa tuwing nag-iisa
ano na kayang balita sa’yo
naiisip mo rin kaya ako?
Ako ba Keyla, naiisip mo rin paminsan-minsan? Gusto mo ba ako maalala?
Simula nang ikaw ay mawala
Wala ng dahilan para lumuha
Damdaming pilit ko ng tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso.
Parang kulang na kapag ikay wala
Lagi nang may kulang sa buhay ko. kasi sana, kahit pano, kahit gano kaunti, kahit anong alaala natin, maalala mo.
At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana akoy iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin patungo
May narinig akong umiiyak mula sa audience. Ganun kagaling si Keyla. Kaya nyang paiyakin yung mga audience.
Alaala mong tinagay na ng hangin
Sa langit ko na lamang ba yayakapin
Nasan ka na kaya?
Aasa ba sa wala?
At hihiling sa mga bituin na minsan pa sana ako’y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo...
Patungo sa iyo...
Ipipikit ko ang aking mata
Nais ka lamang mahagkan
Nais ka lamang masilayan
Dahil alam ko na tapos na
Dahil alam ko na wala ka na
At hihiling sa mga bituin na minsan pa sana ako’y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo...
Patungo sa iyo...
Nagpalakpakan ang lahat. Bigla namang pumasok si Gio sa eksena at pinayungan si Keyla kaya may mga nagtilian mula sa Audience.
Gio:
Nandito ako umiibig sayo
Kahit na nagdurugo ang puso
At kung sakaling iwanan ka nya
Wag kang mag-alala
May nagmamahal sayo
Nandito ako...
Sena: Anong sabi mo?
Gio: sabi ko, mahal kita...
Sena: weh? Di nga? Joke yun?
Gio: oo joke lang yun para sayo... pero saken seryoso ako.. kasi naman Sena, look, hindi ko kilala kung sino man yang hinihintay mo. Sabi mo nga 10 years mo syang hihintayin. Ngayon yung ika-10th year di ba? Tapos di sya dumating. Umaasa ka pa rin bang darating sya. Tanga lang ang naghihintay sa isang taong di ka na naaalala. Dahil kung naaalala ka pa nya, di ka nya paghihintayin at sisiputin ka nya ngayon.
Sena: pasensya ka na Gio ha? Pero hihintayin ko pa rin sya kahit na anong mangyari.
Gio: Mahal mo talaga sya noh?
Sena: ha?
Gio: kasi kahit walang katiyakan na babalik pa sya eh hihintayin mo pa rin sya.
Ganun din ba ako? Hihintayin ko rin ba sya kahit walang kasiguraduhan na maaalala nya ako?
“Sir, scene nyo na po...”, bulong saken ni Cody.
Scene 5
Sa ospital.
Khay: sino ka? Sino kayo? Sino ako?
Megumi: ako si Megumi. Ako yung nakabangga sayo. Sya naman yung doktor mo. Naku Kuya pasensya ka na ha? Wala ka ba talagang maalala? Kasi yung tanging nacontact lang namin ay yung kaibigan mong si Gio. Tapos sabi nya wala ka na raw ibang kamag-anak dito sa bansa.
Khay: ha? Sinong Gio?
Megumi: Hala Doc! Wala syang naaalala! Pano na yan!
Doc: wala tayong ibang magagawa ngayon kundi ang hintaying bumalik yung alaala nya.
Megumi: ganun po ba? Eh pano po ba babalik yun?
Doc: wala naman tayong ibang magagawa. Kailangan lang na makakita sya ng mga bagay na makapagpapaalala sa kanya ng nakaraan nya.
Megumi: eh pano yun Doc, di naman kami magkaano-ano kaya di ko sya kilala.
Doc: siguro pwede mong tanungin yung kaibigan nyang si Gio. So for now, yun lang yung pwede mong gawin.
Narrator: dahil nga sa walang kamag-anak si Khay sa bansa, kina Gio muna siya tumutuloy pansamantala habang si Megumi naman ang nag-aasikaso sa kanya.’
Megumi:
First time I laid my eyes on someone like you
I can’t forget the hours and moments with you
Then I have realized love’s growing deep inside
I feel the beating of my heart...
Coz everyday every night
I kepp looking up the skies
And I pray that someday
You will wake up in my arms and love will never end
We belong together
Always and forever
Call my name and I’ll be there
Alam mo Khay, sana di na lang bumalik yung ala-ala mo... alam mo kung bakit? Kasi tingin ko, mahal na yata kita. Pano na lang pag bumalik yun? Eh di kawawa naman ako... mula nung makilala kita, ikaw na lang yung nagpapasaya saken.. pwede bang habambuhay na lang ganito?
Narrator: hindi alam ni Megumi, narinig ni Khay ang mga sinabi nya. Lihim na napangiti si Khay.
Scene 6
Megumi: Senaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!! Antagal mo naman oh!!! Bilisan mo kung ayaw mong makaladkad ha!
Sena: opo andyan na Megumi. Heto na oh.
Megumi: ano ba!!! Bakit ang tagal mo ha! Ikaw talagang babae kaaaa!!!! (sinabunutan ni Genesis si Keyla... nakakainis yung eksena. Gusto ko itakas si Keyla...)
Sena: aray, nasasaktan ako Megumi tama na...
*toktoktok
Megumi: Buksan mo nga yung pinto!
Sena: Opo...
Kinakabahan ako.. magkaeksena ulit kami ni Keyla. Wag naman sana akong magkamali sa lines. Feeling ko kasi tatalon na yung puso ko.
Pumasok ako at nginitian si Keyla. Tama ba yung nakikita ko? namumula siya?
Nanlaki yung mata ni Keyla... ay oo nga pala.. lines mo Gab.. nakuu
Khay: Good Morning. Andyan ba si Megumi?
Sena: Ikaw!!!!! Ikaw yung nagbigay saken nung payong ah!!!
Khay: ha? Anong payong?
Sena: yung---
Megumi: Khaaaaay!! Ikaw nga! Bakit ka nagpunta dito? Miss mo ko noh?? Haha.. I knew it! Teka, magkakilala ba kayo nitong muchahang to? Ay oo nga pala Khay dear, wala kang naaalala.
Sena: Khay?
Megumi: oo, Khay ang pangalan nya... bakit close kayo? Ilusyunada! Layas!
Khay: teka lang Miss... kilala mo ako?
Sena: opo sir, pinahiram mo po ako ng payong nung nakaraang buwan.
Khay: ganun ba? Di pa yata ako naaaksidente nun eh.. teka, ano nga bang pangalan mo?
Sena: Sena po sir.. sige po una na ako
Nung nakaalis na si Sena, naupo silang dalawa sa sala at nanood ng TV.
Khay: alam mo Meg, parang nakita ko na siya...
Megumi: sino naman?
Khay: si Sena.. saka parang kilala ko siya...
Megumi: may naalala ka?
Khay: wala naman... pero pakiramdam ko, parte sya ng nakaraan ko eh...
Megumi: aysus wala yun... imposibleng magkakilala kayo eh katulong namin yun.. ang mabuti pa Khay, ganito na lang.. let’s have a deal, ako muna ang Girlfriend mo habang wala ka pang naaalala....
Hindi ako nakasagot sa sabi ni Genesis.. wala rin namang sasabihin si Khay ayon sa script eh...
Megumi: I won’t take a NO..
Nagkaroon ng Intermission pagkatapos ng scene na yun... haaay.. nakakapagod.. pakiramdam ko putlang-putla na ako sa mga nangyayari. Nakita ko si Keyla mula sa kabilang parte na nakapagpalit na ng damit. Ang next scene kasi ay sa school. Nginitian sya ni Tristan na gumaganap sa role ni Gio. At ngumiti rin siya...
Nakakainis....
Nakakainis....
Nakakainis....
Nakakainis....
Nakakainis....
Nakakainis....
Nakakainis....
Nakakainis....
Nakakainis....
Nakakainis....
Nakakainis....
Nakakainis....
Ang sumunod na nangyari ay nakita ko na lang ang sarili ko na hawak-hawak ang kamay ni Keyla habang papunta sa exit door.
My Sweet Nuisance Chapter 12 ILYG2
Property of pinkheartstories.weebly.com
Hatak-hatak nya na naman ang kamay ko. Hindi ko na alam kung ilang beses nya na ba saken to ginagawa. At habang tumatakbo kami palabas, heto na naman yung mga alaalang biglang pumapasok sa isipan ko na di ko naman alam kung saan nanggagaling.
Medyo maraming tao sa canteen... nahihiya tuloy ako kasi pinagtitinginan kami ng mga tao...
Siguro iniisip nila kung bakit kasama ng panget na to ang isang Keyla na gaya ko...
Nakakagalit... lalo na sabi nung isa
“oy tingnan mo oh... hindi sila bagay... nakakainis.. kami kaya ni kuya ang bagay!!”
“oo nga girl noh??? Hindi naman maganda yang si Keyla, ginayuma ba nya yun?”
“siguro...”
Kala mo tong mga tsismosang to... Hmft... ang feeling... eh mukha naman silang hipon!!!
Biglang tumayo yung lalaki... nagulat ako... akala ko aawayin nya yung mga babae para saken... (haha.. ambisyosa)
Syempre, nakuha nya yung atensyon ng lahat ng kumakain...
Hinawakan nya yung kamay ko...
Kinakabahan ako kahit alam kong panaginip lang to...
“Ms. Keyla Sharey Ramirez, will you marry me???”
Alam kong sapat na yung boses nya para marinig sa apat na sulok ng canteen yung sinabi nya pero patuloy na umaalingawngaw sa utak ko ang mga sinabi nya...
Nagbulungan yung mga tao...
Anak ng tinapa... susmeyong galapong na nagkapatong-patong naman oh...
“waaaaaaaaaaaaaaahhh!!!! 17 pa lang kaya ako!!!”
Seventeen pa lang ako????
Eighteen na ko ngayon....
Nangyari ba talaga yun nung seventeen pa lang ako???
Kinurot ko yung sarili ko. hindi naman ako nananaginip eh. Pero bakit parang nangyari na yun?
“Gab...”
Tumingin sya saken.
“Keyla...”
“san tayo pupunta?”
Napatingin sya sa paligid... nasa 2nd floor na kami. Sa 3rd floor kasi ng COB buliding ang AVR kung saan kami nagpeperform kanina.
“Keyla... h-hindi ko na kaya...”
“Gab...”
“nahihirapan na kasi ako...” nakatungo lang siya habang sinasabi nya yun. Naghihintay pa ako ng kasunod na sasabihin nya pero wala na syang sinabi.
“Bumalik na tayo Gab.” Hinawakan ko yung kamay nya habang bumabalik kami sa AVR.
“Keyla...”
“Hindi pa rin kita naaalala Gab... dahil ang tanging mga naaalala ko lang ay yung naglalakad ako pauwi sa bahay namin at may sumusunod sa aking lalaki.. at yung isa pa ay... ay yung may lalaking nagpropose saken sa canteen... sabihin mo, ikaw ba yung lalaking yun?”
“sa pagkakatanda ko eh hindi ko pa yun ginagawa...”
“hindi ba pwedeng maghintay ka pa? Kahit konti na lang...”
“okay lang... pero pwede bang... pwede bang maging girlfriend ka habang wala ka pang naaalala?”
**
Scene 7
Sena:
I am nobody with no sense at all
Pale as the mountain
Cold as the shore
Tried reminiscing
Alone imagining
What if I come to you
Then I stood up
Making the hours
days into the sunsets
Watching the stars
Sparkling smiling
Hello to my eyes
These as you come to me
Inside my heart is you
No greater love no one above you
Inside my heart is you
Stay in there always
Has I live in your ways
Inside my heart is you
Gio: hooooooooooooooooy!!! Nagdadrama na naman ang bestfriend ko ah!!!! Bwahaha... anyare???
Sena: tch... para kasing hindi na parang oo eh..
Gio: ang alin?
Sena: para kasing si Khay yung lalaking yun pero para ding hindi..
Gio: Khay????? Hmm... sino si Khay????
Sena: si Khay!...... hayun! Si Khay!!!!
Tinuro ko si Gab na nandun sa kabilang dulo ng stage at ang scene ay sinusundo nya si Megumi. Nagngingitian sila. Haaaay....
Naalala ko bigla yung eksena kanina. Lihim akong napangiti...
“okay lang... pero pwede bang... pwede bang maging girlfriend ka habang wala ka pang naaalala?”
“okay lang... pero pwede bang... pwede bang maging girlfriend ka habang wala ka pang naaalala?”
