FIRST TEN DATES WITH HIM
©2012 ALL RIGHTS RESERVED
Unless otherwise indicated, all materials on these pages are copyrighted by SUZETTE PAMPLONA CASTALONE. All rights reserved. No part of these pages, either text or image may be used for any purpose. Therefore, reproduction, modification, storage in a retrieval system or retransmission, in any form or by any means, electronic, mechanical strictly prohibited without prior written permission.
CONTACT THE AUTHOR HERE:
http://www.wattpad.com/user/pinkheartstrings
FIRST TEN DATES WITH HIM
Ang aking likha ay aking iniaalay sa kanya na nagbibigay inspirasyon sa akin habang isinusulat ko ito… ang taong muling nagpakilig sa nalulumbay kong puso... haha. Charot langs.
Naniniwala ako sa isang prince charming...
Isang prince charming na magtatanggol saken pag nasa panganib ako..
Isang prince charming na handa akong puntahan agad pag malungkot ako...
Pero napurnada ang pangarap ko nung araw na yun.
Akala ko kasi nahanap ko na sya.
Pero sinira nya lahat ng pangarap ko.
At nadagdagan pa yun ng kung anu-ano.
Lalo na nung nagyari tong lahat.. na kasalanan ko naman.
Kaya heto ako ngayon...
Naghihintay.. naghihintay na sana...
Sana bumalik sya.
Kasi masakit na.
Teka... kelan nga ba ako huling kinilig?
Di ko na matandaan.
Kaya sana bumalik na sya...
Kasi...
Namimiss ko na sya...
First Date With Him
“we were strangers starting out on a journey... never dreaming we’d have to go through”
1:30pm; 3rd and last subject; Research 1; COE bldg. Rm 203
September 23, 20**
OFF to UPLB.... yey!!! I’m gonna meet Kuya Harry nah!!! Yahooooo.... ^________^
Paulit-ulit kong binabasa yung schedule ko sa notebook. Aish... sa totoo lang, tanggap ko na naman na ito na yung magastos na part ng thesis. Mamaya kasi pupunta na kami sa mga respondent schools namin at ang first stop..... UPLB!!!
Haaaay!
Napabuntong hininga na lang kami mga kaklase ko pag naiisip. 10 days kami ron para maggawa ng chapters 1 and 2. At kung tatanungin nyo kung anong thesis title namin, di ko rin memorize eh... basta tungkol sya sa mga AKTIBISTA.... yoooohoooo... katakot langs... hoho
Masaya ako.... syempre... may nakilala akong isang tao from UPLB not so long ago... yep, lalaki po sya.. at sya si Kuya Harry. Nagkakilala kami sa wattpad. Pareho kaming writers online and offline. Pano? Editor in Chief po ako ng university publication at sya naman, staffer din pero di ko alam ang position nya. Sabi nya nga, “pareho kaming alagad ng katotohanan”. To make the story short, we became friends. We have a lot of common. Akalain mong pati Anime na paborito ko ay paborito nya rin! At mas marami pa syang alam kesa saken... nakuuu!
Nung birthday ko, binigay nya saken ang cellphone number nya. In fairness... hindi nya hiningi yung saken. Unlike the others na nanghihingi ng numbers. Yan ang tunay na lalaki!!! Sila nagbibigay... haha
At hayun, after so many years, muling nagkasilbi ang cellphone ko.
At dahil dun, lalo ko sya nakilala
What’s so mysterious with kuya Harry is that I never saw his face ever. Sa FB at Wattpad, never pa syang nag-upload ng picture nya.
I do hope, hindi naman sya gangster type na sasakalin ako.. huhu.. at hindi naman sya fratmen.. sure ako dun kasi nabanggit nya na saken once na napanaginipan nya yung mga fratmen na inaway ng nanay nya. Haha...
In short, nakakatuwa talaga si Kuya Harry, para talaga kaming tunay na magkapatid. Mas close pa nga kami kesa sa tunay kong kuya.
At ang maganda pa ron, pareho kaming ayaw sa..... PBB TEENS!
“OK we’re here!!!!” sigaw ni Wendy habang nakatanaw sa campus.... huwaw!!! Anlaki-laki naman nito... ahuhu... samantalang yung school namin, malaki nga pero puro palayan naman...
“WOW!!!!!!! Tara na dali!!!!!! Nakakatuwa naman! First time ko dito nakapunta... pakiramdam ko ayaw ko na umalis!” dagdag pa ni Zyke
“Haha.. adik lang Zyke? Nga pala, nasayo yung letter natin di ba? Labas mo na para makapasok na tayo! Excited na kooooo!!!!!” natatawa kong sabi....
Ako? Excited? Oo naman... sobra, naghihintay na kasi saken si Kuya Harry sa loob. Yeeeh.... syempre nga di ba ito yung first time ko na makikita sya? Kaya ayun, ngarag lang.
Pagpasok namin, kinausap namin agad yung chancellor. Bale ok na naman lahat ng transactions namin sa kanila kasi naitawag na namin to para di sayang yung punta namin. Approved ang lahat ng papers namin. Pinayagan kami magcapture ng mga facilities at magikot-ikot ngayong araw. Getting to be familiar ang drama. Haha
Pagkalabas namin, agad kong tiningnan yung phone ko... tsk... 7 messages.
3 mula sa tatay ko.
3 GM, isa from Zyke, isa from Wendy at isa from Frantz, classmate din namin
1 from kuya Harry
From Harry V: Tet! Wahaha... 12:00 vacant ko today. Intay kita dito sa may botanical garden. I am wearing blue shirt. Ingat ka sa byahe... bwahaha. Kitakits maya! Excited na ko!
Eh kung excited sya, mas excited naman ako noh. Dami ko kayang picture sa facebook. At for sure naman nakita nya yun. Eh ako? Di ko pa sya nakikita. Daya kasi sya. Hmft
Tiningnan ko yung wristwatch ko. 3 minutes before 12:00. Lagot. San kaya yung botanical garden?
Eksakto namang may grupo ng mga estudyante na papalabas ng classroom kaya nakapagtanong ako agad.
Sus... layo pala nun dito sa kinatatayuan ko.
Laka-takbo ang ginawa naming tatlo. Syempre kasama ko pa rin sina Zyke at Wendy. In case na maligaw kami, di lang ako mag-isa. Tatlo kaming nganga.... haha
After 10 years, narating namin ang Botanical Garden ng buhay at ligtas... haaaaay!
KAWAIIII!!! Ang kyot ng place!!! Daming plants, malamang garden eh noh????? Munbaliw lang si Tet...
Then....
I saw him sitting. Nakatalikod. Grabe ha? pati ba naman sa una naming pagkikita suspense parin? Kinakabahan ako...
“Tet... sya na ba yun? Grabe, nakatalikod pa lang mukha ng gwapo!” ~Wendy
“loka-loka ka talaga... nakuuu! Baka naman hindi sya yan?”
“eh di ba sabi mo naka-blue... sya lang kaya nakablue... at take note... sya lang ang TAO dito.. gets?”
Di ako nakinig kay Wendy. Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si kuya Harry.
To Harry V:
Andito na ko kuya. May nakita na akong nakablue. Lingon ka kung ikaw nga iyon. :)
please lumingon ka...
Second Date With Him
“now here we are… and I’m suddenly standing.. at the beginning with you”
Sending message....
Message failed...
Ayaw magsend!!!! Aish... nakakabwisit!!! May signal naman ah?
Nagcheck ako ng balance. Huh? Zero balance? Anyare?
Saka ko lang naalala... kanina pa ko text ng text... di pa nga pala nakaregister sa unli tong sim ko!! Brrrr.. badtrip!
“uy ano? Hindi pa lumilingon! Baka naman hindi sya yan?.. tara na, gutom na ko eh”~Zyke
“baliw ka talaga! Naubos pala regular ko! Pano na ko nito makakatext? Patext ako Zyke... sayo rin Wendy..”
“wala kaming regular load eh..” sabay nilang sabi...
Oo nga pala TNT sila tapos TM kami ni kuya Harry... huhu....
It’s now or never.
Hinga ng malalim.
Dugdug.
There’s no harm in trying di ba?
One meter na lang ang layo ko sa kanya. Siya na kaya talaga to?
Parang nagbabara yung lalamunan ko. Magback-out na kaya ako? Pwede pa naman kami magkita bukas di ba? Tutal 10 days ako dito at first day ko pa lang.
“k-kuya...” aish... pabulong ko lang nasabi. Asan na ang lakas ng loob mo Tet?
Di ako papatalo... ok.. sige, last try.
“Kuya, magandang tanghali po...” sa wakas ay nasabi ko habang nakayuko. May pagka-koreano kasi ako.. haha
“ako po si Tet... ikaw po ba si Kuya Harry?” dagdag ko. Then I heard him chuckled. OHWMAY! Mali ba ako? Sabi na nga ba eh.. brrr! Kainis! Pahiya naman ako dun eh.
“naku!!! Sorry po! Kala ko po ka---” pinutol nya yung sasabihin ko nung bigla nya ako inakbayan.
“ako nga ito Tet! Ang iyong kuya Harry! Kala ko di ka na darating eh. O baka naman naligaw ka pagpunta dito. Ipapahanap na sana kita sa mga CCTV... haha” masaya nyang sabi.
Tinitigan ko si kuya. Siya ba talaga to? Bakit ang gwapo nya? Haha. Sya ba talaga to?
“kumain ka na ba?”
Umiling ako. Kanina pa nga ako gutom eh. Kasi nga di ba dumiretso kami nina Wendy at Zyke dun sa chancellor’s office.
“tara kain na tayo? Dun tayo sa canteen? Ipapakilala kita sa mga kaklase ko.” Yeeeh answeet ni kuya. Haha. Ako’y kinikilig. Ni minsa’y di ito nagawa sa akin ng walangya kong ex. Pssh.. bitterness...
Bago ko makalimutan, may mga kasama nga pala ako.. holo.
“Ay kuya! Nga pala..” sinenyasan ko sina Wendy at Zyke na lumapit.
“Kuya, siya si Wendy, at siya naman si Zyke... mga thesismates ko... Wendy, Zyke, si Kuya Harry...” pakilala ko sa kanila.
“kamusta kayo mga kaibigan. Kayo pala ang mga thesismates nitong batang to? Naku. Mahusay iyan. Tara? Sabay-sabay na tayo kumain.”
Sa canteen.
Isa-isang pinakilala saken ni Kuya ang mga kaklase nya. Ayos ah. Dami nya talaga friends. Pero bakit sa facebook, parang di sya friendly? ^______________^
Pagkatapos nun ay sinamahan nya kami maglibot-libot sa mga facilities ng UPLB.
Pagdating ng 3pm, bumalik na si Kuya sa klase nya kaya kami-kami na ulit tatlo ang magkakasama.
“Uy Tet, sigurado ka bang sa Wattpad lang kayo nagkakilala huh? Para kayong super close ah? May naaamoy tuloy akong malansa sa inyong dalawa?”~Wendy
“aysus... eh ano namang malansa dun? Magkapatid lang talaga ang turingan namin sa isa’t isa.”
“pero parang ang super close nyo agad noh? Ilang months pa lang naman kayo magkakilala pero ganyan na agad ang approach... pero sabagay din, pag pareho kayo ng mga paniniwala at gusto, hindi imposibleng magkasundo kayo agad...”~dagdag ni Zyke
“tama. Saka sobrang bait naman ni kuya di ba? Kita mo naman oh... nakakatuwa talaga sya... ang sarap nya iuwi at gawing kuya.. haha.. para meron na kong tagapagtanggol sa mga salbahe nating kaklase... hihi”
Paglingon ko, wala na yun dalawa..aba! san yun nagpunta? Grabe naman.... nakuuu!!! Babatukan ko yung dalawang yun mamaya... PROMISE!
Kapit ko pa rin yung camera, naglibot-libot na rin ako hanggang may narinig akong isang pamilyar na tunog. Sa dulong kwarto ng building na ito ay may tumutugtog ng piano. Pamilyar talaga yun. Parang narinig ko na talaga yung tunog na yun, di ko lang maalala.
Sumilip ako sa loob ng music room. May isang lalaking naka-brown na tumutugtog, lihim akong napangiti. Sayang at nag-iisa ako. Wala man lang ibang nakaka-appreciate ng maganda nyang musika. Sumandal ako ng konti sa pintuan. Aysus, nakabukas naman pala... hahaha, ambaliw ko lang... kaya ayun, pumasok ako ng di nya namamalayan...
Napakaganda talaga ng musika niya. Pakiramdam ko, may kung anong mabigat sa pagtugtog nya. Pakiramdam ko, nalulumbay ang kanyang puso.
Nang matapos ang kanyang pagtugtog, pumalakpak ako.... dun nya lang ako napansin kaya naman nginitian ko sya.
“magandang araw sayo! Ako si Tet!” sabi ko habang nakayuko.... “napakagaling mo tumugtog kuya.... pwede ko ba malaman ang iyong pangalan?”
Pagtunghay ko, saka ko lang sya natitigan ng mabuti. Napaka-cute ni kuya. Maputi sya ng konti tapos singkit din sya.... ang aking dream man! Nakita ko na ang aking dream man! Hohoho
^____________^
Nginitian nya ako. Yung nahihiyang ngiti.
“a-ako s-si...... ako si Ha-.... ibig ko sabihin ako si Troy.... kinagagalak kita makilala Tet...”
Tumayo sya para kamayan ako at agad ko naman yung inabot tapos ay nagngitian kaming dalawa.
“taga-Rizal po ako kuya... bale may research lang kami dito sa campus nyo.... nga pala, anong ginagawa mo rito?”
“ahm.... nagpi-piano? Haha...”
At sabay kaming napatawa.. loka-loka si kuya Troy.. malamang nagpi-piano siya... obvious ba?
“pero bakit po kuya masyadong malungkot ang tugtog mo?”
“masyado ka ngang makulit Tet... sabi ko na nga ba eh...”
“ha? anong sabi mo kuya?” nagtataka kong tanong. Pano nya nalaman na madaldal ako eh ngayon lang naman kami nagkita?
“ah... wala, hula lang... kasi nung makita pa lang kita kanina, tingin ko sayo sobrang daldal mo talaga.. hahaha.... biro lang.. bale dun sa tanong mo kanina... ano kasi... may namimiss lang ako...”
Natawa naman ako sa sagot ni kuya..
“yeeeh! Kuya ha... for sure, namimiss ka din nyang namimiss mo... gano na ba katagal nung huli mo sya nakita?” tanong ko. Nakakatuwa, ang Feeling Close ko talaga kahit kelan.
“hindi pa naman nagtatagal.. ang masaklap lang kasi, di nya ako kilala...”
Aww.. promise, ramdam ko si kuya...
“wag ka mag-alala kuya, makikilala ka rin nya soon.... gusto mo tulungan kita?”
“talaga? At pano naman yun gagawin?”
“ahm... depende syempre yan sa sitwasyon noh... haha...”
“hay nako... kaw na bata ka tala-....”
Di nya naituloy yung sasabihin.... may narinig kasi kaming ingay sa labas at parang may mga taong nagkakagulo.
Hinila nya ako at dinala sa isang tagong lugar.
“hanapin nyo yun madali!di sya pwede makatakas... malaki na atraso saten nun, dito daw sya huling nakita at siguradong di pa yun nakakaalis!”
“yes boss!”
After 5 minutes...
“boss, inikot na namin yung buong lugar, wala po talaga eh... baka po natakasan na naman tayo!”
“mga wala talaga kayong kwenta! Sige na! Kapag nakita ko yun, ngipin nya lang walang latay!”
Rinig na rinig namin yung usapan mula sa labas. Nakakatakot pala dito sa UPLB. Nagkalat ang mga fratmen
“kuya Troy, sino po iyong hinahanap nila?”
“puntirya nila yung mga publication staffers na tinira sila nung nakaraan. Siguradong hinahanap nila yung nagsulat ng article laban sa kanila.. ganun naman sila eh, gagawa ng kalokohan saka naman magagalit pag nabalita sila... palibhasa, sila yung mga taong nagtatago lang sa pangalan ng frat nila pero duwag naman talaga...”
“ganun po talaga kuya, matapang lang sila dahil member sila ng frat... at naniniwala ako na kapag wala ng frat na pinagtataguan nila, di na rin sila gagawa ng gulo...”
Parang matagal ko na syang kilala. Parang matagal ko na syang nakausap. Sa paraan ng pananalita nya, parang kagaya nya na si Kuya Harry... pero hindi naman pwedeng dalawa ang kuya Harry.
Siguro, iisa lang kasi ang paniniwala ng mga taga-UP kaya ganon. Tama. Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi sya si Kuya Harry, dahil si Kuya Harry, hindi sya...
Biglang tumunog yung cellphone ko...
From 0946344****
Tet! Wendy to.. san ka na? Punta ka na dito sa may botanical garden hane? Wait ka namin kasi uwi na tayo... :) ingatz!
Ay oo nga pala! Naku!!! Anong oras na ba? 4pm na, isang oras nadin pala kaming magkasama ni Kuya Troy.
“kuya, uwi na daw kami....”
“saan? Sa Rizal?”
“naku, hindi po... dyan po sa kamag-anak nung thesismate ko... pano ba ko lalabas dito?”
Inalalayan nya ako pagtayo. Medyo madilim din dito sa pinagtataguan namin eh. Sinilip nya muna kung may tao pa sa labas at nung nakita nyang wala na, lumabas kaming dalawa.
“sige po kuya... alis na po ako... mag-iingat ka po hane?” at nginitian ko sya...
Habang naglalakad iisang bagay pa rin ang naiisip ko....
Yung malungkot nyang musika.... san ko nga ba narinig yun?
Third Date With Him
“and life is a road that I wanna keep going.. life is a river I wanna keep flowing.. life is a road, now and forever wonderful journey…”
Pagdating namin sa bahay ng kamag-anak nina Wendy, agad din ankong nakatulog. Nagising na lang ako ng bandang 4am nung may nagtext. Oh shocks, di ko pala nai-silent.
From Harry V:
Tet! Good morning! Bwahaha... kamusta? Di ka nagtext kagabi ah.. di ba kayo inabot ng malakas ng ulan kagabi?
Di naman pala masama kung nagising ako ng maaga. Haha. Oo nga pala noh? Sa pagod ko, di ko na naalalang itext si kuya. Haaay, di bale, babawi ako mamaya. Ipagbabaon ko sya ng sandwich.
To Kuya Harry V:
Good morning kuya! Hihi.. sori ah... sobrang pagod yata ako sa byahe kahapon eh... di naman po kami inabot ng ulan pero hayun! Nakatulog agad. Nga pala kuya, may ikukwento ako sayo mamaya. May nakilala kasi ako kahapon... ang cute nya kuya! Crush ko na yata sya.. hihi.. ^______^
From Harry V:
Oh talaga? Nakaw, interesting nga iyan! At umiibig na yata ang kapatid kong si tet! Sa wakas! Ipakilala mo sa akin dali! Ating kikilatisin....
To Harry V:
Hehe... sige, sige. Baka kilala mo sya kuya. Ilakad mo naman ako... joke!
From Harry V:
Haha. Adik lang Tet? Sige kain na tayo ng breakfast. Kain ka ng madami ha? ipapasyal kita mamaya.
To Harry V:
Cge2x po kuya! Ingat! Kita tayo maya....
And that’s how the conversation ended. Nakakatuwa, ang aga-aga eh kinuwento ko na agad kay kuya yung tungkol dun sa nakilala ko kahapon. Sana makita ko ulit sya ngayon.
Few hours later, natagpuan ko ang sarili ko na naka sit-in kasama ng mga estudyante sa UPLB. Nakaupo ako hindi lang basta isang observer, kundi bilang isang estudyante na rin. Mabait kasi yung cooperationg professor na assigned saken.
Naghiwa-hiwalay na muna kaming tatlo para medyo mabilis namin magawa yung chapter 1 at 2. Bukas kasi, iba naman ang aasikasuhin namin.
Ibang klase pala ang feeling pag sobrang tatalino ng tao sa paligid mo. Wish ko nga matapos na yung buong period. Kaya lang, ang masaklap dun, tatlong subjects akong sit-in... huhuhu... tama na! Wawa na ko....
Pagkatapos nung isang subject, may 15 minutes break. Lahat sila ay busy pa rin kahit break. Ibang klase talaga.
Wala man lang akong makausap. Yung pailan-ilan, iniinterview ako, kung taga saan daw ako, bakit daw ako nandun, at may nanghihingi pa ng number ko. Haha. Adik lang.
Sobrang kabagot ng remaining minutes. Wala akong makausap kaya tiningnan ko yung cellphone ko. Aish, walang message.
Tiktak... 5 minutes left, may pumasok sa classroom at humanap ng vacant sit. Nung nakaupo na sya, saka ko lang napansin na siya si Kuya Troy!
“Uy Kuya Troy!!!!!!!!” napasigaw ako nung nakita siya. Sa sobrang hiya ko naman ay napatungo ako. Pero yung tingin naman ila ay hindi yung parang namamahiya kundi nagtatanong sabay sabing, “Troy?”
Troy. Troy naman ang pangalan nya di ba?
“sssh! Wag ka maingay.. haha... di kasi nila alam na Troy ang pangalan ko eh.”
“hala? Pano nangyari yun eh magkakaklase kayo?”
“basta mahabang kwento... oh musta ka na? Parang blooming ka yata ngayon ah?”
“haha.. adik lang kuya? Heto nga’t ngarag na ngarag na ko.. huhu, nagkaCulture shock na nga ako dito sa inyo.. nakakatakot!”
“aysus! Natatakot ka? Natatakot ka sa mga yan eh isip bata yang sila?” sabi nya habang natatawa.