“okay lang... pero pwede bang... pwede bang maging girlfriend ka habang wala ka pang naaalala?”
“okay lang... pero pwede bang... pwede bang maging girlfriend ka habang wala ka pang naaalala?”
“okay lang... pero pwede bang... pwede bang maging girlfriend ka habang wala ka pang naaalala?”
“okay lang... pero pwede bang... pwede bang maging girlfriend ka habang wala ka pang naaalala?”
“okay lang... pero pwede bang... pwede bang maging girlfriend ka habang wala ka pang naaalala?”
“okay lang... pero pwede bang... pwede bang maging girlfriend ka habang wala ka pang naaalala?”
“okay lang... pero pwede bang... pwede bang maging girlfriend ka habang wala ka pang naaalala?”
.
..
...
....
.....
“Sige.....”
Gio: Si Khay... oo Khay nga ang pangalan nun.. kaibigan ko yun eh.. samin nga nakatira, oh eh bakit kilala mo si Khay?
Sena: anong apelyido nun?
Gio: Villareal ang surname ni Khay...
Sena: at Khalil ang totoo nyang pangalan?
Gio: oo, bakit mo alam?
Sena: eh kasi... sya yung... sya yung hinihintay kong tao...
Gio: anoooooo?????
Sena: sya yun Gio... kaya lang... may amnesia sya di ba?
Gio: oo eh....
Sena: I love you Goodbye na ba?
Gio: sira! May paraan pa noh!
Sena: ano naman yun? Iumpog natiin sya sa pader para bumalik alaala nya????
Nanaykupo, wag sana maisip ni Gab na iumpog ako sa pader para lang bumalik alaala ko... haha
Gio: nyeek.. patawa???
Sena: eh tingnan mo naman kasi, ang sweet nila oh.. sila na kaya...
Gio: talaga?
Sena: oo.. kaya babye na lang...
Narrator: tuluyang nawalan ng pag-asa si Sena na maaalala ni Khay ang nakaraan nito hanggang isang araw, nakita niya ito sa dati nilang tagpuan. Wala na syang balak na guluhin pa ang buhay nito dahil nakikita na niyang masaya na ito sa piling ng stepsister nyang si Megumi.
Tumalikod ako palayo kay Gab na nakatingin kunwari sa malayo. Pero tinawag nya ako... ay mali, si Sena pala ang tinawag nya...
Khay: Sena!!!!!! Wag ka umalis Sena!
Sena: aalis na ako Khay... baka magalit saken si Meg.
Khay: hindi yan, ako ang bahala. Bakit nga pala nandito ka?
Sena: ahm, napadaan lang...
Khay: talaga? Eh lagi kaya kita nakikita dito.... lagi ka pumupunta dito eh... tapos umiiyak ka...
Sena: ah yun ba.. wala yun...
Khay: sige na magkwento ka...
Sena: naku wag na...
Khay: sige na please?
Sena: okay sige na... ganito kasi yun, 10 years ago, may dalawang taong nagpromise sa isa’t-isa na babalik sa lugar na to after 10 years... pero yung babae lang yung nakarating.
Khay: anong nangyari sa lalaki?
Sena: hindi ko alam... baka di nya na maalala.. at di nya na yata maaalala...
Khay: ganun?
Sena: oo ganun nga..
Khay: ako ba yung lalaking yun?
Sena: huh?
Khay: ako ba yun Sena????
Tumakbo ako palayo kay Gab. Ilang beses na ba ako tumatakbo? Lagi rin baako tumatakbo palayo kay Gab dati? Iniiwasan ko rin ba sya dati? Bakit parang nangyari na lahat ng to.... pero wala naman akong maalala...
Yung mga sumunod na eksena, naaksidente na si Khay... at naging dahilan yun para bumalik yung alaala nya.... ipinaglaban ni Sena yung pag-ibig nya para kay Khay..... at dahil tinatamad na si author magtype, hanggang dito na lang yung play.... bwahaha.... bakit ILYG* ang title? Dahil ilang beses na rin naman parang sumuko si Sena pero sa bandang huli, di sya bumitaw sa mga pangyayari.....
**
“Keyla papicture naman!!!”
“sure!!!”
Nakakatuwa. Para akong artista! Naks!!
May mga nanghihingi pa ng autograph samen. Si Gab naman, hayun, kanina pa di makaalpas sa dami ng tao na nakapaligid sa kanya. Pero nakikita kong sumusulyap sya saken at nagkakatagpo ang mga mata namin.
Biglang may humatak ng kamay ko palabas sa AVR. Alam na. Hehe.....
“Gab!!!! Tama na kakatakbo... papagod na ako...” reklamo ko. eh di ba ilang beses na rin naman kami tumakbo kanina tapos nakakapagod din yung play ha.
“pagod ka na?” tanong nya.
“Naman!”
“ganun... haha... halika nga dito prinsesa ko... sorry na, kasi naman, di tayo makaalis dun eh. Alam mo ba, kanina ko pa gusto umalis eh...”
“ha? Pero marami pa kong gagawin eh...”
“huh?” eh tapos na yun play ah...”
“eh kasi naman po, may event pa kaya... may aasikasuhin pa ko sa publication office.”
“ay oo nga pala ano? Tulungan kita?”
“wag na po... maggagawa ako ng resolution.” Sabi ko. Bigla naman sya sumimangot. Paminsan-minsan para talaga syang bata. Pero ang cute cute nya talaga. Kung di nga lang instructor to dito eh kinurot ko na to sa pisngi.
“eh wala ba kong maitutulong?”
“hmmm... AHA!!!! Pwede mo ba ako ipaglayout ng newsletter?”
“talaga? Ako ang maglelayout?”
“ayaw mo yata eh..”
“syempre gusto ko noh! Tara na?”
Naglakad kami pababa ng hagdan. Lahat ng makasalubong namin, kung hindi nagpapapicture eh nagpapa autograph. Kaya naman tumakbo na naman kami ni Gab papunta sa kabilang hagdan. Pero ang nakasalubong naman namin dun ay si Hyacinth.
“Sir Gab! Kanina pa kita hinahanap... pinapatawag ka sa Dean’s Office.” Sabi ni Hyacinth kay Gab na nakangiti pero nung makita nya ko eh sumimangot sya.
“bakit kaya?” tanong ni Gab kay Hyacinth.
“Ewan ko lang. Pero pumunta ka na ron. Baka magalit sayo yun ah. Sige na.”
“Keyla, pasensya ka na ha? Mamaya na lang ulit. Ganito na lang, sabay na lang tayo kumain. Promise, hintayin mo ako sa Publication Office.”
“okay sige...”
Bumalik kami sa pinanggalingan namin. Pagdating sa hagdan, nagpaalam na sa akin si Gab kaya naman kami na lang ni Hyacinth ang naiwan doon. Katapat lang namin yung bulletin board ng publication kaya naman tiningnan nya yun.
“Tingnan mo nga naman, ikaw pala ang editor-in-chief ng publication. Kaya naman pala sikat ka. Kaya ba kilala ka ni Gab?”
“po? Naku, hindi po. Sabi po ni Mika, magkakilala na daw po kami ni Gab dati pa.”
“Gab? Gab lang ang tawag mo sa kanya? So close pala talaga kayo noh.”
“ang totoo po nyan ma’am, di ko po sya naaalala.”
“oh talaga? Kaya naman pala todo effort sya na maalala ka nya. Pero ito ang tandaan mo Keyla Sharey Ramirez, hindi ko hahayaang mapunta sya sayo.”
Kung di lang to instructor dito, nadala ko na to sa Guidance. Grabe, kaloka yun ah. May gusto ba yun kay Gab?
Ay hindi Keyla, may gusto siya sayo.. bwahaha.
Pagbaba ko, sinalubong ako ni Mikay na tuwang-tuwa. Halos di na ako makahinga sa dami ng bumabati sa akin.
“tadaaaaaa!!! May surprise ako sayo Key! Tara daleeeeeeeee!!!!”
Kinuha nya yung susi sa bag ko at binuksan yung office. Pagbukas nya, pinapasok nya ako sa loob at nung nakapasok na ako, sabay nilock nya yung pinto kaya naman naiwan ako sa office na mag-isa.
Anong gagawin ko?????
-end of chapter 12
*ILYG- a stage play written by the author by the year 2007 when she was still in 2nd year HS. Malayo na po yung ILYG na yun sa tinakbo nung ILYG sa MSN. Hindi na kasi maalala ni author yung mga ginamit na kanta ron eh.
My Sweet Nuisance Chap13
“Mr. Lozano… what happened to the play?”
Hindi ako agad makasagot. Pakiramdam ko ipapatapon ako ni Dean sa Mars. Pero di ko naman kasalanan eh. Kasalanan to ni kutong lupa. Pero pasalamat na rin ako sa kanya kasi nakapartner ko si Keyla sa play. Wahahaha.
“ahm.. sir, ang totoo po kasi nyan, naaksidente po yung may Mama ni Dwayne, yung may hawak ng lead role. Kaya naman po pinalitan ko sya. Sorry po sir if I was not able to inform you earlier. But I am ready for any sanction po sir.”
Lagot ka saken kutong lupa pag napatalsik ako dito. Ipapatapon kita sa pluto.
“Haha...bakit ka nag-iisip ng ganyan Mr. Lozano? Hindi naman ako nagagalit eh. Natutuwa nga ako coz I have an instructor here in our campus like you. Tinitilian ng mga babae tapos talented pa. I think you are an asset to this campus. Pwede rin kitang gawing adviser ng Theatre Group.” Sabi nya. Natulala lang ako sa mga sinabi ni Dean. Kala ko naman papatayin nya ako dahil sa nangyari eh.
“ahm, salamat po sir sa pagcommend nyo sa ginawa ko. pero kung hindi po nagkaron ng aberya eh hindi naman po ako makakapagperform.” Nakakainis kasi si Kutong Lupa. Sarap nya tirisin eh. Pero parang natutuwa din ako kasi dahil sa pagkawala nya eh marami namang magandang nangyari sa akin.
“alam mo bagay kayo ni Keyla...”
“a-ano po?” tanong ko.
“sabi ko bagay kayo ni Keyla. May chemistry kayo sa stage kanina. Kaya naman kilig na kilig yung mga audience. To tell you honestly, kahit ako man ay kinilig sa tandem ninyong dalawa. Para kasing may totoo kayong relasyon lalo na dun sa mga scenes after intermission.
Scenes after ng intermission?
Teka ano nga bang nangyari after ng intermission?
<<<<
<<<<
<<<<
<<<<
<<<<
“hindi ba pwedeng maghintay ka pa? Kahit konti na lang...” tanong nya saken.
“okay lang... pero pwede bang... pwede bang maging girlfriend ka habang wala ka pang naaalala?”
.
..
...
....
.....
“Sige.....”
“...pero uunahan na kita kita Mr. Lozano, hindi ka pwede magkaron ng relasyon sa estudyante mo.”
“p-po?”
“if ever man may gusto ka kay Keyla, o wala, inuunahan na kita na bawal ang teacher-student relationship...”
**
Lumabas ako ng Dean’s office na down-hearted. Pakiramdam ko, sa lahat ng pagkakataon ay pilit kaming pinaglalayo ni Keyla. Wala na nga syang maalala tungkol saken tapos ganun pa yung magiging sitwasyon namen kung kelan okay na kaming dalawa ngayon.
Naupo ako sa hagdan. Ano ba ang dapat kong gawin ngayon?
Ang mission ko simula nung mawalan ng alaala si Keyla ay to make her remember me. Eh ngayon? Ano na kaya ang dapat na maging mission ko? sabagay di pa naman ako tapos dun sa mission ko na maalala nya ulit ako. Kaya yun pa rin ang dapat kong isipin ngayon. Dadagdagan ko lang ang task ko. at kung ano yun, secret na muna.
**
“Gab!!!! Dalian moooo!” pasigaw na sabi saken ni Mika habang pababa ako ng hagdan. Mukhang may ginawa na naman tong kalokohan ah...
“ibig ba sabihin nito, bati na tayo?” tanong ko naman sa kanya. Kasi kung natatandaan nyo, galit saken tong bff ni Keyla. Tanda nyo pa yung di ako nakasipot sa Lolipop? Yun na yun. Kala ko nga di na ako papansinin nito eh.
“Bati your face. Pasalamat ka dahil mahal ka ni Keyla, kung hindi ipapa-abduct kita sa mga aliens.”
“ang sama naman nun. Sige ka, makikita mong umiyak si Keyla...”