“oh talaga? Pano nangyari yun?” sabi ko habang lumilinga-linga.
“kita mo yung lalaki sa dulo? Yung naka-shades... ang totoo nyan, mahimbing ang tulog nyan.... yun namang may hawak na tablet, kunwari nagrereview pero wag ka naglalaro lang ng tetris yan... yun namang babaeng yun... yung may headset, pag nakita mo gamit nyan, puro hello kitty... tapos yung matabang yun? Pag nakita mo ilalim ng desk nyan, puro pagkain... mukha lang talaga silang seryoso pero loko-loko din yang mga yan...”
“ahhh...” sabi ko na namamangha... “eh ikaw kuya, anong kalokohan mo?” maloko kong tanong.
Natawa naman siya dahil dun, at kinurot nya ako sa ilong...
“aray! Ansakit nun ha?”
“yan ang kalokohan ko, mahilig ako mangurot ng cute na bata... haha”
Cute ako? Ohwmaygash!!!! Pwede na ko umuwi!! Yahooo....! adik langs.... hoho
Naputol yung kwentuhan namin nung dumating yung prof.
Nakakabwisit na prof yun. Tinawag ako sa discussion. Eh malay ko ba sa lesson nya? Di naman ganun ang subjects namin. Buti na lang, andyan si Kuya Troy. Huhu.. My Savior. Kileyg! Haha
Hanggang matapos ang 2 subjects bago mag-lunch break, magkasama pa rin kami ni Kuya. Naghiwalay lang kami nung lunchbreak na. Hahanapin ko kasi si Kuya Harry para ibigay yung sandwich na ginawa ko para sa kanya. Samantalang si Kuya Troy, may sariling business. Baka sisilay. Hoho....
30 mins na kong naghihintay dito sa botanical garden pero wala pa rin sya. Naku! Napano na kaya yung si Kuya Harry? Kinuha ko yung phone ko... Sheeks... alang signal eh....
No choice kundi bumalik na.
Pero along the way ay may napansin akong daan dun sa may gilid ng building. Alam nyo naman ako, DORA on the Go. Kaya hayun, susuungin ang lahat....
May isang lalaki [na naman] na nakaupo habang may nakatakip na dyaryo sa mukha nya. Dyaryo ng UP. Hmft. Sayang ang dyaryo noh? Matapos paghirapan ng mga writers eh kung san-san na lang nakikita.
Binasa ko ng malakas yung headline.
Fratmen Leader was Kicked-out From the University
“eh??? Kaya naman pala galit na galit yung mga fratmen kahapon.. hihi... napatalsik pala leader nila eh...” sabi ko habang nakaupo.
“bawal dito ang bata...”
“huh?” gulat naman ako... bigla kasi nagsalita yung lalaki.... at inalis nya yung dyaryo sa mukha nya... “UY! Kuya TROY! Haha.. kaw na naman?”
“sinusundan mo kasi ako eh.. haha...”
“uy hindi naman... hinahanap ko kasi si Kuya Harry.. inindyan ako.. nakupo.. masisira na tong sandwich na hinanda ko para sa kanya... saka nagdala na rin ako ng para sa lunch.. haaay... tara kuya, kainin na natin to....” sabi ko habang naglalatag ng cloth.
“oh talaga? Pwede?”
Parang bata.
“oo naman.... for sure kumain na yun kasi anong oras na.. kawawa na pati ang mga bulate sa tyan ko, gutom na sila.. haha...”
Nagbaon ako ng meal para sa dalawang tao. Bento ito. May pagka-Hapon din kasi ako.. haha, basta.. halo-halo ang lahi ko.
“WOW! Golden brown! Buti ka pa! Ako puro dark-brown!”
“haha! Eh teka, bakit nga pala di ka pa rin kumakain? Kala ko nga sisilay ka kaya ka nawala...”
“ako? Sisilay? Nakasilay nako kanina noh.... Uy ang sarap nito! Anong tawag dito ha?”
Pssh.. di nya sinagot yung tanong ko kung bakit di pa sya kumakain. Adik..
“ang tawag dyan, 4 seasons...”
Nakakatuwa ang pagiging magana nya kumain. Grabe, parang bata. Haha.
Pagkatapos namin kumain, nagtulong kami sa pagliligpit ng mga lunchboxes pati na rin sa pagtitiklop nung cloth. Ang saya ng experience. Sayang, walang picture.
Umuwi na ako pagkatapos namin kumain. Madami pa kasi akong gagawin.
Binuksan ko yung netbook ko kasi may hahanapin ako sa DOWNLOADS.
May ipinlay akong file....
Ito...
Ito yung tinugtog ni kuya Troy kahapon?
Fourth Date With Him
“I’ll be there when the world stops turning… I’ll be there when the storm is through.. in the end I wanna keep standing at the beginning with you”
Habang naghihintay dito sa labas ng campus, katext ko si Kuya Harry. Pampalubag-loob. Huhu. Malulungkot kayo sa malalaman ninyo. Andito ako sa field para magmasid ng rally. Nanaykupo!
Nakakatakot syempre! Baka mamaya mamatay ako dito eh. Kaya kuntodo ingat ako sa hahakbangan ko at baka mamaya eh iba na maapakan ko. Nakupo.
To Harry V:
Kuya! San ka nagpunta? Sorry ha? Di na tayo nagkita kahapon. Pero promise! Hinintay kita sa may botanical garden. Maya promise! Hahanapin talaga kita.... hihi... XD
Maya-maya may nagreply.
From Harry V:
Naku pasensya ka na kahapon ha? may ginawa kasi ako off-campus. Emergency kasi yun... pero wag ka mag-alala, babawi ako mamaya. Promise. Nga pala, nong ginawa mo kahapon?
To Harry V:
Nagkwentuhan kami ni Kuya Troy! Yung kinukwento ko sayo? Haha. Ang kulit nya talaga kuya! Gusto ko na rin sya iuwi... haha... pero bakit ganon. Parang loner sya. Hoho. Ano bang pwede kong gawin para di na sya malungkot?
From Harry V:
Ahm.. pwede mo sya kantahan... magandang ideya na kantahan ang mga taong nalulungkot.. basta ba wag lang masisira ang eardrums nya noh! Bwahaha.
To Harry V:
Haha... yun lang pala eh.. hayyy... sige pag-isipan ko yan!
From Harry V:
Asan ka nga pala ngayon Tet?
To Harry V:
Dito po kuya sa rally... nanaykupo... tatakot ako.. huhu..
From Harry V:
Hala? Anong ginagawa mo dyan? Wag mo sabihing aktibista ka na rin?
To Harry V:
Syempre hindi kuya. Eh kasi naman po parte to ng thesis. Nakakamatay pala to. Nakupo... san ba ko pwede magtago?
From Harry V:
Teka... punta ko dyan... hintayin mo ako ha? wag ka aalis..
To Harry V:
Sige po.... intay kita dito ha? T_______T
Mula dito sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang karahasan. Yung mga aktibista na patuloy na ipinaglalaban ang gusto nila, maging yung mga security guards na nakaharang at ambang pumatay kahit anong oras.
Minsan di ko naiintindihan kung bakit sila ganon.
Bakit patuloy pa rin nilang ipinaglalaban kahit alam nilang napakalaki ng tsansang masaktan sila?
parang love lang... minsan kahit na alam nating masasaktan tayo, pinaglalaban pa rin natin
Echuserang puso! Nakupo naman oh.. sa gitna ba naman ng rally yun ang iniisip ko?
Teka... asan na ba si kuya Harry? Antagal naman nun... takot na ako... ay ambobo ni Tet! Di ko nga pala alam kung nasan ako? Kanina kasi, sinundan ko lang yung mga aktibista. Juske. Eh di mas lalong di alam ni Kuya Harry kung nasan ako.....
BOOM! Bigla may sumabog sa kaliwang side ko. Medyo malayo naman kaya di ako natamaan. Pero ramdam ko yung impact.
Nagsipagtakbuhan yung mga raliyista. Ilan sa kanila yung mga naging kaklase ko kahapon sa isang subject. May nakita akong duguan. Nakakatakot.
May isa pang pagsabog. Natatakot na talaga ako. Ano kayang mangyayari pag di dumating si Kuya Harry?
Ang totoo nyan, nahihilo na ako. Maraming nagkakagulo. May usok. Di ganon kabango ang paligid dahil sa usok. Halo-halo na. Idagdag mo pang medyo gutom na rin ako.
“TET!” humihingal si kuya nung tinawag nya ako. Napalingon tuloy ako sa kanya.
“Uy kuya! Salamat naman at nandito ka na? Natatakot na ako... k-kasi...” sabi ko habang naiiyak.
“sshhh.... wag ka na umiyak... nasaktan ka ba? Pasensya ka na ha? hinanap pa kasi kita... sa dami ng tao mahirap maghanap eh.... nagugutom ka na ba?”
Bigla naman daw ako nagutom sa tanong ni kuya Harry. Oo nga pala, di pa ako nakakakain eh.
“madami akong gusto kainin kuya... may 7-11 ba dito?”
Nag-isip muna si Kuya Harry bago sumagot.
“Oo naman... meron dun, di naman ganun kalayo. Gusto mo punta tayo?”
“sige kuya.. kaya lang pano tayo aalis dito?”
Kasalukuyan kaming nasa gitna ng kaguluhan. San naman kaya kami dadaan?
Nagulat na lang ako nung binuhat ako ni Kuya habang tumatakbo sa gitna. Para kaming yung isang eksena sa Tsubasa Chronicles nung tumatakas sina Sakura-hime at Syaoran-kun sa maraming tao. Hehehe. Teka, asan na ang lights at camera? Nanaykupo. Kanina lang halos mamatay-matay na ang pakiramdam ko dito tapos biglang ganito naman? Ambilis lang ng transition ng feelings... mababaliw na yata ako.... T_______T ^_______^
Sabi ni konsensya, gumising ka sa katotohanan Tet! Kuya mo yan! Hihi. Walang malisya.
Sabi ni malditang konsensya, di mo naman sya kuya ah! Kuya lang tawag mo kasi mas matanda sya sayo noh! Feelingera ka naman. Pwede ka naman magkagusto dyan sa kuya mo! gwapo naman saka sweet di ba? Saka tandaan mo, Teen Fiction Romance tong story mo. walang may sabing di ka pwede mainlove.
“Tet, Ok ka lang? Andito na tayo...”
I shook my head. Hindi dahil hindi ako ok, kundi para magising ako sa katotohanan. Hihi. Adik lang si tet, daming alam.
“ay sorry po Kuya! Medyo... ano lang... medyo nawindang ako sa mga kaganapan kanina!” sabi ko habang papasok na kami sa loob ng 7-11. Haaay sa wakas! Namiss ko ang 7-11.
Pareho kaming napatawa. Pero deep inside, may isa akong bagay na ipinagtataka. May isa akong bagay na hinahanap sa kanya na katangian nya. Ang gulo noh? Di naman ako yung may katawan pero parang mas kilala ko pa sya. Basta kasi iba yung feeling.