“aysus, feeler lang? Tingin mo ikaw ang mundo nya??? Nyahaha.... wagas ka lang makafeeling eh noh? Wag ka mag-alala, pag pinaiyak mo bestfriend ko, hindi lang kita ipapakidnap sa mga aliens, dun pa kita papatirahin sa Pluto.... kaya matakot ka sir Gab..”
Huwaw. Yan si Mikay!!! I mean yan ang original na Mikay. Kasi naman lately napapansin kong matamlay tong babaeng to. Di kasi sila nagpapansinan ni Brionne. Ewan ko ba sa dalawang yan, away-bati eh.
Nga pala, nagkakilala sila ni Brionne nung enrollment. Yung lalaking yun, bago pa lang nakahanap ng katapat nya, mantakin mong malakas pala ang tama nya kay Mika. Bwahaha. Nung induction kasi, nagpropose ba naman kay Mika sa harap ng napakaraming tao. At ito pa ang linya.
"I, Brionne Rodriguez, take this opportunity to tell you Mikaela Fontes how much I love you and I want to be not only you boyfriend but your hubby in the future...."
Oh di ba ang cheesy lang? Wish ko lang makapagpropose din ako ng ganyan kay Keyla. Pero sa sitwasyon ngayon, parang imposible eh.
“Mikay, kamusta na kayo ni Broom Broom?”
“sinong Broom Broom?”
“eh di si Brionne.. broom broom tawag ko sa kanya eh...”
Ay oo nga pala, close friends kami nung si Broom Broom este Brionne. Pero nairita ako sa kanya nung pinormahan nya si Keyla nung nasa team-building pa kami. Kaya hayun, nilayuan ko. pero nung nalaman kong sila na ni Mikay, eh bati na kami...
“wala akong kilalang Brionne Rodriguez...”
“talaga??? Eh bakit alam mo pati ang apelyido nya?”
“huh? Wala naman akong sinabing Rodriguez ah?”
Halatang-halata naman si Mika pag nagsisinungaling. Bwahaha. Halata namang may LQ yung dalawang yun eh. Pero dahil gumagana yung utak ko ngayon eh may plano ako para sa dalawang yun mamayang hapon. Brr. Humanda sila saken.
“wag ka mag-alala Mikay, kakausapin ko si Brionne mamaya. Sasabihin ko na ayusin na yang problema nyo.”
Napatigil sya sa paglalakad.
“Subukan mong gawin yan... di ka na sisikatan ng araw...”
“hehehe... to naman di mabiro... sige na.. sige na... haaay..”
“Andito na tayo.”
Nadito na kami sa harap ng COE building room 103. Nakakatuwa. Maaasahan talaga si Mika. Ang ganda ng kinalabasan ng plano.
“Wow... ang ganda naman nito Mika.”
“syempre, ako yata ang nag-isip nyan. Bwahaha!!!! Ang mabuti pa, babalik na ako sa kabilang building. wag mong sasaktan ang bestfriend ko... sasapakin talaga kita!”
“bakit ko naman sasaktan si Keyla? Wag ka mag-alala, di ko gagawin yun.”
“dapat lang! Dahil kung masasaktan ulit sya, lagot ka saken. Tandaan mo, huling chance mo na to. Pag pumalpak ka pa, kakaladkarin ko si Dwayne dito. Maliwanag?”
“Maliwanag Boss!”
Pagkatapos nun, pinuntahan nya na si Keyla sa kabilang building. Kahit kelan talaga napakaprotective ng bestfriend nya. Ang brutal eh. Bwahaha. Baka mamaya paslangin ako nuon.
Pero naaawa ako kay Keyla ngayon. Tama ba namang i-lock sya ni Mikay sa loob ng office?
**
“The Marriage Booth is now officialy open. Ang una pong magpapakasal na couple ay may chance na magkaroon ng free wedding reception na gaganapin sa COE. Kaya ano pang hinihintay nyo, magpakasal na kayo!!! Now na!!” sabi nung baklang in-charge sa Marriage Booth. Sa pagkakaalam ko eh handle ito ng BSE II-B.
Mula sa malayo eh natatanaw ko na si Keyla na naglalakad papalapit sa amin. Bakit ba kasi ang cute-cute nya????
“anong ginagawa natin dito?” maang na tanong ni Keyla. Grabe, kung nakikita nyo lang sya eh sobrang cute ng hitsura nya. Sarap nya kurutin sa pisngi!!!!
“eh ano bang ginagawa sa marriage booth?” tanong ko sa kanya na nakangiti. Bigla namang nanlaki yung mata nya na parang ganito
O__O
“nag--- nagpapakasal???”sagot nya naman na nauutal. Ang sarap tumawa kaya lang baka bigla akong paslangin ng bestfriend nyang si Mikay na nanonood sa di kalayuan. Baka sabihin eh pinagtitripan ko yung bestfriend nya.
“exactly.. nagpapakasal... tara na, baka di natin maavail yung promo nila eh”
“ako? Ikaw? T-tayo?” tanong nya na naman
“bakit, may iba ka pa bang gustong pakasalan?”
“h-ha??? Ano ba namang tanong yan? Pero kasi... kasi.. nakakahiya kasi...”
Hinila ko sya papunta dun sa baklang nasa registration area.
Nagsulat ako ng pangalan ko saka ng pangalan ni Keyla saka ko sya dinala dun sa harapan ng kunwaring mayor na magkakasal.
“huy Gab... baka may makakita saten.”
Nginitian ko sya. Malamang maraming makakakita samen dahil unti-unti ng dumarami yung mga taong papalapit sa amin.
“okay lang yan. Wag ka mahiya.”
At dahil nga wala pang masyadong tao at nag-aayos pa rin naman ng ilang bagay yung magkakasal, pinaupo muna kami ni Keyla sa dalawang bangkong nagagayakan ng puting tela.
Tahimik lang kaming dalawa. Walang nagsasalita. Gusto ko sya kausapin para tanungin kung okay lang ba sya pero nauunahan ako ng hiya. Kinapitan ko yung kamay nya tapos tinakpan ko ng puting tela. Mahirap na eh. Baka may paparazzi sa malapit. Nyahaha.
“Gab... kelan tayo nagkakilala? Paano tayo nagkakilala?” bigla nyang tanong.
“naging schoolmates tayo nung highschool. Hindi ko alam kung pano mo ako nakilala pero di ba isa ka noong school paper writer at ikaw madalas ang nagcocover ng event kung saan kasali ako. One time, naabutan kita sa faculty room na nagsasalita mag-isa. Natuwa ako nun. Para ka kasing bata. Yun yung unang beses na kinausap kita.”
“close ba tayo dati?”
“nung high school? Hindi pa. Nahihiya kasi ako sayo nun eh. Pero alam mo ba, gustong-gusto kita kausapin nun. Kaya lang lagi nila akong inaasar.”
“sinong sila?”
“yung mga kaklase ko saka kaklase mo. Lagi nila tayong inaasar. Alam kasi nila na may crush ako sayo nun.”
“ohh?”
“yup... saka alam din nilang patay na patay ka saken?”
Bigla syang natawa sa sinabi ko...
“weh? Feeler ka oy. Kala mo naman patay na patay ako sayo. Gawa-gawa mo lang yan eh.. aysus. Palibhasa wala akong maalala eh ganyan ka. Kala mo, pag ako may naalala na, pagtitripan kita. Bwahaha!!”
Tapos bigla nya akong kinurot sa pisngi.
“oy oy! Madaya ka! Ako dapat maunang kumurot sayo!!!!”
“ehehe.. ganun? Batas ba yun?”
“naman!!!”
“san nakasulat? Patingin nga?”
“dito sa puso ko! pero wag mo ng tingnan ang puso ko.. kaw kasi ang laman nito...”
Bigla syang natawa ng malakas. Tapos nagtawanan na rin yung mga tao sa paligid na kanina pa pala nanonood samin.
“haha.. ano nga ulit sabi mo?”
“huh? Wala.. sabi ko mahal kita, pakasal na tayo.” Aruykupo. Ansama ni Keyla. Lagi nya nalang ako pinagtatawanan. Kung di ko lang mahal to eh...
Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si Mika na handa na yung lahat tapos sumenyas ako dun sa magkakasal.
“Today, we will witness as these two people in front share their words of love.”
“Anthony Gabrielle Lozano, do you take Keyla Sharey Ramirez as your lawfully weded wife, in sickness and in health, in sweetness and in bitterness, in chorvaluness and in cheklavuness, till death do you part?”
“ha???” hala, kaloka yung “mayor” kuno... bakla rin pala.. nanaykupo.
“pwede bang ako na nalang magbanggit ng vows???” sabi ko dun sa bakla.
“sige.. basta may dagdag na 100 pesos.”
Naglabas ako ng wallet. Kumuha ako ng 200 pesos para si Keyla na rin ang magsasabi ng vows nya. Bwahaha.. brilliant eh.
“psst Keyla magsalita ka na...” sabi ko kay Keyla na nacoconsciuos na sa paligid nya.
“Hayaan mo na silang mainggit...”
“Che! Inggit your face... kapal lang????”
“oo makapal ang mukha ko.. mahal kasi kita...”
“oh talaga?”
“gusto mo patunayan ko???”
“h-huh????? Ah eh.. hehe.. wag na lang???” sabi nya habang natatawa.
“oh bat ka natawa? Di ka naniniwalang kaya ko noh????”
“Che!!! Wag na oy!!!”
>////<
“Ms. Keyla, Sir Gab... ahm, pwede na po ba umpisahan yung kasal???”
Sabay kaming napalingon dun sa baklang Mayor este dun sa nagkakasal. Naka-puppy eyes sya samen at kinikilig.
“ah oo, umpisahan na...”
Aits.
“Keyla Sharey Ramirez, ako si Anthony Gabrielle Lozano ay nangangako, sa harapan ng mga USI-sero at USI-sera na ito na ikaw ay aking papangalagaan, sa hirap at ginhawa, sakit at saya, at pangakong ako ay iyong magiging kabiyak sa lahat ng pagkakataon hanggang kamatayan.”
Nagpalakpakan yung lahat ng USI sa paligid. Ehehe. Ang mais naman ng sinabi ko, parang di ako. Siguradong kung andito si kambal eh nabatukan na ako nun.
“psst Keyla, kaw naman!!!” bulong ko sa kanya.
“ha?ano kasi.. ah eh.... di ko alam ang sasabihin ehh...”
“oh??? Dali na, kahit ano....”
“kahit ano talaga?”
“oo nga, dali na....”
“sige kahit ano...”
Tumayo sya at tumingin ng diretso saken. Bigla namang nanahimik yung mga tao sa paligid. Kala mo may pelikula eh.
Ano itong nadarama ko
Ako kaya’y nahuhulog umiibig na sayo?
Tuwig kasama ka’y anong ligaya.
Sana sa akin ay magtiwala.
Kung tunay man ang nadarama ko
Ako’y mayrong nais malaman mo.
Ang aking aking puso ay iyong-iyo
At wag sanang lumimot sa pangako.
Di ko ineexpect na kakanta sya sa harap ng ganito karaming tao. Alam kong nakakanta na sya kanina sa play pero... pero yung kantahan nya ako, oo para saken talaga, natutunaw yung puso ko.
Pangako di kita iiwan
Pangako di ko pababayaan
Pangako di ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayon tayong dalawa
Ang magkasama...
Napa-aww yung lahat ng nanonood. Ako naman speechless. Di ko alam kung iiyak ba ako o sisigaw sa sobrang tuwa.
“I now pronounce you as husband and wife....”
“sabi ko I now pronounce you as husband and wife!!!!”
Pareho kaming napatingin dun sa baklang nagkakasal. Haha.
“you may now kiss the bride...”
Okay. Kiss the bride. Yun lang pala ehh.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!?????????
Keyla’s POV
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Kiss the bride.
Err????
Huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat??????????
“kiss!!!!!” sigaw nung mga tao sa paligid. Henebey.
Napatingin ako kay Gab. Tapos napatingin rin sya saken. Hala.
“Key...” sya
“Gab...” ako
“kiss!!!!”
“huy..” sya
“oh?” ako
“kiss!!!”
“ano eh”
“ano nga?”
“Kiss!!!”
“ahm..”
“ano baaaaaaaaaaaaaaa!!!!” sigaw ko sa kanya. Nakakainis to ah. Naputol dila mo Gab?
“Ki--- kilala mo ba ako?”
“h-ha?”
Anodaw??????????? Tinatanong nya ako kung kilala ko sya?
Baliw baliw ka Gab. Tatapon kita sa Neverwonderland promise. Magsama kayo ni Author dun sa kabaliwan nya.