“uy! Ok ka lang ba? Nakupo, nakalog yata ang utak mo?”
“tss.. may naiisip lang ako kuya... pasensya ka na ha? medyo masama lang kasi ang pakiramdam ko... alam mo na? First time ko kasi makakita ng ganun...”
“heto oh, slurpee... kulay blue...”
Blue? May pink naman di ba? A-alam nya naman na paborito ko yung pink na slurpee eh. Pero bakit blue pa rin?
Bakit ba parang.... parang ibang tao yung kausap ko ngayon? Ibang tao ang kaharap ko ngayon... at ibang tao yung nakatext ko noon? Siguro nga, text messages could be deceiving. Pero di nya ba natandaan yun? Parang yun lang? Di nya pa matandaan?
Tuluyan ng sumama ang pakiramdam ko.
Pakiramdam ko, napagtripan ako.
Para kong batang nag-expect na bibilhan sya ng laruan pero di naman natuloy.
At bigla naman akong natawa. Ng dahil lang sa SLURPEE nagkakaganito ako. Ambaliw ko naman. Parang yun lang?
Parang kanina lang kinikilig ako pero ngayon naman, kung anu-ano ang iniisip ko.
“gusto mo bang ihatid na kita sa inyo?” tanong nya.
Sa totoo lang, mabait naman si Kuya Harry. At sa ilang pagkakataon, nakikita ko pa rin sa kanya yung taong nakatext ko. Pero parang may iba?
“ahm... dun na lang siguro kuya sa campus, may aasikasuhin pa kasi ako eh. Pero saglit lang naman yun.”
“sigurado ka ba? Baka lalong sumakit ang ulo mo ron?”
“sure ako kuya. Saka... saka ikaw ha? di ko naipapakilala sayo yung crush ko noh! Hmft... sabi ko sayo ipapakilala ko sya sayo eh!”
“h-ha? sinong crush?”
Hala? Nakalimutan na ni Kuya?
“ay! Tampo na ko nyan sayo kuya! Di mo natandaan?” may halo ng hinampo sa tono ko.
“naku, pasensya ka na Tet, kasi naman eh... dami akong iniisip... kaya ayun, nakalimutan ko na ipapakilala mo sya saken... ahm, sige ipakilala mo na sya... tara na?”
Nagtrike na lang kami papunta sa LB. Pagdating don, nakita ko agad si Kuya Troy sa gate na parang may hinihintay at nag-aalala.
Hawak nya yung cellphone nya at nakatingin samen.
“Kuya Troy! Kumusta po!?”
At nag bow pa ako.. para lang korean. Hoho. Adik eh
“ok naman... ikaw kumusta ka? Hindi ka ba nasaktan?” sabi nya nag-aalala.
“alam mo kung san ako nanggaling?” kileyg.. pero nakakapagtaka..
“h-huh? Ah eh.. kasi... tong si T--- este si Harry, nakita kong paalis kanina tapos sabi nya pupuntahan ka daw nya... sabi nya nasa rally ka daw... a-ano, nasaktan ka ba?”
“naku! Magkakilala na pala kayo eh.... hindi naman po ako nasaktan.. pero muntik na ko magcollapse kanina eh.. buti na lang dumating si Kuya Harry..”
“ganun ba? Mabuti naman... eh kumain ka na ba? May gusto ka ba kainin? Tara!”
Hinila nya ako sa papunta sa Canteen. Nilingon ko na lang si Kuya Harry at nagbabay sa kanya.
Pero nagtaka ako nung hindi nya ako dinala sa canteen.
“huy Kuya! San tayo punta?”
“pasensya ka na Tet ha? sorry talaga...”
“sorry para san?”
“w-wala naman... basta... pakiramdam ko may atraso ako sayo...”
“eh ano naman kaya yun? Haha... kuya.. bakit parang malungkot ka na naman?”
“kala ko kasi mapapahamak na sya....” sabi nya habang nakatingin sa malayo.
“sino? Yung crush mo??? haha... I knew it!”
“tama ka dyan.. di ko na nga alam ang gagawin ko eh.. yung pakiramdam na gusto ko magpakilala... yung gusto ko malaman nya yung nararamdaman ko, gusto ko yun gawin lahat.. kaya lang...”
Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita sya. Tapos napangiti ako.
Day after day I must face a world of strangers
Where I don’t belong
I’m not that strong
It’s nice to know that there’s someone I can turn to
Who will always care
You are always there
When there’s no getting over that rainbow
When my samllest of dreams won’t come true
I can take all the madness the world has to give
But I won’t last a day without you.
Nagulat sya sa ginawa ko. Kinantahan ko sya. Haha. Hiyang-hiya naman daw ako sa ginawa ko pero napangiti siya. Sa wakas!
Tapos kinurot nya ako sa pisngi. GAWAIN! Nakupo.
Kinurot ko din sya. UHM! Kala nya ha. Marunong ako gumanti. Mhouahaha! Kala mo ha...
Kurutan lang eh noh.. para kaming mga bata.. pero naisip ko, bakit kaya ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya? Samantalang dapat kaykuya Harry ko nararamdaman tong ganitong pakiramdam?
O baka naman dahil crush ko si Kuya Troy?
“may problema ba Tet?” tanong nya na nag-aalala
“wala naman kuya... may naiisip lang talaga ako kanina pa...”
“baka nga nawindang ka talaga sa rally kanina... heto pampalubag-loob...”
Naglabas sya ng isang........
POTCHI!
“wow kuya!!!! Pano mo nalaman na gusto ko ang Potchi?” sabi ko habang kinukuha sa kanya yung potchi... grabe, paborito ko talaga to! Lalo na kasi PINK!
“wala lang.. nahulaan ko lang po... pag kasi tinitingnan kita natutuwa ako.. pink na backpack.. pink na blouse.. pink na sapatos.. pink na ipit... kaya naisip kita kanina habang nasa canteen ako kasi nakita ko yung pink na potchi...”
Spell TEARY-EYED... yan ako... grabe...
Now playing.. instrumental ringtone
Halatang gulat si Kuya Troy. Bakit kaya?
Fifth Date with him
“we were strangers on a crazy adventure… never dreaming we’d have to go through…”
“hello Wendy?”
Tinakpan ko muna yung mic nung phone ko para kausapin si Kuya Troy.
“Saglit lang kuya ha? kausapin ko lang to...”
“Tet? Anyare sayo? Kala ko naman di ka susunod dun sa rally eh? Di tuloy kita nasamahan.. ok ka lang ba?”
“naku pasesnsya ka na Wendy.. kasi naman chance na yun eh... promise sa susunod, itetext kita...”
“anong susunod ka dyan? Haller.. baka hanggang makalawa na lang tayo dito... tutal nakapag-observe ka na ng rally.. haha.. matatapos na natin yung thesis natin...”
“ano? Eh hindi pa nga tayo tapos sa chapter 1 ah? Adik lang?”
“ay nah! Uber sa reaction si Tet, palibhasa sumisilay sa UPLB... tsk, kung ako sayo wag ka masyado kadikit dyan sa mga yan.. dahil pag umuwi na tayo sa Rizal, bye-bye ka na rin sa kanila...”
“yeah I know... pero mananatili namang kaibigan ko sila di ba?”
“Di natin alam Tet.. may mga taong lumilipas na lang sa ala-ala natin... may mga taong pang isang panahon lang pala... kuha mo ba? Parang yung kaklase mo nung kinder ka pa lang.. ganun, yung di mo na nakita ngayon... tapos di mo na rin maalala ang hitsura nya...”
“ok, I get it Wendy.. pero teka, asan ka ba?”
“dito sa bahay... kung may ginagawa ka pa, tapusin mo na muna bago ka umuwi..basta take your time...”
“sige Wendy... bye..”
Bumalik ako sa kinauupuan namin ni Kuya Troy.
“sorry kuya, natagalan yata...”
“hindi.. ok lang.. uuwi ka na ba?”
“naku! Hindi pa po kuya... ikaw, uwi ka na ba?”
“hindi pa.. may aasikasuhin pa ko sa newsroom mamaya eh...”
“newsroom? Talaga? Member ka rin ng publication?”
“yup.. cartoonist ako dun... haha, yun lang naman kasi ang talent ko eh...”
“patingin naman ng mga drawing mo please?”
“sige.. papakita ko sayo bukas ha? di ko kasi dala ngayon eh...
Grabe. Napakabait ni kuya Troy. Kunbg may kuya lang ako na gaya nya, nakupo.. ako na ang pinakamaligayang kapatid sa buong mundo.
“Kuya, may kapatid ka ba?” wala sa sariling naitanong ko sa kanya yun. Eh sa yun ang laman ng utak ko eh.
“ahm... meron... isa lang... pero matagal ko na syang di nakikita kasi isang buwan na rin akong di nakakauwi sa amin... alam no na, medyo busy ako dito eh.”
“pareho pala kayo ni kuya Harry noh? Dalawa lang kayong magkapatid.” Nakakatuwa. Andami nilang similarities ni Kuya Harry. Pareho silang member ng publication at may isang kapatid.
Saglit na katahimikan.
“m-may sasabihin ako sayo....” sabay naming nasabi. Nagulat naman ako dun. Pareho bang may bumabagabag sa isip namin?
“sige mauna ka na...” sabi ko
“no... ikaw na mauna.. di naman importante sasabihin ko eh...”
“s-sige.. ahm.. ano kasi kuya Troy... y-yun kasing ano... yung tinutugtog mo nung una tayong magkita, di ba si Kuya Harry angnagcompose nun? Tama ba?”
Space out....
“uy kuya Harry! Kaw ba talaga ang nagcompose nun? Saka tumugtog? Ang galing mo naman! Isasali kita sa talentadong Pinoy! Haha...”
“naku, salamat naman at nagustuhan mo ang aking musika. Tama ka, ako nga ang nagcompose nun saka tumugtog. Marunong ka din ba tumugtog ng piano?”
“haha. Imposible yan kuya, masyado kasing maiikli ang daliri ko at di ko abot ang malalayong keys. San ba nakakabili ng pampahaba ng daliri? ^o^”
“wag ka mag-alala Tet, ihahanap kita sa Quiapo. Bwahaha.”
“tama ka. Si Harry nga ang nagcompose nun. Narinig ko lang sa kanya yun tapos nagandahan ako kaya ayun, pinatugtog ko.” Sabi nya. Pero parang malungkot sya habang sinasabi yun. “gusto mo ba si Harry?”
Dugdug dugdug
“h-HA? ah eh.. naku! HINDI PO! Kapatid lang po ang turing ko sa kanya. Pero alam mo po ba kuya Troy, gustung-gusto ko sya iuwi sa amin at gawing forever Kuya! Haha. Nakakatuwa po kasi sya.”
Ang totoo nyan.. di ko talaga alam kung gusto ko si Kuya Harry. Crush? Siguro konti. Pero... parang mas gusto ko si Kuya Troy eh. Haha. Siya kasi ang IDEAL MAN ko. Sya yung prinsipe na pinapangarap ko.
“talaga? Nakakatuwa naman kung ganon? Pakiramdam ko tuloy super close nyong dalawa. Nakakainggit. Haha...”
“oh? Bakit naman po ikaw naiinggit Kuya Troy?”
“kasi close kayo... haha..”
“eh close din naman po tayo ah?”
“alam mo yung we’re too close but so far to get close? Parang ganun kasi tayong dalawa...”
“ano ulit? Di ko masyado nagets... haha.. slow lang”
“ehehe... bawal ang ulit... may bayad!”
“tsk... madaya ka kuya Troy! Di wag mo ulitin!”
“ay tampo na yan... haha.. ang cute mo magtampo.. nanlalaki ang mata mo... tapos umuusok pa yung ilong mo.. hahaha..”
BRR!!!! Nakakainis... nakakainis! Disappear ka dyan kuya Troy!
“hmft!” tumayo na ako... kung may one word na pang describe saken, PIKON yun. Basta kasi ayaw kong nasasabihan na malaki ang mata! Ang babaw ko noh?
Pero wala pang 5 seconds akong nakakatayo eh nahawakan nya na yung braso ko.
“teka... di ba may sasabihin pa ako sayo?”
Aish.. oo nga noh? Nalimutan ko yun ah. Epic fail ka kasi Tet! Brr. Dakila kang abnoy!
Naupo ulit ako tapos tumayo ulit. Adik lang. UPO-TAYO..
“eh? Ano ba yung sasabihin mo ha?” tumayo na rin si Kuya Troy.
Dugdug dugdug
Akin ba yun? O sa kanya? Bakit may naririnig akong tibok ng puso? Malamang akin noh? Ano yun may speaker yung puso nya kaya rinig ko yung kanya. HALLER!
“ano kasi... Tet... ako..... a-ako... a-ako ay---”
“Troy!”
Napalingon ako sa nagsalita. Si kuya Harry! Haha.
“uy kuya Harry! Lika dito dali!”
May sinenyas sa kanya si Kuya Harry at bigla naman napatakbo si Kuya Troy. At sinundan naman siya ni Kuya Harry.
Ay ganun? Iwan daw ba ako dito? Harhar. Ayos ah. Ako kaya ang bida sa storyang to at malamang di nila ako dapat iwan dito kasi sino na lang ang kakausapin ko at kaeksena ko noh?
Forever ko na lang ba kakausapin ang sarili ko? Nakupo. Madadala ako nito sa Mental! Brr!
Sixth Date with Him
“now here we stand, unafraid of the future, at the beginning with you…”
“oh talaga? Iniwan ka nilang dalawa kahapon? Haha. Nakakatuwa naman.”
“hmft. Pero iniisip ko pa rin kung ano yung ibig sabihin ng senyas nila noh. Nakakashowbiz masyado”
Naglalakad kami ngayon ni Wendy papasok sa UPLB. Ang gara lang eh noh. Karamihan sa mga estudyante dito eh naglalakad lang din papasok. Kaya ayun, hindi boring maglakad.
“pero bakit ba gusto mo alamin?”
“wala lang. Siguro curious lang.”
“eh bakit ka nga curious?”
“hindi ko din alam...”
“ang sabihin mo kasi, may gusto ka sa isa sa mga yon. At nalilito ka kung sino ba talagang gusto mo. kaya ayun, lahat ng kilos nung dalawa gusto mo malaman kasi tinitimbang mo sa sarili mo kung sino talagang gusto mo..”
“loka-loka... wala akong gusto sa kahit sino sa kanila noh!”
“eh bakit, sinong gusto mo, yung dakila mong ex na iniwan ka? Grabe ka huh, di ka pa makamove on dun eh ang panget-panget nun. Mas gwapo pa dun sina Harry at Troy noh!”
“eh ikaw yata may gusto sa kanila eh. Ayieh!”
“bruha.. wag mo idivert saken yang nararamdaman mo. alam ko, at ramdam ko yung nararamdaman mo ok? At alam ko ring nalilito ka sa dalawa. Kasi madalas, nakikita mo kay Troy yung traits ni Harry. Tama ba?”
“pero pano mo nalaman?” nakapagtataka kong tanong. Kahit minsan eh hindi ko sinabi sa kanya yun ah.
“nahalata din yan ni Zyke. Alam mo yung araw na pinatugtog mo sa netbook mo yung composition ni Harry? Nakatulugan mo nga ang pakikinig dun eh. Tapos pag naririnig mo yung tunog na yun eh lagi na lang kumukunot yung noo mo. ibig sabihin, naguguluhan ka sa tunog na yun tama?”
“k-kasi...”
“kasi nalilito ka sa nararamdaman mo di ba? Nalilito ka na kahit alam mong si Harry ang nagcompose nun eh si Troy pa rin ang naiisip mo pag naririnig mo yun?”
Bilib na talaga ako kay Wendy. Haha. Sarap nya isilid sa sako at iuwi sa bahay.
“oh bakit natahimik ka? Bilib ka na saken noh? Haha... kahit di mo sabihin... alam ko... at mas lalong alam ko na kailangan mo ng tulong ngayon... pero hindi kita tutulungan... malaki ka na Tet, saka problema mo na yan. Wala rin naman akong maitutulong di ba? Ang kelangan mo na lang gawin ay maramdaman ang totoo mong nararamdaman.”
“haha. Adik. Pero pano ko naman gagawin yun?”
“simple lang. Pakinggan mo yung tibok ng puso mo kapag kasama mo sila.”
“h-ha?”
“wala. Payong kaibigan lang yun. Pero kung gusto mo gawin eh bahala ka na. Sige ha, dito na muna ako sa aking destinasyon. Ikaw, ingat ka dyan.”
At nagpaalaman na kami sa isa’t-isa. Papasok na ulit kasi kami sa klase. Ang totoo nyan, sabado ngayon kaya for sure last day na namin to na magiging kaklase tong mga lokong to. Haha. Mabuti naman.
At for sure, last day ko na rin na magigng kaklase si Kuya Harry.
Pagpasok ko sa classroom, lahat ng tao ay nakatingin saken. Pero di ko naman sila mga kaklase. So di ko sila kilala. Sa pagkakaalam ko eh dito talaga ang classroom namin eh.
Hala. Ano naman kayang ginawa ko?
Para talagang kakain ng buhay na tao tong mga to oh. Kung makatingin eh wagas! Hmft.
“hello. Good morning.” Sabay ngiti. Huhu. Nikakabaduhan aketch.
Pero wala man lang nagreply sa bati ko. Brr.
I care less. Eh ano naman. Naupo na lang ako sa upuan ko.
Tapos may naramdaman ako. Pagtayo ko, nakita ko yung bonggang mga kadiring bubble gum sa pants ko! Brr! Humanda saken ang may gawa nito!
Tapos pagtayo ko bigla na lang may nagliparang chalk. ABA! San yun galing?
Eh di bonggang iwas ang ginawa ko!
Kuya Harry help me! Kuya Troy!
Tapos paglakad ko, nadulas naman ako sa floor.
Teka! May party ba dito? Bakit di man lang nila ako sinabihan?
“ano ba! Bakit ba ha? wala naman akong ginawa sa inyo ah?” sabi ko. Nakakagalit na talaga tong ginawa nila saken kasi obvious naman na pinagtripan nila ako di ba?
“sorry Miss. Trabaho lang po. Walang personalan!”
Maya-maya may mga paparating ng estudyante kaya nagpuslitan na agad yung mga abnoy na yun. Humanda talaga sila saken!
“oy Tet! Anong nangyari sayo? Sinong may gawa nyan?” sabi nung isang bonggang gandang girl na sa pagkakatanda ko eh Mira ang pangalan.
*sniffs* “kasi po... may nangtrip saken kanina pagpasok ko... di ko sila kilala eh...”
Tapos pinatalikod nila ako. Whew. May nakasulat?
“sabi ko na nga ba eh! Yung frat na yun ang salarin! Tingnan mo to oh.”
Malamang di ko kita eh noh. Nasa likod ko kaya yung sulat.’
“ah eh ano po bang nakasulat?”
“symbol lang yan nung frat nila. At pinagtripan ka nila. Bakita kaya?” Sabi ni Gail.
“hindi ko rin po alam kasi di ko naman sila kilala eh...”
“pero imposible yun eh. Di naman sila gagawa ng kalokohan basta-basta unless, alam nilang konektado ka sa isa sa mga kaaway nila.”
“ano? Eh ni wala nga akong kilala na kakilala nila?”
“malay mo...”
Sinamahan ako nila Gail at Mira sa CR para magpalit ng damit. Mabuti na lang at may dala akong extra lagi. Kaya nga ang bigat lagi ng backpack ko eh.
Nung ok na ang lahat ay bumalik na kami sa classroom.
Pagkatapos ng isang subject ay hindi ko pa rin nakikita si Kuya Troy. Chineck ko yung cellphone ko, di pa rin nagtetext si Kuya Harry. Ano kayang nagyari?
Natapos ang second at third subject na hindi pa rin lumilitaw si Kuya Troy. Kinakabahan ako. Ano kayang nangyari?
Kinuha ko yung cellphone ko.
To Harry V:
Musta kuya? Asan ka ngayon?
Pagkatapos nun ay nagpunta ako sa botanical garden. Wala sila dun.
Nagpunta rin ako sa Music room. Wala eh
At nagpunta rin ako sa tambayan ni Kuya Troy. Lalo namang wala sya dun.
Tiningan ko yung cellphone ko. Wala pa ring reply.
May narinig akong mga boses sa di kalayuan. Lumapit ako ng konti para marinig yun.
“ano nagawa nyo ba?”
“yes boss! Siguradong di na makakapagpakita yung dalawang yun kasi alam nating pupuntiryahin natin yung babaeng yun!”
“eh tingin mo di magsusumbong yung babae?”
“imposible yun. Dahil once na nagsumbong sya, mamamatay sina Troy at Harry.”
“magaling. Eh nasan nga pala yung dalawa?”
“di ko rin po alam boss. Baka nagtago na sa saya ng mga nanay nila!”
Naikuyom ko yung kamay ko. Tapos pinindot ko yung stop button ng pen recorder ko. Ano kayo ngayon? Recorded to mga kapatid. Ako pa? Sayang lang ang pagiging journalist ko kung hindi ko kayang gawin to noh?
Ang kelangan ko na lang gawin ay hanapin ang newsroom. Teka, hanggang ngayon di ko pa rin alam kung san ang newsrrom nila dito. Haha.
Ok. Tiptoe. Kelangan mabilis pero maingat akong makaalis dito. Mahirap na pag nabisto. Lagot ako.
1...
2...
3...
4...
/tumunog si cellphone/
LAGOT!