Tumalikod ako sa kanya. Bigla nya naman hinatak yung braso ko kaya napalapit ako sa kanya.
At...
At...
At...
Ki-niss nya ako.....
Sa
Sa
Sa
Sa
Cheeks...
Waaaaaaaaahhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
My Sweet Nuisance Chapter 14
Mika’s POV
Hayeeeh antweet!!!!
Langyang Gab to!!! At marunong pala sya nun??? Bwahaha.
Nabibitter ako.. haaaaaay!!!!!!!!! Buti pa si Keyla naikasal na.
“Mikz, pakasal tayo???” sabi ni Kuyang nasa likod ko. pssh.
Simula kasi kahapon eh bawat masalubong ko eh nagyayayaan magpakasal. Grabe lang noh? Mga atat magpakasal eh.
“huy Mikz, pakasal na tayo?” sabi nung lalaki dun sa likuran ko.
“heh! Nanonood pa ako ng kadramahan nung dalawa kuya. Saka wag ka magulo, di ako nagpapakasal sa di ko kilala. Saka may hinihintay akong magyaya saken. Yung kumag na na yun, naku, humanda sya saken pag nakita ko syang may ibang pinapakasalan!!!”
“oh???”
“oo nga, kaya wag mo na ako yayain magpakasal.”
“oh sige, di wag, iba na lang yayayain ko...”
Sabay lakad sa harapan ni Kuyang nasa likod ko.
Err????
?_____?
BRIONNE??????????
“HOY LALAKI!!! SUBUKAN MONG MAGYAYA NG IBA!!! IKUKULONG KITA SA OFFICE!!!!”
Biglang napatingin samen lahat ng tao na kanina lang ay tutok na tutok kina Keyla at Gab!!! Hooloo..... lagot ka Mikay, lagot.. lagot...
Hoy lupa, bumuka na dali!!! I wanna disappear naaaa!!!!!
“ehhh?? Kala ko ba wag kita yayain?”
“ha-??? Ah eh ano kasi...”
Owmeeegash.. anong ginawa ko?
“ayeeeh, umamin ka na kasi Mika, patay na patay ka saken!! Bwahaha... kaya hayun, gusto mong yayain kitang magpakasal!!”
“hoy---! Anong pinagsasasabi mo dyan ha....?”
“uy guys, pano ba yan, denial queen ang inyong president ah... ano bang pwede kong gawin?”
“Kuya Brionne!!!!!!! Hilahin mo na kasi!!!”
“OO nga kuya!!! Pakasal na kayo tutal andito na kayo eh..”
“hala!! Hoy kayo, wag kayong ganyan!!! Huy Keyla, ipagtanggol mo naman ako oh???” baling ko kay Keyla na nooy nanonood na rin sa away namin ni Brionne.
“ha? Huy Mikay, wag ka ng pakipot oh... haha.” Hinila nya ako papunta dun sa baklang Mayor at hinila naman ni Gab si Brionne papunta dun habang umaarte sya na ayaw nya sumama.
“Psst Mika, wag mong papahirapan yang si Brionne ha? I do agad!! Babye Mika!!!”
Anak ng tokwa.....
Ako papakasal dito sa kumag na to???
owmeegash...
Keyla’s POV
Tawa ako ng tawa habang naglalakad kami papunta ng COE building. Akalain mong eeksena kanina ron sina Mikay at Brionne. At si Mika pakipot pa pero alam ko namang gusto nyang yayain sya ni Brionne na magpakasal.
“uy, okay ka lang ba?”
“oo naman!! Hahahahahahahaha...”
“hala baliw ka na yata Key... dalhin kita sa Mental???”
“hahahahahahha”
“huy tama na yan!!!”
“hahahahahaha”
“Keyla!!!!!”
“hahahahahah”
“MAHAL KITA KEYLA!!!!”
“haha---- ha????” tanong ko. ano daw? Mali yata pagkakarinig ko.
“binge neto.... walang ulitan! May bayad!!!”
“at anong bayad aber???”
“mahal bayad nito!”
“may pambayad naman ako eh. Mayaman kaya ako! Bwahaha.”
“oh???? Sige ba? Basta may bayad ha?”
“oo nga... ulitin mo na....
“MAHAL KITA KEYLA!!!!!!”
“ah okay, mahal mo ako... hahahahaha...”
“oh anong nakakatawa ron???”
“wala lang... masaya lang ako kasi mahal mo ako...”
“talaga? Eh san sa bayad ko?” Dumukot ako ng bente sa bulsa ko at inabot sa kanya.
“aysus, taghirap ka Keyla?” Ha ano daw??? What a term, taghirap???
“ehh??? Okay na yang bente... wala na kong barya...”
“eh bakit sinabi ko bang pera ang ibabayad mo saken?”
“eh kung hindi pera, ano???”
“eh di kiss...”
O_________________O ano daw?????????
KISS????????????
“hoy!! Anong Kiss pinagsasasabi mo dyan ha????”
“Kiss.... gusto ko ng Kiss!!!”
“langya ka, nasisiraan ka na ba? Gusto mo bang tadyakan kita dyan ha?”
“dali na, gusto ko ng Kiss!!!”
“Che!! Shoopeeeee!!!!”
Naglakad ako ng mabilis at iniwan sya. Walangyang lalaki yun. Kiss daw oh. Kiss nya mukha nya!! HMFT!!!
Oo nga pala! Ang walangyang lalaking yun!!! Hinalikan ako kanina!!!Muntik ko ng malimutan yun ah!!!!!!!!! Grrrr!!!! Gaganti ako!!!!!!!!!
“Hoy Gabri-------”
Nilingon ko sya sa likuran ko. Paglingon ko, andun rin si Hyacinth, kahalikan si Gab.
Hyacinth’s POV
Ow well talamats po dakilang author sa pagbigay saken ng POV. Bwahaha. Yaan mo author, lilibre kita ng slurpee mamaya.
How cheesy and how nice naman ang palabas ng dalawang yun kanina tapos sinundan pa nung abnoy nyang bestfriend. Grabe huh? Talbugan daw ba ang kagandahan ko???
Syempre, sabi nga Dr. Jose Rizal, walang maaapi kung walang magpapa-api. Kaya ng di ako papa-api.. over my sexy body. Hinding-hindi ako papayag na maapi!!!
After ng eksena nila, sinundan ko sila papunta sa COE building. And guess what kung anong eksena ang inabutan ko.
“Kiss.... gusto ko ng Kiss!!!”
Ako na lang kiss mo Gab!!!!!
“langya ka, nasisiraan ka na ba? Gusto mo bang tadyakan kita dyan ha?”
Subukan mo Keyla, papaliparin kita sa alapaap!!!
“dali na, gusto ko ng Kiss!!!”
Okay!!!! Here I come!!!!!
“Che!! Shoopeeeee!!!!”
Ohnoes!!! I mean Owyeeeees!!! It’s my turn to shine!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Pagkalakad ni Keyla ay agad ko namang pinuntahan si Gab at hinalikan. Alam ko namang nabigla sya sa mga pangyayari. At sakto namang lumingon si Keyla sameng dalawa kaya ang inabutan nyang eksena, hayun. Bwahahaha.
Magdusa sya. Dahil kung ako ang hiningan ni Papa Gab ng kiss kanina eh mabilis pa sa alas-kwatro ko syang binigyan.
Sinubukan akong itulak ni Gab pero dahil mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya eh hindi sya makabitaw.
Nung tumalikod na ulit si Keyla ay agad ko syang binitawan.
“How dare you!!!!” itinulak nya ako sa gilid at hinabol si Keyla.
Rinig na rinig at kitang kita ko kung pano nya sinubukang magpaliwanag pero....
Sorry ka na lang Gab....
Tapos na ang maliligayang araw mo kasama si Keyla.....
Gab’s POV
Bakit ba sa tuwing naaayos ko yung isang bagay eh saka naman nasisira lahat?
Bakit ba hindi na maging gaya ng dati yung lahat?
Bakit ba hindi na lang matapos ang problema namin?
Arghhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!! Gusto ko maging masaya!!!!
The subscriber cannot be reached. Please try again later.
The subscriber cannot be reached. Please try again later.
The subscriber cannot be reached. Please try again later.
The subscriber cannot be reached. Please try again later.
The subscriber cannot be reached. Please try again later.
Nakakailang try na ko pero nakapatay pa rin yung cellphone ni Keyla. Pinuntahan ko sya sa bahay nila pero di raw dun matutulog si Keyla ngayon. Mag-i-sleepover daw siya kina Mikay dahil sa thesis. Pero di ko naman alam kung saan sya nakatira.
Sinubukan ko ring tawagan si Mika. Pero di rin nya sinasagot yung mga tawag.
Naglalakad ako ngayon hanggang sa hindi ko na rin alam kung asan ako. Anga alam ko lang, pagod na yung mga paa ko pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iisip yung utak ko. Napaupo ako doon sa isang tindahan.
“Kuya gusto mo???” tanong saken nung batang babaeng nakaupo rin.
“no thanks...”
“okay. Masarap pa mandin to.... Kiss.”
Nagulat ako. Kiss?
“Kiss?”
“opo Kiss. Gusto mo ng Kiss?”
“ha?”
“kiss!!!”
“Kiss mo ko?????” tanong ko na naman. Anong kiss ang pinagsasasani nitong batang to? Naku!! Pasalamat ka bata ka, kung hindi, sasapakin kita.
“Yaaaak!!!kaderder ka kuya!!!”
“ha???? Eh di ba sabi mo kung gusto ko ng kiss?”
“oo nga Kiss!!!”
“oh hayun naman pala eh!!! Kiss!!!”
“Heto yung sinasabi kong Kiss kuya.” Lumapit sya dun sa tindera at nagsalita. “Ate pabili po ng Kiss!!!”
May inabot naman sa kanya yung tindera. Kiss???
“oh hayan Kuya yung Kiss!!! Bayaran mo ako!!!” sabi nya habang inaabot saken yung tsitsiryang tag-pipiso.
“err??? To yung kiss?”
“opo!!! Yan nga yun...”
“ahhhhhhhhhhh....” ay ambobo ko naman. Kiss. Tsitsirya lang pala yun. Kala ko kung ano na!!!!
“Oy kuya bayad mo.... wala ka bang pera? Mahirap ka lang ba? Kawawa ka naman. Parang piso lang eh, wala ka pang pambayad.”
“h-ha? Ah marami akong pambayad. Teka lang.” Kumuha ako ng bente sa wallet ko. bigla ko na namang naalala yung mga pangyayari kanina.
“Wow!!!! Mayaman ka pala ehhh!!! Hahaha”
Ringing tone....
“ay teka lang kuya ha??? Sagutin ko lang tong tawag.”
“sige...”
“Oy ate!!! Ano ba bakit ka tumawag!!!???.... ha??? Anong gamot? Sige... babayaran mo ko ha??? O-oy.. ilang gamot ba? Sige... Babye ate Mikay...”
“Mikay???? Mikay ang pangalan ng ate mo???”
“ay hindi!! Mikay ang pangalan ng Kuya ko!!! hahaha.. adik ka Kuya!!!”
“eh??? Ang ate mo ba ay si Mikaela Fontes???”
“ha? Naman!!! Ate ko nga yun! Ay mali, katulong pala namin yun!!! Hahaha.. teka kuya, stalker ka ba nya? Kaw ba yung boyplen nya? Nakuuuu!!!!!”
“Naku nagkakamali ka!! Ako yung boyfriend ni Keyla!”
“oh??????????”
“ako nga....”
“hala! Lagot ka!!!!!may sakit ngayon si Ate Key..... kasalanan mo!!!”
“ano?????”
“ay? Bingihan ba ito???? Sabi ko maysakit si Ate Keyla... lagot ka!!! Bleeeeeh!!!!!!!”
“hoy, teka, anong gamot daw yung bibilhin? Ako na bibili...”
“sure ka?”
“oo nga...” kulit nitong batang to. May pagmamanahan eh. Kaugali ni Mika.
“payag akog ikaw ang bibili... pero sa isang kondisyon....”
“anong kondisyon?”
“wag mo sasabihin kay Ate Mika na ikaw ang bumili....”
“at bakit naman?”
“syempre, para bayaran nya ako!!!”
“ahhh... pero may kondisyon din ako”
Hanep tong batang to. Bata pa lang ay balak na maging negosyante eh... pero pumayag na rin ako.
“ano yun?”
“isama mo ako sa inyo.......”