Seventh Date With Him
“Through there were somebody somewhere… I need love in the dark… now I know my dreams will live up.. I’ve been waiting so long… nothing’s gonna tear us apart….”
Parang action movies lang.
Parang napanood ko na to eh.
Yung bigla ka napatigil sa pagtiptoe mo at huminga ng malalim.
Yung hindi ka tatakbo kundi magkukunwaring napadaan lang.
Napanood mo na to.
Pahamak na cellphone. Aish. Sino ba nagtext?
Pagbukas ko, GM lang pala.
Biglang napalabas yung dalawang kumag sa pinagtataguan nila at deadma naman ako sa paglalakad. Kunwari napadaan lang. Sakto naman na may iba ring dumadaan sa pathway.
Ano kayo ngayon ha?
“boss! Sya yung babae! Hayun oh!”
Anak ng...!
Kanina kampante pero nung napaligon ako nakita kong malapit na nila akong abutan! BRR! Sige takbo lang. Takbuhan pala gusto nyo ha? excuse me... magaling ako sa running.
May naalala tuloy ako habang tumatakbo ako.
“napanaginipan kong tumatakbo daw ako.may humahabol kasi sakin na isang fratman”
“oh talaga? Bakit ka naman nya hinahabol?”
“ewan, basta galit yata samen yung mga yun eh.”
“bakit sila galit?”
“maraming dahilan eh. Unang-una binibisto namin ang kalokohan nila. Tapos ayun napapatalsik sila.”
“ganun pala yun. Eh di napakapanganib pala maging staff dyan sa inyo noh?”
“sobra...”
Napapagod na ako. Lumiko ako sa isang eskinita. Di ko alam kung asan na ko eh. GRABE. Iba pala ang experience na ganito. Kala ko sa pelikula lang to nangyayari pero heto, naeexperience ko na.
Tatkbo na ulit sana ako pero bigla na lang may nagtakip ng bibig ko. At tuluyan na kong nawalan ng malay.
Paggising ko, andito ako sa isang bodega. Anak ng tinapa. Ano bang gulo ang napasok ko? Nahuli na ba nila ako? Ano kayang gagawin nila saken? Dudukitin na ba nila ang mga mata ko?
May narinig akong nag-uusap ng mahina kaya nagkunwari akong tulog.
“ano ba Troy? Nadadamay na sya saten oh. Wala naman syang kasalanan pero dinamay pa rin nila. Kasalanan ko to eh. Ang inaalala ko lang... baka mapahamak na talaga sya.”
“eh kung sabihin na kasi natin sa kanya? Ang hirap na ng sitwasyon natin oh.. sa mata nya, ako si Harry at ikaw si Troy... kahit mga kaklase natin kinuntsaba natin.. di ka ba naaawa sa kanya? Niloloko natin sya! Sabihin na kasi natin... para di sya naguguluhan kung bakit sya hinahanap ng mga fratmen na yun! At para makapagpakilala ka na”
“pero Troy, alam mo namang di pwede yun di ba? Mas lalo syang masasaktan kung ako ang laging kasama nya...”
“pero mas nasasaktan naman ako pag ako nga ang kasama nya pero ikaw naman ang bukambibig nya! Intindihin mo naman ako... gusto ko magpakilala sa kanya na ako si Troy, hindi si Harry.”
So all this time pala niloloko lang ako ng dalawang to?
All this time pala they try to trick me.
All this time tinatago lang nila saken ang true identity nila?
Para ano?
Para pagtawanan ako?
Para ilayo ako sa fratmen na yun?
Bakit?
Tingin ba nila ganito ako kahina?
Tingin ba nila di ko kaya ipagtanggol ang sarili ko?
“ako din naman eh.. gusto kong magpakilala na ako talaga si Harry. Pero hindi pwede kasi pag nalaman nilang siya yung taong mahalaga saken, baka patayin nila siya. Kaya nga di ako nagpapakilala eh. Kaya nga ikaw ang pangfront di ba? Para maprotektahan siya? Kasi di ko yun kaya gawin... mas malakas pa rin ang pwersa ng mga fratmen kesa saken. Ang kaya ko lang gawin ay magbulgar ng kalokohan nila at protektahan ang sarili ko. Pero hindi ko alam kung kaya ko rin sya protektahan. Mahal ko sya, yun ang totoo. Pero alam kong hanggang kapatid lang naman ang turing nya saken. Kaya mas mabuti na rin siguro na ganito na lang. Kasi mahalaga sya saken. Ayoko makitang nasasaktan sya dahil saken.”
Duwag ka kuya Harry. Akala ko pa naman matapang ka. Akala ko pa naman may tiwala ka saken. Akala ko pa naman poprotektahan mo ako.
“...kaya nga Troy... kung hindi man nya malalaman na ako ang tunay na Harry, ikaw na ang bahala sa kanya. Alam kong kaya mo syang protektahan.”
“pero pano ka?”
“kakayanin ko to...”
Tumutulo yung luha sa mga mata ko. Bakit ganun si Kuya Harry? Binigay nya ko kay Kuya Troy ng ganun-ganun lang? Ang sama nya. Sobrang sama.
Bakit? Alam nya bang....
Syempre di nya alam... malamang
Tumayo ako sa pagkakahiga. Bigla naman sila napatakbo sa akin.
“Tet, ok ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ng mga fratmen na yun?”
Nakatitig lang ako sa kanila. Una kay Kuya Troy. Sunod kay kuya Harry.
Dugdug dugdug
Ito nga ba yun?
Binigyan ko sila ng tig-isang sampal. Tapos nginitian ko silang dalawa at iniabot kay Kuya Harry yung pen recorder ko na walang sinasabi.
Tapos lumabas na ako.
Parang hindi ko na muna kayo kaya kausapin.
Saka na.
Pag wala na akong hinanakit.
Tumakbo ako palabas ng bodega. Grabe ang daming alikabok ah.
Pero di ako nakakalayo nung tawagin nya ako.
“Tet! Sandali lang! Wag ka lumabas!!!!!”
Hindi ako lumingon. Hinding-hindi. Galit pa ako. At makita lang kita kuya Harry, nawawala agad ang galit ko.
“Tet! Sandali! Wag ka tumakbo!... kasi...”
“wala kang dapat ipaliwanag. Narinig ko na lahat. Okay lang ako. Wag mo na ako sundan.”
Pero naabutan nya pa rin ako at niyakap. Tapos ay may narinig akong mahinang putok ng baril.
Napabitaw si kuya Harry sa pagkakayakap sa akin at...
At paglingon ko, nakita ko si Kuya Harry. Ang totoong kuya Harry, na nakahandusay sa sahig.
Eighth Date With Him
“life is a road that I wanna keep going”
“KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!”
Sobrang lakas ng nagawa kong pagsigaw at nabulabog lahat ng guards na malapit. Agad nilang hinabol yung mga salarin.
Pero hindi yun ang problema ko ngayon.
Si Kuya Harry.
Itinakbo namin siya sa pinakamalapit na hospital. Habang ako naman, tahimik lang na umiiyak. Tahimik lang na nagdarasal na sana hindi siya mapahamak. Sana hindi sya sumuko. Kasi... kasi may kailangan pa ako sabihin sa kanya.
Andito ako ngayon sa kwarto niya at naghihintay ng paggising nya. Dalawang araw na syang hindi gumigising. Dalawang araw na akong nandito. At bukas, uuwi na kami. Kaya sana magising na sya. Kasi ang gusto ko, magising sya bago man lang ako umuwi para masabi ko na at makapagpaalam ng maayos.
Kung pinakinggan ko lang sana sya. Eh di sana....
“Kuya... ang unfair mo naman eh. Sabi mo saken dati matapang ka... *sniffs* pero bakit ka ganyan? Wag mo ko iiwan kuya... may sasabihin pa ako sayo... kaya dapat gumising ka na.. kasi, pag di ka gumising, baka hindi na tayo magkita kahit kelan... pag hindi ka gumising, hindi mo na maririnig yung sasabihin ko...”
Kinakausap ko sya nung biglang bumukas yung pinto ng kwarto.
“Trisha...” Trisha ang tunay kong pangalan at Tet lang ang nickname ko. Short for Trisha Eternity.
Mama yun ni Kuya Harry.
“Trisha anak, magpahiga ka na. Alam kong napapagod ka na sa pagbabantay sa kanya.” Sabi nya habang hinahagod yung likod ko.
“hindi naman po ako napapagod. Gusto ko po kasi paggising ni Kuya, andito ako para makapagpaalam ako ng maayos... gusto ko po na makita nya ako paggising nya.”
“mahal mo talaga sya noh?”
“po?”
“wala naman akong ibig sabihin don. Pwedeng pagmamahal lang bilang kuya o pagmamahal na higit pa dun. Wala akong tinutukoy na ganun. Pero alam ko kung ano yung pagmamahal mo para sa kanya. Kung gigising man sya, alam kong yun kapareho nung pagmamahal na nararamdaman mo yung pagmamahal na nararamdaman nya.”
“pano nyo po nalaman?”
“madalas ka nya kinukwento saken pag umuuwi sya. Mahal na mahal ako ng bunso ko kaya lahat ng bagay ay kinukwento nya saken. At isa ka na dun. Alam mo bang kinuwento nya rin saken na pupunta ka dito? Tuwang-tuwa pa nga sya nun eh. Sabi nya, pumunta raw ako dito para makita kita. Pero hindi ko inaasahan na pagpunta ko rito eh ganyan na sya.”
“sorry po... kasalanan ko po eh...”
“wag ka magsorry. Wala ka naman talagang kasalanan. Sa totoo lang alam kong posibleng mangyari sa kanya to eh. Masyado kasing matigas ang ulo ng batang yan eh. Kala nya kasi hindi sya mapapahamak sa mga ginagawa nya eh. Hindi ko naman sya masisi kasi yun talaga ang hilig nya.”
“salamat po sa pag-unawa. Ipagdarasal ko po na magising na si Kuya kasi---”
“Mama! Anong nangyari!” biglang may pumasok na isang napakagandang babae. Grabe, mukhang artista huh?
Niyakap nya yung mama ni Kuya Harry, malamang siya yung kapatid niya.
At napatingin siya saken.
Tapos kinurot nya yung pisngi ko.
“WOW! Ang cute mo naman! Sabi ko na nga ba eh! Mas maganda ka sa personal. Grabe naman kasi mga profile pic mo sa FB. Ni hindi nakumpleto yung buo mong mukha kaya ayun! Haha. Nga pala, may pasalubong ako sayo... heto oh...”
Iniabot nya saken yung isang box.
Bubuksan ko na sana pero...
“HEP! Wag mo dito tingnan! Sa ibang lugar mo tingnan okay?”
“huh? Sige po.. nga pala po, nice to meet you po.. ako po si Trisha Eternity.”
Nagulat ako kasi bigla nya ako niyakap. Tapos may binulong sya saken.
“hintayin mo sya magising ha? promise gigising yun.. takot nya lang saken.. ok? Pero dapat paggising nya, wag kang mahiya sabihin kung anong nararamdaman mo ha? mahal ka nya. Yun ang totoo.”
Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at nginitian nya ako.
“salamat po...”
“tawagin mo akong ate Harlene.”
“sige po ate Harlene.”
Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng kwarto ni Kuya. Pumunta na muna ako sa playground para tingnan kung ano yung dala ni ate Harlene.
Nakabox pa ito ng pink. Ang cute lang. Haha.
Nung buksan ko, tumambad sa akin ang isang Clow Book. Kay Kuya Harry to ah.. pero bakit binigay saken ni ate Harlene?
Tss. Diary pala to pero clow book lang ang cover. Ang galing naman.
Syempre, di naman siguro masama kung tingnan ko di ba?
May 17, 20**
Dear diary,
Sa wakas, nakita ko na ang dreamgirl ko na matagal ko ng hinihintay. Nun kasing nagwattpad ako kanina, may nagcomment dun sa likha ko. Bwahaha. Grabe, sya na nga talaga yun. Kaya naman in-add ko sya sa FB. Nakakatuwa.
May 29, 20**
Dear Diary,
Nagchat kami kanina. Nakakatuwa sya. Nagkwento sya saken tungkol sa crush nya. Nakakaselos syempre pero masaya ako kasi feeling ko ang close na namin! Ang saya nya pa kachat kaya lang yung internet connection nya eh wagas sa pagdisconnect. Wish ko sana lagi ko sya makakachat.
June 13, 20**
Dear Diary,
Grabe, wagas na ang pagkamiss ko sa kanya. Hindi na sya nag-oonline at hindi na rin sya naga-update ng stories nya. Busy yata talaga eh. Hmm.
June 24, 20**
Dear Diary,
WOW! Sakto! Birthday nya pala! Naku!!!!! 18 na sya. Hehe. Nakakatuwa talaga sya. Nagmessage na lang ako sa FB nya. And guess what, binigay ko ang nunmber ko. Sana lang magtext sya saken. XD
June 28, 20**
Dear Diary,
First time ko nagtext sa kanya. Nakakahiya nga kasi wala akong load nung nagtext sya saken. Tapos gusto ko man sya katext kanina eh bigla naman akong nalowbat. Haaay. Sana may load pa sya bukas. Gusto ko talaga sya makatext.
July 11, 20**
Dear Diary,
Busy sya ngayon. Nakakainis. Gusto ko sana sya itext kaya lang baka makaabala pa ako. Nakakainis lang. Sana lang alam nya na gustung-gusto ko sya makatext. Pag busy sya, gabi lang sya nagtetext. At pag wala syang ginagawa, nagji-GM sya. Yun ang routine nya. Memorize ko na.
July 25, 20**
Dear Diary,
Nakakamiss lalo. Busy ako eh. Minsan nagsesend sya ng PM pero di ko naman narereplayan. Nakakainis na. Exam week na kasi eh. At alam kong exam week nya na rin kaya di na muna ako nagtetext. Sana matapos na tong exam week na to.
July 30, 20**
Dear Diary,
Nagkasakit sya. Lagi kasi syang pagod eh. Gusto ko sumugod ng Rizal para lang alagaan sya. Para kong tanga noh? Pero bakit ganun yung pakiramdam ko? Masyado akong nag-aalala.
August 6, 20**
Dear Diary,
Nagtaka ako kung bakit di sya nagtext ngayong araw. Nung nagtext naman ako, di agad sya nagreply. Nagkasakit pala sya. Na naman? Ang hirap siguro talagang mga ginagawa nya sa office nila.
August 7, 20**
Dear Diary,
Nagtext sya saken 4am in the morning para sabihing magaling na sya. Ininform nya din ako na walang pasok. Nakakatuwa kasi pumasok pa rin ako kahit sabi nya eh walang pasok. Pero pagdating ko sa school, ako lang ang nandun. So ayun, maghapon kaming magkatext. First time yata. Palibhasa kasi, kakagaling nya lang sa sakit kaya di muna sya pinagawa sa bahay nila. Sa pagkakatanda ko, 12am na kami natulog. Yung feeling na ayaw mo matulog kasi katext mo sya pero ayaw mo namang puyatin sya kasi kakagaling nya lang sa sakit.
September 16, 20**
Dear Diary,
Good news! Sabi ni Tet pupunta daw sya dito sa LB!nakakatuwa. excited na ako. Gusto ko sya makita eh.
September 23 20**
Dear Diary,
Bad news. Nagrelease na kami ng newspaper at ako ang target ng mga kumag na fratmen na yun. Di ako pwede magpakita kay Tet dahil baka sya ang gawin nilang target. Inisip ko na lang na makipagpalit kay Troy, I mean, sya na lang muna ang haharap kay Tet. Mas mahalagang ligtas sya. Siguro, hindi talaga ito yung time para sa amin.
“Tet... pwede ka ba makausap?”
Nilingon ko yung nagsalita. Si Kuya Troy. Tumango lang ako. Siguro nga oras na para magkalinawan kami ni Kuya Troy.
“Tet... sorry... alam mo namang ginawa nya lang yun para sayo di ba? Kasi ayaw nyang masaktan ka.”
Nagsimula ng tumulo yung luha na kanina ko pa pinipigil. Bakit ba ang hirap nya pigilan? Sabi ko magiging malakas ako para sa kanya eh.
“alam ko... at alam ko rin namang di nyo yun ginusto eh.. pero minsan lang kasi.. masakit isipin na... kahit alam kong para naman sa akin yun eh panloloko pa rin ang tawag dun... ayaw ko naman magalit eh.. pero nakakaramdam lang ako kasi....”
“naiintindihan ko... ayaw ko talaga gawin yun... nung una nga tumanggi pa ako kasi naaawa ako sayo.. pero nung nakita kita, naramdaman kong deserving ka sa pagprotekta na binigay sayo ni Harry. Ganun ka nya kamahal.”
“kuya Troy...” sabi ko habang tumutulo ang luha ko.
Bigla nya ako niyakap.
“for 2 minutes lang Tet... sige lang, umiyak ka lang... alam kong nahihirapan ka talaga... ito na din yung last time na mayayakap kita.. kasi binibigay na kita kay Harry... kung hindi nangyari sa kanya yun, handa sana akong makipagpatayan para sayo.. haha.. pero syempre joke lang yun... kaya dapat magising sya.. dahil pag di sya gumising agad, babawiin kita sa kanya... alam mo ba, nung unang beses kita nakita, nagka-crush na agad ako sayo... sa FB pa lang yun eh... pinakita ka kasi saken ni Harry... tapos nung nakita kita ng personal, sabi ko sa sarili ko, liligawan kita kung hindi ko lang kaibigan si Harry...”
Nagkwento lang sya ng nagkwento. After 2 minutes, binitawan nya ako.
“magkikita pa naman tayo Tet di ba?”
“syempre naman kuya Troy... magkikita pa tayo...”
Ninth Date With Him
“love is a river I wanna keep flowing..”
“ready na ba mga gamit mo Tet?” sabi ni Zyke habang hila yung isa nyang maleta.
“oo naman, kagabi ko pa hinanda..”
“okay, good.. nga pala, pupunta ka ng ospital di ba?”
“oo... magpapaalam ako kay Kuya Harry...”
“sige.. pero ganito na lang, mula sa ospital, diretso na tayo sa terminal..”
“ibig sabihin, sasama kayo sa ospital?”
“yup.. pero hahayaan ka na lang naming kausapin sya...”
9am sa ospital
Heto ako ngayon at kausap si Kuya Harry. Naghihintay ng milagro na baka sakaling magising sya para makapag-paalam ako.
“kuya... aalis na ako.. di ka ba magpapaalam saken? Di ka magbababay? Di mo ba ako titingnan? Alam mo ba, naiinis na ako sayo kasi di ka pa rin gumigising, kasi para na kong baliw dito na kausap ka pero di ka naman nagsasalita...”
*sniff*
“...Ang sakit na ng puso ko. Gusto ko na rin mag give up. Dapat kasi saken yang bala na yan eh.. dapat kasi ako yung nandyan eh.. pero kasi ang daya-daya mo... kasi niligtas mo ako.. dapat ako yung kinakausap mo ng ganto eh.. ang daya mo Kuya... sabi mo walang iwanan di ba?”
“sana kuya nakita mo kung pano ko binugbog yung mga bumaril sayo.. kung pano kita pinagtanggol... kung pano sila pinahirapan.. sana kuya nakita mo na pinagtanggol kita hanggang kaya ko.. at hayun, nakakulong na sila.. sana nakita mo kung gano ako katapang.. kaw kasi eh.. wala kang bilib saken.. kala mo kasi mahina ako... kaya ayan... ikaw tuloy ang nandyan.. kasi lagi mo na lang ako pinoprotektahan... kuya... sorry na? Sorry na kasi di ako nakinig sayo.. di ako nakinig sayo nung sinabi mong wag ako umalis... ang tigas kasi ng ulo ko eh... kasi masyado akong immature... kaya ayun... kaw ang nagsuffer.. pero maniwala ka kuya.. di ko naman ginustong magalit eh.. gusto ko lang naman mapag-isa eh... di kasi ako nag-iisip... kala ko kasi lahat ng tao manloloko...”
“inaamin ko kuya, kasalanan ko yung lahat... at gagawin ko ang lahat para lang bumalik ka.. para lang magising ka... kahit ano.. kakantahan kita... paggising mo kuya, kakantahan kita araw-araw... paggising mo ipaggagawa kita ng maraming burger.. paggising mo iinom tayo ng maraming slurpee.. paggising mo pupunta tayo sa Comic Alley. Promise yan.. paggising mo... paggising mo sasabihin ko na sayo promise... kaya dapat gumising ka.. kasi pag di ka gumising di mo yun mararanasan lahat...”
“kuya... paggising mo... sana magkita pa tayo... promise, gagawin ko lahat ng pinangako ko”
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko sya sa pisngi.
Oras na para umalis.
Tinitigan ko sya ng mabuti.
“hihintayin kita Kuya... pang nagkita tayo ulit, di na kuya ang itatawag ko sayo...”
Biglang tumunog yung apparatus na nasa may ulunan nya.
Yung mahabang tunog.
Nagsipasukan ang maraming nurse at yung doktor na tumitingin sa kanya.
Pinalabas nila ako ng kwarto.
Habang naglalakad ako palabas ng ospital, bumalik sa akin lahat ng alaala.
From Harry V:
Bwahaha. Sino to?
To Harry V:
Ako po ito, si Tet. Hihi.
From Harry V:
“bwahaha! Miss Kinomoto, kamusta ka?”
To Harry V:
“oks lang po.. heto may klase na ako maya.. naisave mo na po ba yung other number ko? Tinext kita gamit yun nung isang araw...”