-end of chapter 14
My Sweet Nuisance Chap15
Mika’s POV
Kanina pa iyak ng iyak si Keyla. Hindi ko alam kung anong nangyari talaga pero alam kong si Gab na naman ang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan. Haaay nako, wag talaga sya papakita saken, gigilitan ko sya ng buhay!!!!!
Kanina lang parang ang saya-saya nila. Pero bakit nagkaganun?
“Ssssh Keyla tahan na.... magiging ayos din ang lahat.”
“Mika... bakit ako nasasaktan?”
“Kasi nagmamahal ka. Pag nagmamahal ang isang tao, nasasaktan sya pag yung taong mahal nya ay hindi naibibigay yung paraang gusto syang mahalin nito. At minsan pag nagmamahal tayo, kapag mas iniisip nating di tayo masasaktan, mas doble yung sakit na nararamdaman natin. Kapag nag-expect tayo na mamahalin tayo, nasasaktan tayo, kapag ineexpect natin na di tayo masasaktan, nasasaktan pa rin tayo. Ganun ang buhay, lagi tayong nasasaktan.”
“pero di ko naman sya naaalala kaya bakit ako nasasaktan?”
Hinawakan ko yung kamay nya.
“dahil isip lang ang nakakalimot. Pero hindi ang puso....”
“nakakainis sya Mika... sabi nya mahal nya ako pero nakita ko sya na kahalikan si Hyacinth. *huk* masakit ehh...”
“alam ko, alam ko....”
“ano bang pwede kong gawin para di na ako masaktan?”
“kalimutan mo na sya....”
Bigla naman sya napahagulgol sa sinabi ko. alam ko namang di yun madaling gawin. Kung ako nga nahihirapan gawin yun eh. Pero di ko naman kaya makita si Keyla na ganyan. Dahil nararamdaman ko rin yung sakit.
“hindi pwede!!!!!”
Nilingon namin pareho yung pinanggalingan ng boses. Napatayo ako sa pagkabigla. Pano napunta dito yung lalaking yun???
“HOY!!!! PANO KA NAKAPASOK DITO HA????”
“dumaan sa pinto?” sagot nya naman.
“OBVIOUS BA??? Alangan nagpaka-spiderman ka eh noh???”
“alam mo naman pala eh!!!”
“Pwede ba Brionne!!! Lumayas ka sa pamamahay namin kung ayaw mong ilibing kita ng buhay ngayon!”
“eh? Bakit si Keyla pwede rito. Bakit ako hindi pwede?”
“pwede ba? May problema si Keyla, eh ikaw may problema ka ba ha?”
“bakit pag sinabi ko bang may problema ako papayagan mo akong mag-stay dito?”
“h-ha? Syempre hindi noh!”
“hayun naman pala eh... kaya hayaan mo na ko dito saglit...”
Lumabas sya ng kwarto ko. Umupo sya sa sofa at kinuha yung remote control sa lamesa.
“Hoy sinong may sabing pwede ka makinood ng TV dito ha?”
“aysus Mika, bisita mo ako, at least you should know na dapat pinagmemeryenda mo ako!!!! Hahaha....”
“abnormal ka----!”
“Ate andito na ko!” sigaw ni Mina mula sa pinto. Pag nga naman hinahabol ka ng kabutihan oh. “Sino yan ate? Boyplen mo? Aha! Lagot ka ngayon!!!! Sumbong kita kina mommy at daddy!!!”
“Aba---!”
“Come here baby sister, may pasalubong ako sa’yo!” inilabas ni Brionne yung isang paper bag galing sa backpack nya.
Agad naman lumapit si Mina sa kanya at inabot ang bag.
“Wow!!!!! Ang ganda naman nito kuya Brionne!!! Haha.. okay, secret lang na mag boyplen na si Ate Mika. Hehehe.”
“Good girl ka pala Mina eh. Haha. Wag ka mag-alala, sa susunod dadalhan pa kita ng iba nya. Gusto mo ba yun?”
“opo naman! Ay teka Kuya Brionne, kilala mo ba yung kasama ko sa labas? Yung gwapo? Matangkad at singkit?”
“Oh? Eh parang dinescribemo na rin ako ah?”
“Bukod sayo... uhm, teka, ano nga bang pangalan nun? Gary? Gaby? Ga-?”
“Gabrielle?????” tanong ko naman. Abat may kasama pala ang loka-loka kong kapatid! Wag mo sabihing may reunion sa bahay namin ngayon????
“TAMA!!! Si kuya Gabrielle nga!!!”
Pagtingin ko sa pintuan, andun si Gab. Lasing na lasing at susuray-suray. Agad ko namang hinatak si Brionne at pinaalalayan si Gab.
“Mika! Ilabash mo si Keyla!!!Keyla! Keyla!!! *hik* mag-ushap tayo! Keyla! Pakinggan mo ko *hik* Keyla!!!”
“Hoy lalaking manloloko at walang modo! Wala rito si Keyla!”
“Hindi ako naniniwala shayo *hik* shabi ng mama ni Keyla andito raw sya! *hik* Keylaaaaa!!!! Mahal kita Keyla!!!!”
Sinenyasan ko si Mina na pumasok na sa kwarto nya. Bago sya pumasok ay inabot nya saken yung gamot na pinabili ko sa kanya.
“ate mahabag at maawa ka na dyan sa lalaking yan oh. Alam mo bang hindi nya pa natitikman yung kiss? Kawawa talaga.. haaaay...”
KISS?? Eh bakit di pa ba sapat na magkahalikan sila ni Hyacinth kanina????
“ha? Anong kiss pinagsasasabi mong bata ka dyan ha? Hala sige, pasok ka sa kwarto mo ngayon din!!!”
“OA ka naman teh! Sabi ko lang naman kawawa na sya kasi di pa sya nakakakain nung Kiss na tigpipiso. Grabe, mayaman din yan noh? Ibang klase kayo magbingwit ni Ate Keyla ng boylet, parehong mayaman!!! Ahaha!”
“Che! Alis na dyan, wag ka lalabas ng kwarto mo!”
“oo na, matandang mangkukulam! Hahaha bleeeeeh!!!”
Pagkaalis ni Mina ay agad ko naman kinausap si Gab ng lasing sa alien este sa matino habang nanonood ng tv yung abnoy na si Brionne.
“HOY LALAKE, ilang sampal ba gusto mo ha? Anlakas rin naman ng loob mong magpakita rito matapos yung ginawa mo!!!”
“ayosh lang shaken Mika, kahit ilang shampal, pambubugbog o pananakit ang abutin ko, ayosh lang. Bashta wag lang mawala ulit shi Keyla. *hik*. Di ko naman yun ginushto eh... shi Keyla lang naman talaga mahal ko eh. Kaya lang shi Hyacinth, yung malanding babaeng yun bigla akong hinalikan sha harap ni Keyla. Wala naman akong kashalanan ehhh...”
“kahit na... kahit sabihin nating wala kang kasalanan, tingin mo ba hindi nasasaktan si Keyla?”
“bakit masasaktan si Keyla eh hindi nya naman ako naaalala? Pumayag lang naman sya na maging kami dahil nakiusap ako eh. Pero alam kong hindi nya ako mahal.”
“wag ka magsalita ng ganyan Gab. Tingin mo ba papayag ng ganon-ganon lang si Keyla na maging kayo kung hindi ka nya gusto o mahal? Masasaktan ba si Keyla kung hindi ka nya mahal?”
“hindi ako naniniwala sayo Mika, gusto ko kay Keyla ko yan marinig para maniwala ako...”
“may mga bagay Gab na kahit di mo marinig, nararamdaman mo.... kahit di mo maalala, nararamdaman mo pa rin...”
“masakit lang kasi Mika na hindi nya ako maalala. Dahil yung ala-ala lang namin yung pinanghahawakan ko. at ngayong wala syang maalala, tiwala nya lang ang kinakapitan ko. pero bakit hindi ko magawang buuin yun? Sana Mika, maalala nya na rin ako. Gusto kong maalala nya ako.”
“maaalala ka rin nya, pero sana maghintay ka Gab.”
“napapagod na ako maghintay Mika... parang ayoko na...”
“Gab...”
“kung wala na rin yung tiwala nya saken, wala na akong anumang kakapitan pa.... siguro nga kakalimutan ko na sya....”
Nalungkot ako sa sinabi ni Gab. Sumulyap ako sa pintuan ng kwarto ko at nakita kong nakabukas yun ng kaunti. Tama, nakikinig nga si Keyla. At siguradong nasasaktan rin sya sa naririnig nya ngayon.
“pakibalik na lang to sa kanya Mika.” Inabot nya saken yung flash drive at diary ni Keyla. Hindi nya pa nga pala to naibabalik. “Mika,magmamahal na lang ako ng iba....”
Lumabas si Gab ng bahay at sinundan naman ito ni Brionne. Biglang nakarinig ako ng pagbagsak ng kung ano mula sa kwarto ko. Napatakbo ako ron at nakita ko si Keyla na iyak ng iyak.
“wala na sya Mika... ayaw nya na......”
“Keyla....”
“kasalanan ko to eh.. hindi ko kasi sya maalala....”
“Keyla wag mo sisihin ang sarili mo....”
“kasalanan ko to Mika.... kung hindi lang sana ako naaksidente eh di sana masaya kaming dalwa ngayon....”
“Key naman! Pag ba umiyak ka ng umiyak masosolusyunan mo yang problema mo? Pag ba sinisi mo yang sarili mo magiging ayos ang lahat? Hayan, di ba gusto mong bumalik ang ala-ala mo? Baka sakaling makatulong yan....”
Yun lang at lumabas na ako ng kwarto ko. May tiwala naman ako kay Keyla na hindi nya sasaktan ang sarili nya.
Keyla’s POV
Iniabot sa akin ni Mika yung dalawang bagay. Yung isa flash drive at yung isa diary.
Kinuha ko yung laptop ko at sinaksak yung flashdrive dun. Pero habang nag-iinstall pa yung flashdrive eh may bigla na namang pumasok sa isipan ko.
Sino ka nga ba GAB??? Sino ka bago kita makalimutan? Anong meron ka at meron ako?
One step.....
Two steps....
Three steps...
Napatigil ako bigla sa pagbaba sa hagdan......
Tiningnan ko syang mabuti... sya ba talaga????
Hindi ko sya makita. Sino ba yung tinitingnan ko ng mabuti???? Kilala ko ba sya????
anong ginagawa nya rito?
sa pagkakaalam ko eh wala sya dapat dito..
hoooloooo!!!
panu na ko neto dadaan sa hagdan!!?
eh andun sya at nakaupo
lagot na..
pano ba?
magtatago ba ako?
naku bahala na!!!
pero bago pa ako makapagdesisyon kung anong gagawin eh nakita nya na akong nakatingin sa kanya at ….
Bakit ako kinabahan dahil sa nakita ko???? sino ba talaga tong taong to???? Saka bakit ko sya naaalala???
oh em ji!!! nginitian nya ako sabay sabing,
“keyla…”bumilis yung tibok ng puso ko, oh di ba parang ewan lang????
“ako?” lumingon pa ako sa kaliwa at kanan ko para tingnan kung may ibang tao
“oo ikaw”
“bakit?”
“may sasabihin ako”
“ha?” oo narinig ko naman ng malinaw...di pa naman ako bingi pero bakit yata feeling close ka ngayon ha???? Close tayo???? Close????
“halika dito sa tabi ko…” sabi sa inyo feeling close eh!!!!
“dyan??” ako ng unli!!!!
“oo” at eto, sumunod naman ako
“ahm .. Gab .. este kuya Gab pala.. (mas matanda nga pala ng tatlong taon saken tong mokong na to) importante ba yung sasabihin mo??”
GAB????? Si Gab ba tong naaalala ko??? bumabalik na ba yung ala-ala ko????
nag-aalala na ako na baka tumunog na ang bell at maglabasan na yung mga estudyante
teka hindi ko pa rin gets kung bakit nandito kami pareho… iniisip ko pa pero bigla syang nagsalita
“depende kung importante sayo”
hooloo!! katakot naman tong mga lines ni Gab huh??
“ahm .. sige sabihin mo na”
“nag improve ka Keyla … mas maganda… mas matangkad… lagi kasi kitang tinitingnan eh…”
Si Gab.....
Si Gab.....
Noon pa ma’y kilala ko na si Gab. Elementary pa lang ako ay kilala ko na sya.
The driver was installed successfully.
Heto na. Napalunok ako. Makikita ko na yung totoo. Sino ka Gab? Bakit ba mahalaga ka saken? Bakit hindi ka makalimutan ng puso ko?
May isang folder dun na binuksan ko.
At nagulat ako sa nakita ko.....
Pictures ni Gab nung highschool.............
My Sweet Nuisance 16
Memories in photographs
Keyla’s POV
“oh Keyla, ikaw ang assigned sa Sports… may game mamaya, eto na ang excuse letter mo… ito ang cam… wala kang mentor mamaya kasi lahat ng higher year eh may meeting kaya ikaw na ang bahala ha???” iyon lang at umalis na si Ms. Garcia na siyang moderator namin
“ano?? Ako lang mag-isa?? Ah grabe!!!! Sus…. Takot pa naman ako sa bola… nakeeeh…. Hihihi.. pero ok lang… camera…. Camera.. lagot ka sakeng kabute ka…. May dala akong camera…. Lagot ka sa --- ”
“Keyla bawal mag-ingay dito....” tapos bigla tumalikod si Kabute... hmft masunget!!!!!
Tumulo yung luha ko. Ako yung kumuha ng lahat ng pictures na to. Ako.... lahat ng events. Pag alam kong kasali sya ron ay nagpepresenta akong magcoverage para lang masundan sya.
“pano mo nga pala ako nakilala?”
“ikaw kasi yung makulit na batang laging may hawak na Digicam dati”
Yan yung unang beses na nagkita kami ulit sa PNHS. May observation sana kami nun sa FS pero hindi naman kami nakapag-observe.
“palusot ka pa Keyla, kinikilig ka rin naman eh...”
“hindi ah”
“ayeeh!! nakita nya at nakausap pa yung ultimate crush nya...”
Yan yung naging reaksyon ng mga kaklase ko nung nalaman nilang nagpunta si Gab sa school.
“wala si Mica... ibinilin ka niya sa akin... tinawagan sya kanina ng ate nya at pinapupunta sya sa Tanay”
“iniwan ako ni Mica sayo?”
“you have no choice”
At ito yung eksena kung saan iniwan ako ni Mika at nailabas ko yung gusto ko sabihin kay Gab sa paraang di ko alam kung gets nya ba o hindi.
“wag ka nga mahiga dyan!”
“bakit, iyo ba tong lawn na to?! Huh? Huh?”
“eh kung sabihin kong oo, may magagawa ka?”
“so what kung iyo nga to... nagbayad ako para makapasok dito ano...?”
“then I’ll return your money para makaalis ka na...
At ito yung pinakanakakainis na parte ng buhay ko. Yung nag-away kami sa lawn ng resort nila. Inis na inis ako sa kanya nun pero narealize ko rin naman na baka nag-aalala lang talaga sya saken.
“bigyan mo muna ako ng dahilan kung bakit ayaw mo ako makausap... then I’ll tell my reasons”
“ayoko na Gab... hindi ko na kaya...”
“I haven’t tell my reason yet...”
“say it now...”
“DAHIL GUSTO KITA KEYLA...”
Nung nagtapat sya sa akin noon, masyado akong nashock. Inis na inis ko noon sa hindi ko alam na dahilan. Hindi ko sya nun pinansin at nagmukmok ako sa bahay namin. Tapos nung tinawagan ko si Mika na magtatransfer ako ng school, si Gab pala yung kausap ko nung mga panahong yun.
“I want you to make 3 promises...”
“ano yun?”
“promise me na 1 semester ka lang dun...”
“then?”
“second is that promise me that you would still contact me pag andun ka na”
“ano pa?”
“lastly, promise to stay single for me...”
“what!!!!”
“you heard it right Keyla...”
“bakit kailangan kong magpromise?”
“hindi kita papaalisin hanggang hindi ka nagpapromise!!!!!!!!!!!”
“ano ba kasing problema mo kuya Gab!!!!”
“hindi pa ba malinaw Keyla!!! Nasabi ko na naman di ba nung nasa team building pa tayo!!! Gusto kita!!! Gusto... hindi mo ba yun maintidihan!!! Takot akong mawala ka!!! Ayokong umalis ka... gusto ko palagi kitang nakikita!!”
Tuluyan na akong napahagulhol sa naalala ko. 3 promises. Nagkaron pala kami ng pangako sa isa’t-isa noon. Naiinis ako sa sarili ko. bakit ba hindi ko manlang nagawang maalala ang lahat. Bakit ngayon pa kung kelang ayaw nya na. Wala na ba talaga akong magagawa para ibalik yung dati?
Kasalanan ko to eh.
Tama. Kasalanan ko nga to. Kaya hindi ako susuko dahil pag sumuko ako, mawawala lahat ng to at pag nawala ng lahat ng to, mas kasalanan ko.
Binuksan ko naman yung diary. After ng ilang taon ay naibalik na rin saken ang diary ko. si Gab pala ang nakapulot nito. Akala ko dati tuluyan na tong nawala eh. Nabasa nya kaya yung mga nakasulat?
Dear Diary,
Nakita ko si Gab kanina, ang cute nya talaga. Haaaay.....
Dear Diary,
Kasabay ko sya pag-uwi.. hahaha.... ang galing ko ng stalker noh???? Inabangan ko kasi sya sa gate.. bwahahaha!!!!!
Dear Diary,
Sulit ang pagod sa pagcocover ng event kanina lalo na pag nakasama mo yung crush mo..... haaaaay
Dear Diary,
Kasama ko sya kanina sa flag ceremony!!! Ang saya saya!!! Yoooohoooooo
Dear Diary,
6 weeks. Meron na lang akong 6 weeks para makasama sya sa iisang school. Susulitin ko!!! sana maging magkaibigan kami!!!
Dear Diary,
T__________________T malapit na graduation day nila
Dito na nagtapos yung last entry ko. pano na naman, naiwala ko to.... nung isasara ko na yung diary, may nakita akong isang nakasingit na papel....
Binuklat ko yun at binasa.
Diary ni Keyla,
Ibabalik sana kita eh... kaya lang nahihiya ako.... pero wag ka mag-alala, ibabalik na rin kitapag bumalik na sya galing sa Baguio.
Diary ni Keyla,
Sinampal nya ako... awww....
Diary ni Keyla,
Nakabalik na yung may-ari sayo... kaya lang, hindi nya na ako maalala... baka ikaw, di ka na rin nya maalala....
Diary ni Keyla,
Ang bading bading ko na. Kinakausap kita. Di ko kasi sya makausap ehh.....
Diary ni Keyla,
Mahal ko sya.... sana maalala nya na ako...
**
Maaga akong nagising. Naligo muna ako saka naghanda ng pagkain para kina Mika. Tutal sabado naman ngayon eh walang pasok. May dapat akong ayusin sa buhay ko at sisimulan ko ngayong araw.
“Kuya, andyan po ba si Gab?” tanong ko dun sa bodyguard na nasa gate ng resort nila.
“opo Mam, tuloy po kayo...”
Huh? Weird? Bakit pinatuloy agad ako na hindi hinihingan ng identification???? Wahahaha!!!
Naglakad ako paakyat sa Function hall. Bale kasi mini-shop dun sa function hall. Bumili lang ako ng orange juice at isang malaking Nova saka ako lumabas ulit para hanapin si Gab.
Nagpunta ako dun sa lawn kung saan nya ako pinagsungitan dati. Parang kelang lang college week celebration namin at nandito kami. Ang sakit-sakit ng puso ko nun kasi nagseselos ako kay Izzy. Teka, si Izzy nga pala, bakit hindi ko na yun nakikita?
Pagtingin ko sa may poolside, may isang babaeng nakaupo ron. Nagbabakasakaling baka alam nya kung nasan si Gab, lumapit ako. Pero bago ko pa sya tuluyang malapitan, lumapit sa kanya yung hinahanap kong tao at tumabi sa kanya sa upuan.
Langyang lalaki to. Sarap ihulog sa swimming pool!!!
Relax Keyla, andito ka para magkaayos kayo ni Gab, hindi para mang-away.
Lumapit pa rin ako sa kanila kahit nadudurog yung puso ko sa nakikita ko....
“Gab, can we talk?”
Lumingon naman sya saken at napatingin sya sa kasama nya.
“KEYLA!!!!!! Namiss kita kapatid!! Tagal nating di nagkita!!! Sabi ni Gab nawalan ka raw ng ala-ala ah?? Totoo ba????” mabilis na sabi nung babae. Nung makita ko yung mukha nung babae, owhmeeeegash!!!! Si IZZY!!!!!!
Niyakap nya ako bigla kaya di na ako nakapagsalita.
“I-Izzy.....” sasabunutan kita bruha ka..... layuan mo si Gab!!!! Alam mo namang may gusto ako sa kanya pero lapit ka pa rin ng lapit sa kanya!!! Tatapon kita sa NEMIK!!!!
“Hmm??? Naku ha??? Bakit ba pinapahirapan mo itong aking kapatid??? Alam mo ba lungkot-lungkot nyan nung umalis ka!!!”
“Ako rin naman nalungkot nun---- ay teka, ANO??? KAPATID???????” sigaw ko.
“Yup, kapatid... Irene Zyan Lozano. Anthony Gabrielle Lozano. Pareho kami ng apelyido kasi kambal kami!! Di ba nya sinabi sayo?”
“h-ha???”
Kung may salita lang na may makakapagdescribe sa salitang pahiya eh yun na yun. Akalain mong sinasabunutan ko na sa isipan ko tong babaeng to pero kapatid pala sya ni Gab???
“hoy Keyla!”
“eh??? Ano kasi.......”
“pero alam mo na na nung nagpunta kami ng Baguio, pinagtatawanan naming lahat si Gab nun kasi sinampal mo sya!!! Haha.... selos ka saken noh?? Yeeeh, kasi mahal mo si Gab eh noh???”
“ha?”
“Izzy tama na yan, wala syang naaalala. Kaya wag mo ng ipaalala sa kanya.” Sabad ni Gab na noo’y paalis na.
Lumapit saken si Izzy at bumulong. “Keyla, umuwi yan kagabi na umiiyak....”
Pagkatapos nun ay tumalon si Izzy sa pool. Baliw na babae to. Haaaay..
Tumakbo ako para habulin si Gab. Ambilis maglakad aba!!!
“HOY GAAAAAAABBBB!!!!!!!!!! MAHAL KITA!!!!! Bumalik na alaala ko!”
Napatigil naman sya sa paglalakad dahil sa sinabi ko. hehe. I knew it!!!!!!
“hindi ako naniniwala....”
“di wag ka maniwala!!!! Papatunayan ko na lang!!!”
“oh talaga?”
Hinawakan ko sya sa kamay niya at isinandal sya sa pader.
“hoy! Anong ginagawa mo Keyla, nababaliw ka na ba?”
“hindi pa... ang alam ko lang matagal na akong baliw.. hahaha....”
“umalis ka dyan!”
“ayoko...”
“umalis ka sabi eh...”
“ayoko...”
“alis dyan...”
“ayoko... makinig ka muna saken....”
“oo na makikinig na....”
“di ba dito ka nagtapat saken na may gusto ka saken?”
“h-huh?”
“di ba dito mo ko sinungitan? Tapos pinagdrawing mo pa nga ako nun. Tapos binigay mo pa nga kay Izzy yung drawing kaya nagagalit ako nun!!!”
“Key---”
“makinig ka muna.... di ba nagpromise ako sayo na babalik ako? Andito na ko.... mahal kita... sorry kung di kita pinakinggan kahapon. Sorry kung wala akong tiwala sayo. Sorry kung nahirapan ka dahil saken... pero mahal kita eh..... kaya ako nagseselos kasi mahal kita. Kaya ako nasasaktan kasi mahal kita....”
Pinahid ko yung luhang tumutulo sa mga mata ko.
“ at ngayong narinig mo na yung sasabihin ko, pwede mo na ako kalimutan Gab...”
Lumakad ako palayo.....
Ahehe. Syempre echos lang yung huli kong sinabi noh....
Nagbibilang ako sa sarili ko....
One
Two
Three
“KEYLA!!!!!!!!!!!!”
My Sweet Nuisance Chap17
Izzy’s POV
“Hoy ikaw, pwede ka na dyan lumabas!! Bwahaha... tapos na kasi problema nilang dalawa. Uwi ka na sa inyo.” Sabi ko dun sa abnormal na kinulong ko at pinahirapan sa bartolina. Hehehe. Syempre joke lang yun noh. Ang ganda nga ng treatment nyang natanggap eh, akalain mo yun, 2 days syang guest sa resort namin???
“Hoy babae!!! Makauwi lang ako eh papakulong kita sa salang kidnapping!!!”