From Harry V:
“nakaw. Hindi pa nga eh. Haha, oo nga eh di kita nareplayan. Uy kain ka..haha”
To Harry V:
“tapos na po kuya. Kanina pa ako kumain kasi 12nn ang subject namin.. naku! Andyan na pala ang prof namin... sige po kuya, maya na lang ulit... eat well! ^___^”
Dun nagsimula ang lahat.
Sabi nga, lahat ng conversation sa text ay natatapos.
At ang conversation namin sa text na yun ay dun natapos. Pagkatapos kasi nun, nalowbat yung phone ni kuya at di na sya nakatext.
Siguro nga lahat ng bagay ay may hangganan.
At ito na yung hangganan nung amin.
Hindi lahat ng stories ay may magandang ending noh?
Kasi madalas pinapalagpas natin yung mga taong nandyan na sa harap natin.
Kasi madalas, di tayo marunong makinig.
Minsan mas pinapakinggan pa natin yung galit.
Kala ko nung nakita ko sya... sya na yung prince charming at ideal man na matagal ko ng hinihintay.
Sya na kasi yung perfect man para saken.
Yung naaalala ka lagi.
Yung alam lahat ng hilig mo.
Yung alam kung pano ka patatawanin pag malungkot ka.
Yung ipagtatanggol ka.
Pero dahil sa pagtatanggol nya, napahamak naman siya.
Napakalaki ng pagkakataong sinayang ko.
Kasi kung di lang matigas ang puso ko.
Kung di ko lang inisip na lahat ng lalaki ay manloloko.
Kung nakinig lang sana ako.
Kaya lang..
Kahit gaanong pagsisisi man ang gawin ko...
Di ko na maibabalik pa.
Wala na akong maibabalik pa.
At ako...
Marami akong natutunan...
Natutunan ko na sa susunod kitang makita, di na kita bibitawan.
Tenth date with him
“IN THE END I WANNA KEEP STANDING…. AT THE BEGINNING…. WITH YOU...”
“yey sa wakas! Whew!”~Zyke
“tara! Tayoy magparteeeyyy! Hahaha...”~Wendy
“mga loka-loka.. tayo’y may appointment pa noh... may event pa dun sa AVR! Tayo’y gumora na.”
Tapos na ang Final defense ng thesis namin. Nakakatuwa lang. Ambilis ng panahon. Parang kelan lang, nasa byahe kami papunta sa UPLB. Tapos ngayon, nakaraos na sa Thesis.
Pinanood ko sila Wendy at Zyke habang masaya silang naglalakad sa pathway. Ang saya lang naming tatlo.
Ako? Kung tatanungin nyo ako, ahm.. ang masasabi ko lang, medyo ok na ko.
Wala na akong balita kay Kuya. Hindi ko na alam kung anong nangyari eh. Basta hindi na sya nagtext. Malamang nasa ospital sya eh noh? O baka wala na dun.
Di na rin sya nagwattpad.
Di na sya nag-UD
Di na sya nagFB
Ayaw kong mag-isip ng masama,
Naniniwala ako na kung nasan man sya ngayon, ok na sya. At pag naiisip kong OK na sya, ok na rin ako.
Naalala ko pa pagdating ko dito sa Rizal, ako pa ang naging headline ng newspaper ng school. Balitang-balita sa radyong sira, EIC Witnessed a Crime in UPLB.
Ako na. Ako na ang nabalita.
Dumaan kami sa Pateńa’s Square. Andami namang tao. Ano kayang meron noh?
Andaming sasakyan eh. Kala mo naman may big event eh sa pagkakaalam ko eh seminar lang naman ang gaganapin sa AVR.
Pagpunta namin ng 3rd floor, napakaraming camera sa daan. Ano ito?
“uy Wendy, nananaginip ba ako? Kurutin mo nga ako?”
Kinurot nya nga ako.
“aray! Masakit nga! Di pala ako nananaginip!”
“eh di natauhan ka rin.. halika na nga!”
Pumasok kami sa loob ng AVR. HUWAW! Grabe hanggang loob andaming tao. At marami ding CAMERA! Take note, national television pa. Kutakot nga iyan. Kelan pa naging mayaman ang school namin?
Naghanap kami ng upuang bakante sa likod. Pakiramdam ko lahat ng tao saken nakatingin. O ilusyon ko lang yun. Ilusyunada kasi ako eh. Hahay.
Nagsalita na yung MC.
“We are about to start in 2 minutes. Kindly have your seats ladies and gentlemen.”
Tinawagan ko yung Photojournalist namin. Bakit ba wala pa rin yun hanggang ngayon?
May nagplay ng piano na naging dahilan kung bakit napatunghay ako.
San yun galing?
Lahat ng nota, pati na ang rhythm nun. Nasa memorya ko yun.
Bawat tunog.
Yun yung tunog na nagpapasakit sa puso ko.
Dahil tuwing naririnig ko yun, naaalala ko na minsan, may isang taong nagmahal sa akin. Pero di nya pwede sabihin at ipakita kasi mapapahamak ako.
At nung araw na nalaman ko yung totoo, nagalit ako sa kanya.. at hayun...
Tanging memorya na lang ang natira.
Bakit ba pinaalala pa?
Di ba sabi ko okay na ko?
Di ba sabi ko magiging okay na ko?
Pero bakit sa isang iglap lang, nadudurog na yung puso ko?
“inaamin ko kuya, kasalanan ko yung lahat... at gagawin ko ang lahat para lang bumalik ka.. para lang magising ka... kahit ano.. kakantahan kita... paggising mo kuya, kakantahan kita araw-araw... paggising mo ipaggagawa kita ng maraming burger.. paggising mo iinom tayo ng maraming slurpee.. paggising mo pupunta tayo sa Comic Alley. Promise yan.. paggising mo... paggising mo sasabihin ko na sayo promise... kaya dapat gumising ka.. kasi pag di ka gumising di mo yun mararanasan lahat...”
“kuya... paggising mo... sana magkita pa tayo... promise, gagawin ko lahat ng pinangako ko”
“hihintayin kita Kuya... pang nagkita tayo ulit, di na kuya ang itatawag ko sayo...”
“di ba sabi mo pag nagising ako kakantahan mo ako? Ipaggagawa mo ako ng burger at iinom tayo ng maraming slurpee. Saka pupunta tayo sa Comic Alley.”
Spell tulala.
“wag mo lang ako basta titigan Tet. Di ba may mga promise ka saken?”
Bigla na lang lumaglag si luha.
Aish, pahamak kang luha ka kahit kelan. Magdisappear ka dali!
Bigla ko syang niyakap.
“*huk* akala ko wala ka na... kala ko iniwan mo na ko.. kala ko di ka na gigising..”
“pwede ba yun? Eh hindi mo pa nga sinasabi saken ang magic word?”
“huh? Anong magic word?”
Ano namang pinagsasasabi nito? Baka nga nananaginip lang ako.
“di ba sabi mo may sasabihin ka saken?”
“ah.. oo nga.. pero..” napatingin ako sa paligid. Halimaw na mga tao to. Ako pala ang bida ngayong araw. Wala man lang akong kaalam-alam. At hiyang-hiya naman ako sa pagbroadcast ng kaechusan nitong taong to sa harap ko.
Pero kahit echos sya, sya pa rin naman ang taong sasabihan ko ng...
“I LOVE YOU... HARRY”
[now playing KAZEMACHI JET... click the video on the right side]
Everything would be OKAY in the end..
If it is not okay, then it is not yet the end..
Sabi nga sa kanta, love moves in mysterious ways.
Hindi ko alam kung pano... anong nangayari... at bakit...
Ayoko na itanong.
Ang mahalaga lang, yung prince charming at ideal man ko ay nasa harapan ko na.
Ang taong magtatanggol saken.
Ang taong nagpapahalaga saken.
Kahit na wagas na kadramahan ang naganap sa amin.
Kahit na akala ko namatay na sya.
Di na yun mahalaga.
Basta...
Andito na sya.
Umeechos man sya.
At talagang on national TV pa.
Kaya for sure... headline ako nito bukas.
Ang tagapagbalita ay mababalita.
Walang epilogue.
Di ako naniniwala dun eh.
Ang isang love story, walang katapusan. INFINITE.
Di sya nagtatapos kasi habang nandyan kayo pareho at lumalaban, mananatili ang pag-ibig sa inyo.
Tulad ko.
Dati nangangarap lang ako na magkaron ng prince charming.
Kala ko si ex na yun.
Tapos nagkaron ako ng bagong buhay.
Nasabak ako sa madugong rally.
Nakakita ako ng barilan..
Iniyakan ko sya.
Pero ngayon...
Nasa harap ko na sya.. nakangiti.. at masaya...
Ang totoo nyan... di pa naman talaga ending..
Dahil ang tunay na istorya naming dalawa..
Ay bago pa lang mag-uumpisa...
-end-
©August 2012 by tetcute/zeihcastalone
Visit me here
http://www.wattpad.com/user/zeihcastalone
http://www.wattpad.com/user/tetcute
TRIVIA
Ten First Dates With Him- napulot ko lang talaga ang title nyan sa tabi-tabi habang naglalakad ako sa putikan. Charot. Haha. Kidding aside, bigla na lang kasi pumasok sa utak ko yan. Gusto ko kasi gumawa ng isang story na hanggang 10 chaps lang. Commonly kasi eh 40 chaps ang inaabot ng mga story ko. Yung kanta na nakainsert ay “AT THE BEGINNING” by Donna Lewis at Richard Marx. Click the external link.
Trisha Eternity-Tet kasi ang nickname ko kaya pinahaba ko yung nickname. Haha. Oops! Hindi ako si Tet. I mean, yes pareho kaming editor in chief pero di ko po sya kaugali. Pero siguro.. konti lang.. haha.
Harry-katunog kasi sya ng ** hehe. Existing po talaga si Kuya Harry at totoong nag-aaral sya sa UPLB. Wattpad user din po sya. Pero secret na kung sino sya. Yep, dun ko nakuha yung idea sa story na to. Pero ang totoo, wala po akong gusto sa kanya at never ko pa sya nameet. Never ko pa din nakita hitsura nya. Oh well. Ganun talaga. Pero sobrang galing nya sa tagalog promise. Di ka mananalo ng duguan sa kanya haha. Saka magaling din sya magcompose at magpiano. So lahat ng katangian ni Harry ay binase ko lamang kay kuya **. ^____^
Wendy-naalala ko lang ang peter pan. Haha. No significance. Wala akong kaklaseng ganyan din mag-isip. Pero baka si Jovz na thesismate ko. haha
Zyke-he never exists. Pero baka si Arvin na thesismate ko rin yan.
Troy- mas lalo namang he never exists. Haha. Pakulo ko lang yan para masaya. Kung wala si Troy, wala din ang storyang to noh.
So hayun. Natapos na ang story nila. Wala pong BOOK 2. Busy po talaga ko at nainspire lang ng konti kaya nakasulat. Besides, ayaw ko ng dagdagan ang kasalanan ko kay Kuya. Haha. Di nya kasi alam to.
Salamat po sa pagbasa!
Comment po kayo ha?