“ehh?? Sino namang magiging testigo mo ha??? Yung mga staff namin? Haha, asaness lang kuya? Ay Dwayne nga pala pangalan mo noh?”
“Wala kang pakialam sa pangalan ko!!! at lalapitan ko sina Gab at Keyla hanggang gusto ko!”
“hooooooooooooooooy!!!! Wag na wag kang lalapit sa kambal ko kung ayaw mong masilid sa loob ng nitso mamayang gabi!!!!!!”
“At sino ka para pagbawalan ako ha?”
“ako si Irene Zyan Lozano na kakambal ni Anthony Gabrielle Lozano na boyfriend ni Keyla Sharey Ramirez na pilit mong sinusulot!!!”
“hindi ka ba talaga titigil ha???”
“hindi!!! Hindi hanggang di mo tinatantanan yung girlfriend ng kapatid koooo!!!!!”
“ah ganun??????” Lumapit sya saken at hinawakan yung dalawa kong braso.
“Ho-hoy!!!!! Wag na wag mo kong mahawakan ha???? Susumbong kita sa bodyguards namin!!!!”
“wala ka namang bodyguards ngayon di ba???”
“w-wala nga!!!”
“yun naman pala eh!!!!”
“ha? Anong gagawin mo saken??? Kikidnapin mo ba ako tapos ang ransom ay si Keyla??? Ha? Ha????? Para sabihin ko sayo, kahit kidnapin mo pa ko, kahit na ipadala mo pa ako sa neverwonderland kasama ni author eh hinding-hindi mo makukuha si Keyla!!! Mang-aagaw!!!”
“anong sabi mo?”
“mang-aagaw!!!”
“ano???”
Inilapit nya yung mukha nya saken at...................................
“mmmmm-mmmmmm”
LANGYANG DWAYNE YAN!!!!!!!!!!!!!! IHUHULOG KO SYA SA BALONG PINAGTATAGUAN NI SADAKOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!! Ahuhuhuhu......
**
“Manong Arnold, pakibalik po yan sa planetang pinaggalingan nyan ha? Wag nyo na po papabalikin dito sa Earth kung ayaw nyo masesante!” utos ko dun sa driver namin.
“opo mam....”
Walang nagawa si Manong Arnold kundi ihatid yung kumag na yun pauwi sa kanila. HAH!!! Ang lakas ng loob nyang halikan ako!! Uwaaaaaaaah! Ang first kiss ko wala na!!! Wala na!!!! Ahuhuhu.....
“wala na... wala na.. ay tae!”
Nakupo may naapakan yata ako....
“anong wala na???”
“Keyla???”
“Hehe.. hello Izzy...”
“oh? Okay na ba kayo ni Gab?”
“ahm.... ano kasi....”
“ano di pa ba kayo okay? Matapos ang paghihirap ko! waaaah! Matapos ako maha---” napatigil ako. Ahuhuhu. Naalala ko na naman!
“ha? Maha---”
“ah wala yun! Haha. Oh eh ano bang nangyari?”
Bumungtong-hininga sya. Naku Gab, pag di pa kayo nagkaayos eh sasapakin ko na sarili ko. alang-alang sayo eh kinidnap ko yung manyakis na yun.
“Di daw sya makikipag-bati pag di ako pumayag na pakasalan sya......”
“HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Gab’s POV
“Uy Mina!!! Hahaha.. the best ka talaga! Invite kita minsan dito sa resort namin ha? Lalo na pag pumayag na si Ate Keyla sa gusto ko. hahaha.”
“oh talaga kuya Gab? Gusto ko yaaaan! Yahoooo!! Ay teka kuya, okay lang ba kung isasama ko si Ate Mika saka si Kuya Brionne, saka yung 3 kong kaklase?”
“ayos lang yan!!! Haha.... malaki ang utang na loob ko sayong bata ka....”
“ganun? Hahaha.. sige Kuya Gab, ibababa ko na...”
“ay teka lang Mina, pwede bang ibili mo ako ng Kiss?”
“ha?”
“ibili mo ako ng Kiss. Yung binili mo dun sa tindahan.”
“aysus, bakit kelangang ako pa?”
“eh kasi wala nun dito eh... sige na please?”
“oo na po!! May utang ka ulit saken ha?”
“oo nga eh.. sige babye na Mina!!!”
Negosyanteng bata yun. Haha. Pero okay lang, paminsan-minsan pala ay maganda ring nakakausap ang mga bata. Pag kasi si Kirby ang kausap ko eh lagi na lang tungkol sa computer ang gustong topic. Tapos mauuwi sa “Kuya bili mo naman ako nitong gadget na to...” haha.
Magkaedad nga lang pala sina Mina at Kirby. Tamang-tama, pag natuloy na ang engagement party eh magkikita yung dalawang yun. For sure magkakagulo.
Paglabas ko andun na si Keyla sa tapat ng function hall at nakatayo.
“tara na?” yaya ko sa kanya.
“sige....”
Sumakay ako sa motor at sinenyasan si Keyla na sumakay.
“magmomotor tayo?”
Ay hinde Keyla magbabangka tayo, gusto mo?
“oo, bakit ayaw mo? Wala yung van eh, pinatakas ni Mika...” adik kasi si Mika, may iniutos raw kay Manong Arnold. Ewan ko ba dun sa babaeng yun. Kay arte, pwede namang pa-trike na lang, pinagamit pa yung van!!! Magastos eh.
“ha? Ah eh.... ano kasi...” tutol ni Keyla.
Iniabot ko sa kanya yung helmet, isinuot nya naman yun at sumakay na sa motor.
“susunod ka rin naman pala, pakipot pa...” bulong ko nung nakaayos na sya ng upo.
“Ha?”
“wala, sabi ko ganda mo, pakasal na tayo...”
Hala Gab, masyado ka ng nagiging salbahe kay Keyla. Hindi ka naman ganyan ah.
“adik.. ano kasi Gab eh..... bakit ba kailangang kasal agad? Ano kasi eh, di ka ba nabibigla dun sa desisyon mo?”
“hindi eh.. baka kasi maumpog ulit yang ulo ko at makalimutan mo na ako. At least kung makakalimutan mo man ako, papakita ko na lang sayo yung marriage contract para wala ka ng kawala.”
Natawa ako. Tingin nyo masyado na akong nagiging possessive noh?. Alam ko namang nag-aaral pa tong si Keyla kaya di pa naman talaga kami papakasal. Ang adik ko naman kung ikakasal na kami. Siguradong may mga pangarap pa sya sa buhay na gusto nya pang matupad. Tinatakot ko lang to, baka iwan ako ehh.
“eh kasi, hindi pa naman tayo....”
“oh talaga? Kala ko tayo na?”
“kaw yata ang nabagok ang ulo Gab eh... hahaha....”
“anong sabi mo??? Ako, nabagok yung ulo? Di ba ikaw yun? Pero teka, di ba nga tayo na? Sinagot mo na ako kahapon ah.. ibig sabihin tayo na?”
“pero di ba hindi ka naman nanligaw?”
“err??? Kelangan pa ba nun?”
“naman!!! Wag mo sabihing di ka marunong manligaw?”
“H-huh? Oy marunong ako!!!”
“talaga?”
“oo nga!!!!!!!!!”
“ows???”
“ayaw mo maniwala?”
“ayaw...”
“di wag ka maniwala... basta alam ko, tayo na!!!”
“eh basta alam ko, hindi ka marunong manligaw!!!!”
“oo na! Di na marunong manligaw!! Pero di ko na kailangan manligaw noh. Ikakasal na nga tayo eh.”
“hoy sinong nagsabi sayo na ikakasal na tayo?”
“ako! Bakit angal ka Keyla? Hahaha...”
Nakakatuwa talaga galitin nitong babaeng to. Namumula eh. Itinigil ko yung motor sa Savemore. Pumasok kami at nagpunta sa bilihan ng jewelries.
“uy anong gagawin natin dito?”
“eh di bibili ng singsing....”
“oh? Para saan?”
“para sayo... kasi nga ikakasal na tayo...”
“Uy Gab!! Wag ka namang malupit sa akin oh. Di pa naman ako handa magpakasal. Wag tayong magmadali... please?”
Hinawakan nya yung kamay ko. kinapitan ko naman yun saka kami naglakad. Nakakatuwa talaga sya. Ang sarap niya pikunin. Yung boses nya ay parang nagiging musika na sa pandinig ko.
Dinala ko sya sa isang Videoke booth sa Fun House at pumasok kami sa loob. Pumili ako ng kanta at pinlay yun.
“eh sino ba naman kasing may sabi sayo na ngayon tayo magpapakasal?”
“huh? Eh di ba sabi mo---”
“ooops, wala akong sinabing ngayon tayo magpapakasal. Alam ko namang marami ka pang pangarap sa buhay at handa naman akong suportahan yun eh. Saka bata pa tayo, marami pang pwedeng mangyari habang bata pa tayo. Hindi pa ngayon yung oras para ilaan natin yung sarili natin para sa isa’t-isa. Gusto ko bago tayo magpakasal ay magawa mo yung lahat ng gusto mong gawin at maenjoy mo ang pagiging single. Ayokong matali ka sa isang relasyon na hindi mo naman gusto. Kaya naman hihintayin kita Keyla. Narinig mo? Hihintayin kita gaya ng paghihintay mo saken. Hihintayin kita hanggang maging okay na tayo pareho. Maghihintay ako kahit gano katagal. This time ako naman yung maghihintay para sayo dahil nagawa mo na akong hintayin sa loob ng ilang taon.”
“Gab... hindi ba ako nananaginip?”
Umiiyak sya. Tumutulo yung luha nya sa pisngi nya. Hindi na kita papaiyakin Keyla, promise.
“Hindi ka nananaginip.... totoo na to... you should know what a nightmare and reality is... your nightmares are over. It is now the time to know that it’s for real....”
Hey Daydreamer
You gotta be prepared to leave her in your fantasy
'Cause when it's over
you gotta make sure that it's you who'll be with her
Hindi ka na nananaginip Keyla.
Coz lahat ng mararanasan mo ngayon ay totoo na.
My Sweet Nuisance Epilogue
“Mommy andito na po ako!!!” sigaw ni Keyrelle habang patakbong lumalapit sa akin.
“oh ang anak ko, kamusta ang first day sa school?”
“okay lang naman po... hmp mommy mommy, may babae pong sunod ng sunod sa akin! Nakakainis sya! At pinicturan pa po ako!!!”
“oh talaga? Haha. Mana ka talaga sa daddy mo....”
“pero mommy ayoko sa babaeng yun, masyado syang cute!!! Tapos ang ingay-ingay nya pa!! Lagi nya ako kinukulit...”
“okay lang yan anak... sige na, akyat ka muna sa kwarto mo para makapagpalit ka ng damit ha? Tapos baba ka kasi magmemeryenda tayo...”
Pagkaakyat ni Keyrelle ay naghanda na ako ng pagkain. Ang bilis ng panahon. Ang laki-laki na ng anak namin. Parang kelan lang ay natututo syang maglakad at magsalita. Ngayon ay may nagkakacrush na sa kanya...
Haaaaaaaaaaaaaaaay......
“Keyla, gising na...”
“5 minutes pa Ma... sige na please? Inaantok pa talaga ako ehh...”
“Keyla....uy, andito na si Gab, malelate kayo nyan sa pupuntahan nyo...”
“ha? Eh 6am palang ah.... imposibleng andito na yun, mahilig yun matulog eh.”
“Sinong mahilig matulog ha?”
“si Gab.. sige na Ma, 5 minutes pa.... hmmm?’
“Hoy Keyla, bumangon ka na dyan! Siguro napapanaginipan mo na naman ako kaya ayaw mong bumangon noh? Grabe ka ha? Ganyan ka ba patay na patay saken?”
Bumangon ako sa pagkabigla. Andito talaga sya? Weh di nga? Joke yun?
“Hoy Gab, anong ginagawa mo dito? Inaantok pa ako...” bumalik ako sa pagkakahiga at nagtaklob ng unan.
“hindi ka ba talaga babangon ha?”
“hindi... kaya shuupeee, labas ka dito...”
“eh di hindi....”
Tumahimik na sya kaya lang bigla kong naramdaman na may nahiga sa tabi ko at kinuha pa pati kumot ko....
“HOOY GAAAAAB!!! Lumayas ka sa kwarto ko!!! bawal ka dito!!!”
“ayoko.. matutulog na rin ako... goodmornights Keyla dear...”
“Hoy! Umalis ka nga dyan, baka anong isipin ni Mama! Hoy!!”
“ayoko...”
As usual talo na naman ako sa makulit na lalaking to. Lagi naman eh. Haaay. Hobby nya na yata ang bugnutin ako sa aking buhay. Kawawa na tuloy ako.
Si Dwayne, hayun, laging bina-blackmail ni Izzy. Kawawa na yung taong yun. Basta nung naging kami na ni Gab officially eh tinapat ko sya na bumalik na yung alaala ko at si Gab talaga ang mahal ko. sabi nya susuportahan nya yung desisyon ko pero di naman sya bumalik sa Benguet. Dito pa rin sya sa URSP nag-aaral.
Si Izzy, yung kambal na yun ni Gab. Hay naku. Wala akong masabi. Araw-araw nya ako tinatawagan para kumustahin. Tapos lagi nya sinasabi na malaki ang isinakripisyo nya para samen ni Gab kaya wag daw kami mag-aaway. Di ko naman alam kung ano yun. Haaay. Pag daw naghiwalay kami, magtatago na sya sa kabundukan ng tralala. Lagi nyang kaaway si Dwayne. Pag naman tinatanong namin kung anong pinag-aawayan nila, tumatakbo lang sila palayo.
Si Mika, hehe. Syempre may Brionne na yun. Wag na natin pakelaman ang lovelife nun. Basta ang alam ko lang, seryoso na sila sa relasyon nila at magpapakasal na sila after 2 years.
Si Brionne, hayun. Deeply and madly in love sa aking bestplen. Akalain mong nagtino sya ha? Takot nya lang mabugbog ni Mikay ah. Kung ako nga natatakot dun pag galit eh, sya pa kaya.
Si Hyacinth, hindi ko na alam kung sang lupalop na ng Pilipinas naroroon yun. Pero ang huling balita ko eh nakapangasawa raw ng Matandang Mayamang Madaling Matigok ang bruhang babae. Haha, bad Key. Basta wag na natin sya usisain. Naalis lang naman kasi sya sa pagtuturo noon.
Si Gab, sya na ngayon ang namamahala ng resort nila. One sem lang naman sya nagturo sa URS eh. Tapos nun ay umayaw na sya. Ewan ko ba kung bakit naisipan nya magturo eh wala naman sa hitsura nya ang magtuturo. Pinagkakaguluhan lang sya ng mga babae dun.
Pagkatapos ko maligo ay bumaba na ako ng hagdan. Andun na sya sa lamesa at kumakain kasama ni Mama.
“Hoy, bakit di mo ako hinintay ah?”
“gutom na ako eh. Saka masarap kasi yung luto ni Tita, ito oh tikman mo...”
Sinubuan nya ako ng isang pirasong Maki. Wow ang sarap nga! The best talaga magluto si Mama! Haha. Kaya ng idol ko yan eh!!
“hmm.. masarap nga... sige kain na rin ako...”
“ay anak, wala ng pagkain. Hehe. Di ko naman kasi alam na darating si Gab eh, pang dalawang tao lang ang hinanda ko.”
“hala Mama!! Pinagpapalit mo na ba ako sa Kabuteng yan?? Huhuhu...” tiningnan ko si Gab ng masama. “Hoy Gab! Sa susunod na pupunta ka rito magdala ka ng sarili mong pagkain!”
“ayoko nga. Masarap luto ni Tita eh. Yun ang gusto ko kainin...” sabay belat ni Kabute.
“Eh pano naman ako? Magugutom ako!!!”
“eh di magluto ka ng iyo.. problema ba yun?” at isinubo nya yung huling piraso ng Maki. Langyang lalaki to. Kala mo taghirap sa kanila kung makaubos ng pagkain namin. Eh ang yaman-yaman nya nga ehh!
“talaga! Magluluto ako, wag ka hihingi!!!!”
Natatawa na lang si Mama sa nakikita nya samen. Haha. Ang adik lang ni Mama eh. Nananadya yata talagang ipakain kay Kabute ang pagkain ko.
Pumunta ako sa kitchen at naghalo ng kung anu-ano. After 10 minutes, may pancake na ako.
“Hmm sarap!!!! Aaaaahm!” sabi ko habang kinakain yung isang pirasong pancake. Lumapit saken si Kabute.
“penge...”
“ayoko... magluto ka ng iyo....”
“di ako marunong magluto....”
“che!! Wala akong pakelam kung di ka marunong magluto.... inubusan mo nga ako ng pagkain ehh...”
“penge na dali...”
Imbes na sumagot ay lalo ko pa syang ininggit sa kinakain kong pancake.
“Hmm! Ang sarap talaga ng pancake!!”
Akma namang aagawin nya yung pancake pero nai-iwas ko yun at tumakbo ako palabas ng bahay. Bahala kang kabute ka dyan.
Hinabol nya ako palabas at naabutan nya ako. Aruykupo. Katapusan na ng mundo este ng pancake ko.
Nung inabutan nya ako, akala ko ay aagawin nya yung pancake ko pero bigla nya lang akong isinakay sa kotse nya habang buhat nya ako. Ako naman, walang masabi sa mga nangyayari. Hinayaan ko lang sya magdrive habang hawak ko yung tinidor na pinangtusok ko sa pancake.
Tumigil kami sa Pililla Elementary School Central. Dito kami nag-aral ng elementary. Dito kami unang nagkita. Matagal na rin pala nung huling beses kong pumunta dito. Nakakamiss tuloy.
Hinawakan nya yung kamay ko at dinala ako sa second floor. Nung andun na kami, kinausap nya ako sandali.
“Dyan ka lang Keyla ha? Baba lang ako saglit, may kakausapin lang ako sandali sa baba. Babalik din ako.”
“okay..”
Habang nasa baba sya ay tumingin-tingin ako sa paligid. Walang nagbago. Ganito pa rin kakintab yung sahig. Ganito pa rin katahimik yung paligid. May pailan-ilan pa ring pasaway na estudyante na naglalaro ng jack stone sa lapag at naiiwan yung yung mga star sa sahig pag dumarating na yung teacher. Nakapagtataka lang na walang tao ngayon sa lahat ng calssroom samantalang class hours pa naman eh.
Hey Daydreamer
You gotta be prepared to leave her in your fantasy
'Cause when it's over
you gotta make sure that it's you who'll be with her
Yeobu Gab calling
“Hello?”
“Keyla.. baba ka na....”
“okay....”
Binaba ko na yung call. Sa unang paghakbang ko palang pababa sa hagdan ay narinig ko na yung isang pamilyar na tunog.
Now playing: It Might Be You by MYMP
Time
I’ve been passing time watching trains go by
All of my life
Lying on the sand watching sea birds fly
Wishing there would be
Someone waiting home for me
And it’s telling me it might be you
All of my life
Di ko alam kung saan nanggagaling yung tunog. Sa dulo ng hagdan ay may arrow na nakaturo sa kaliwa. Papunta yung sign sa gawi ng classrooms ng kindergarten.
Pagpunta ko naman sa dulo ng pathway, may sign papunta sa classrooms ng grade 3. At pagpunta ko sa gawing yun, may sign na nakaturo papunta sa parts na nililinisan ng grade V-1.
Andun si Gab na naghihintay. May isang lamesa ron na may bouquet ng bulaklak. Bigla namang naglabasan lahat ng mag-aaral na di ko alam kung saan nanggaling at hinila ako papunta kay Gab.
Looking back as lovers go walk and pass
All of my life
Wondering how they met and what made them last
If i found the place
Would I recognize the face
And it’s telling me it might be you
All of my life.
The music will end here.
Magkaharap na kami ngayon habang napapalibutan ng maraming bata. Pero wala akong ibang nakikita kundi sya lang.
“Keyla... gagraduate ka na mamaya di ba? Hehe. Eh ano kasi... hindi naman ako sure kung payag ka ng pakasal saken pero tatanungin pa rin kita..... will you marry me?”
Hindi ako agad makasagot. Pakiramdam ko mauubusan ako ng oxygen anytime. I never thought that he can do this. Even in my dreams or whatsoever nightmares.
“Keyla....”
“ha? Ah eh....”
“Is this a dream or a nightmare?”
“It’s reality honey...”
“then it’s a YES!”
Ilang beses na nga ba ako nanaginip na sana kami ni Gab, na sana magkasama kami, na sana happy ending kami. Ang hirap paniwalaan. Pangarap ko lang siya dati na biglang nagkatotoo. Pangarap ko lang sya dati na nalimutan ko. Pangarap ko lang na sa isang iglap ay gigimbal sa buong puso ko dahil totoo pala sya.
Dati hinihintay ko lang sya. Pero heto na kami ngayon, no more waiting. No more dreams, no more nightmares, no more nuisance. Coz this.......... is the SWEET REALITY.
-END
FINAL AUTHOR’S NOTE!!!!!!!
May BAD at GOOD NEWS ako......
Haruuuuuuuuuuuu!!!!! Sa wakas!! After 10 months ay natapos ko na din ang MSN!!! Ahehehe.. ang bagal ko kasi mag-UD ah. Ako na busy.
Syempre, maraming-maraming salamat po sa mga walang sawang sumusuporta sa MSN, sa aking fave reader na si crazygirlshara na aking kababayan sa Rizal. Hoho. Salamat din po sa mga silent readers. May kilala akong isa dyan. Hoho. Kapatid ka ng kaklase ko. nabisto ko sya kasi sabi daw nya sa ate nya, “Ate basahin mo yung My Sweet Nightmare...” sabi naman ng kaklase ko, “Ayoko nga, kaklase ko nagsusulat nun eh...” hahaha...
Alam ko naman pong nag-e-LBM ang plot nitong istoryang to. Pano ba naman, napakatamad ni author mag-isip. De joke lang. Actually malaki po kasi ang nabago sa plot ng istoryang to. Mula sa umpisa hanggang ending, ang original ending nito ay mamumundok si Keyla at susundan sya ron ni Gab, di ko lang tinuloy kasi bitter ako nung sinusulat ko yun. Isa pa, ang MSN ay masasabi ko pong trial and error, testing at pinagpraktisan ko lamang. Wala itong magandang plot dahil bigla lamang umusbong ang ideya nito habang ako ay natutulog. Yep, napanaginipan ko lang talaga sya.
Maraming inconsistencies. Tama kayo dyan. May mga character din na hindi ko na nabigyan ng hustisya gaya ni Hyacinth. Kung gagantihan ko pa kasi sya eh baka hindi ko na matapos ang MSN. Minadali ko po talaga ito tapusin.
Bakit ko po minadali???
Busy po talaga ako ngayon. Nagle-layout po ako ng Magazine at Literary Folio ng aming unibersidad. Alam nyo namang editor in chief ako di ba? Kaya hayun! Busy ang lola nyo. By December naman po ay lalaban na kami sa Regional Higher Press Conference sa Lucban Quezon. Kailangan ko po magfocus sa pag-aaral ng copyreading at ng kung anek-anek pa may kinalaman sa pagsusulat. Hindi ko po forte ang pagsusulat ng nobela, ako po ay nakalaan sa pagsusulat ng balita. So anong konek? Ayaw ko po dalhin ang MSN sa pagsabak ko sa presscon. Gusto kong sumali ron na walang iniisip na kelangan ko mag-UD. Hehe. Baka mabaliw ako.
Ang BAD NEWS.
Pansamantala po muna akong hihinto sa pagsulat ng Ongoing Series. Tatapusin ko po muna ang MAC tapos ay magpapahinga na muna ako. Pero babalik rin naman ako bago matapos ang taon.
Ang GOOD NEWS.
Ang next ongoing ko ay yung story nina IZZY at DWAYNE. Ang title po nya ay DON’t YOU DARE TO FALL. Hindi ko pa po sure kung mapopost ko na sya pero may prologue na po ako. So far, hindi ko pa alam kung kelan ko ipopost kasi nga di ba sabi ko ay magpapahinga muna ako sa pagsulat ng ongoing series. Pero magsusulat pa rin po ako ng short stories.
Inactive user naman talaga ako. Hindi pa rin ako regular na makakabisita sa wattpad. Pero pwede nyo naman po ako i-add sa FB.. just search for Skyrelle Kinomoto. Wala akong kapangalan.
Sa mga gusto po ng soft copy ng MSN Season 1 and 2, available na po ang Soft copies. Pati na po yung iba kong istorya, may soft copy na po. Only Secured PDF file ang binibigay ko.
Sana po magbigay kayo ng mahabang final comment dito sa epilogue....
MSN ends here... wala pong BOOK 2....
Kaway kaway Keyla and Gab.... Keyrelle
____
©December 19, 2011 - October 28, 2012
Property of pinkheartstrings